CHAPTER 30
CHAPTER 30
"BAHALA ka d'yan. Iiwan talaga kita kapag kinuha mo 'yan," wika ko habang tinutulak ang cart papuntang cashier.
Bumagsak ang balikat nito. "Just one, Delaihla—"
Umangat ang kamay ko at akmang susuntukin siya.
"Mapupuno mo na yung drawer sa sala kakabili ng alak! Ibalik mo 'yan doon," tugon ko.
Hinila ko ang mangas ng kanyang polo at siya ang pinagbayad ng pinamili naming groceries dito sa target.
"Sa labas lang ako mag-hihintay," wika ko at nauna ng maglakad palabas.
Sumandal ako sa pader at humalukipkip. Akala ko ilang buwan lang kami rito magtatagal ni Stefano pero akala ko pala 'yon. Isang taon na kami rito dahil sa pagaasikaso ni Stefano sa kumpanya ni Papa.
Hindi ako nakauwi sa death anniversarry ni Aksana pati ang birthday niya pero sa susunod ay uuwi na 'ko dahil sa Pilipinas ako magbibirthday at hindi rito. 'Tsaka gusto ko na rin talaga umuwi sa Pilipinas.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang wallpaper ko. Hindi ko parin naman binago ang wallpaper ko—si Aksana parin ang nasa cellphone ko. Napapikit ako ng biglang dumaan ang malakas at malamig na hangin.
"Ang lamig," mahina kong wika.
Kinuha ko ang hair clamp na dala ko at nilagay 'yon sa buhok ko. Nilapitan ko kaagad si Stefano ng makitang kalalabas lang.
"Bakit ang tagal mo?" Naiinis kong wika.
"Gusto pang makipagusap nung cashier sa 'kin," tugon nito at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot.
Napailing na lang ako sa sinabi nito at naunang pumasok sa passenger seat. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko ng biglang nag-ring.
"Hello?"
Napatingin sa 'kin si Stefano at nagkibit balikat lang ako. May pinindot ako sa cellphone para marinig din niya ang sasabihin ni papa.
"Hindi na naman ba pumasok si Stefano?" tanong ni Papa.
Tumaas ang gilid ng labi ko at tinignan si Stefano.
"Nope. He wants to stay at apartment—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng tinakpan niya ang bibig ko. Malakas ko siyang hinampas at nahulog pa ang cellphone ko sa lapag.
"What's happening? Nasaan ba si Stefano," biglang wika ni Papa.
"D-dad," wika ni Stefano.
Nilapag ko sa dashboard ang cellphone para makapagusap sila. Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko na pinakinggan ang sermon ni Papa kay Stefano.
Kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na tao. Nilapit ko ang mukha ko at tinignan ng mabuti ang taong nakita ko pero mabilis lang 'yon dahil mabilis ang takbo ng kotse ni Stefano.
Inayos ko ang upo ko at humalukipkip. Imposimbleng siya 'yon.
"Anong nakita mo?" Kunot noong tanong ni Stefano.
Nilingon ko siya at dumukwang para kunin ang cellphone ko.
"Wala. Akala ko yung kakilala ko lang," mahina kong wika.
Tumango lang siya at tinuon ang pansin sa pagmamaneho.
"Sasamahan mo pa ba ako sa kumpanya? P'wede ko naman i-send kaagad sa laptop mo yung gagawin mo kung ayaw mo sumama sa 'kin."
Binuksan ko ang cellphone ko at dumiretso sa notes para tignan ang gagawin niya sa susunod na araw.
"Hindi ko pa alam. Sabihan lang kita kung sasama ako o hindi," tugon ko.
"Hmm. That's fine. Sabihan mo lang kaagad ako."
Hindi ko na siya sinagot at sinandal na lang ang ulo ko sa bintana. Pinagmasdan ang mga gusali na nadadaanan namin.
Sunod sunod na araw akong kasama si Stefano sa kumpanya ni papa. Siguro ngayon week lang ako palaging nasa bahay dahil nilagnat din ako mahigit isang linggo na rin.
Hindi parin sanay ang katawan ko sa klima rito sa Canada. Sinisipon parin nga ako at hindi makaamoy ng maayos.
"Don't forget to take your meds, Delaihla. Aalis na 'ko," paalam ni Stefano at binitbit ang gamit nito.
Nakapikit ang isa kong mata na bumangon at tinignan siya. Humikab ako at tumango tango.
"Hmm. Okay, take care. Bye," mahina kong wika at nahiga ulit sa malaking sofa.
Lumipat ako rito kaninang madaling araw dahil sobrang lamig sa kwarto ko. Wala kasing heater sa kwarto at sa sala ang meron kaya lumipat ako.
Tinaklob ko ang makapal na comforter sa buong katawan ko at iidlip ulit. Naramadam ko ang paghimas ni Stefano sa ulo ko.
"Bye," mahina nitong wika.
Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na makatulog ulit. Nagising ako mga bandang ala una na ng hapon. Tinatamad na niligpit ko ang pinaghigaan ko at gumawa ng hot choco. Nagluto rin ako ng pananghalian.
Chicken curry lang ang naisipan kong lutuin ngayon. Sa isang taon namin dito sa Canada palaging Filipino dish ang kinakain namin dahil mas prefer namin 'yon kaysa usual na kinakain dito.
