CHAPTER 34

CHAPTER 34

NAPAKURAP ako ng ilang beses kung namamalikmata lang ako ba ako o hindi. Pero totoo siya. Sinusundan ba ako nito? Siya yung lalake na nakausap ko nung nasa Canada ako.

As usual ang get up nito ay gano'n parin. Naka black facemask at nakatali ang mahaba nitong buhok. Hindi ko naman makita ang buong mukha niya dahil sa facemask niya.

"How are you feeling?" bigla nitong wika.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses nitong pamilyar sa aking pandinig. Bakit noong nasa Canada ako hindi ganoon ang boses niya. Umusog ako papalayo sa kanya.

"I'm the one who rescue you on that incident, Delaihla," salita ulit nito habang nakatingin sa naglalakihang makukulay na building.

Napaatras ako papalayo sa kanya. Bakit ba kailangan pang mag-krus ang landas namin? Para ba saktan ulit ako? Iniwas ko ang aking paningin ng maramdamang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Sana hindi mo na lang ako niligtas, Dominic," mahina kong wika. Sapat na 'yon para marinig niya. Kaming dalawa lang naman nandito kaya alam kong maririnig niya ang sinasabi ko. "Gusto mo pala na masaktan ako bakit mo 'ko niligtas, huh?"

Wala akong narinig na sagot sa kanya. Sa halip ay tinanggal niya ang facemask na sout nito at binalingan ako ng tingin. Nagsalubong ang nga mata namin. Medyo mahaba na ang balbas nito at walang kabuhay buhay ang kanyang mukha. T-shirt na itim at naka jacket na itim ito habang ang pangibaba niya ay sweatpants na gray.

Muli akong napaiwas ng tingin ng makita ang katawan nito. Kumakain pa ba 'to? Napapikit ako ng maisip ko kaagad 'yon. Akala ko ba wala na akong pake sa kanya!?

"Anong nangyari sa 'yo bakit ganyan katawan mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang ito at nagindian seat. Muli siyang tumingin sa makukukay na building ngayong gabi.

"Hindi ko pa sahod. Wala akong mabiling pagkain," tipid nitong tugon.

"Nakapunta ka ng Canada tapos pambili ng pagkain wala?" sarkastiko kong wika sa kanya at pagak na tumawa.

Muli niya akong nilingon. "Binigyan lang ako ni Cattalina pamasahe papunta roon."

"Bakit ka ba pumunta roon? Nagwawaldas ka lang ng pera sa walang dahilan," tugon ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay tumingin lang ulit sa magandang tanawin. Yumuko ako at napakuyom. Sa tuwing nakikita ko siya Aksana kaagad pumapasok sa isip ko. Nilabanan ko ang sarili kong hindi lumuha.

"I just want to see if you safe or not," mahina nitong wika na ikinatingin ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hindi kita maintindihan, Dominic. Ano 'to? Palabas mo na naman ba 'to?" naguguluhan kong tanong.

"Tigilan mo na 'to. Nakaganti kana sa akin 'di ba? Namatay anak natin dahil d'yan sa isip bata mong paghihiganti sa 'kin. Nadamay pa siya dahil sa childish mong desisyon!"

Mabilis kong pinunasan ang aking luha at tumayo. Nahuli niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya kaya nagdikit ang katawan namin.

"Hindi na ako nakatira sa bahay nila Mom at Dad. Kinuha nila lahat ng sa akin, Delaihla. Kotse ko na lang at wallet ang nasa akin," bigla nitong salita habang nakayakap sa akin.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinignan siya.

"You deserved it, Dominic! Lahat ng nangyayari sa 'yo ngayon karma mo na!" umiiyak kong wika.

Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya sa anak ko pero hindi ko alam bakit nakikipaglaban ang puso ko sa utak ko. Sunod sunod ang paghikbi ko dahil sa aking emosyon.

"I-i know. . . " he whispered.

Bakit ba ako naawa sa kanya? 'Yon ang nararamdaman ko ngayon. Naawa ako sa kalagayan niya! Ayaw ko ng ganito! Dapat nga masaya ako kasi naghihirap na siya at hindi pa 'yon sapat!

Ayaw kong salubungin ang mga mata nito dahil lungkot ang nakikita kong emosyon doon.

Napatingin ako sa kanya ng tumalikod ito at may kinuha sa kanyang kotse. Pagbalik niya sa pwesto nito inabot niya sa akin ang big mac na may isang maliit na kandila.

