CHAPTER 32
CHAPTER 32
DELAIHLA FRIA HATT
"Bahala ka diyan. Iiwanan talaga kita kapag kinuha mo 'yan," bulalas ko habang tinutulak ang cart papuntang cashier.
Bumagsak ang balikat niya. "Just one, Delaihla—"
Umangat ang kamay ko at akmang susuntukin siya.
"Mapupuno mo na 'yong drawer sa sala kakabili ng alak! Ibalik mo 'yan doon," pagmamatigas ko.
Hinila ko ang manggas ng kanyang polo saka pinaubaya sa kanya ang pagbabayad ng pinamili naming groceries.
"Sa labas lang ako maghihintay," paalam ko.
Sumandal ako sa pader at humalukipkip. Akala ko ilang buwan lang kami rito magtatagal ni Stefano pero akala ko lang pala 'yon. Isang taon na kami rito sa Canada dahil sa pag-aasikaso ni Stefano sa kumpanya ni Papa.
Hindi ako nakauwi sa death anniversary ni Aksana pati na noong birthday niya; pero sa susunod ay uuwi na 'ko dahil sa Pilipinas ako magbi-birthday at hindi rito. 'Tsaka gusto ko na rin talagang umuwi ng Pilipinas.
Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ang wallpaper ko. Hindi ko pa rin naman binabago 'yon—si Aksana pa rin. Napapikit ako nang biglang dumaan ang malakas at malamig na hangin. Pinagkiskis ko ang aking mga kamay.
Kinuha ko ang hair clamp na dala ko at nilagay 'yon sa buhok ko. Nilapitan ko kaagad si Stefano nang makitang makalabas na siya ng pamilihan.
"Bakit ang tagal mo?" maktol ko.
"Gusto pang makipag-usap noong cashier sa 'kin," tanging tugon niya. Sabay kaming naglakad papuntang parking lot.
Napailing na lang ako sa sinabi niya at nauna nang pumasok sa passenger seat. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko nang biglang nag-ring 'yon.
"Hello?" sagot ko.
Stefano looked at me. I shrugged before putting the call on loudspeaker.
"Hindi na naman ba pumasok si Stefano?" tanong ni Papa sa kabilang linya.
Tumaas ang gilid ng labi ko at tiningnan si Stefano.
"Nope. He wanted to stay at his apartment—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang bibig ko. Malakas ko siyang hinampas at nahulog pa ang cellphone ko sa lapag.
"What's happening? Nasaan ba si Stefano?" Papa's voice reverberated.
"D-dad," Stefano spoke.
Nilapag ko sa dashboard ang cellphone para makapag-usap sila. Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko na pinakinggan ang sermon ni Papa kay Stefano.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na pigura. Nilapit ko ang mukha ko at tiningnan nang mabuti ang taong nakita ko pero mabilis siyang naglaho kasabay ng mabilis na takbo ng kotse ni Stefano.
Inayos ko ang upo ko at humalukipkip. Imposimbleng siya 'yon.
"Ano'ng nakita mo?" kunot-noong tanong ni Stefano.
Nilingon ko siya at dumukwang para kunin ang cellphone ko.
"Wala. Akala ko 'yong kakilala ko lang," sagot ko.
Tumango lang siya at muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho.
"Sasamahan mo pa ba ako sa kumpanya? Pwede ko namang i-send kaagad sa laptop mo 'yong gagawin mo kung ayaw mo sumama sa 'kin."
Binuksan ko ang cellphone ko at dumiretso sa notes para tingnan ang gagawin niya sa susunod na araw.
"Hindi ko pa alam," I sighed. "Sabihan na lang kita kung sasama ako o hindi," tugon ko.
"That's fine." He clicked his tongue. "Sabihan mo lang kaagad ako."
Hindi ko na siya sinagot at isinandal na lang ang ulo ko sa bintana. Pinagmasdan ang mga gusaling nadaraanan namin.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Sunod-sunod na araw kong kasama si Stefano sa kumpanya. Siguro ngayong linggo lang akong palaging nasa bahay dahil mahigit isang linggo rin akong nilagnat. Hindi pa rin sanay ang katawan ko sa klima rito sa Canada. Sinisipon pa rin nga ako at hindi makaamoy nang maayos.
"Don't forget to take your meds, Delaihla. Aalis na 'ko," paalam ni Stefano.
Nakapikit ang isa kong mata nang bumangon bago siya tingnan. Humikab ako at tumango-tango. Sumenyas lang ako ng pamamaalam bago muling nahiga sa malaking sofa sa sala.
Tinaklob ko ang makapal na comforter sa buong katawan ko saka sinubukang umidlip. Naramdaman ko ang paghimas ni Stefano sa ulo ko.
"Bye," he whispered before heading out.
Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan ang sariling makatulog ulit. Nang muli akong magising ay magbabandang ala-una na nang hapon. Nagsimula na akong kumilos upang makapaghanda ng makakain.
Habang nagluluto ay nakita ko ang s-in-end sa 'kin ni Stefano. Napailing na lang ako dahil sa tumambad na tambak na gawain. Madali na lang 'yon para sa 'kin dahil wala namang nagbago sa gagawin ko. Siya ang mahihirapan dahil sa tambak na papeles at mga conference meeting na kailangan niyang siputin.
