CHAPTER 5
CHAPTER 5
DELAIHLA FRIA HATT
Patanghali na nang makauwi ako. Dinaanan ko pa rin kasi sa bahay ni Rose ang long gown na hiniram ko sa kanya. Saka pa lang ako nakadiretso sa pharmacy matapos no'n.
Isang emerald green na sexy-deep V-neck backless long gown ang siyang napili kong hiramin kay Rose. Lalong lumalabas ang hubog ng katawan ko dahil medyo hapit ang gown sa bandang baywang ko. Sumagi rin sa isip ko si Aksana habang sinusukat ang gown. Mukhang magagalit na naman siya kapag nakita niyang suot ko ito.
"Alam mo, Fria, ang saya doon sa bago kong school."
Sumampa sa kama si Aksana at dumapa. Tinukod niya ang dalawa niyang palad sa ibaba ng kanyang baba habang nakatingin sa akin.
Umikot ako papunta sa kanya.
"Talaga?" masaya kong tanong.
"Oo naman! Tuwang-tuwa sila sa buhok ko. Sabi ng iba, sana gano'n na lang daw buhok nila." Malalaman ko talaga kung masaya ang kanyang kinikwento o hindi dahil sa boses niya. Madali lang siyang mabasa at mababaw lang din ang kanyang kaligayahan.
"Mabuti naman kung gano'n. Wala nang umaaway sa 'yo," wika ko.
Umikot ako sa harap ng salamin at sinubukan ang eyeshadow na babagay sa akin mamayang gabi kapag nag-make up na ako.
"Ano ba naman 'yan, Fria! Bakit mo 'ko tinatalikuran? Galit ka ba sa 'kin?" maktol niya.
Natatawang hinarap ko siya at umiling. "Bakit ako magagalit sa 'yo? May ginawa ka bang masama?"
Mabilis siyang umiling saka bumaba sa kama para lapitan ako.
"Wala. Good girl kaya ako." Tumingin siya sa 'kin. "Anong ginagawa mo?" pang-uusisa niya.
Pinakita ko sa kanya ang eyeshadow na pinagpipilian ko.
"Pumipili kasi ako ng eyeshadow," paliwanag ko.
Tumango-tango siya, nakakunot ang noo. Tiningnan ko ang tinuro niyang eyeshadow sa palette na hawak ko, isa 'yong nude eyeshadow.
"'Yan! Bagay 'yan sa 'yo!" malakas niyang sigaw.
"Aray naman," daing ko.
Napapikit ako at napahawak sa aking tenga. Ang hyper na naman niya ngayon.
Mahina siyang natawa. "Sorry, Fria."
Napailing na lang ako at tumayo na. Kinarga ko siya palabas ng kuwarto at nagtungo sa sala.
"Aalis ulit si ate mo. Anniversary kasi ng pinagtatrabahuan ko kaya kailangan kong pumunta ro'n," pagpapaalam ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa 'kin, halatang pilit niyang pinapasok sa kanyang utak ang sinabi ko. Lumipas pa yata ang ilang segundo bago siya ngumiti sa 'kin at tumango.
"Okay! Ingat ka doon, ah?" malambing niyang sagot.
Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya. "Opo."
Binaba ko siya sa upuan at agad naman siyang naupo. Nagtungo ako sa maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga gamot ni Aksana.
"Aksana, uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko at hinarap siya.
Nanlaki ang aking mata dahil parang hinihingal siya habang nakahawak sa kanyang dibdib. Parang sinuntok ang aking dibdib dahil sa nakita ko. Nakabibinging tibok ng puso ko ang aking narinig.
"Aksana!"
Nagmadali akong kumuha ng gamot at tubig sa kusina. Kumaripas ako ng takbo patungo sa kanya at agad na pinainom sa kanya ang gamot.
"Bakit hindi ka uminom ng gamot mo!" galit kong usal.
Inalalayan ko ang pag-inom niya ng tubig. Wala pa ring tigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. Para akong kakapusin ng hangin. Iniiwas niya sa 'kin ang baso kaya nilapag ko 'yon sa lamesa. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang maayos na ang kanyang paghinga.
"Sorry kung nakalimutan kong uminom," mahina niyang tugon. Nakayuko siya at nilalaro ang kanyang mga daliri.
Huminga ako nang malalim at niyakap siya.
"Sa susunod huwag mo nang kalimutan uminom ng gamot. Natatakot ako na baka mawala ka sa 'kin," mahinahon kong sambit. Nagsimulang manubig ang aking mga mata.
