CHAPTER 6
CHAPTER 6
"SERYOSO ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie sa 'kin.
Umirap ako sa kanya. "Sasabihin ko ba sa'yo kung hindi totoo."
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Nandito kami ngayon sa bakuran at napag-isipan na mag-almusal.
"Pero ang swerte mo, hindi kana mahihirapan na hanapin siya. Palay na ang lumalapit sa 'yo kaya tukain mo na!" salita nito at sumimsim sa kanyang kape.
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. "May plano na nasa utak ko kaya hindi na 'ko mahihirapan sa gagawin ko."
"Sure ka ba d'yan? Baka mamaya ikaw ang masasaktan niyan sa dulo," paalala nito sa 'kin.
Napabugtong hininga ako at tumayo. "Dito ka muna at gigisingin ko muna ang prinsesa ng makapagalmusal na siya."
Tumango siya. "Sige, kukuha na lang ako ng makakain niya."
Ningitian ko lang siya at nag-tungo na sa 'king kwarto. Pagdating ko do'n kumunot ang noo ko ng makarinig ako mahinang tunog. Parang vibrate siya na hindi mo maintindihan.
Binuksan ko ang pintuan at nanlaki ang mata ko sa 'king nasaksihan.
"Aksana!"
"Ate!"
Naibagsak niya ang hawak nito at sapo ang kanyang dibdib. Sumimangot ito at inirapan ako.
"Bakit ka ba nanggugulat!" inis nitong saad sa 'kin.
Hinablot ko sa kanya ang hawak-hawak nitong sex toys. Nakalimutan kong i-lock ang drawer na pinaglalagyan nito!
"Bakit mo pinapakielaman 'to!?" giit ko sa kanya.
"Eh, bakit ka may ganyan! May pink bang pututoy? Tapos gumagalaw pa," asik nito sa 'kin at naupo sa kama.
Napakamot na lang ako sa 'king ulo dahil sa pinagsasabi niya.
"Huwag mo ng pakikielaman ang gamit ni ate mo," pangsesermon ko sa kanya.
"E'di sorry na," ma-attitude nitong wika.
Napailing na lang ako dahil doon.
"Eh, bakit ka may ganyan, Fria? Nakakakiliti yung kulay black!" natatawa niyang kwento sa 'kin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "Ano!?"
"Nakakakiliti dito oh," tinuro niya ang kanyang likod at humagikhik. Akala ko ba naman kung saan niya 'yon nilagay!
"Nama-massage ang likod ko. Akin na lang 'yan, dadalhin ko sa school para ma-massage ang likod ng kaibigan ko doon!" Tuwang-tuwa pa ito sa pinagsasabi niya.
"Hindi p'wede. Magagalit ako kapag nakita ko pa na hawak-hawak mo 'to," seryoso kong wika sa kanya.
Nawala ng parang bula ang kanyang ngiti sa mukha, pagkatapos ay humalukikip ito at tumingin sa 'kin ng masama.
"Ang panget mo!" binato niya ako ng unan pero naiwasan ko kaagad 'yon.
Mahina akong natawa at pumunta sa kanya para kilitiin. Humalakhak siya at sinabunutan ang buhok ko, kapag talo na siya buhok ko ang pinupuntirya nito.
"Ikaw, ah! Anong pututoy 'yang sinasabi mo! Bad 'yon, baby ka pa!" pang-sesermon ko sa kanya.
Humaba ang kanyang nguso at inikot-ikot ang kanyang maliit na daliri sa 'king buhok.
"Eh, kasi. Yung classmate ko na lalaki nakikipaglaro sa harap ng blackboard tapos nag huhubaran sila ng short kasama ang brief," humagikhik ito sa 'kin at nilapit ang bibig sa 'king tenga. "Maliit ang pututoy nila."
Pinakita niya pa sa 'kin kung gaano 'yon kaliit na ikinatawa ko. Napakasalbahe!
"Bad 'yan. Dapat hindi ka tumitingin!" giit ko.
"Paano ako makakaiwas eh huli na ang lahat, Fria. Nakakainis ka alam mo ba 'yon," tumayo ito sa pagkakahiga at nag-tungo sa CR.
Humalakhak ako at sinundan siya.
"Bilisan mo para maihatid na kita sa school."
Dumungaw ang ulo niya at abot hanggang langit ang ngiti niya. "Talaga! Excited na 'ko!"
Napailing na lang ako at naupo sa kama para hintayin siya. Napako ang tingin ko sa cute sized picture namin ni Cattalina. Ito yung picture na nasa Paris, France kami.
Kinuha ko 'yon at bumalik sa pag-kakaupo sa kama.
"Sino 'yan, Fria?"
Napatingin ako kay Aksana na nakatapis nang tuwalya. Tumayo ako at kinuha ang uniform sa cabinet.
"Bestfriend ko," tipid kong sambit.
"Talaga? Ang ganda niya! Gusto ko siyang makita, p'wede ba?"
Natigilan ko sa sinabi nito. Nag-lakad ako papunta sa kanya at pinunasan ang kanyang buhok.
"P'wede naman pero... hindi ko pa alam kung kailan."
Ngumiti siya sa 'kin at hinalikan ang pisngi ko. "Okay! Mag-hihintay na lang ako."
Tinanguan ko lang siya at sinuotan siya ng medyas. Sinunod ko ang pagsuklay ng kanyang pula at kulot na buhok.
"Fria, may tanong ako," sabi nito at inayos ang kanyang ribbon.
