CHAPTER 35

CHAPTER 35

LUMAGAPAK ako sa sahig ng maramdaman ang palad ni Dinoques sa aking mukha. Napakabigat ng kamay niya at inaasahan ko talaga na malasahan ang sarili kong dugo sa aking labi.

"Kinuha kita para magmasid, Delaihla. Hindi para mag-saya habang kasama mo si Cattalina. Ayusin mo ang inuutos ko sa 'yo . . Tandaan mo ako nagpapagamot sa nanay mo," wika nito at naglakad papunta sa lamesa at naupo sa swivel chair.

Nanatili akong nakasalampak sa sahig. Kinuyom ko ang kamay ko at tahimik na tumayo. Hindi na ako nagsalita wala naman akong magagawa dahil lahat ng pera na nasa akin ay nanggaling 'yon sa kanya. Siya rin ang nagbabayad ng mga bills sa ospital ni Mama.

Sa tingin ko ay apat na buwan na ang lumipas nung huli kong bisita kay Mama sa ospital. Ang magaling kong Tatay ay wala naman. . . Pero hindi ko alam bakit gusto parin siyang makita ni Mama. Wala naman siyang kwentang Tatay sa paningin ko.

"Nakabit mo na ba yung bomba?" tanong nito sa akin.

Nakatayo ako sa harapan niya tumayo. Walang emosyong tinignan ko ito. Ngisi-ngising binabasa nito ang papel na nanggaling sa itim na envelope at nilingon ako.

"Saan mo kinabit?" tanong niya.

"Sa likod ng ref nila," tipid kong tugon. Pinagsiklop ko ang palad ko sa aking likuran.

Tumango tango ito at pinatunog ang daliri sa kamay niya. Tumayo siya at nagtungo sa drawer nitong puro baril at bala ang laman.

"Ilang oras 'yon bago sasabog?" tanong nito sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Inutos mo lang naman sa akin na ilagay 'yon sa loob ng bahay nila. Tanungin mo gumawa no'n," tugon ko.

"Okay. Umalis kana sa harapan ko," pangtataboy nito sa akin.

Dahil nakatalikod siya sa akin nagawa kong irapan ito. Lumabas na ako at inayos ang buhok kong makapal at pinong kulot. Itong kulay ng buhok ko ang pinakamumuhian ko dahil namana ko pa siya sa magaling kong Tatay. Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa condo ko. As usual si Dinoques ang bumili no'n para sa akin.

Kinagat ko ang aking labi habang nagmamaneho. Iniisip ko kung may CCTV pa roon o wala. Dahil kung meron masasabit na naman ako. Malalaman na nila na ako ang naglagay no'n. Bumuntong hininga ako at tinuon ang pansin sa pagmamameho.

Hindi bale hayaan ko na lang 'yon. Pagod na rin ako maging utos utosan ni Dinoques. Nakakapagod marinig ang mga salita nitong palagi na lang sinasabi sa akin pati ang panunumbat.

"Ang tanga mo talaga! Nalaman na nila na ikaw ang naglagay ng bomba, Delaihla. Sobrang hirap ba ng ipinagagawa ko sa 'yo? Ha!?" galit na galit nitong wika. Pabagsak niyang binaba ang baso nitong hawak at hinilot ang kanyang sintido. "Putangina naman."

Yumuko lang ako at hinayaan siyang mag-wala. Pagdating ko rito ay nakatanggap na naman ako ng magkabilaang sampal hindi pa siya nakuntento sinikmuraan niya pa ako. Pasalamat na lang at parang nasanay na ang katawan ko sa ginagawa niya.

Pinagdadasal ko na lang na hindi niya gamitin sa akin ang latigo nitong tinatago. Dalawang beses niya na 'yong ginamit sa akin at matagal na rin 'yon.

Tinuro niya ang pintuan. "Layas! At baka mabugbog ulit kita," iritado nitong wika. "Maliit na lang na bagay hindi pa nagawa ng maayos," dinig kong bulong nito bago makalabas.

Pagkasarado ko ng pintuan tinaas ko ang gitnang daliri ko roon.

"Putangina ka rin," inis kong bulong. "Mukha namang burat."

'Yon na lang yata ang palaging routine ni Dinoques. Ang magalit sa akin. Konting pagkakamali lang pinagbubuhatan niya na ako ng kamay. Ang galing 'di ba?

Abala ako ngayon sa pagbasa ng information ng kasama ngayon ni Cattalina. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon pagkatapos kong lagyan ng bomba ang likod ng ref nila. Si Dinoques lang ang nakakaalam no'n.

Tinatamad na tumayo ako at sinuot ang wig ko. Nagtagal pa ako ng ilang oras doon dahil hindi basta basta ang paglagay no'n. Long wavy black wig ang napili ko. Naglagay rin ako ng makapal na make up para matakpan ang totoo kong histura.