"Kailan ba 'ko gagaling, Fria? 'Yong malalaro ko lahat ng gusto kong laro," malungkot niyang tanong.
Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.
"Nag-iipon pa si ate mo. Hindi ka naman p'wedeng operahan ngayon dahil bata ka pa. Kapag lumaki ka na, ipagagamot natin 'yang puso mo." Itinuro ko ang kanyang dibdib kung saan banda ang kanyang puso.
Ngumiti siya at tumango.
"Hindi na 'ko makapag-antay na lumaki ako, Fria. Gusto pa kitang makasama nang matagal," mahina niyang sabi.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Tumawa lang ako para maalis ang kaba sa aking dibdib at kiniliti ang kanyang leeg.
"Ano ba 'yang sinasabi mo? Siyempre makakasama mo pa 'ko nang matagal! Pangarap mo maging magaling na archer, 'di ba? Matutupad 'yon kaya kailangan mong mag-aral nang mabuti at alagaan mo rin ang sarili mo."
Mahigpit niya akong niyakap. Umangat ang kanyang ulo upang tingnan ako.
"Huwag kang mag-alala, Fria. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para sa pangarap ko." Nakangiti niyang sabi saka hinalikan ang pisngi ko.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Axe."
Bumitiw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.
"Tara sa bakuran! Gusto kong magpana, Fria." Hinila niya ang kamay ko at nagpatianod na lang ako.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Ako na lang mag-makeup sa 'yo. P'wede ba?" tanong ni Stephanie. Tipid ko siyang sinagot ng isang tango.
Alas-siete na ng gabi kaya naman nakagayak na ako ng suot sa aking long gown. Tinulungan din ako ni Stephanie sa pag-aayos ng buhok ko—isang upside-down braid and bun. Hinayaan ko lang din na mahulog ang ilang hibla ng buhok ko dahil bumagay naman 'yon sa hulma ng aking mukha.
Habang inaayusan ako ni Stephanie ay nahagip ng aking tingin si Aksana mula sa repleksiyon ng salamin. Nakabusangot siyang nakaupo sa kama. Naka-krus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib, nguso ay humahaba. Hindi talaga siya sang-ayon sa suot ko.
"Ganyan ba talaga susuotin kapag anniversary? P'wede ka namang mag-dress, Fria. 'Yong likod mo kitang-kita na." Bakas sa kanyang boses ang pagkairita.
Mahina akong natawa samantalang si Stephanie ay hindi na mapigilan na humalakhak.
"Party kasi ang puputahan ng ate mo kaya siya nakasuot ng ganyan," natatawang tugon ni Stephanie.
"Party pala ang pupuntahan niya, eh bakit noong Christmas party namin hindi mo 'ko pinasout ng ganyan?" inosenteng puna ni Aksana.
Napailing na lang ako at tiningnan siya sa repleksiyon ng salamin.
"Kapag malaki ka na, maiintindihan mo kung ano 'yon," mahina kong saad pero sapat na 'yon para marinig niya.
"Kapag dalaga ka na, Axe, p'wede kang magsuot ng ganito. Ewan ko na lang sa ate mo kung papayagan ka," natatawang sambit ni Stephanie saka naglagay ng eyeshadow sa 'kin.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Huwag mo 'kong gagayahin, Aksana. Pagdating ng tamang panahon, alam kong kamumuhian mo 'ko," seryoso kong sabi.
"Delaihla." Halatang hindi nagustuhan ni Stephanie ang sinabi ko.
"Hindi ako magsusuot ng ganyan," maarteng wika ni Aksana. Lumapit siya sa akin at tiningnan kung paano ako ayusan ni Stephanie.
"Good," nakangiti kong sambit.
"Tita Stephanie, gusto ko rin ng ganyan," ani Aksana sabay turo sa hawak na pang-makeup ni Stephanie.
"Nako, baby ka pa kaya hindi ka pa p'wede mag-makeup. Gusto mo bang masira mukha mo?" pananakot ni Stephanie.
Nanlaki ang mga mata ni Aksana at mabilis na umiling.
"Ayaw ko na pala."
Napangisi si Stephanie bago tapusin ang paglalagay ng make-up sa 'kin. Umayos ako ng tindig saka pinagmasdan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako dahil napakaganda ng ayos ko.
"Ang ganda mo ngayon, Delaihla," pagpuri ni Stephanie.