"Ano 'yon?"
"Bakit malaki 'yong ganyan mo," tinuro niya ang dibdib ko. "Tapos sa 'kin ang liit."
Kinuha ko ang kanyang bag at hinawakan ang kanyang kamay. "S'yempre baby ka pa."
Lumabas na kami sa kwarto at nagtungo sa bakuran. Naabutan ko si Stephanie may kausap sa phone, ng makita kami binaba niya 'yon at kinawayan si Aksana.
"Goodmorning, Axe!"
"Goodmorning din, Tita Stephanie!"
Naupo kami sa upuan at pinakain siya. Sinubuan ko na lang siya para mas madali dahil malalate na siya sa school.
"Alam mo ba tita, si Fria may pink na pututoy doon sa drawer niya," humagikhik ito na parang tuwang-tuwa siya sa pagkwe-kwento.
Napairap na lang ako at pinainom siya ng tubig. Humalakhak si Stephanie at tinignan ako.
"Nakita niya?" Natatawa nitong tanong.
Umirap ako at tumango. "Oo, nakalimutan ko kasing i-lock."
Tumawa siya at nagpaalam na mauuna na siya. Kami na lang ni Aksana ang natira rito sa bahay.
"Tara na," pag-aaya ko sa kanya.
Tumango siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Tara na!"
"HETO NA yung invitation card mo sa kasal ko," inabot sa 'kin ni Rose ang invitation card.
"Salamat," nakangiti kong wika at tinanggap 'yon.
"Heto rin pala 'yong susuotin ng kapatid mo! Gusto ko nakalugay buhok niya, ah. Naku! Mukhang pinaglilihian ko ang kapatid mo!" masaya niyang wika.
Pagkatapos ng anniversary ng Poufiasse Club Agency nag resign na siya. Agad naman siyang nakaalis dahil valid ang reason nito kung bakit siya mag reresign.
"What do you mean?" kunot noo kong tanong.
Lumawak ang kanyang ngiti at tumango ng ilang beses. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa tiyan niya.
"B-buntis ka?"
Napapitik ito sa hangin. "Natumpak mo!"
Umangat ang kamay ko at mahinang hinila ang kanyang buhok.
"Buntis ka pala pero bakit ka uminom ng alak no'ng anniversary party!"
"Aray ko naman! Konti lang naman 'yon!"
Binitawan ko ang buhok niya at inirapan siya. "Siraulo ka talaga! Gusto mo bang may mangyari na hindi maganda sa anak mo?" sermon ko sa kanya.
Inirapan niya ako at hindi sumang-ayon sa tanong ko. Sira talaga ang babaeng 'yon. Nagpaalam siya na uuwi na raw, dumaan lang siya rito para ibigay ang invitation card sa 'kin.
Naglakad ako papunta sa reception para itanong kung anong room number ang papasukan ko.
"I'm sorry Ma'am pero wala pa pong nakapagbooking sa 'yo."
Kumunot ang noo ko dahil doon. "What? Pakicheck ulit, nag-text yung kaibigan ni Rose na may nakapagbooking na sa 'kin."
"Okay, Ma'am."
Makalipas ng ilang minuto wala parin.
"Wala po talaga, Ma'am."
Napahilot na lang ako sa 'king sintido. "Paki-check na lang ulit, last na."
"Sure," nag-tipa ulit ito sa keyboard habang ako ay hinihintay ang resulta.
"It was me who gave the previous receptionist the request to cancel your client's booking."
Sabay kaming napatingin ng biglang may nagsalita sa gilid. Lalong kumunot ang noo ko ng makita kung sino 'yon.
"Ano bang problema mo? Bakit mo 'yon ginawa?" naiinis kong wika.
Hindi naman ako makakapagserve ngayon sa bar dahil sarado 'yon tuwing lunes. Wala akong nagawa uuwi na lang ako at baka bukas meron ng naghihintay na kliyente ko.
Naiinis na tinalikuran ko siya at lumabas sa building ng PCA.
"Wait!"
Mas binilisan ko ang pag-lakad ko para hindi niya ako maabutan. Pero sa huli ay naghawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.
"Ano ba talagang problema mo?"
Huminga siya ng malalim bago nag-salita. "I just want to talk to you."
"About what?" binaklas ko ang kanyang kamay na nakahawak sa 'king braso.
"About the anniversary party. I just want to say sorry."
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha kung sincere ba ang paghingi nito ng tawad sa 'kin.
"Nasabi mo na ang dapat mong sabihin. Nag sorry kana sa 'kin, p'wede na ba akong umalis?"
Napabugtong hininga ito. "Can we talk? In the starbucks, my treat."
"Pero ang swerte mo, hindi kana mahihirapan na hanapin siya. Palay na ang lumalapit sa 'yo kaya tukain mo na!"
Ang swerte ko talaga.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at tumango. "Sure."
Bahagya pa siya nagulat dahil sa pag-ngiti ko. Hindi na talaga ako mahihirapan.
Tinalikuran ko siya at naunang maglakad, nawala ang ngisi ko ng may naglakad papunta sa 'king pwesto. Lalake 'yon at ang mata nito ay nangangalit.
Sa 'kin talaga siya nakatingin hanggang sa dumapo ang palad nito sa 'king pisngi. Napabaling ang muhka ko sa kaliwa at nalasahan ang sariling dugo sa labi. Parang nabingi ako doon at namanhid ang kanan kong pisngi.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top