CHAPTER 5

CHAPTER 5

WALANG tigil si Rose sa pag-tusok sa 'king tagiliran. Halatang kinikilig siya ng makita si Dominic na nasa tabi ni Mr. Cancon.

"Oh my god, He is so sizzling hot! I want to fuck him," halos hindi na niya ma-control ang sarili niyang bibig. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik sa tabi niya.

Malaya kong tinignan si Dominic. His perfect chiseled face and a well-cut jaw. His body is well-built, halatang nag-ggym. Kasama naman din 'yon sa pag eensayo nila dahil kasama siya sa Gorqyieds Organization. But past is past.

Nakatagilid ito dahil may sinasabi pa sa kanya si Mr. Cancon. Kitang kita ko ang kanyang matangos na ilong, dahil maputi ito bumagay ang kanyang itim at magulo na buhok. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa 'king balat.

Maputi siya pero maputla ako.

His beautiful narrow eyes that easily captured your heart and also his red lips pressed into a thin line. Iniwas ko ang tingin ko ng biglang kumurba sa kanyang labi ang matamis na ngiti.

Narinig ko ang pag-singhap ng ibang kababaihan dahil sa pag-ngiti nito. Ngayon, kitang-kita namin ang ngipin nitong kasing kulay ng puting perlas.

"His teeth is very white! Kung ganyan ang ngipin ko isusuggest ko na nakangiti ako kahit patay na," humagikhik siya at tinititigan ng mabuti kay Dom.

Mahina akong natawa sa sinabi niya at hindi maiwasang hindi tumaas ang sulok ng aking labi. Poor him, nakapasok siya sa kwadra ng mga nagugutom na leon. Alam kong maraming gustong kababaihan na ma-ikama siya.

"Please give a pleasant applause for Mr. Dominic Oix Suarez," binigay ni Mr. Cancon ang mic kay Dom at umatras.

Kinuha nito ang mic at humarap sa amin.

"Good evening ladies and... gentlemen?" Mas maraming babae ang nandito kaysa sa lalake. Meron naman pero kaunti lang, siguro nasa mga sulok-sulok lang 'yon.

"Thank you Mr. Cancon," lumingon siya sa likod at binagyan ng simpleng tango si Mr. Cancon bago humarap sa sa amin. "Because he invited me for this event," salita nito habang palipat lipat ang tingin sa ibang tao.

"I'm his new business partner here in the Poufiasse Club Agency, please be nice to me, happy 10th anniversary PCA," he said in a deep baritone voice.

"Spank me daddy!" sigaw ng isang babae hanggang sa dumami na ang nagsalita. Nakisama roon si Rose.

"Can we fuck him?!" malakas na sigaw ni Rose.

Sumang-ayon ang ibang babae. Nag-kagulo na ang loob ng hall. Natatawang umupo siya sa tabi ko at hindi mapakali.

"I can't wait to fuck him, Delaihla. I think his manhood is huge and thick!" nakatingin siya sa kisame at para bang iniimagine ang sinasabi nito.

Sinakop ng buong hall ang halakhak ni Mr. Cancon. Natahimik ang buong kababaihan, kinuha nito ang mic ni Dom at nagsalita.

"Easy there ladies, Mr. Suarez is not available," natatawang saad ni Mr. Cancon.

Lumawak ang ngiti ni Dom at nakitawa rin ito. Nadismaya ang iba dahil doon pero may nag-pupumilit parin.

"Enjoy the night ladies," nilingon nito si Dom. "And you also Mr. Saurez," tipid itong ngumiti at naglakad papuntang backstage.

Sumunod ito kay Mr. Canco at sakto no'n nagkasalubong ang tingin namin. Tumagal 'yon ng ilang segundo pero hindi ko pinakita na nagulat ako. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

Ako ang unang umiwas at uminom ng alak sa 'king wine glass. Nilingon ko si Rose na nakasimangot, akala mo ay pinagsukluban ng langit at lupa.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya napabugtong hininga ito. "I thought he's available. Imagine, I was staring at him and my body feels hot! I can feel my wetness between my legs!" halos mabaliw siya habang sinasabi 'yon.

I laughed and shook my head. "Aw! It's okay. You can use your dildos," I joked.

Umirap siya sa 'kin at sumimsim sa kanyang alak. "That's not a good joke, Delaihla. I'm telling the truth. I'm wet."

Pinagdiinan niya pa ang salitang 'wet' sa akin kasama ang panlalaki niya ng mata.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan na lumabas ang halakhak ko. Tinapik ko ang kanyang balikat.

"It's okay. Baka may inimbita pa si Mr. Cancon, malay mo may maikama ka," natatawa kong saad.

Inirapan niya ako at sumubo ng pagkain.

Napailing na lang ako at pinagmasdan ang mga taong nagkakasiyahan, tama nga ang hula ko. May mga lalaking dumadating ngayon. Dumapo ang tingin ko kay Dom na pinagkakaguluhan ng babae, nangunguna roon si Alyse ang pinaka whore sa lahat ng whore. Ganon naman din ako pero mas malala siya.