Kinuha ko lang ang maliit na bag para paglagyan ng wallet at cellphone. Pagdating ko sa bar ay naghanap kaagad ako ng mauupuan at nag order ng alak. Pinagkrus ko ang aking hita at pinagmasdan ang mga tao. Medyo tumaas ang black leather skirt ko dahil doon. Inayos ko ang black turtle sleeveles na croptop. Naka black stilleto rin ako kaya mas bumagay 'yon sa akin.

"Thank you," nakangiti kong wika ng maihatid ang alak.

Naramdaman ko na may naupo sa aking tabi habang umiinom ako sa aking baso. Nilingon ko 'yon at hindi pinakita na nagulat ng makilala kung sino 'yon.

Kung hindi ako nagkakamali siya si Dominic. Tama ba? Siya kaagad ang unang pumukaw ng pansin ko noong nakapasok ako sa hideout nila. Hindi ko itatanggi na ang gwapo nito sa paningin ko lalo na ang katawan niya na alagang alaga sa pag-g-gym.

"Hi," dinig kong wika ni Dominic.

Nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti. "Hello. Anong meron sa 'tin ngayon?"

Alam kong hindi niya ako makikilala sa totoo kong mukha dahil sa makeup ko. Nakasout siya ng leather na jacket at simpleng tshirt lang sa loob. Ang pangibaba nito ay itim na pants din at nakasapatos. Simple lang pero ang ganda ng dating para sa kanya. Inabot ko ang isang baso at nilagyan ng alak pagkatapos ay binigay sa kanya.

"Let's drink?" nilahad ko sa kanya ang baso na may alak. Tinanggap naman niya 'yon at ininom.

"Thank you. . . Delaihla," nakangiti nitong wika habang nakatingin sa akin.

Naestatwa naman ako ng marinig ang totoo kong pangalan. Kinalma ko muna ang aking sarili at hindi pinahalata ang gulat sa aking mukha. Tumikhim ako.

"Anong kailangan mo?" seryoso kong wika.

Mahina itong natawa at umiling. Ininom niya ang kanyang alak at sumandal sa kinauupuan nito habang ang kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng upuan.

"Nothing. . . You look stunning tonight," papuri nito sa akin.

Umismid ako. "Kahit hindi gabi alam kong maganda ako," seryoso kong tugon.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Sa tingin ko umabot ng dalawa o tatlong araw yata na naabutan ko siyang nandito sa bar sa tuwing pupunta ako. Pati na rin kapag bibili ako ng mga importanteng gamit para sa aking sarili ay nakakasalubong ko siya.

Nagiging maingat lang ako dahil kalaban parin namin siya. Na si Dinoques parin ang sinusunod ko dahil hawak niya ang buhay ng Mama ko.

Mahina akong napaungol ng mas diniin nito ang katawan ko sa kanya kaya mas lalo kong naramdaman ang gitna nito sa akin. Humiwalay ako sa kanya at naupo sa tabi nito habang inaayos ang aking damit. Sinuklay ko rin ang buhok ko habang tinanggal ang lagpas na lipstick sa aking labi.

Wala rin nagbago sa nagdaan na araw make out dito at make out doon. 'Yon palagi ang ginagawa namin sa tuwing nagkikita o nagkakasama kami. Hinihingal na tinignan ko ito. Nagtaas baba ang dibdib nito habang nakatingin din sa akin. Napahagikhik na lang ako at uminom sa tubig ko.

"I think i'm inlove. . . " dinig kong bulong nito na ikinalingon ko.

Kumunot ang noo ko. "Guni guni mo lang 'yan," natatawa kong wika.

Napailing na lang siya at mas hinigpitan ang braso na nasa bewang ko. Ano ba kami ngayon? Alam ko walang label pero bakit ganito kami kung umasta sa isa't isa akala mo ay mag-kasintahan.

"I don't think so," natatawa niyang tugon.

Napailing na lang siya at siniil ako ng mainit na halik. Sinalubong ko naman 'yon hanggang sa parehas na kaming mahiga sa sofa. Hindi na rin naman big deal sa akin kung may mangyari sa 'min. I'm no longer virgin. . . Ano pa ba ang ipapabebe ko eh hindi na ako birhen.

Mahina akong napadaing na hinaklit niya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"What was that? You had sex with somebody while we we're together?" tila hindi makapaniwala nitong tanong.

Kunot noong tinanggal ko ang kamay nito sa akin. Paniguradong magiiwan 'yon ng pasa.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman tayo, Dominic. Naglalandian lang tayo. Tawag ng laman lang 'yang nararamdaman mo sa akin 'di ba? Binibigyan lang natin yung pangangailangan natin sa isa't isa," tugon ko rito.

Natigilan siya sa sinabi ko. "What? I thought—"

"Kahit kailan hindi kita naging boyfriend. Fling lang kita at fling mo lang ako. Ikaw ang may mali kasi nag-assume ka na may namamagitan sa 'ting dalawa kahit wala naman," seryoso kong wika at tinalikuran ko siya.