"H-happy birthday. . . Delaihla," mahina nitong wika at inabot 'yon sa akin. Nakababa lang ang tingin ko roon. "'Yan lang ang kaya ng budget ko—"

"Hindi ko kailangan n'yan," seryoso kong wika at tinabig ang hawak nitong pagkain.

Natapon sa sahig 'yon kaya parehas kaming nakatingin doon. Pinanood ko lang siyang damputin ang natapong pagkain.

"Shit. . . Okay, okay. I will eat this later," dinig kong bulong nito at pinagpag pa ang nadumihang burger buns.

Umigting ang panga ko at nilapitan siya. Malakas na sinipa ko ang pagkain at tumilapon 'yon. Naiinis na tinulak ko siya kaya napaupo ito sa sahig.

"Ano ba! Bakit mo ba 'to ginagawa, ha!" umiiyak kong wika. "Tigilan mo na 'to! Kung sa tingin mong naawa ako sa 'yo hindi! Hindi!" sigaw ko sa kanyang harapan habang pinagsusuntok ang malapad nitong dibdib. Hindi naman siya umangal kaya malaya kong nagagawa ang gusto kong gawin sa kanya.

"Itigil mo na 'to!" humahagulhol kong wika. Hindi parin siya nagpatinag pilit niyang inaabot ang pagkain na nasa lalagyanan ng big mac. "Hindi ka ba napapagod na saktan ako!?" umiiyak kong wika.

Naramdaman kong pumulupot ang braso nito sa aking bewang at niyakap ng mahigpit. "Ano ba! Bitawan mo nga ako! Bitaw!"

Wala paring tigil ang aking luha sa pagtulo hanggang siya na rin ang lumuluha. Nakasubsob ang ulo nito sa aking tyan at umaalog na ang balikat nito. Nababasa narin ang sout kong red tshirt dahil sa luha nito.

"Ano ba, Dominic! Bakit ka ba umiiyak!? Huwag kang magpaawa ano ba!"

Lalong humigpit ang yakap nito sa akin at inangat ang tingin sa akin. "I-i'm sorry. . . Delaihla. I'm sorry for everything. I know I deserved this. I'm sorry it's my fault that I killed our daugther. . . I'm really sorry. Nagsisisi na ako. . . I'm sorry," humahagulhol nitong wika at muling sinubsob ang kanyang ulo sa aking tyan.

Natigilan ako sa sinabi nito at mas lalong naiyak. Nanatili akong nasa ganoong posisyon habang si Dominic ay umiiyak parin sa 'king tyan.

"I don't know if you will forgive me or not. Please. . . J-just give me a permission to visit Aksana's grave. . . Kahit 'yon lang," umiiyak niyang wika. Muling humigpit ang yakap nito sa akin. Parang takot na tatakbo ako o malayo sa kanya.

"I still love you, Delaihla. I still do. . ." umiiyak niyang wika.

Pinalis ko ang aking luha at umatras ng lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin. Napalingon ako sa gilid niya ng makita si Aksana na nakaupo sa kanyang tabi at parang malungkot ang emosyon. . . Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mukha ni Dominic na punong puno ng luha.

"Aksana. . ." mahina kong wika.

Hindi niya ako narinig. Umangat ang kamay nito at sinusubukang pinunasan ang luha ni Dominic pero wala namang nangyari.

Binalingan ko ng tingin si Dominic ng makitang binabalik niya sa karton ng big mac ang natapon na pagkain. Nilapitan ko siya kaya umangat ang tingin nito sa akin.

Umiling ito. "Ako na bahala rito. . . Huwag mo ng sipain," mahina nitong wika.

"Itigil mo 'yan," mahina kong wika. Hindi niya narinig ang sinabi ko at nagbibingi bingian. "Itigil mo nga sabi 'yan!"

Doon siya natigilan sa sinabi ko. Naupo siya sa pinagpwestuhan nito kanina at namayani ang katahimikan. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko para matrack ang driver ng grabfood.

Nanatili akong nakatingin sa city lights. Habang itong puso ko ay walang tigil sa pagtibok ng sobrang bilis.

"I'm sorry. . . Again," mahinang usal ni Dominic.

Nilingon ko siya. Malambot lang ang expresyon nito sa akin. Hindi ko na iniwas ang paningin ko sa kanya. Kahit madilim alam kong nakatingin siya sa akin.

Yumuko ako at kinagat ang aking labi. Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi ako hinawakan. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan siya.

"Sinubukan kitang kalimutan. . . Pero mismong puso ko ayaw ka kalimutan," umiiyak kong wika. "Kung makakalimutan kita saglit lang 'yon. Mismong utak at puso ko ang gumagawa ng paraan para maalala ka," umiiyak kong wika.

