CHAPTER 35

CHAPTER 35

DELAIHLA FRIA HATT

Gabi-gabi na lang akong nanaginip tungkol kay Aksana. Sa tuwing napapanaginipan ko siya, lagi 'tong masaya na makita ako. Syempre, ako rin bilang nanay niya. Naririnig ko ang kanyang boses at ang hagikhik niya sa tuwing kinikiliti ko siya o nilalambing.

Alam kong panaginip 'yon pero sobrang saya ko. Minsan, naisip ko na rin na hindi na lang magising para makasama ko na siya kung saan kami parati nagkikita. Bukambibig ko na siya sa araw-araw.

"Aksana. . ." Bahagya akong tumingala nang may humaplos sa aking ulo.

"Miss mo na siya?" usisa ni Stefano.

I slowly nodded. Inabot ko ang garlic bread na nakapatong sa lamesa.

Nasa himapapawid pa rin ang eroplanong sinasakyan namin. Sobrang daming pagkain ang nasa harapan namin at halos maubos ko ang kalahati no'n.

"Don't worry, malapit na tayo," he reassured.

Si Papa ay tahimik lang na nakatutok sa kanyang laptop at may kausap pa sa cellphone. Nilingon ko siya. Seryoso siya habang nagsasalita. Mukhang napansin niya na may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa pwesto ko.

We exchanged smiles before I laid back on my seat. Malapit ko nang maubos ang pagkain namin kaya umidlip muna ako. Naging tahimik at maingat ang byahe namin hanggang sa makalapag sa airport ng Pilipinas. Napangiti ako nang tamaan ng sikat ng araw ang balat ko at hinangin ang aking kulot at pinong buhok.

"Come here, Delaihla. Baka magkasakit ka sa balat kapag nabilad ka nang sobra sa araw," biglang anas ni Stefano at lumapit sa 'kin.

May hawak siyang malaking itim na payong. Tumabi ako sa kanya para mapayungan ako. Si Papa naman ay naunang bumaba at nagtungo sa van na sasakyan namin. Nakasunod lang sa kanya ang kanyang bodyguards.

"Let's have some lunch on Aksana's grave. Is that okay? Alam kong siya ang gusto mong puntahan kapag nakabalik ka na rito," saad ni Papa.

Tumango ako at kusang napangiti. Tila bumalik ang lahat ng sigla sa katawan ko nang makabalik ako rito sa Pilipinas.

Napatingin ako kay Stefano na abala sa kanyang cellphone.

"Sino'ng kausap mo?" usisa ko.

"Si Stephanie. Nandoon na siya sa sementeryo, hinihintay tayo. Nakalatag na rin doon 'yong banig na uupuan natin," tugon niya.

Mukhang narinig ni Papa ang usapan namin kaya napalingon siya sa 'min.

"Ganoon ba? Bibili na lang tayo ng pagkain pagkatapos ay didiretso na tayo roon. Nakakahiya naman kay Stephanie kung magtatagal tayo."

Sabay kaming tumango ni Stefano. Naging mabilis lang din ang pagbiyahe namin. Sa kahabaang 'yon ay wala rin kaming tigil sa pagbabangayan ni Stefano. Natutuwa siya kasi parang ang sigla at saya ko raw ngayon.

"Delaihla! Na-miss kita!" nakangiting salubong ni Stephanie nang makababa kami ng van.

Dinambahan namin ng yakap ang isa't isa.

"Amoy Canada!" pang-aasar niya dahilan para sabay kaming matawa.

Lumapit din siya kina Papa para bumati. Tinulungan niya rin sila sa pagbaba ng pagkain at ihinilera 'yon sa banig. Tila sumasabay rin ang panahon sa pagiging maaliwalas. Mahangin at presko pa 'yon dahil sa mga puno.

Agad silang dumulog sa mga pagkain. Ngunit ako, nakaupo sa harapan ng lapida ng anak ko. Ngumiti ako at hinaplos 'yon. Napakalinis. Ni isang alikabok ay wala. Halata talagang inaalagaan nila ang puntod niya.

"Nandito na si Mama mo 'nak," bulong ko. "'Di na kita iiwan. Dito na 'ko."

Nilapag ko ang pagkain na kinuha ko at nilapag 'yon sa gilid ng lapida niya. Nanatili akong nakatingin sa kanyang lapida at dinamdam ang katahimikan.

Umangat ang tingin ko nang may makita sa malaking puno sa hindi kalayuan. Lumawak ang ngiti ko nang makita si Aksana, muling kasama si Mor'du.

