CHAPTER 36

CHAPTER 36

DELAIHLA FRIA HATT

Napakurap ako nang ilang beses, sinusubukan kung namamalikmata lang ba ako. Pero totoo siya. Sinusundan ba ako nito? Siya 'yong lalake na nakausap ko noong nasa Canada ako.

He wore the same getup. Black face mask, his long hair tied up. Hindi ko naman makita ang buong pagmumukha niya.

"How are you feeling?" he suddenly spoke.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar niyang boses.

Bakit noong nasa Canada, parang hindi ganito ang boses niya? I inched away from him.

"I'm the one who rescued you during that fire incident, Delaihla," aniya, ang tingin ay nakatuon sa naglalakihang makukulay na gusali.

Nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako palayo sa kanya. Bakit ba kailangan pang magkrus ang landas namin? Para ba saktan ulit ako? Iniwas ko ang aking paningin nang maramdamang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Sana hindi mo na lang ako n-niligtas, Dominic." I cleared my throat. "Gusto mo palang masaktan ako. Bakit mo pa ako niligtas kung gano'n?"

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Sa halip ay tinanggal niya ang suot na face mask at binalingan ako ng tingin. Nagsalubong ang mga mata namin. Medyo mahaba na ang balbas niya at walang kabuhay-buhay ang kanyang mukha.

Muli akong napaiwas ng tingin nang makita ang katawan niya. Kumakain pa ba siya? Napapikit ako nang maisip ko kaagad 'yon. Akala ko ba wala na akong pake sa kanya?

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang katawan mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya. Muli siyang tumingin sa mga gusali.

"Hindi ko pa sahod. Wala akong mabiling pagkain," tipid niyang tugon.

"Nakapunta ka ng Canada tapos pambili ng pagkain wala?" sarkastiko kong wika saka pagak na tumawa.

Muli niya akong nilingon. "Binigyan lang ako ni Cattalina ng panggastos papunta roon."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka ba pumunta roon? Nagwawaldas ka lang ng pera sa walang dahilan."

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tumingin lang ulit siya sa magandang tanawin. Yumuko ako at napakuyom. Sa tuwing nakikita ko siya, si Aksana kaagad ang pumapasok sa isip ko. Nilabanan ko ang sarili kong hindi lumuha.

"I just wanted to see if you're safe," aniya.

I stared at him. "Hindi kita maintindihan, Dominic. Ano 'to? Palabas mo na naman ba 'to?" naguguluhan kong tanong. "Tigilan mo na 'to. Nakaganti ka na sa akin, 'di ba? Namatay ang anak natin dahil diyan sa paghihiganti mo sa 'kin. Nadamay pa siya dahil sa childish mong desisyon!"

"Delaihla, it's not my fault. I-i swear. . . It was Vincent fault. Siya ang nag-offer tungkol sa bagay na 'yon noong mga panahon na ang alam ko ay kapatid mo si Aksana. Hindi ko itatanggi na pumayag ako sa sinabi niya noon but I backed out. . . I swear, Delaihla. I backed out once I felt I was suddenly attached to her. . . to Aksana. . . to our daughter. Napamahal na ako sa kanya."

Matalim na tingin ang binigay ko sa kanya. "Yes, it is, Dominic. It's your fault why our daughter is dead!"

"I talked to him about that. . . na kailangan itigil na 'to at tapusin na ang balak namin, akala ko nakinig siya pero hindi. Wala lang siyang sinabi sa akin kaya akala ko tapos na. . . na wala na at nabasura na ang tungkol sa bagay na 'yon pero hindi pala."

Pakiramdam ko ay para akong naestatwa sa aking kinatatayuan habang kaharap siya. Para akong nabingi at mas lalo pa yatang umalpas ang mainit kong luha. Nagsimulang manginig ang aking balikat at hindi na nakontrol ang hikbing lumalabas sa labi ko.

"Sa tingin mo m-maganda ba na dinamay niyo si A-aksana sa balak niyo sa akin? Matagal nang tapos ang away sa pagitan ng organisasyon na pinagtatrabahuan natin, Dominic. Pero h-hinahanda ko pa rin ang sarili ko na baka dumating ang araw na mamaya may maghahabol sa akin d-dahil doon," nahihirapan akong magsalita at kahit na anong lunok ko sa bagay na humaharang sa aking lalamunan ay hindi ko 'yon magawa.