Mahina akong natawa at sumang-ayon sa sinabi niya. Kahit ako ay nagagandahan din sa 'king sarili.
"Ngayong gabi nga lang," biro ko.
"Ano ka ba, Fria? Araw-araw kang maganda!" giit ni Aksana.
Nilapitan ko siya at lumuhod upang pantayan ang kanyang tangkad. Kinulong ko ang dalawa niyang pisngi sa aking mga palad.
"Aalis na 'ko. Huwag kang makulit kay tita mo."
Yumakap sa 'kin si Aksana saka bumulong, "Fria, baka may magkagusto sa 'yo roon at kuhain ka niya sa 'kin."
Mahina akong natawa saka siya hinarap. "Huwag kang mag-alala. Sayong-sayo lang ako."
Hinalikan niya ang pisngi ko saka lumapit kay Stephanie. Kumuha ako ng red matte lipstick at inilapat 'yon sa labi ko. Matapos kong masiguro na ayos na ang aking hitsura ay ihinatid na rin ako nina Aksana at Stephanie palabas ng bahay. Agad akong pumara ng taxi saka tuluyan nang nagpaalam sa dalawa.
Anong klaseng gabi kaya ang madadatnan ko sa PC?
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Delaihla! You look absolutely gorgeous tonight!" pagpuri ni Rose.
Mahina akong natawa.
"Thank you. You look gorgeous, too," madulas kong bati, sinusubukang i-ayon ang aking accent sa pagsasalita ng Ingles.
Required na marunong kang magsalita ng Ingles kung dito ka magtatrabaho sa PC. May mga kliyente kasi kaming galing sa ibang bansa kaya kinakailangang marunong kaming makipag-usap sa isang lengguwaheng magkakaintindihan kami.
Isinakbit ni Rose ang kanyang braso sa 'kin saka ako tuluyang hinila papasok sa main hall ng building kung saan kadalasang ipinagdiriwang ang mga malawakang party. Pagpasok namin sa loob ay nadatnan namin ang bugso ng mga tao. Hinila ako ni Rose hanggang sa makarating kami sa isang lamesa malapit sa pinakaharap ng stage.
"Dito ba talaga tayo naka-assign na maupo?"
"Ano ka ba? Narinig ko kasi na invited daw 'yong nagbigay ng malalaking shares dito sa PC! Balita ko, guwapo raw—kaya dapat lang na nasa harapan tayo!" pag-e-eksaherada ni Rose na may kasama pang pangingilig.
Napailing na lang ako saka nilibot ng tingin ang buong paligid. Pare-parehong revealing ang mga kasuotan ng mga katrabaho ko pero nandoon pa rin ang pagiging elegante sa kanilang suot. Mas marami rin akong namataang mga babae kaysa lalaki. Kumunot ang noo ko nang biglang nag-dim ang ilaw ng hall.
"Mag-sisimula na," mahinang sambit ni Rose saka naupo sa aking tabihan.
Itinuon ko ang atensyon sa harapan nang doon mag-focus ang lahat ng ilaw. Lahat mata ay siyang umabang sa stage nang dahan-dahang lumitaw roon ang CEO ng Poufiasse Club—si Mr. Cancon.
"Good evening ladies and gentlemen." Malalim ang kanyang boses at walang emosyong mababakas mula sa kanyang mukha. Sa unang tingin, aakalain mong napakasungit at walang pakiramdam itong si Mr. Cancon dahil sa pagiging pormal at elegante niya.
"Salamat sa pagdalo ninyo sa 10th anniversary party ng Poufiasse Club. Now, before we start the party, I would like to introduce to all of you a respected someone—the very man who gave me big shares here at Poufiasse Club. He is also now one of my business partners in this industry. Everyone, I want you all to meet Mr. Dominic Oix Suarez! Let us give him some pleasant applause."
Napuno ng palakpakan ang buong hall habang sumisilaw ang spotlight sa entablado. Ilang bagsak din ang aking napakawalan, mga mata'y hindi naaalis ang atensyon sa harapan.
Ngunit nang unti-unting lumisan ang silweta ng lalaking ipinakilala ni Mr. Cancon, dahan-dahang humina ang aking pagpalakpak. Tila bumagal ang takbo ng oras at ang ihip ng hangin sa paligid nang tuluyang lumitaw ang hitsura ng naturang lalaki.
Dominic Oix Suarez. Inakala kong namali ang aking pagkakadinig sa pangalang iyon. . . ngunit siya nga siyang nagpakita sa entablado.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top