"Delaihla," mahinang saad ni Rose.

Agad akong humarap sa kanya dahil kakaiba ang tono nito.

"Bakit?"

Ngumiti siya sa 'kin at huminga ng malalim bago magsalita. "May itatanong kasi ako," salita niya habang nakatingin sa 'king mata.

Humarap ako sa kanya. "Sige, ano ba 'yon?"

"Kailan ka mag aasawa or mag-aasawa ka pa ba?" tanong nito sa 'kin na ikinakunot ng aking noo.

"Ano bang klaseng tanong 'yan," natatawa kong saad.

"Maayos naman ang tanong ko 'di ba?" Seryoso niyang saad.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang kanyang sagot. Kung ano-ano na naman ang sinasabi niya.

"Hindi na yata," seryoso kong sabi.

Alam naman niya ang rason kung bakit 'yon ang sinabi ko. Maliban kay Stephanie si Rose ang nasasandalan ko kapag nahihirapan na 'ko sa buhay.

Siya lang ang pinakaclose ko sa lahat ng katrabaho namin dito sa Poufiasse Club Agency.

"Naiintindihan kita, pero kung sakaling mag-aasawa ka. Gusto ko nandoon ako sa araw ng kasal mo," mahinahon niyang saad.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Bakit ganyan ka magsalita?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya sa 'kin. "Aalis na'ko rito. Nakalimutan ko kasing sabihin sa'yo na ikakasal na 'ko," pinakita niya sa 'kin ang singsing sa kanyang daliri.

Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Totoo!?" hindi ako makapaniwala na ikakasal na siya!

Naluluhang tumango siya. "Oo!"

"A-anong sabi niya ng malaman niya ang tungkol sa 'yo? I mean tungkol sa ginagawa mo rito?" pag-tukoy ko sa pagtratrabaho niya rito sa PCA.

Nag-iba ang emosyon ng mukha nito. Kumurba sa kanyang labi ang ngiti pagkatapos ay maarteng pinunasan ang luha. "Tanggap niya ako, akala ko kamumuhian niya 'ko pero hindi. Sinabi ko sa kanya lahat ng pinagdaanan ko kung bakit ako nag-tratrabaho rito sa PCA."

Umusog ako papalalit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. "I'm so happy for you, Rose."

"Thank you," naiiyak niyang saad.

Siya ang unang bumitaw sa pag-kakayakap sa 'kin. Pinunasan niya ang kanyang luha at nagtawanan kami.

"Kailan ang kasal?" natatawa kong saad.

"Malapit na. Tatawagan na lang kita, gusto kong isama mo 'yong cute mong kapatid! Kukunin ko siyang flower girl," masaya niyang saad.

"Nako! Matutuwa na naman 'yon kapag sinabi ko 'yan sa kanya," bakas sa kanyang mukha ang saya.

Sa wakas nahanap niya na rin ang para sa kanya. Maraming siyang pinagdaanan lalo na sa lovelife nito, siya na ang sumuko at hinintay na lang niya ang para sa kanya. Kaya heto ikakasal na pala siya!

"Ikakasal ka na pala bakit may pa tanong ka kanin—" hindi ko naituloy ang sinabi ko ng putulin niya 'yon.

Inirapan niya ako at humalukipkip. "Joke lang 'yon," asik nito sa 'kin.

Mahina akong natawa sa sinabi nito. Nag-paalam ako sa kanya na pupunta muna ako sa restroom dahil nararamdaman ko na lumuluwag ang tali ng buhok ko. Hawak ko ang buhok ko bilang alalay ng biglang may bumangga sa 'kin.

"Ouch."

Sa sobrang lakas ng pag-kakabangga nito sa 'kin natanggal ang hair pin na binigay ni Aksana. Dahil nga maluwag na ang pagkakatali ng buhok ko umaangat narin ang pin na nakalagay doon kaya tuluyan na natanggal nang binangga ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Pinagpag ko ang pwetan ko at wala sa sariling napahawak sa 'king buhok. Nakalugay na ito.

"Are you okay?"

Inangat ko ang tingin ko para tignan kung sino 'yon. Kung minamalas ka naman, oh. Hindi ko siya pinansin at bumaba ang tingin ko para hanapin ang pin.

"What are you looking for?" he asked.

"Hair pin," tipid kong saad.

Yuyuko na sana ako ng makita 'yong pin ng biglang dinumog kami ng mga babae. Napaatras ako hanggang sa makapasok sa restroom ng babae.

"Hey!" wika ko at walang pumansin sa 'kin.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang hitsura ko sa malaking salamin. Alam ko na ang nararamdaman ni Aksana nung nasira ang binigay kong hair clip sa kanya. Kailangan kong mahanap 'yon.

Inayos ko ng konti ang buhok ko at nag retouch na rin. Wala sa sariling napahawak ako sa 'king buhok.