"Kung gusto niyo pa lang makaganti sa akin, sana ay ako na lang! Ako na lang sana, D-dom. Bakit si A-aksana pa. . . s-sobrang halaga ng a-anak. . ."

Mabilis kong pinunasan ang aking luha at tumayo. Nahuli niya ang kamay ko saka ako hinila palapit sa kanya. Nagdikit ang katawan namin.

Hindi na ako nakatira sa bahay nina Mom at Dad. Kinuha nila lahat ng sa akin, Delaihla. Kotse ko na lang at wallet ang natira," siwalat niya.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya. "You deserved it, Dominic! Lahat ng nangyayari sa 'yo ngayon, karma mo na!" bulyaw ko.

Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya sa anak ko pero hindi ko alam kung bakit nakikipaglaban ang puso ko sa utak ko. Sunod-sunod ang paghikbi ko dahil sa aking emosyon.

"I-I know. . ." he stuttered.

Bakit ba ako naawa sa kanya? Ayaw ko ng ganito! Dapat nga masaya ako kasi naghihirap na siya at hindi pa 'yon sapat! Ayaw kong salubungin ang mga mata niya dahil lungkot ang nakikita ko mula roon.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumalikod siya at may kinuha mula sa kanyang kotse. Pagbalik niya sa pwesto ay saka inabot niya sa akin ang isang burger na may nakatusok na maliit na kandila.

"H-happy birthday. . . Delaihla," mahina niyang bati saka inabot 'yon sa akin. Nakababa lang ang tingin ko roon. "'Yan lang ang kaya ng budget ko—"

"Hindi ko kailangan niyan," pagmamatigas ko sabay tabig sa pagkain.

Natapon sa sahig 'yon. Pinanood ko lang siyang damputin ang pagkain.

"Okay, okay," he sighed. "I-I will just eat this later," dinig kong bulong niya saka pinagpag ang nadumihang burger buns.

Umigting ang panga ko at nilapitan siya. Malakas kong sinipa ang pagkain at tumilapon 'yon. Naiinis ko siyang tinulak kaya napaupo siya sa sahig.

"Ano ba?! Bakit mo ba 'to ginagawa, ha?!" Nagsimula akong lumuha.

"Tigilan mo na 'to. Kung sa tingin mong naaawa ako sa 'yo, hindi! Hindi!" sigaw ko habang pinagsusuntok ang malapad niyang dibdib.

Hindi naman siya umangal kaya malaya kong nagagawa ang gusto kong gawin sa kanya.

"Itigil mo na 'to!" humahagulhol kong bitiw. Hindi pa rin siya nagpatinag. Pilit niyang inaabot ang pagkaing muli niyang pinulot. "Hindi ka ba napapagod na saktan ako?" patuloy kong iyak.

Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa aking baywang at niyakap ako nang mahigpit.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Bitaw!"

Wala pa ring tigil ang aking mga luha hanggang sa pareho na kaming umiiyak. Nakasubsob ang ulo niya sa aking tiyan, namamasa ang damit sa luha niya.

"Ano ba, Dominic?! Bakit ka ba umiiyak? Huwag kang magpaawa, ano ba!"

Lalong humigpit ang yakap niya at inangat ang tingin sa akin.

"I-I'm sorry. . . Delaihla. I'm sorry for everything. I know I deserved this. I'm sorry. I swear to god, It's not my fault. I p-promise It's not mine. I'm not the one who paid the hospital. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa 'yo. . . I'm sorry," humahagulhol niyang wika at muling sinubsob ang kanyang ulo sa aking tiyan.

Natigilan ako sa sinabi niya at mas lalong naiyak. Nanatili akong nasa ganoong posisyon habang si Dominic ay nakasiksik pa rin.

"I don't know if you will forgive me. Please. . . J-just give me permission to visit Aksana's grave. . . Kahit 'yon lang," umiiyak niyang wika. Muling humigpit ang yakap niya sa akin. Parang takot na tatakbo ako o malayo sa kanya. "I still love you, Delaihla. I still do. . ."