Walang kwenta ang pag punas ko sa aking luha. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at hinayaan ko na lang siya.

"G-gusto kong magalit sa sarili ko. . . Pero wala, eh. Hindi ka parin maalis sa isipan ko," umiiyak kong wika. Hindi niya ako sinagot pero nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Pati si Aksana hindi ako pinapatulog kapag tungkol sa 'yo," pagtutuloy ko ng kwento. "Minsan ay ikaw ang bukambibig niya kapag nakikita ko siya."

"I'm sorry, Delaihla. Shush. . . It's mine. It's my fault," he whispered.

Sa tingin ko ay tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon. Open up sa isa't isa ang dapat sabihin at dapat malaman. Natigil lang 'yon ng dumating ang pagkain na inorder ko para sa kanya.

Hindi niya 'yon tinanggihan at nilantakan kaagad 'yon. Akala mo ay hindi nakakain ng ilang araw dahil sa kung paano siya kumain. Yumuko ako at hinayaan siyang kumain. Ngayon iniisip ko kung paano ko sasabihin kela Papa at Stefano ang tungkol dito.


NANATILI akong nakaupo sa mahabang sofa habang nasa tabi ko si Dominic. Nandito na kami ngayon sa bahay at nasa harapan namin si Papa at Stefano. Seryoso ang kanilang mukha.

Pagkatapos ng gabing 'yon. Niyaya ko siyang mamahinga roon sa condo ni Stefano na hindi na nagagamit. Ako ang nagpresinta na i-trim ang mahaba nitong buhok at ahitan siya ng balbas. Kaya mas nagmukhang maayos ang hitsura niya ngayon.

At nang gabing 'yon doon ay nakatulog siya ng mahimbing. . . Parang 'yon nga ang pinakamaayos na tulog nito sa buong buhay niya. Pagsikat ng araw ay dumiretso na kami rito para kausapin si Papa at Stefano.

"What's the meaning of this?" naguguluhang wika ni Stefano. Halatang may bahid na inis ang kanyang boses.

"Stefano, calm down," wika ni Papa.

Nilingon ako ni Dominic kaya napatingin ako sa kanya. Tipid ko lang itong ningitian at tinignan sila Papa.

"Huwag mong sabihin sa 'kin na nagkabalikan na kayo—"

Hindi natuloy ni Stefano ang sasabihin nito ng biglang tumayo si Dominic at biglang lumuhod sa harapan nila.

"I'm sorry for what I have done," mahina nitong wika habang nakayuko.

Parehas kaming tatlong nabigla sa ginawa nito. Tumayo ako at hinawakan ang kanyang braso.

"Tumayo ka nga—"

"Let him be," pigil sa akin ni Papa.

Kahit nagdadalawang isip ay bumalik ako sa kinauupuan ko at pinagmasdan sila. Bumaba ang tingin ni Papa kay Dominic at tumikhim.

"Alam mo naman lahat kasalanan na ginawa mo sa apo at anak ko 'di ba?" seryosong wika ni Papa.

Tanging tango lang ang naitugon nito at mas yumuko pa. Namayani ang katahimikan at ako na ang bumasag no'n.

"May kasalanan din akong ginawa. . . 'P-pa," pagsingit ko.

"Gusto ko lang ng humingi ng tawad," usal ni Dominic at inangat ang kanyang ulo. "Ilang beses na akong humingi ng tawad sa anak niyo at ngayon naman ay sainyo naman po."

Pagak na tumawa si Stefano at napapailing na umalis sa sala. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas papuntang hardin.

"Halata naman na nagkaayos na kayo ng anak ko. Hindi ko na mas gugustuhin pang pumagitna sa desisyon niya kaya hahayaan ko na lang 'yon. Dahil sa pangalawang pagkakataon na saktan mo ang anak ko ako na ang makakalaban mo kahit sabihin mo pa na mas mayaman ang magulang mo o makapangyarihan wala akong pake roon dahil anak ko ang pinaguusapan natin ngayon. Naiintindihan mo ba?" mahaba nitong lintayan na nakapagpatulala sa akin.

Tumango ng maraming beses si Dominic at tumayo. "Thank you. . . Thank you so much, Sir."

Tinanguan niya lang si Dominic at naglakad si Papa palabas sa hardin. Napatingin tuloy ako sa kanya ng maupo siya sa aking tabi.

Kumunot ang noo ko at binato ang tissue box na kinuha ko sa center table ng sala.

"Ano ba bakit naging iyakin kana?" usal ko.

