CHAPTER 33

CHAPTER 33

DELAIHLA FRIA HATT

Napatingin ako sa kanya habang kumakain ng ice cream. Dahan-dahan akong tumango at tipid siyang nginitian. Tumango-tango rin siya sa akin.

"I-ikaw? Filipino?" balik kong tanong sa kanya.

Tumango siya at sumandal sa kinauupuan nito. "Oo."

"Ahh." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.

nubos ko ang pagkain ko, pasulyap-sulyap sa lalakeng hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa pwesto nito.

"Gaano ka na pala katagal dito sa Canada?" bigla kong tanong.

Wala naman sigurong masama na kausapin siya. Ngayon nga lang ako nakipaghalubilo sa kabayan ko rito.

Tumingin siya sa 'kin. "Isang taon na yata," sagot niya.

I heaved. "Parehas lang pala tayo." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Delaihla nga pala. Ano'ng pangalan mo?"

"I'm—"

"Delaihla, who's this?"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Stefano. Napatayo ako saka siya nilapitan.

"Nandito ka na pala. Sana tinawagan mo 'ko para sinalubong na lang kita."

"Sasalubungin mo ang kotse ko? E'di, namatay ka no'n?" taas-kilay niya.

Kumunot ang noo ko. Pilosopo. Hinampas ko siya sa braso.

"Alam mo, tarantado ka rin kahit kailan. Malamang para maghintay na lang sa gilid ng kalsada para hindi mo na 'ko bababaan! Tanga," naiinis kong tugon.

Humalakhak siya saka ako inakbayan. Dinala niya ako papunta sa kotse niyang naka-park sa gilid ng kalsada. Abnoy rin 'to minsan. Baka mamaya ma-ticket-tan siya; butas na naman bulsa nito.

"T-teka 'yong kausap ko—"

"Saan?" kunot-noong tanong ni Stefano.

Tinuro ko ang pwesto ko kanina at lumingon kaming dalawa. Wala na roon ang lalaking kausap ko kanina. Binalingan ko ng tingin si Stefano.

"Wala na siya. Bigla ka kasing sumingit. Nagpapakilala na eh," maktol ko.

"Dapat hindi ka na nakikipag-usap kahit kanino," aniya saka bumaba ang tingin sa 'kin. "Don't talk to strangers." Pinisil-pisil niya ang pisngi ko.

Naiinis kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin at siniko ang tagiliran nito.

"Ano ako? Bata?" asik ko.

Nauna akong maglakad papunta sa kotse at pumasok sa passenger seat. Humalukipkip ako at hinintay siyang paandarin 'yon.

"Baka mamaya may gagawin 'yong masama sa 'yo," paalala ni Stefano.

Hinarap ko siya. "Pinoy rin siya," lahad ko.

"Kahit na. Mahirap magtiwala sa mga tao ngayon," mahinahon niyang wika.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at hindi nakasagot sa sinabi niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan at ulo ko. Hindi ko napigilang maubo. Nagkatinginan kami ni Stefano. Nasa garahe na pala kami.

"You okay?" he checked.

Mapungay ko siyang tiningnan. Bumagsak ang ulo ko kasabay ng pagbigay ng katawan ko.

"Delaihla! Shit!" Iyon ang huling narinig ko mula kay Stefano.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Fria! Fria? Hindi ka pa rin okay? I-kiss na lang kita para gumaling ka na."

Napabangon ako nang marinig ang boses ni Aksana. Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang anak ko na nakatingin sa 'kin. Malambing siyang ngumiti. Nakaluhod siya sa harapan ko, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang hita.

"Aksana. . ." Bumalikwas ako at ginaya ang pag-upo niya. Ang makapal at pinong kulot ng kanyang buhok ay merong maliliit na puting bulaklak na disenyo.

"Ngayon ka na lang nagpapakita sa 'kin. Nagtatampo ka ba kasi hindi ako nakabisita sa puntod mo noong death anniversary mo at birthday?" naiiyak kong tanong.

