CHAPTER 4
CHAPTER 4
Tanghali na ako nakauwi sa bahay. Dumaan pa ako sa bahay ni Rose para manghiram ng long gown sa kanya. Pagkatapos ay dumiretso ako sa pharmacy para bumili ng gamot ni Aksana.
Ang napili kong damit ay emerald green sexy deep V-neck backless long gown. Lalong lumalabas ang hubog na katawan ko dahil medyo hapit ang long gown sa bandang baywang ko. Habang pinili ko 'yon pumasok sa isip ko si Aksana, mukhang magagalit na naman siya kapag nakita niya na sout ko ang ganitong damit.
Hindi na ako humiram ng heels dahil marami akong heels sa bahay.
"Alam mo Fria, ang saya doon sa bago kong school." Sumampa sa kama si Aksana at dumapa, tinukod niya ang dalawa niyang palad sa ibaba ng kanyang baba habang nakatingin sa akin.
Umikot ako papunta sa kanya at ngumiti. "Talaga?" masaya kong tanong.
"Oo naman! Tuwang-tuwa sila sa buhok ko. Sabi ng iba sana gano'n na lang daw buhok nila," masaya niyang sagot.
Malalaman ko talaga kung masaya ang kanyang kinikwento o hindi dahil sa boses nito. Madali lang siyang mabasa at mababaw lang din ng kaligayahan nito.
"Mabuti naman kung gano'n. Wala ng umaaway sa 'yo," wika ko.
Umikot ako sa harap ng salamin at sinubukan ang eyeshadow na babagay sa akin mamayang gabi kapag nag-make up na ako.
"Ano ba naman 'yan Fria! Bakit mo 'ko tinatalikuran, galit ka ba sa 'kin?" maktol nito.
Natatawang hinarap ko siya at umiling. "Bakit ako magagalit sa 'yo? May ginawa ka bang masama?"
Mabilis itong umiling at bumaba sa kama para lapitan ako. "Wala, good girl kaya ako." Tumingin siya sa 'kin. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.
Pinakita ko sa kanya ang eyeshadow na pinagpipilian ko. "Pumipili kasi ako ng eyeshadow," paliwanag ko sa kanya.
Tumango-tango ito habang nakakunot ang noo. Tinignan ko ang tinuro niyang eyeshadow sa pallete na hawak ko, isa 'yong nude eyeshadow.
"'Yan! Bagay 'yan sa 'yo!" malakas niyang sigaw.
"Aray naman," daing ko.
Napapikit ako at napahawak sa aking tenga. Ang hyper na naman niya ngayon.
Mahina siyang natawa. "Sorry, Fria."
Napailing na lang ako at tumayo na. Kinarga ko siya palabas ng kuwarto at nagtungo sa sala.
"Aalis ulit si ate mo. Anniversary kasi ng pinagtratrabahuan ko kaya kailangan kong pumunta ro'n," pagpapaalam ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa 'kin, halatang pilit niyang pinapasok sa kanyang utak ang sinabi ko. Lumipas pa yata ng ilang segundo bago ito ngumiti sa 'kin at tumango.
"Okay! Ingat ka doon, ah?" malambing niyang sagot.
Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya. "Opo."
Binaba ko siya sa upuan at naupo naman ito. Nagtungo ako sa maliit na cabinet kung saan nakalagay ang mga gamot ni Aksana at iba pa.
"Aksana, uminom kana ba ng gamot?" tanong ko at hinarap siya.
Nanlaki ang aking mata dahil parang hinihingal ito habang nakahawak sa kanyang dibdib. Parang sinuntok ang aking dibdib dahil sa aking nakita, nakakabinging tibok ng aking puso ang narinig ko.
"Aksana!" nag-aalala kong wika.
Nagmamadali na kumuha ako ng gamot at tubig sa kusina. Kumaripas ako ng takbo patungo sa kanya at pinainom ang kanyang gamot.
"Bakit hindi ka uminom ng gamot mo!" galit kong usal.
Inalalayan ko ang pag-inom niya ng tubig. Wala pa ring tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko, para akong kakapusin ng hangin. Iniwas niya sa 'kin ang baso kaya nilapag ko 'yon sa lamesa. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang maayos na ang kanyang paghinga.
"Sorry kung nakalimutan kong uminom," mahina niyang tugon. Nakayuko ito at nilalaro ang kanyang daliri.
Huminga ako ng malalim at niyakap siya. "Sa susunod huwag mo ng kalimutan uminom ng gamot, natatakot ako na baka mawala ka sa 'kin," mahinahon kong sabi sa kanya, at nag-simulang manubig ang aking mata.
