CHAPTER 34

CHAPTER 34

DELAIHLA FRIA HATT

Tahimik akong nakamasid kay Stefano na abala sa trabaho nito. Mas pinili niyang mag-work from home para mabantayan ako nang mabuti. Kanina ay katatapos niya lang sa board meeting na siyang dinaluhan niya via online.

Mas importante pa raw ako kaysa trabaho niya kaya pinili niyang dito muna sa bahay. Napailing na lang ako at bumangon saka inabot ang aking inuman ng tubig.

Nakita kong lumingon siya sa 'kin at nilapitan ako.

"Nagugutom ka ba?" he asked.

Magulo ang buhok niya, hindi nakaayos ang kanyang kurbata. Tumango ako at tipid siyang nginitian.

Nilingon ko ang lamesa niyang natatambakan ng maraming papel at folder. "Mukhang marami ka pang gagawin. Mamaya na lang pala para sabay na tayo."

Umiling siya at hinaplos ang buhok ko. "No. Kakain na tayo ngayon, okay? Magsasaing muna ako."

Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa comforter na nakabalot sa 'king katawan. Binalik ko ang bote ng tubig sa lamesa at pinagmasdan siyang parang natataranta sa paggawa ng makakain namin.

"Damihan mo sana magsaing," hiling ko.

Tumango siya habang nagtatakal ng bigas. "Okay, boss."

Napailing na lang ako at nahiga sa sofa. Nanatili akong tulala sa kisame. Bumalik na naman ang lagnat ko at mas tumaas pa 'yon kumpara noong nakaraan. Mukhang nabinat ako.

Napalingon ako sa gilid nang suklayin ni Stefano ang buhok ko.

"Bibili na lang ako ng ulam. Some Filipino food?"

Tumango ako. "That would be nice. Thank you."

He smiled. "Okay. Bilisan ko na lang," aniya saka siya lumabas.

Tumalikod ako at umidlip. Sumasakit na naman ang ulo ko. Ilang minuto rin ang inabot bago ako tuluyang nakapahinga. Pero 'di rin 'yon nagtagal dahil nagising na lang ako na parang nahihirapan akong huminga. Napabalikwas ako ng bangon nang napuno ng usok ang buong sala.

"Anong nangyayari—"

Ilang beses akong umubo dahil sa usok. Nanggagaling ang malakas na apoy sa kusina. Naalala ko ang nakasalang na sinaing ni Stefano.

Halos kapusin na ako ng hininga. Makapal ang usok at hindi ko na gaano makita ang dinaraan ko. Isa lang ang nasa isip ko: Ang makalabas nang ligtas.

Bago ko pa marating ang pintuan ng bahay ay bumagsak na ang katawan ko sa lapag. Lalong lumakas ang apoy dahil may narinig akong mahinang pagsabog na nagmumula sa kusina.

Hindi ko alam na alam ang nangyayari pero ramdam kong tumulo ang aking luha. Napapikit ako at ilang beses ulit naubo.

Ito na ba ang paraan para magsama na kami ni Aksana?

Mapait akong ngumiti, hinayaan ang sarili sa lapag. Hindi na rin ako makagalaw nang maayos dahil nanghihina na ang katawan ko.

Doon ko na naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko, hinahabol ang sariling hininga pero nanaig ang sakit sa 'king dibdib.

"A-aksana. . ." wala sa sarili kong wika.

Nanghihinang umangat ang tingin ko nang biglang may sumipa sa pintuan. Lalake 'yon. . . Mahaba ang buhok, naka-face mask, at naka-itim na t-shirt. Bumaba ang tingin nito sa 'kin at natulala nang makita akong nakahandusay.

"Fuck!" he softly muttered.

Naramdaman ko na lumutang ang aking katawan at lumabas sa pinanggalingan namin. Hindi ko na nagawang pasalamatan ang taong nagligtas sa 'kin nang mawalan na ako ng malay.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Kung hinayaan na lang sana ako roon sa sala, mas maganda sana. Makakasama ko na ang anak ko. Alam kong sasaya kami kapag nangyari 'yon.

Saglit akong natulala nang magising ako. Malawak na kulay puting kwarto ang bumungad sa akin. Napakurap ako saglit nang makita si Stefano.