Nilapitan ko siya at niyakap. "Lagi kong sinasabi kay Papa na linisan ang puntod mo. Hinding-hindi kita makakalimutan."

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin. Tumulo ang luha ko. Humikbi ako nang hinaplos niya ang likod ko gamit ang maliliit niyang kamay.

"Fria. . . Mama kita," masaya niyang sambit. "Huwag ka na umiyak, Fria. Hindi naman ako nagtatampo sa 'yo. Lagi ka na lang umiiyak kapag nagkikita tayo," puna niya.

Hinarap ko siya at pinunasan ang aking luha. "H-hindi na 'ko iiyak, Aksana. Hindi ko lang maiwasang umiyak kasi nangungulila ako sa 'yo."

"Huwag ka na kasi umiyak, Fria. Akala ko ako ang iyakin sa 'ting dalawa. Ikaw pala 'yon," aniya saka bahagyang humagikhik.

Hinaplos niya ang mukha ko at hinalikan ang aking pisngi. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Fria, kahit kailan hindi ako nagalit sa 'yo," malumanay niyang banggit.

"Aksana. . ."

"Mama pa kita." Lumawak ang ngiti nito sa 'kin.

Dinamba niya ako ng yakap at natumba kami sa damuhan. Humalakhak siya at hinalikan ang pisngi ko nang maraming beses. Muling tumulo ang luha ko.

"Si Papa. . ."

Napatingin ako sa kanya nang banggitin niya 'yon. Walang tigil ang luha ko sa pagtulo hanggang sa nauwi na naman 'yon sa paghagulhol.

"Sana maging okay na kayo ni Papa, Fria. Mama kong maganda, mahal na mahal kita," nakangiti niyang sabi.

Napadilat ako nang naramdaman kong may yumugyog sa katawan ko. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Stefano na pawis na pawis.

"Fuck!" he uttered. "Shit, akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo!"

"S-si Aksana. . ." 'yon na lang ang tangi kong nasambit.

May malamig na telang nakalagay sa noo ko. Binabalot din ako ng comforter.

Pinunasan ni Stefano ang pawis sa 'king mukha. Pinalitan niya 'yon ng panibagong towel na medyo basa at pinunas niya 'yon sa katawan ko.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" usisa niya.

"A-Aksana," paos kong wika.

Hinaplos niya ang buhok ko at tipid na ngumiti. "Binisita ka niya?" he softly asked.

Tumango ako. Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ang aking noo.

"Gusto ko nang umuwi. A-ayaw ko na rito," lumuluha kong saad. "Gusto ko nang m-makita si Aksana."

"Okay. We will go back to the Philippines immediately. Stop crying," tugon niya habang wala siyang tigil sa pagpunas ng aking luha.

"Ayaw ko na rito. . ." paulit ulit kong bigkas.

"I know, Delaihla. I will get us tickets right away. Stay strong, hmm?"

"Sana maging okay na kayo ni Papa, Fria. Mama kong maganda, mahal na mahal kita," Aksana's voice echoed in my head.

Inalalayan niya akong makaupo sa kama saka ako sinandal sa headboard. Siya na ang nagpainom sa 'kin ng gamot bago ako muling inihiga.

"Aalis tayo rito kung 'yon ang gusto mo, ha? I'll just talk to Dad. He can book us a plane ticket immediately."

Tumango ako. Parang lumulutang ang katawan ko dahil sa nangyayari sa 'kin. Sa tuwing gagalaw ako sumasabay ang sakit ng ulo ko. Akala ko ba magaling na ako?

"Have some sleep. Rest your body. Ako na ang bahala sa kumpanya," salita niya habang kinukumutan ako. "Damn it. I think it's my fault. Ang dami ko yatang pinapagawa sa kanya," dinig kong bulong niya sa sarili.

Papikit na sana ako nang aking marinig ang aking sariling mayroong paulit-ulit na binabanggit. Alam kong napatingin sa 'kin si Stefano dahil do'n, posibleng nagtataka kung bakit ko binabanggit ang pangalan niya.

With raspy breath, I muttered, "Dom. . . Dom. . ."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top