"Kailan ba 'ko gagaling, Fria? 'Yong malalaro ko lahat ng gusto kong laro," malungkot niyang tanong.
Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo at matamis na ngumiti sa kanya.
"Nag-iipon pa si ate mo. Hindi ka naman p'wedeng operahan ngayon dahil bata ka pa. Kapag lumaki kana papalitan 'yang puso mo ng bago." Tinuro ko ang kanyang dibdib kung saan banda ang kanyang puso.
Ngumiti siya sa 'kin at tumango. "Hindi na 'ko makapag-antay na lumaki ako, Fria. Gusto pa kitang makasama ng matagal," mahina niyang sabi.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Tumawa lang ako para maalis ang kaba sa aking dibdib at kiniliti ang kanyang leeg.
"Ano ba 'yang sinasabi mo. S'yempre makakasama mo pa 'ko ng matagal, pangarap mo maging magaling na archer 'di ba? Matutupad 'yon kaya kailangan mong mag-aral ng mabuti at alagaan mo rin ang sarili mo," mahaba kong sagot sa kanya.
Mahigpit niya akong niyakap at tumango. Umangat ang kanyang ulo at tinignan ako, "Huwag kang mag-alala Fria pag-bubutihin ko ang pag-aaral ko para sa pangarap ko." Nakangit niyang wika at hinalikan ang pisngi ko.
Gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Axe."
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko. "Tara sa bakuran! Gusto kong mag-pana, Fria." Hinila niya ang kamay ko at nagpatianod na lang ako.
Buong araw lang kaming nasa bakuran. Hinayaan ko lang siya na maglaro sa kanyang pana hanggang sa magsawa siya. 'Yon lang naman ang bonding namin kapag hindi ako pumapasok.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Ako na lang mag-makeup sa 'yo, p'wede ba?" tanong ni Stephanie.
Alas syete na ng gabi at heto ako nakabihis na ng long gown na hiniram ko kay Rose. Tinulungan ako ni Stephanie sa pag-ayos ng buhok ko. Ang hairstyle ko ay upside-down braid and bun, hinayaan ko lang na mahulog ang ilang hibla ng buhok ko dahil bumagay naman 'yon sa 'kin.
May binigay si Aksana sa 'kin na rose gold hair pin. Tinanong ko sa kanyang kung saan niya 'yon nakuha, sa design pa lang alam mo ng mahal. Sinabi niya lang sa 'kin na may nagbigay sa kanya habang hinihintay niya si Stephanie sa waiting shed ng school.
"Sure," tipid kong sagot at humarap sa kanya.
Nakita ko sa reflection ng salamin si Aksana na nakabusangot habang nakaupo sa kama. Naka-krus ang kanyang maliit na braso sa kanyang dibdib habang nakanguso. Hindi talaga siya sang-ayon sa sout ko.
"Ganyan ba talaga sosoutin kapag anniversary? P'wede ka namang mag dress, Fria. 'Yong likod mo kitang-kita na," bakas sa kanyang boses ang pagkairita.
Mahina akong natawa samantalang si Stephanie ay hindi na mapagilan na humalakhak.
"Party kasi ang puputahan ng ate mo kaya siya nakasout ng ganyan," natatawang sagot ni Stephanie.
"Party pala ang pupuntahan niya eh bakit noong Christmas party namin hindi mo 'ko pinasout ng ganyan," inosenteng tugon ni Aksana.
Napailing na lang ako at tinignan siya sa reflection ng salamin.
"Kapag malaki kana maiintindihan mo kung ano 'yon," mahina kong saad pero sapat na 'yon para marinig niya.
"Kapag dalaga kana Axe p'wede kang mag-sout ng ganito. Ewan ko na lang sa ate mo kung papayagan ka," natatawang saad ni Stephanie at naglagay ng eyeshadow sa'kin.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Huwag mo 'kong gagayahin, Aksana. Pagdating ng tamang panahon alam kong kamumuhian mo 'ko," seryoso kong saad.
"Delaihla," halatang hindi nagustuhan ni Stephanie ang sinabi ko.
"Hindi ako magsusout ng ganyan," maarteng wika ni Aksana. Lumapit siya sa 'kin at tinignan kung paano ako ayusan ni Stephanie.
"Good." Nakangiti kong sambit.
"Tita Stephanie, gusto ko rin ng ganyan," mahinang usal ni Aksana.
"Nako, baby ka pa kaya hindi ka pa p'wede mag-makeup. Gusto mo bang masira mukha mo?" Pananakot ni Stephanie.