"I'm sorry, Delaihla. I'm sorry," paulit-ulit niyang sambit.

Namutawi ko ang lungkot sa mga mata niya habang humihingi ng tawad. Hindi naman ako makatugon dahil naka-oxygen mask pa rin ako. Tinanggal ko 'yon saka dahan-dahang naupo sa kama.

"Huwag mong hubarin 'yan. You need that." Akmang ikakabit niya ulit sa 'kin ang oxygen mask pero umiling ako.

"Medyo okay na 'ko—"

I was cut off when he enveloped me in a warm and tight embrace.

"Sorry, Delaihla. Dapat hindi na lang kita iniwan doon. I'm really scared. Ikaw ang una kong naalala noong nakita kong nilalamon ng apoy 'yong tinitirhan natin," litanya niya habang nakayakap sa 'kin.

"'Y-yong nagligtas sa 'kin. . . Sinong nagligtas sa 'kin?"

Siya na ang kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ako.

"Hindi na namin nakita. Pagkatapos ka niyang ibigay sa 'kin ay umalis kaagad siya."

Yumuko ako at kinuyom ang kamay ko sa 'king hita.

"S-sana hindi niya na lang ako pinuntahan doon." I bit my lip. "Sana hinayaan niya na lang akong mamatay roon," naiiyak kong sambit.

Sinapo niya ang mukha ko. Umiling siya nang maraming beses. "No, don't say that. I'm here. Nandito kami nila Dad para sa 'yo."

"Hindi mo alam! 'Yon na lang ang paraan para magkasama kami habambuhay ni Aksana, Stefano. 'Yon na lang ang paraan. Ano pa bang silbi kong mabuhay kung ang mahal ko na nagiging inspirasyon kong maging masaya at gumising araw-araw ay wala na!" hagulhol ko.

Nanatili siyang nakasapo sa mukha ko, walang tigil sa pagpunas ng aking luha. Hinalikan niya ang noo ko, pinakakalma. Isang taon na pero masakit pa rin.

"Nandito naman kami, Delaihla. Kahit 'yon na lang. . . Masaya kami ni Papa na makasama ka ulit. Sobrang saya namin. What do you think Dad would feel if you'd said that to his face? Hindi pa siya nakakabawi sa 'yo sa lahat ng pagkukulang niya; kaya sana, kahit 'yon na lang ang maging lakas mo—at magiging lakas ka rin namin. Pamilya tayo, 'di ba?" pang-aalo niya.

Napuno ng hikbi ang buong silid habang siya ay panay punas sa 'king luhang walang tigil sa pagtulo. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nakitang lumuluha si Stefano. Pinipigilan niya lang 'yon pero may ilang butil nang lumandas sa kanyang pisngi.

"H-hindi ko na rin alam ang gagawin ko, Delaihla. As your eldest brother, I must do something to cheer you up. I can't stand seeing you like this. Crying. Every night. . . Your breakdowns," garalgal niyang bitiw.

"Let's go home, please," pakiusap ko. Ilang beses akong umiling sa harapan niya. "Si Papa. . . Gusto ko nang makita si Papa."

Niyakap niya ako saka hinaplos ang likod ko. "May ticket na tayo pabalik ng Pilipinas. Bukas, aalis na tayo. Konting tiis na lang," pagpapakalma niya.

"Delaihla."

Hilam pa ang luha sa 'king pisngi nang sabay kaming tumingin ni Stefano sa taong pumasok sa silid. Muling nanubig ang aking mga mata nang makita si Papa. Kasama ang palagi niyang dinadala na mga bodyguard.

"Delaihla, anak," tawag ni Papa at nilapitan ako. Gumilid si Stefano para padaanin si Papa. Niyakap niya ako at kusa na lang din akong napayakap sa kanya.

"'Pa. . ." umiiyak kong saad. "Umuwi na tayo. . . Ayaw ko na rito."

Umiyak ako nang umiyak na parang bata sa kanyang balikat. Hindi siya nagreklamo kung mababasa ang sout niyang damit. Sumunod ay yumakap din si Stefano hanggang sa kumalma na ang pakiramdam ko.

Tumango siya nang maraming beses at hinalikan ang noo ko. "Yes. Tomorrow, we'll go home. Stop crying, my princess. Daddy's here."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top