CHAPTER 31

CHAPTER 31

DELAIHLA FRIA HATT

Umangat ang tingin ko sa harap ng malaking salamin nang maramdamang pinaikot ni Stefano ang buhok ko at nilagyan ako ng clip.

I turned to him and smiled. Sinarado ko ang aking maleta at pinatong iyon sa mahabang upuan sa paahan ng kama ko. Umupo ako roon habang si Stefano ay nasa armrest.

"Wala ka nang naiwan?" usisa niya.

Umiling ako. "Wala na. At saka pwede naman akong bumili ro'n kung sakaling may nakalimutan ako, 'di ba?" Tinanguan niya lang ako.

Nginitian ko siya at tumayo para ayusin ang makeup ko. Naestatwa ako nang madampot ko ang hairclip na binigay ni Dominic sa akin, pati ang kay Aksana.

Alam kong galit ako sa kanya pero hindi ko maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya kahapon. Delikado naman talaga na pumunta siya rito lalo na't wala pa ako. Kinwento ko lahat kay Papa 'yong issue sa 'ming dalawa kaya nagagalit din siya kay Dominic.

Pasimple kong tiningnan ang pwesto ni Stefano kung nandoon pa rin ba siya nakaupo. Sa ngayon ay may ka-text siya sa kanyang cellphone.

Pasimple kong sh-in-oot sa sling bag ko ang mga hairclip at tinapos na ang gagawin ko.

"Maaga tayo sa airport mamaya. May aasikasuhin ka pa ba?" tanong ni Stefano nang makatayo siya.

Hinarap ko siya at naglakad papunta sa pwesto niya para ilagay ang sling bag sa ibabaw ng maleta. "Makikipagkita lang ako kay Cattalina. She wanted to talk."

"What time?" he inquired.

Bumaba ang tingin ko sa relo ko. "12 noon. Magbibihis na lang ako 'tsaka lalarga na," ani ko at naglakad papunta sa aking walk-in closet.

He shrugged. "Okay. Take care, then. Tawagan mo lang ako kapag may nangyaring masama," paalala niya na tinugon ko ng ngiti.

Lumabas na siya ng kwarto kaya nakapagsimula na akong magbihis. I wore high-waisted maong shorts adorned with a Gucci belt and a white sleeveless crop top. Inilugay ko ang aking buhok saka ako nagsuot ng nude na lipstick.

Finally, I strapped on a pair of sandals before marveling at myself in the mirror. Dinampot ko ang cellphone ko at sakto namang tumawag si Cattalina.

"Daisy, nandito na kami sa flower shop. Hintayin ka na lang namin dito," agad na sabi ni Cattalina nang sagutin ko ang tawag.

"Okay. Paalis na rin ako," tugon ko at naglakad pababa ng hagdanan. She just wished me some safe travels before we hung up on each other.

Pagkababa ko sa sala ay nagkasalubong kami ni Papa.

"Where are you going?" agad niyang usisa.

"Sa flower shop ni Cattalina. She said she wanted to talk to me," tugon ko.

He gave me his sweetest smile. Niyakap niya pa ako bago siya nagtungo sa backyard. Kinalabit ko ang isa sa bodyguard ni Papa.

"Kuya, pahatid ako sa flower shop ng kaibigan ko. Bigay ko sa 'yo iyong address," pakiusap ko.

Agad namang tumalima ang guwardiya na siyang pinasalamatan ko. Sabay kaming pumunta sa garahe at kinuha niya ang susi ng BMW na kotse na naka-park doon. Pinatakbo niya kaagad ang sasakyan pagkabigay ko ng address.

Mamayang gabi ay aalis na kami ni Stefano papuntang Canada. Siya muna ang magpapatakbo ng kumpanya pansamantala, at syempre ako ang magiging secretary niya.

One and a half months din yata kami roon, depende kung maayos agad ni Stefano ang mga problema roon. Hindi rin naman kami mahihirapan sa paghahanap ng matitirhan dahil nakakuha na ng apartment doon si Stefano.

Sa tingin ko mas maganda na rin doon kaysa rito. Mas makakapag-unwind ako nang maayos.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Pakihintay na lang po ako rito, kuya. Saglit lang naman po ako sa loob," sabi ko sa bodyguard ni Papa nang makalabas ako ng sasakyan.

Agad akong nagtungo papasok ng flower shop ni Cattalina. Tanaw ko kaagad ang mama niya na tahimik na sumisimsim ng kanyang inumin. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy na naglakad patungo sa kanya.

"Daisy!" salubong sa akin ni Cattalina sa oras na tumunog ang bell sa pintuan. "Take a seat. What do you want? Coffee? Tea?"

"Tea na lang," tipid kong tugon.

"Okay!"