"Nasobrahan ka sa chill, ah," natatawa kong wika habang nagta-type sa computer.
Mga tatlong oras din ang inabot ko sa paggawa dahil nag-send pa si Stefano sa 'kin ng mga dagdag na gawain. Nang makatapos ay nag-unat ako bago patayin ang laptop. Nagtungo ako sa sala pagkatapos, binuksan ang malaking bintana. Bumungad sa 'kin ang malaking glass window at mga magagandang gusali.
Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko.
Delaihla:
Pupunta muna ako saglit sa plaza, Stefano.
Tumayo na 'ko at kinuha ang beige coat ko mula sa likod ng pintuan. Nagsuot din ako ng bonnet at saka face mask bilang extra'ng proteksyon. Nang masigurong naka-lock na ang pintuan ay umalis na rin ako. Malapit lang ang plaza rito kaya minsan, doon ako natambay 'pag wala na akong ginagawa.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking coat nang may tumawag. Kinuha ko 'yon at nakitang si Stefano lang pala 'yon.
"Pagabi na, ah. Huwag ka na kayang umalis?" bungad ni Stefano.
"Nakalabas na 'ko. Alam mo naman kung saan palagi pwesto ko. 'Tsaka malapit lang naman 'to sa atin," pagdadahilan ko, umiirap.
Narinig ko na bumuntonghininga siya. "Okay. Umuwi ka na lang din kapag wala ka nang magawa diyan. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo."
I chuckled. I just assured him that I will be fine before ending the call. Binalik ko ulit ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko saka muling naglakad.
Pagabi na rin kaya mas gusto kong tumambay muna sa plaza dahil makulay ang mga ilaw rito. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan. Bumangga pa ang isang babae sa 'kin dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya.
Umangat ang tingin niya sa 'kin at nanlaki ang kanyang mga mata.
"I'm sorry, miss. It's my fault. I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.
Mahina akong natawa at pinantayan siya. Hinaplos ko ang kanyang buhok.
"It's fine. Don't worry," tugon ko.
Lumawak ang ngiti nito at saka bumalik sa kalaro. Naupo ako sa bakanteng upuan na pahaba at pinagmasdan lang sila. Naglaho ang ngiti ko nang makita ang mama nito na tinawag siya. Buntis ito at may dala pang baby sa stroller.
Wala sa sariling hinimas ko ang manipis kong tyan. Kung naging maingat lang ako, sa tingin ko ganyan na rin kalaki 'yong anak namin. Mapait akong ngumiti at napailing na lang.
Kahit ano'ng gawin ko, hindi na talaga ako magkakaanak. Nagpakonsulta na rin kami rito ni Stefano kung may pag-asa pa ba akong magkaanak pero mababa raw ang tsansa. Tinanggap ko na lang din 'yon kahit na masakit.
Sino ba naman ang ayaw magkapamilya?
Tumayo na ako at pumasok sa tindahang nagbebenta ng ice cream rolls. Dito ako palagi bumibili sa tuwing natatambay ako rito sa plaza.
"Are the Twix ones available?"
Ngumiti sa 'kin ang tindero. "Yes, Ma'am. Would you like an order?"
"Yes, please," tugon ko. "With chocolate syrup. Thank you."
Binigay ko ang aking bayad at naghintay ng ilang minuto. Mabilis lang naman 'yon natapos kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina dala-dala ang aking pagkain.
Nakangiti akong naupo at tinikman 'yon. Ito ang mami-miss ko kapag bumalik ako ng Pilipinas. Natigilan ako sa pagkain nang maalala kong sinisipon ako. I just shook the thought off.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko nang mag-vibrate 'yon. Si Stefano na naman ang tumatawag sa 'kin.
"Where are you?" tanong nito kaagad.
"Nandito pa rin, kumakain ako ng ice cream rolls. Bakit?"
Nilibot ko ang paningin ko at lumawak ang ngiti nang makita ang makukulay na ilaw. Pati ang mga bata ay napapasinghap dahil sa ganda.
"What? May sipon ka, ah," he reminded.
"Ngayon na nga lang nakakain nito, eh. Ano bang kailangan mo? Nag-e-enjoy akong kumain dito tapos tawag ka nang tawag."
"Pauwi na 'ko. Wait for me there. Ano'ng gusto mong pagkain?"
"Manlilibre ka? Sige! Macarons 'tsaka J.Co donuts." Humagikhik ako. "Thank you. Bye!"
Pagkababa ko ng tawag ay biglang may nakaupo na sa tabi ko. Nagulat ako dahil doon at napausod palayo.
"Ano ba naman 'to? Nakakagulat," bulong ko sa sarili.
Nakasuot siya ng isang nude na turtleneck na napapatungan ng makapal na black coat. Naka-face mask din siya na itim. Paglingon niya sa akin ay doon ko napagmasdan ang mahabang buhok niya na nakapusod.
Ang mga mata niya ang nangusap sa akin. "Filipina?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top