Kinuha niya 'yon at pinunasan ang kanyang luha. Umiling siya at tinignan ako. Tipid itong ngumiti sa akin.

"N-nothing. . . I'm just happy," garalgal ang boses nito.

Kinuha ko ang bottled water at binigay sa kanya. Ininom naman niya kaagad 'yon. Nagpaalam lang kami saglit para bisitahin si Aksana sa sementeryo. Ito pa lang ang pangalawang bisita niya sa puntod ni Aksana. Ang una ay yung paglibing niya at hindi na nasundan dahil ayaw ni Papa na papuntahin siya roon ng malaman niya na siya ang may dahilan kung bakit hindi napaagap ang paggamot sa anak ko.

Pinagmasdan ko lang siyang nakaluhod sa harapan ng lapida ni Aksana habang lumuluha. May binubulong ito na hindi ko maintindihan. Hinayaan ko na lang siya sa gusto nitong gawin.

"I'm sorry my baby. Please forgive me. I'll take care of your Mama don't worry," dinig kong wika nito.

Bumuntong hininga ako at nilapag ang daisy na bulaklak sa gilid ng kanyang lapida. Kinuha 'yon ni Dominic at siya ang naglagay roon para mas maganda tignan.

Tumikhim ako. "Tumayo kana d'yan. Madudumihan ang short mo."

Hindi siya sumagot sa akin pero sinunod niya lang ang sinabi ko. Tumabi siya sa akin at tinanggap ang tissue na kakaabot ko lang. Meron pa akong dalang extrang box na tissue para sa kanya.

Sabay kaming nagsindi ng kandila at naupo sa picnic blanket na kalalatag ko lang. Naupo siya sa tabi ko habang pinagmamasdan ang lapida ni Aksana. Malakas na ihip ng hangin lang ang naririnig ko. Walang tigil tuloy ako sa pag hawi ng makapal at pinong kulot kong buhok.

"Let me tie your hair," bigla nitong wika at pumunta sa aking likuran. Tinali niya 'yon sa pony tail at sinuklay pa ang buhok ko gamit ang kanyang daliri. Pagkatapos ay naupo ulit siya sa aking tabi.

"Salamat," tugon ko at hinawakan ang pagkakatali nito. Hindi mahigpit at hindi maluwag. Sakto lang.

"Welcome," tipid nitong wika.

"Thank you, Delaihla," mahina nitong anas. "Because you forgive me. . . "

Tinignan ko siya at tumango na lang. "Hmm."

Muling namayani ang katahimikan at nilibot ko ang aking paningin sa buong sementeryo. Napako ang aking tingin sa malaking puno kung saan nakapwesto si Aksana. Nandoon siya at nakatingin sa 'ming pwesto ni Dominic.

"Nakikita mo siya?" mahina kong wika sa kanya.

Napatingin sa akin si Dominic. "Who?"

Tinuro ko ang pwesto ni Aksana. Lumawak ang ngiti nito ng magtama ang paningin nila ni Dominic. Napalingon ako sa kanya ng hindi na siya magsalita. Nangingilid na naman ang kanyang luha at napako sa kanyang kinauupuan.

"Aksana. . . " dinig kong bulong nito.

Mapait akong ngumiti. Nakikita niya rin siya. Akala ko ako lang nakakakita. Naluha ako dahil doon. Pinunasan ko ang aking luha at inangat ang kamay para ikaway 'yon sa anak namin. Ganoon din ang ginawa ni Dominic. Palaging nasa tabi ni Aksana si Mor'du. Wala paring kupas ang ganda ng anak ko.

Humagikhik si Aksana at nagmistulang tugtog 'yon sa aking tenga. Lumawak din ang ngiti ni Dominic at sa tingin ko ay narinig niya rin 'yon.

"Yes. . . I will," bulong ni Dominic.

Naramdaman ko ang kamay nito na pinagsiklop sa akin. Mahigpit niya 'yong hinawakan habang kumakaway parin sa anak ko. Napalingon tuloy ako sa kanya at mabilis lang din binalingan ng tingin si Aksana na ngayon ay unti unti ng naglalaho kasama si Mor'du.

"Fria. . . Papa. Thank you, bati na kayong dalawa. huwag na kayong mag-away, ha? Mamimiss ko kayo pati sila Papa lolo. I love you. . . Paalam."

'Yan ang narinig naming bago siya tuluyang maglaho sa aming paningin. Doon bumuhos ang aking luha. Alam kong 'yon na ang huli at hindi na siya magpapakita. Gusto niya lang na magkaayos kami bago siya makaalis. 'Yon lang at wala ng iba.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top