Napailing na lang ako habang pumasok sa elevator. Nang marating ko ang condo ko ay kumuha ako ng tubig sa ref at ininom 'yon.

"Parang tanga lang akala mo hindi ko rin siya nahuling may kahalikang babae," bulong ko sa aking sarili at naglakad papuntang sala para maupo sa sofa.

Napasimangot na lang ako ng maramdaman ng kirot sa aking dibdib ng maalala 'yon. Bakit ba ako umaakto ng ganito!? Nakakainis! Sa lahat ng nakafling ko sa kanya lang yata ako na-attach ng ganito!

Nilibot ko ang aking paningin bago tumalon palabas sa helicopter na sinasakyan ko. Naging mabalis ang pagbaba ng tali na nakapulupot sa aking bewang pero swabe ang paglanding ng paa ko roon.

Nahanap na namin sila. Napangiti ako at hinawi ang aking buhok. Komportable ang sout ko ngayon. Black leather pants at puting damit na fitted sa aking katawan ang sout ko habang pinaresan ko 'yon ng combat shoes. May nakakabit din na thigh gun hostler sa kaliwang hita ko at may maliit din na kutsilyo ang nakakabit doon.

Papalubog na ang yacht na sinasakyan nila dahil sa pagsabog na gawa namin. Napailing na lang ako at umiwas ng umigkas ang kamao ni Dominic. Napasipol ako at tinignan siya.

"Long time no see," nakangiti kong wika.

Ang ngiti nitong lagi kong nakikita ay wala na. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha. Ang gwapo niya parin sa paningin ko. Walang tigil sa pagtibok ang puso ko.

Iniwas ko ang aking katawan ng subukan niya akong sipian. Mahina akong natawa ng maiwasan ko 'yon. Hindi pa siya nakuntento ay ginamit niya ang kutsilyo nito sa akin. Iniwas ko ang katawan ko at gamit ang aking kamay hinuli ko ang palapulsuhan nito at buong lakas kong piniga 'yon. Nabitawan niya ang kutsilyo kaya sinipa ko 'yon patalikod hanggang sa mahulog sa dagat.

"Easy. . . Galit na galit?" natatawa kong wika.

Kumaripas ako ng takbo at tumalon pagkatapos ay umikot ako sa ere at sinipa ang kanyang panga. Binigyan ko siya ng sunod sunod na suntok at umatras. Nakita ko ang pagdugo ng ilong nito.

Muntikan na akong na-out of balance ng biglang tumagilid ang yate. Putok ng mga baril at malakas na pagsabog ang narinig ko.

"That's enough, Delaihla. Umalis kana d'yan."

Napahawak ako sa earpiece ko ng marinig ang boses ni Dinoques. "Okay."

Tumakbo ako papalayo at mabilis na tinali sa aking bewang ang nakatali kanina pagkatapos kusa ng umangat ang katawan ko. Kinuha ko ang baril at pinaulanan sila ng bala. Napailing na lang ako at tuluyan ng nakapasok sa helicopter.

"Magsama na kayo ng Nanay mo sa langit, Delaihla!"

Napantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi nito sa akin. Tinututok ni Dinoques ang baril sa akin pero kung sakaling kalabitin no'n ang gatilyo kay Cattalina 'yon tatama. Malakas na tinulak ko siya at sinalo ang bala na dapat sa kanya mapupunta. Agad naman siyang hinila ni Levin papalapit sa kanya.

Dalawang bala ang naramdaman kong tumama sa akin. Mainit. . . Napakainit sa pakiramdam. Nagsimulang mamanhid ang katawan ko. At unti unting napaatras dahil sa panghihina ng aking katawan.

"C-catt," I whispered.

Hindi na niya ako nagawang lingunin ng tawagin ko siya dahil naramdaman ko ang katawan kong nahulog sa bangin at ang dulo no'n ay malamig na dagat. Malakas ang alon at malalim. Bumulusok ang katawan ko roon habang yumakap ang lamig ng dagat sa buong katawan ko.

"Magsama na kayo ng Nanay mo sa langit, Delaihla!"

Mapait akong ngumiti. Mama. . . Wala ka na ba talaga? Hindi man lang tayo nagusap. . . Akala ko inaalagaan ka ng maayos d'yan habang ako nagsisilbi kay Dinoques kapalit ng pagpapagaling mo.

Unti unting lumulubog ang katawan ko. Padilim na rin nang padilim ang aking kapaligiran. Mas bumaba ang temperatura ng nakapalibot sa akin. Umangat ang kamay ko at sinubukang abutin ang munting ilaw na nanggagaling sa itaas. Ngumiti ako at pinikit ang aking mata. . . Oras ko na. Bago tuluyang ipikit ang aking mata isang rebulto ng tao ang papalapit sa akin

Huwag na. . . Ayaw ko ng mabuhay. Gusto ko ng makasama si Mama. . . Please. . . Don't save me.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top