Simula ng sinabihan ako ng Cattalina na huwag akong mag wiwig dahil maganda naman ang buhok ko, tinigil ko na 'yon. Unti-unti ko ng minamahal ang kulay ng buhok ko.

Naghugas ako ng kamay at nag-mamadaling lumabas para mahanap ang hair pin. May kausap si Rose pagbalik ko sa upuan, natigil lang 'yon ng makita ako.

"Oh, bakit nakalugay na 'yang buhok mo," tanong nito sa 'kin.

"Nasira kasi yung tali. May nakita ka bang hair clip?" tanong ko sa kanya.

"Yung nakaipit d'yan sa buhok mo?" tanong ulit nito.

Mabilis akong tumango at hinawi ang buhok ko.

"Wala akong nakita pasensya kana."

Napabugtong hininga ako at tumayo. Pumunta ako sa bar counter at humingi ng alak.

"Enjoy your drink," masayang sambit ng bartender.

Ngumiti lang ako at tinanggap ang alak. Umupo high chair at pinagmasdan ang mga tao na nagkakasiyahan. Mahina akong natawa ng makita ko si Rose na sumasayaw sa dance floor.

Bumaba ang tingin ko sa'king relong pambisig para tignan kung anong oras na.

"10:20," I whispered.

Namimiss ko na kaagad siya. Mga 11 o'clock uuwi na 'ko, wala naman akong gagawin dito kundi tignan silang nagkakasiyahan.

"Looking for this?"

Sumimsim muna ako ng alak bago tignan kung sino ang nag-salita. Binaba ko ang baso at tumagilid para magkaharap kami.

Nakasandal siya sa bar counter habang nakapamulsa. The side of his lips rose up while waving his right hand, holding my hair pin.

"Give it to me, that's mine," I said.

Nilahad niya sa 'kin ang hair pin. Umangat ang kamay ko para kunin 'yon pero binawi niya kaagad 'yon.

Nag-salubong ang dalawang kilay ko dahil doon. What's wrong with him? I'm getting annoyed.

"Long time no see," salita nito habang nakatingin sa 'king mata.

Doon ako nakakuha ng pag-kakataon na makuha sa kanya ang hair pin. Hindi siya nagulat sa ginawa ko sa halip ay natawa siya.

"I don't care," I hissed.

He crossed his arm over his chest and started to play his lips with his fingers. "Be thankful because I saved you when you fell into the cliff—"

"Bakit may sinabi ba 'ko na iligtas mo'ko? Huwag mo 'kong sumbatan dahil lang sa pag-ligtas mo sa'kin," pag-putol ko sa sinabi nito.

Tumalim ang titig ko dahil sa sinabi nito. Tumawa lang ito na ikinainis ko, unti-unti ng umiinit ang ulo ko sa kanya.

Inis na tumayo ako, sinakop ko ang buong buhok ko at ipinaikot hanggang sa maging bun ito. Inipit ko ang hair pin para hindi 'yon matanggal. Huminga ako ng malalim at hinablot ang aking purse.

Sinalubong ko ang kanyang titig. "Alam mo nagpapasalamat talaga ako dahil niligtas mo 'ko. Pero nanunumbat ka, eh. Nakakabastos lang kaya sana tigilan mo na 'yon," galit kong saad at tinalikuran siya.

Nagtungo ako sa table namin ni Rose para magpaalam na aalis na 'ko.

"Rose," tawag ko sa kanya.

"Bakit?" tanong nito habang umiinom ng alak.

"Uuwi na 'ko," pag-papaalam ko.

Kumunot ang kanyang noo dahil doon. "Masyado pang maaga, hindi ka mag-seserve sa bar mamaya?"

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na muna, gusto kong magpahinga."

"Oh sige, ingat sa byahe," niyakap niya ako bago ako lumabas sa main hall.

Hindi pa'ko nakalabas sa PCA may humila sa braso ko. Inis na hinarap ko ito at tinignan kung sino 'yon.

"Wait."

My brows furrowed. "Ano na naman bang problema mo, Dom?" asik ko rito.

"I have something to tell," salita nito habang nakahawak parin sa 'king braso.

"What?"

"Cattalina is looking for you," salita nito habang nakatitig sa 'kin.

Binaklas ko ang kanyang kamay sa 'kin braso at sinalubong ang kanyang titig.

"'Yon lang ba sasabihin mo? Tapos kana ba?"

"Yes," salita nito at pinaglandas ang kanyang daliri sa kanyang itim na buhok.

Hindi ko sinagot ang kanyang sinabin basta ko na lang siyang tinalikuran at lumabas na sa PCA building. Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng bahay ko. Buong byahe akong tulala.

Cattalina is looking for you.

Cattalina is looking for you.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sariling huwag umiyak. Pinangako ko sa kanya na hindi iputol ang koneksyon namin sa isa't-isa, pero pinutol ko 'yon.

Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko pero 'yon ang mahalaga para sa bagong buhay o pangalawang buhay ko. Kalimutan ang nakaraan at gumawa ng panibagong buhay.

I miss you, Cattalina.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top