Parang may sariling utak ang paa ko nang kusa akong tumayo para puntahan siya. Pagkagalak ang naramdaman ko. Nakangiti siya sa 'kin habang kumakaway. Lumawak ang ngiti ko at lakad-takbo ang aking ginawa papunta roon.

"Aksana, nandito na 'ko!" hiyaw ko habang tumatakbo, walang tigil din sa pagkaway sa kanya.

Natigil lang ako nang may pumigil sa 'kin. Pagkaharap ko ay sinalubong ako ng seryosong tingin ni Stefano, umiiling. Pagkalingon ko sa gawi ni Aksana ay wala na siya roon. Malakas na hangin ang bumalot sa buong katawan ko.

"Delaihla," seryosong anas ni Stefano. "Let's eat. You're hallucinating again."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa pwesto namin habang ako naman ay nakatingin pa rin doon sa puno. Pagkabalik namin ni Stefano ay parehas na nakatingin sa 'kin sina Papa at Stephanie. Binigyan ako ng pagkain ni Stefano.

"Kainin mo na 'yan," utos niya.

Tumango na lang ako at kinain 'yon. Nilingon ko ang puntod ni Aksana at mapait na ngumiti. Hinaplos ko ulit 'yon.

"Nakikipaglaro ka na naman sa 'kin," mahina kong wika.

"Delaihla," muling tawag ni Stefano.

Tinuloy ko ang pagkain at nakinig sa usapan nila. Katabi ko sa kaliwa ay si Stephanie, habang sa kanan naman ay si Stefano. Kaharap ko si Papa at napagigitnaan siya ng bodyguards niya.

"I think you need a check-up with a psychiatrist."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. "Bakit? Hindi ako baliw, 'Pa."

Nagkatinginan silang dalawa ni Stefano saka siya huminga nang malalim.

"Alam kong nagpapakita sa 'kin si Aksana, 'Pa. Alam kong hindi na siya totoo, kaya hindi ako baliw." Dumukwang ako at kumuha ng panibagong burger pizza pagkatapos ay kinagatan 'yon.

Napatingin ako sa plato ni Stefano. Wala nang garlic bread, at siya ang nakakuha ng panghuli, kaya naman pinalit ko sa kanya ang kinagatan kong burger pizza.

"Hey!" angal ni Stefano.

Tinawanan ko lang siya at kinagatan ang tinapay na pareho naming paborito. Kalaunan ay inabot ko rin sa kanya 'yon para hatian siya.

"Delaihla, sa tingin ko may gusto ka pang gawin para kay Aksana kaya siya nagpapakita sa 'yo," saad ni Stephanie na ikinalingon ko. "At siguro mahihinto lang 'yon kapag nagawa mo na 'yon para sa kanya. Alam mo naman ang batang 'yon. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya, 'di ba?"

Napaisip ako sa sinabi nito. Pwedeng tama siya. Pero ano 'yon? Wala sa sariling nilingon ko ang lapida ni Aksana.

"Sana maging okay na kayo ni Papa, Fria. Mama kong maganda, mahal na mahal kita."

Naestatwa ako nang maalala ang sinabi sa 'kin ni Aksana. Umalingawngaw sa isipan ko ang boses niya.

Gusto niyang makipag-ayos ako sa tatay niyang siya mismong kumitil sa kanyang buhay?

Yumuko ako at kinagat ang aking labi. Nag-init ang sulok ng aking mata at binaba ang tinapay na hawak ko.

Anak, bakit gusto mong makipag-ayos ako sa kanya? Hindi ka ba nagagalit dahil siya ang may kasalanan kung bakit ka nawala sa 'kin?

"A-alam ko na kung ano 'yon," mahina kong saad.

Pinunasan ko ang luha kong natulo at tiningnan sila pagkatapos ay umiling.

"Pero ayaw ko pa. . . Sa tingin ko, hindi pa ako handa," naiiyak kong wika.

Nanatili silang nakatingin sa 'kin. Umangat ang kamay ni Stefano at pinunasan ang luha ko. Kinuha niya ang garlic bread at isinubo 'yon sa 'kin.

"We understand," he smiled. "Kumain ka na lang."

Kumunot ang noo ko nang basta niya na lang pinakain sa 'kin ang hawak niya. Naiinis na siniko ko ang tagiliran niya at napuno ng tawanan ang pwesto namin. Umatras tuloy ang luha ko.

"Gago!" natatawang anas ni Stephanie.