Napailing na lang ako ng tambak ngayon ang gagawin ko dahil sinend na sa 'kin ni Stefano ang gagawin ko. Madali na lang 'yon sa 'kin dahil wala namang nagbago sa gagawin ko. Siya ang mahihirapan dahil sa tambak na papeles at mga conference meeting na i-a-attend niya.
"Nasobrahan ka sa chill, ah," natatawa kong wika habang nagtatype sa computer.
Inabot ako ng tatlong oras sa ginagawa ko dahil nagsend pa si Stefano sa 'kin ng mga gagawin ko.
Inanunat ko ang katawan ko at tumayo. Pinatay ko rin ang laptop ko pagkatapos nagtungo sa sala. Nag-uunat unat muna ako at binuksan ang malaking bintana sa sala at bumungad sa 'kin ang malaking glass window at mga magagandang gusali.
Pabagsak akong naupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko.
To: Stefano
'Pupunta muna ako saglit sa plaza.'
Tumayo na 'ko at kinuha ang biege coat ko na nakahanger sa likod ng pintuan. Sinout ko 'yon at nag-bonnet din ako. Nakaface mask din ako na itim dahil sinisipon ako baka mamaya makahawa pa 'ko.
Nilock ko ang pintuan at umalis na. Malapit lang ang plaza rito kaya minsan doon ako natambay pagwala na akong ginagawa. Bibili na lang ako ng makakain dito.
Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng coat ng may tumawag. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang caller.
"Pagabi na, ah. Huwag ka na kayang umalis," bungad ni Stefano.
"Nakalabas na 'ko. Alam mo naman kung saan palagi pwesto ko, 'tsaka malapit lang naman 'to sa tinitirhan natin," tugon ko at napairap na lang.
Narinig ko na bumuntong hininga ito. "Okay. Umuwi ka na lang din kapag wala ka ng magawa d'yan baka kung ano pang mangyari sa 'yo."
"Okay. Ingat ka rin pauwi."
"You too. Bye."
Binalik ko ulit ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko at naglakad habang pinagmamasdan ang nadadaraanan ko.
Pagabi na rin kaya mas gusto kong tumambay muna rito sa plaza dahil makulay ang mga ilaw rito. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mga bata na nagtatakbuhan.
Nabangga pa ang isang babae sa 'kin dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan nito kundi sa nanghahabol sa kanya.
"Ouch," mahina nitong wika. Umangat ang tingin niya sa 'kin at nanlaki ang mata. "I-i'm sorry miss. It's my fault. I'm sorry."
Mahina akong natawa at pinantayan siya. Hinaplos ko ang buhok nito.
"It's fine. Don't worry," tugon ko.
Lumawak ang ngiti nito at bumalik sa kalaro nito. Naupo ako sa bakanteng upuan na pahaba at pinagmasdan lang sila. Naglaho ang ngiti ko ng makita ang mama nito na tinawag siya. Buntis ito at may dala pang baby sa stroller at sa tingin ko ay isang taon na ito.
Wala sa sariling hinimas ko ang manipis kong tyan. Kung naging maingat lang ako sa tingin ko ganyan na rin kalaki yung anak namin. Mapait ako ngumiti at napailing na lang.
Kahit anong gawin ko hindi na talaga ako magkakaanak. Nagpakunsulta na rin kami rito ni Stefano kung may chance pa ba akong magkaanak pero mababa raw. Tinanggap ko na lang din 'yon pero masakit parin para sa 'kin.
Sino ba naman hindi gusto magkapamilya?
Tumayo na ako at pumasok sa store na nagbebente ng ice cream rolls. Dito ako palagi bumibili sa tuwing natatambay ako rito sa plaza.
"Are Twix ice cream rolls is available?"
Ngumiti sa 'kin ang tindero at tumango. "Yes, Ma'am. One order?"
"Yes please with chocolate syrup. Thank you," tugon ko.
Binigay ko ang bayad at naghintay ng ilang minuto. Mabilis lang naman 'yon natapos kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina dala dala ang Twix ice cream rolls.
Nakangiti akong naupo sa upuan at tinikman 'yon. Ito ang mamimiss ko kapag bumalik ako sa Pilipinas. Natigilan ako sa pag-kain ng maalala kong sinisipon ako.
Napailing na lang ako at binalewala na lang 'yon.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko ng mag-vibrate 'yon. Si Stefano na naman ang tumatawag sa 'kin.
"Where are you?" Tanong nito kaagad.
"Nandito parin kumakain ako ng ice cream rolls. Bakit?"
Nilibot ko ang paningin ko at lumawak ang ngiti ng makita ang makukulay na ilaw ngayon. Pati ang mga bata ay naririnig ko ang mahinang pagsinghap nila dahil sa ganda.
"What? May sipon ka, ah," tugon nito.
"Ngayon na nga lang nakakain nito, eh. Ano bang kailangan mo? Nag-eenjoy ako kumain dito tapos tawag pa nang tawag."
"Pauwi na 'ko. Hinatayin mo na lang ako d'yan. Anong gusto mong pagkain?"
"Manglilibre ka? Sige! Macarons 'tsaka donut sa J.co, thank you. Bye!"
Pagkababa ko ng tawag biglang may nakaupo na sa tabi ko. Nagulat ako dahil doon at napausod palayo.
"Ano ba naman 'to nakakagulat," mahina kong wika.
Nakaitim lahat ito maliban sa nude na turtle na sout nito na napapatungan ng black coat. Nakafacemask din ito ng itim habang nakangitin sa 'kin. Mahaba ang buhok nito at nakapusod 'yon.
"Filipina?"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top