Pinahid ko ang aking luha at umatras nang lumuwag ang pagkakayakap niya. Napalingon ako sa gilid niya nang makita si Aksana na nakaupo sa kanyang tabi, tila malungkot. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa luhaang mukha ni Dominic.

"Aksana. . ." sambit ko.

Hindi niya ako narinig. Umangat ang kamay niya at sinusubukang punasan ang luha ni Dominic. Binalingan ko ng tingin si Dominic nang makitang binabalik niya sa karton ang natapong pagkain. Nilapitan ko siya na kanyang ikinatingala.

Umiling siya. "Ako nang bahala rito. Huwag mo nang sipain," makaawa niya.

"Itigil mo 'yan," mahina kong sabi. Hindi siya nakinig. "Itigil mo nga sabi!"

Natigilan siya nang sumigaw ako. Muli siyang naupo. Tumahimik ang buong paligid. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko at may pinindot mula roon. Nanatili akong nakatingin sa mga ilaw habang ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok nang sobrang bilis.

"I'm sorry. . . Again," mahinang usal ni Dominic.

Nilingon ko siya at hindi na muling umiwas ng tingin. Yumuko ako at kinagat ang aking labi. Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi niya ako hinawakan. Pinunasan ko ang luha ko saka siya tiningnan.

"Sinubukan kitang kalimutan. . . Pero mismong puso ko, ayaw kang kalimutan." I stifled my tears. "Kung makakalimutan kita, saglit lang. Mismong utak at puso ko ang gumagawa ng paraan para maalala ka." Walang kwenta ang pagpunas ko sa aking luha. Hinayaan ko siyang yakapin ako.

"G-gusto kong magalit sa sarili ko. . . Pero wala. Hindi ka pa rin maalis sa isipan ko." Hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Pati si Aksana, hindi ako pinapatulog kakapatungkol sa 'yo," pagtutuloy ko. "Minsan ay ikaw ang bukambibig niya kapag nakikita ko siya."

"I'm sorry, Delaihla. . ." he whispered.

Ilang minuto kaming nagtagal na magkayakap, inaalo ang isa't isa. Natigilan na lang kami nang dumating na ang pagkaing in-order ko mula sa cellphone kanina. Hindi naman 'yon tinanggihan ni Dominic nang iabot ko 'yon sa kanya.

Animo'y hindi siya nakakain nang ilang araw dahil sa kung paano siya kumain. Yumuko ako at hinayaan siya. Ang tanging naiisip ko na lang ay kung paano ko sasabihin kina Papa at Stefano ang tungkol dito.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Nanatili akong nakaupo sa mahabang sofa habang nasa tabi ko si Dominic. Nasa harapan namin sina Papa at Stefano—parehong seryoso ang mukha.

Pagkatapos ng gabing 'yon, sa condo ni Stefano ko pinagpahinga si Dominic. Ako na rin ang nagpresentang mag-trim ng buhok niya at ahitan ang kanyang balbas, kaya mas maayos na ang hitsura niya ngayon. Pagsikat ng araw, dumiretso na kami upang kausapin sina Papa.

"What's the meaning of this?" tanong ni Stefano, halatang may bahid ng inis.

"Stefano, calm down," agad na awat ni Papa.

Nagkatinginan kami ni Dominic. Tipid ko siyang nginitian.

"Huwag mong sabihing nagkabalikan na kayo—"

Biglang tumayo si Dominic at lumuhod sa harapan nila.

"I'm sorry for what I have done," bulalas niya habang nakayuko.

Nagulat kaming lahat. Tumayo ako at hinawakan ang braso niya.

"Tumayo ka nga—"

"Let him be," pigil ni Papa. Kahit nagdadalawang-isip ay bumalik ako sa kinauupuan. Bumaba ang tingin ni Papa kay Dominic.

"Alam mo naman ang lahat ng kasalanang ginawa mo sa apo at anak ko, 'di ba?" seryoso niyang wika.

Dahan-dahang tumango lang si Dominic at mas yumuko pa.