Napangiwi si Stefano habang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko siya saka ako kumuha ng cheese pizza. Napailing na lang si Papa at hinayaan na lang kami. Tumawa rin si Stefano at niyakap ako nang mahigpit.

"I just want you to laugh."

Umismid ako. "Sila naman 'yong tumawa, hindi ako."

Napailing na lang siya at inasar pa ako. Humaba ang usapan namin at tumagal kami roon hanggang halos maggagabi na. Nang medyo dumidilim na ay sabay-sabay na kaming umuwi at nagpaalam kay Aksana.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Malapit na ang birthday mo, anak. Ano'ng gusto mong gawin natin?"

Umangat ang tingin ko sa kanya. Sinarado ko ang laptop at naupo sa kama. Nakatayo lang si Papa sa bukana ng kwarto ko at nakahalukipkip.

Nginitian ko siya at sinenyasang pumasok. Naupo siya sa paanan ng kama.

"Anong gusto mo? Magpapa-party ba tayo? Sa bar? Resort? Restaurant? Sabihin mo lang sa 'kin."

Napakamot ako sa 'king ulo. Napaisip ako, hindi na ako bata para sa bonggahang birthday party at dagdag gastos lang 'yon.

"Dito na lang, 'Pa. Mas gusto ko pa pong kasama kayo kaysa sa maraming bisita. Maghanda na lang tayo para sa 'ting lahat," tugon ko.

"Sigurado ka na ba diyan?"

Ngumiti ako at tumango. "Sigurado na po ako, 'Pa."

Bagsak-balikat siyang tumayo at lumapit sa 'kin. Mahigpit niya akong niyakap. "I just want you to be happy on your special day. Whatever you want, I'll try to give it. Salamat at hinayaan mo akong tumayo ulit bilang ama mo."

Ngumiti ako at niyakap din siya. "You're welcome, 'Pa. Alam kong masaya na ngayon si Mama, lalo na at kasama niya si Akasana roon."

He softly smiled. "Tama ka."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

August 29. My birthday.

Pabagsak akong naupo sa kama nang hindi ma-i-zipper ang sout kong dress.

"Stefano!" iritado kong sigaw.

Agad naman siyang rumesponde at dumiresto sa kwarto ko. Nang makapasok siya ay matalim ko siyang tiningnan. Kumunot ang noo niya.

"What's wrong?"

Tinuro ko ang dress na suot ko na siya mismo ang bumili.

"Sabi ko small lang 'yong size ko. Bakit parang extra small 'yong nabili mo!" maktol ko habang sinubukang i-zipper 'yon. Lumapit siya at tinulungan ako.

"Small naman 'yan. Alam ko lahat ng size ng damit mo—puro small. Bakit hindi kasya sa 'yo 'yan?"

Dahil sa lakas nang pagkaka-zip niya, hindi naman ako makahinga. Naiinis na pumasok ako sa walk-in closet at nagpalit na lang ng simpleng damit.

Oversized red shirt na may tribal dragon na print sa likod ang aking nahagip. Pagkatapos ay gray na sweatpants at black female Nike slides ang itinerno ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat nga ako ang magtatanong niyan sa 'yo!" sigaw ko habang tinutupi ang dress na binigay niya. Tinago ko 'yon sa kabinet ko at lumabas na.

Napatingin siya sa 'kin pagkalabas ko. Lumawak ang ngiti niya.

"Now I know why the dress doesn't fit you." Tumaas ang kilay ko. Ngisi-ngisi siyang lumapit sa 'kin at tinulak ang katawan ko papunta sa full-length body mirror. Napatingin ako sa kanya dahil doon.

"Ano na naman bang problema mo, Stefano? Huwag mo 'kong inisin sa mismong birthday ko at baka ma-tsinelas kita diyan—"

"You gained a lot of weight," masayang wika ni Stefano.

Muli akong humarap sa salamin saka tiningnan ang katawan ko. Naestatwa ako nang makitang tama ang sinasabi niya. Nanaba nang kaunti ang mukha ko pero masasabi kong medyo visible pa rin ang panga ko.

Ang katawan ko naman ay nagkakalaman, mas lalo na ang hita ko. Pansin ko ring glowy ang mukha ko kahit wala akong nilagay ni isang make-up maliban sa lipstick.

"That means you're happy. . . I think? Masaya ako na tumataba ka ngayon, hindi katulad noong nasa Canada tayo. Napakapayat mo roon."

I gently touched my cheek, a smile forming on my lips.

Tumawa si Stefano at pinisil ang dalawa kong pisngi. Napapikit na lang ako dahil feeling ko na-stretch nang todo ang pisngi ko. Pagkabitaw niya ay lumabas ang natural na pagkapula ng aking pisngi.

