CHAPTER 29
Trigger warning: This content includes mentions of abortion. Please proceed with care if this topic may be triggering or emotionally difficult for you.
CHAPTER 29
DELAIHLA FRIA HATT
Nangangapa ako sa dilim. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nagsimula akong kabahan nang marinig ko ang hagikhikan ng mga bata. Lumilinga-linga ako at nagbabakasakaling makita sila pero wala.
Hanggang sa unti-unting nagliwanag ang kapaligiran. Doon ay nakita ko ang ibang bata na naglalaro. Napaatras ako nang sabay silang natigilan at tumingin sa akin.
"Nakikita niyo ako?" nagugulumihanan kong tanong.
Wala akong nakuhang sagot kaya napaatras ulit ako nang humakbang sila papalapit sa akin. Habang papalapit sila, nagbabago ang kanilang hitsura kaya mas lalo akong natakot. Napaupo ako sa sahig at umatras nang makitang medyo bumilis na ang lakad nila.
"Mama. . . why did you kill me?"
"Mommy!"
"Ma."
"Me too, Mommy. Why did you kill me?"
"Mom. . ."
Ako naman ngayon ang naestatwa sa mga sinabi nila. Anong mommy? Natulala ako nang mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Tumulo ang luha ko habang tinitingnan sila.
"I-I'm sorry. . ." umiiyak kong sambit.
Nawala na ang takot na nararamdaman ko kaya natitigan ko sila nang maayos. Sa tingin ko ay lima silang nasa harapan ko.
"Why did you kill us, Mommy?" tanong ng isang bata.
Lumapit siya sa 'kin at maingat na sinapo ang magkabilang pisngi ko. Hinaplos niya 'yon.
Wala akong nakikitang galit sa kanyang mata. Napahikbi ako at hinaplos ang maikli nitong buhok.
"I'm s-sorry. Hindi pa a-ako handa maging i-ina noong mga a-araw na 'yon. Kasalanan ko rin 'yon kasi hindi ako nag-iingat sa ginagawa ko. P-pasensya na," humihikbi kong wika.
Nilingon niya ang kasamahan niya at nagtanguan silang lahat. Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan sila. Maliliit ang kanilang boses at ang sarap no'n pakinggan.
"Forgiven!" nakangiting wika ng batang lalake.
"Yeah!"
"Me too."
"You can go back to your life, Mommy! Goodluck!"
"Group hug!"
Hindi na ako nakapag-react nang bigla nila akong dinumog. Sabay kaming natumba sa sahig at naramdaman ko ang malalambot nilang labi sa buong mukha ko. Binibigyan nila ako ng halik. Humahagikhik sila habang ginagawa 'yon.
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa ginawa nila. Niyakap ko silang lahat at doon muling bumuhos ang luha ko.
"I love you all. I really am sorry," iyak ko.
"I love you too!" sabay-sabay nilang sambit.
At sa isang kisapmata, nawala sila. Nawala ang liwanag at bumaba ang tingin ko nang may humila sa laylayan ng damit ko. Bumaba ang tingin ko roon.
"Fria. Mahal na mahal kita," nakangiting wika ni Aksana.
Niyakap niya ako at basta na lang iniwan. Naglakad siya papalayo hanggang sa lamunin siya ng dilim.
"Aksana!" malakas kong sigaw.
"Hey! Are you okay?" responde sa akin ni Stefano. "She's sweating. Can you pass the towel, Dad?"
Dahan-dahan akong bumangon at nilibot ang paningin ko. Nasa kwarto ako ngayon kung saan ako palaging natutulog.
"Si Aksana," bulong ko.
Umangat ang tingin ko nang pinunasan ni Stefano ang mukha ko. Seryoso ang mukha niya habang nagpupunas.
Bumaba ang tingin ko sa 'king kamay. May swerong nakakabit sa akin. Ilang araw ba akong nakahiga rito?
Tiningnan ko si Papa nang maalala ang nangyari sa loob ng kotse ni Stefano.
"Bakit nga pala ako dinugo?" tanong ko.
Natahimik silang lahat at tumagal 'yon ng ilang segundo. Napakamot na lang ako sa ulo at sabay kaming napatingin nang pumasok ang isang doctor.
Ngumiti siya nang makita ako at sinarado ang pintuan ng kwarto. Nilapitan niya ako, dahilan para gumilid sina Papa at Stefano.
"Akala ko ay aabot pa ng isang linggo bago ka magising," ani ng doktor.
Napabuntonghininga na lang ako at kumamot sa braso.
"Pinadala ako rito ng family doctor niyo kasi hindi naman siya OB-Gyne. Nakita ko sa history mo na ilang beses ka nang nagpalaglag. Tama ba?"
Natulala ako sa sinabi niya. Nilingon ko sina Papa bago ako sumagot.
"O-oo," nahihiya kong tugon.
Tumango-tango ang doktor, muling may tiningnan sa papel na hawak niya.
"Kaya ka dinugo dahil sa stress at pagod. Buntis ka rin sa mga araw na 'yon. Mabuti na lang at nasugod ka sa ospital dahil maraming dugo ang nawala sa 'yo."
"H-huh?"
Wala sa sariling napahawak ako sa 'king tyan. Buntis ako?
"I'm sorry to say this, Ms. Delaihla. But the baby is gone. Dahil na rin sa ilang beses mong pagpapalaglag, na-damage na rin ang bahay-bata mo kaya mababa ang chance na magkakaanak ka ulit," siwalat niya, may kalungkutan sa kanyang mga mata.
Parang nabingi ako sa sinabi niya. Yumuko ako at hinayaan na tumulo ang luha ko. Napakuyom ako sa comforter at pinigilan ang sarili na huwag humikbi.
"Mag-iiwan lang ako ng reseta para sa gamot na iinumin mo."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ang doktor. Nang makalabas siya ay doon ako humagulhol. Walang tigil ang iyak ko.
Agad namang lumapit si Papa at niyakap ako nang mahigpit. Doon ko binuhos sa bisig niya ang lahat ng nararamdaman ko.
"I'm here. Makikinig ako, anak. Makikinig kaming lahat."
"H-hindi na 'ko m-magkakaanak. G-gusto ko pa magkapamilya," humihikbi kong saad. "Siguro heto na 'yong kaparusahan sa mga nagawa k-kong kasalanan. K-karma ko na siguro 't-to." Isiniksik ko pa ang aking sarili sa mga braso ni Papa. "Isa 'yon sa mga p-pangarap ko, 'Pa. Ang magkapamilya." Wala ring tigil sa pagpunas ng luha ko si Papa at nakikinig lang sa mga sinasabi ko.
Sabay na lumapit si Stefano, pagkatapos ay sabay nila akong niyakap nang mahigpit. Lalong lumakas ang iyak ko. Sobrang sikip ng dibdib ko at sila ang nagpapakalma sa 'kin.
Pati ba ang pagkamatay ni Aksana, karma ko na rin ba 'yon?
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top