"May kasalanan din akong ginawa. . . 'P-Pa," pagsingit ko ngunit agad na sumapaw si Dominic.

"Gusto ko lang humingi ng tawad," sambit niya, inaangat ang ulo. "Ilang beses na akong humingi ng tawad sa anak ninyo, ngayon po ay sa inyo naman."

Pagak na tumawa si Stefano at tuluyang lumabas ng sala.

"Halata namang nagkaayos na kayo." Tumalim ang tingin ni Papa. "Pero kapag sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan mo ulit ang anak ko, ako na ang makakalaban mo. Naiintindihan mo ba?" Walang halong pagbibiro sa bawat litanyang binitiwan niya.

Napanood ko kung paano napalunok si Dominic ngunit pinilit pa rin niyang tumango. "I-I understood," a pause, "Thank you. . . Thank you so much, sir."

Tumango lang si Papa saka sumunod kay Stefano palabas. Napatingin ako kay Dominic nang maupo siya sa tabi ko. Kinuha ko ang tissue box at binato iyon sa kanya.

"Ano ba? Iyakin ka na ngayon?"

Pinunasan niya ang kanyang luha at umiling. Tipid siyang ngumiti. "N-nothing. . . I'm just happy."

Pinainom ko siya saka bahagyang humagikhik. Nang mapulot na niyang muli ang sarili ay sabay kaming nagpaalam upang bisitahin si Aksana sa sementeryo.

Pangalawang bisita pa lang niya ito. Una ay sa libing, at mula noon, hindi na siya pinayagan ni Papa na dumalaw dahil sa pagkukulang niya noon sa pagpapagamot kay Aksana.

Tahimik akong nakatayo habang siya'y nakaluhod sa harapan ng lapida, lumuluha.

"I'm sorry, my baby. Please forgive me. I'll take care of your Mama, don't worry," bulong niya.

Bumuntonghininga ako at inilapag ang bulaklak sa gilid ng lapida. Kinuha 'yon ni Dominic at inayos ang pagkakalagay.

Tumayo siya saka taimtim na tumabi sa akin. Sabay kaming nagsindi ng kandila bago naupo sa picnic blanket. Malakas ang ihip ng hangin. Tuloy-tuloy ako sa paghawi ng kulot kong buhok.

"Let me tie your hair," bigla niyang sabi.

Pumunta siya sa likuran ko at itinali ang aking buhok. Nang matapos ay muli siyang naupo sa tabi ko. Sabay kaming nagpakawala ng hininga bago siya muling umimik.

"Thank you, Delaihla. Thank you because you've given me another chance. . ."

I did not reply. Nilibot ko ang paningin sa sementeryo. Napako ang tingin ko sa malaking punong pinupwestuhan ni Aksana. Nandoon siya, nakatingin sa 'min.

"Nakikita mo siya?" mahina kong tanong.

Napatingin sa akin si Dominic. "Who?"

Itinuro ko si Aksana. Ngumiti siya sa anak namin nang maisip kong nagtama ang paningin nila. When I turned to him, he was already crying.

"Aksana. . ." bulong niya.

Mapait akong ngumiti. Nakikita niya rin siya. I just know it. Pinunasan ko ang luha niya saka kumaway sa anak namin. Nandoon pa rin si Mor'du, nasa tabi niya at pinagmamasdan din kami.

Humagikhik si Aksana—parang musika. Lumawak din ang ngiti ni Dominic.

"Yes. . . I will," bulong niya, animo'y nakikipag-usap sa anak naming.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kanyang palad. Mahigpit. Kumakaway pa rin siya kay Aksana.

Nang ibalik ko ang aking tingin kay Aksana ay unti-unti na siyang naglalaho.

"Fria, Papa, thank you. Bati na kayong dalawa. Huwag na kayong mag-aaway ulit, ha? Mami-miss ko kayo. I love you. Goodbye."

'Yon ang mga katagang binitiwan niya bago siya tuluyang maglaho.

Bumuhos ang luha ko. Alam ko—'yon na ang huli. Gusto niya lang na magkaayos kami.

Iyon lang at wala nang iba.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top