"So cute," natatawa niyang wika.

Inirapan ko siya saka tinanggal ang pagkakatali sa 'king buhok. Napasubsob ako sa kanyang dibdib nang bigla niya akong yakapin sabay suklay sa akin.

"Happy birthday, li'l sis."

Napangiti ako. "Thank you, Stefano. Maraming salamat dahil palagi kayong nandiyan ni Papa sa tabi ko kapag kailangan ko ng masasandalan."

"You're welcome," was all he proudly replied.

Sabay na kaming bumaba at nagtungo sa garden. Nandoon sina Papa at Stephanie. Kompleto rin ang mga bodyguard na nagsisimula nang mag-videoke.

"Anak! Happy birthday," nakangiting salubong sa 'kin ni Papa.

"Happy birthday, Delaihla!" masayang bati ni Stephanie.

"Happy birthday, Ma'am," sabay-sabay na bati naman ng bodyguards.

"Salamat!" natatawa kong wika.

"Dad! Delaihla gained weight. Kailangan nating i-celebrate din 'yon!" nakangising wika ni Stefano.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Stefano at natuwa sa nalaman. Ayaw na ayaw nila 'yong katawan ko dati dahil sobrang payat ko pa.

Chocolate cake ang nabili ni Papa dahil paborito ko 'yon at ang ibang putahe naman ay binili na lang namin sa restaurant. Naging maganda rin ang daloy ng birthday ko dahil sa bodyguards ni Papa.

Ang iba kasi ay may mga tama na ng alak. Nagbigay rin sila ng rosas bilang regalo at sinayaw na rin ako, kaya parang nagmistulang debut party ko 'yon.

Inabot kami nang gabi sa hardin dahil sa pagsasaya. Naiwan ang mga bodyguard ni Papa sa hardin habang kami naman ay nasa sala na ng bahay.

"I have a gift for you," nakangiting wika ni Papa.

May nilapag siyang velvet box sa center table at nilapit sa 'kin. Necklace? Ang ganda ng box—pwedeng pang-display.

"Thank you!" pasalamat ko bago buksan iyon. Kumunot ang noo ko sa nakita. Akala ko necklace. Hinawakan ko 'yon at nilabas mula sa kahon. Lumawak ang ngiti ni Papa nang makita ang reaksyon ko.

"'Pa. . . Susi po ng kotse 'to, ah," 'di ko makapaniwalang saad.

Tumango si Papa. "That's yours." Nagtilian sina Stephanie at Stefano.

Kung tatanggihan ko ang regalo niya sa akin, paniguradong hindi siya papayag. "Thank you, 'Pa!" Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit.

He chuckled and patted my back. "Give it a go."

Malawak akong bumungisngis saka ko patakbong kinuha ang aking wallet, lisensya, at jacket. Agad akong sumakay sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay, bumusina, saka iyon pinaandar.

Mangha kong sinipat ang loob nito. Isa itong kulay puting Raptor. Pinaandar ko lang ito paikot sa mga lugar na alam ko hanggang sa madaanan ko ang isang lugar na sobrang pamilyar sa akin.

Dito kami unang nagtagpo ni Dominic. . . kung sa'n may nangyari sa amin.

Pinarada ko sa gilid ang kotse saka nagtungo sa pwestong lagi naming inuupuan. Sobrang pungay pagmasdan ng mga ilaw mula rito.

"Fria?"

Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses ni Aksana. Nakatayo siya malapit sa punong katabi ng kotse ko. Kumaway siya sa 'kin.

"Aksana," bulong ko sa hangin.

Lumawak ang ngiti niya. "Happy birthday, Mama. . . I love you."

Almost immediately, a tear escaped my eye.

"Salamat anak. Maraming salamat," masaya kong saad. "I love you too."

Napapikit ako nang masilaw sa ilaw ng dumaang sasakyan. Nang ibinalik ko ang aking tingin sa gawi ni Aksana ay hindi ko na siya matagpuan.

I mustered a bittersweet smile. Tumingala ako sa kalangitan saka kinuha mula sa bulsa ng aking jacket ang isang lata ng beer na aking binili sa daan bago ako mapadpad dito. Inangat ko 'yon saka nangatal na ngumiti.

"Cheers to my birthday," mahina kong saad.

Sumimsim ako ng alak saka naramdamang may tumabi sa 'kin. Napalingon ako nang makita kung sino 'yon.

Bakit siya nandito?

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top