Nanlaki ang mata ni Aksana at mabilis na umiling. "Ayaw ko na pala."
Mukhang natakot nga siya sa sinabi ni Stephanie. Sakto no'n ay tapos na akong ayusan ni Stephanie. Tumayo ako at tinignan ang kabuuhan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako dahil napakaganda ng ayos ko, ngayong gabi nga lang.
"Ang ganda mo ngayon, Delaihla," pagpuri ni Stephanie.
Mahina akong natawa at sumang-ayon sa sinabi niya. Kahit ako ay nagagandahan din sa 'king sarili.
"Ngayong gabi nga lang," biro ko.
"Ano kaba Fria! Araw-araw kang maganda!" giit ni Aksana.
Nilapitan ko siya at lumuhod para mag-pantay kami.
Kinulong ko ang dalawa niyang pisngi sa aking palad. "Aalis na 'ko, huwag kang makulit kay tita mo."
"Oo..." Niyakap niya ako at bumulong sa 'kin, "Fria, baka may magkagusto sa 'yo roon at kuhain ka niya sa 'kin."
Mahina akong natawa at hinarap siya. "Huwag kang mag-alala, sayong-sayo lang ako." Nakangiti kong sagot.
Hinalikan niya ang pisngi ko at lumapit kay Stephanie. Kumuha ako ng red matte lipstick at nilagyan ang labi ko, pagkatapos ay nilagay ko 'yon sa purse kasama ang pressed powder. Pang retouch lang 'to kung sakaling ma-haggard ako sa party.
Hinatid nila ako sa labas ng bahay. Pumara ako ng taxi para mabilis akong makapunta sa Poufiasse Club. Parehas silang kumaway sa 'kin hanggang sa makaalis ang taxi, ganoon din ang ginawa ko.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Delaihla! You look absolutely gorgeous tonight!" pagpuri ni Rose.
Mahina akong natawa dahil sa sinabi nito. "Thank you. You look gorgeous too," pag-puri ko rin sa kanya.
Kanina pa pala niya ako hinihintay rito sa labas ng PC. Dito lang ako nagsasalita ng Ingles, mas komportable kasi akong kausapin si Aksana ng tagalog kaya hindi ako nagsasalita ng Ingles sa bahay.
Dito sa Poufiasse Club required ang marunong kang magsalita ng Ingles dahil may mga kliyente kaming galing ibang bansa kaya need talaga naming magsalita sa lengguwahe nila. Sinakbit ni Rose ang kanyang braso sa 'kin at hinila papasok sa main hall ng building ng PC. Doon ipinagdiriwang ang mga parties.
Pagpasok namin sa loob ng hall sobra ng daming tao. May nakatayo at may nakaupo sa kanilang table. Hinila ako ni Rose hanggang sa makarating kami sa pinakaharap ng stage. May table sa gilid at doon kami naupo.
"Dito ba talaga tayo naka-assign na maupo?" tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba! Narinig ko kasi na invited daw 'yong malaking nag-shares dito sa PC! Balita ko guwapo raw! Kaya dapat nasa harapan tayo," kinikilig pa siya habang sinasabi 'yon.
Napailing na lang ako at nilibot ang buong kapaligiran. Ang mga sout ng mga katrabaho ko rito ay parehas lang din sa akin na revealing pero nandoon pa rin ang pagiging elegante sa kanilang sout. Majority na nandito ay babae kumpara sa lalaki. Kumunot ang noo ko nang biglang nag-dim ang ilaw ng hall at naupo na sa aking tabi si Rose.
"Mag-sisimula na," mahina niyang sambit.
Tango lang ang naibigay ko. Ang mga nakatayo ay bumalik na sa kanilang mga upuan. Napatingin kaming lahat ng lumabas sa stage ang CEO ng Poufiasse Club si Mr. Canco.
"Good evening ladies and gentleman," malalim ang kanyang boses at walang emosyon ang kanyang mukha.
Mabait naman siya kahit ganyan. 'Don't judge the book by its cover' ika nga.
"Salamat sa pagpunta niyo sa 10th anniversary party ng Poufiasse Club. Before we start the party, please welcome Mr. Dominic Oix Suarez. He gave me big shares here at Poufiasse Club, and he is also now one of my business partners at PC. Let us give him some pleasant applause," mahaba nitong lintayan.
Napuno ng palakpakan ang buong hall. Habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa mababang stage, parang nagslow motion ang paligid nang lumabas ang lalakeng tinutukoy ni Mr. Canco at nagtungo sa kanyang puwesto.
Akala ko ay nagkamali lang ang aking pandinig pero hindi pala. Dahil siya talaga 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top