Naupo ako at hinarap ang mama ni Dominic. Tipid ko siyang nginitian saka huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sorry po sa ginawa kong eksena noong nasa bahay niyo ako. Ang totoo po niyan, magbabayad lang talaga ako sa bulaklak ni Cattalina; kaso narinig ko 'yong pinag-usapan nila," panimula ko. "Nadala lang ako sa emosyon ko. Hindi pa rin po kasi ako naka-move on sa pagkamatay ng a-anak ko," pagpapatuloy ko.

Nang bumalik si Cattalina ay naupo siya sa tabi ng nanay niya, at tahimik na nakatingin sa 'kin.

"May I know her name—full name?" lantay na tanong ng nanay niya.

Napalunok ako. Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Aksana Hatt," tugon ko.

"Aksana Hatt. . ." she trailed off.

Kusang gumalaw ang kamay ko at kinuha ang cellphone ko, pagkatapos ay mabilis na pinakita sa kanya ang mga litrato ni Aksana.

"That's her. That's my daughter."

Napatingin ako kay Cattalina nang may binulong siya sa kanyang ina.

"I told you she's cute," I heard her whisper.

Mabilis na tumingin ang nanay niya sa kanya saka muling bumalik ng tingin sa screen ng cellphone ko. She swiped for more photos.

"Nakita mo na siya?" she asked Cattalina.

Umiling si Cattalina. "No, but she's cute, right?"

Her mother smiled. "She had beautiful hair." Nilingon niya ako. "Just like her mother." Maingat niyang binalik sa 'kin ang cellphone ko at pinagsiklop ang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"I sincerely apologize for my son's deeds. I'm extremely disappointed with what he did. Alam kong hindi pa sapat ang sorry sa ginawa niya. Hindi ko na gustong alamin kung ano'ng nakaraan ninyo ng anak ko, pero we need to know what's happening to Dominic dahil bata na ang nadamay. Kami na ang bahala sa kanya. I'm really sorry," she expressed, her eyes full of remorse.

Tipid akong ngumiti at napasinghot.

"Alam ko naman po na may kasalanan din ako, at alam ko ring nagsisisi na siya sa mga nagawa niya," tugon ko.

Tumayo siya, at nagulat ako sa kanyang kasunod na ginawa. She squeezed me in a tight embrace, softly caressing me by the hair.

"Hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin ko." She gently stroked my locks. "I really like your hair. Paano pa kaya kung sakaling nakilala ko ang apo ko?" She stopped to look at me in the eye. "Can you send me her photos? Gusto kong ipakita sa asawa ko," nagagalak niyang pakiusap.

I smiled wholeheartedly. "It will be my pleasure."

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Bago pa man ako mamaalam ay minabuti kong kausapin muna si Cattalina. It would be unfair if I did not inform her that I will be away for a while.

"Catt, I'll be leaving for Canada—"

"Doon ka na ba titira?"

Napailing na lang ako. "No! May aasikasuhin lang kami ng kapatid ko roon. Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sa 'yo kasi baka biglang gustuhin mo 'kong makita, eh wala naman ako sa Pilipinas," siwalat ko.

Her eyes glistened with tears. Dinamba niya ako ng mahigpit na yakap.

"Kailan?" Naiiyak niyang tanong.

Hinagod ko ang kanyang likod. "Mamayang gabi na flight namin," tugon ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang higpitan niya pa lalo ang pagyakap sa 'kin.

"Mami-miss kita. Tawagan mo 'ko kung kailangan mo ng kausap. Kung naho-homesick ka, nandito lang ako. Pwede mo 'kong kausapin."

Napangiti ako sa sinabi nito. "Oo naman. Salamat, ah. Mami-miss din kita."

Nagpaalam na akong uuwi na dahil baka mainip na 'yong taong naghihintay sa 'kin sa loob ng kotse. Inubos ko muna ang tea na gawa niya at dinala ang binigay niyang isang box ng cookies.

"Sa 'yo na 'yan, kuya. Kainin niyo mamaya ng kasamahan mo pagdating natin sa bahay," sabi ko sabay abot sa aming bodyguard ng kahon ng cookies. He just thanked me for the gesture.

Napabuntonghininga lang ako at humalukipkip. Pinikit ko ang mga mata ko para umidlip saglit.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Aalis muna si Fria, Aksana. Medyo matatagalan ako pero ikaw ang una kong pupuntahan kapag bumalik na ako rito. Lagi kitang ipagdarasal. Huwag kang mag-aalala, hindi kita kakalimutan. Bisitahin mo 'ko sa panaginip ko, ha? Nami-miss ko na boses mo, eh," pamamaalam ko sa harap ng kanyang puntod.

Pinunasan ko ang luha ko at napalingon sa gilid nang may nilahad na panyo si Stefano. Tila mala-celebrity ang kanyang hitsura sa kanyang outfit samantalang ako ay naka-jogger pants lang at oversized white shirt.

"Alam mo namang ayaw niyang nakikita kang umiiyak," ani Stefano.

Kinuha ko ang inaabot niyang panyo saka pinunasan ang luha ko. Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko.

"Mahal na mahal kita, Aksana. Bye. . ."

Bye, baby. See you soon.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top