CHAPTER 26

CHAPTER 26

DELAIHLA FRIA HATT

Ilang araw na ang nakalilipas matapos ang burol ni Aksana. Ngayon ang nakatakdang araw na ililibing siya. Tahimik na pinusod ko ang makapal kong buhok at naglagay ng kaunting lipstick para matakpan ang namumutla kong labi.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang maliit kong bag para paglagyan ng wallet at cellphone. Kinuha ko rin ang sunglasses sa drawer ng vanity table at pinasok sa loob ng bag.

Bago ako lumabas ng kwarto ay tumingin muna ako sa salamin sa huling pagkakataon. Umiwas ako ng tingin at agad nang lumabas nang makita ang katawan ko. Sobrang laki na ng ipinayat ko kumpara noon.

Pagkapunta ko sa bakuran ay inaayos na nila ang kabaong ni Aksana para dalhin sa karo. Ang ibang makikipaglibing ay nasa labas na ng bahay at nasa kani-kanilang sasakyan na. Sa kinalaunan ay lumabas na kami dahil ipapasok na sa itim na kotse ang kabaong ni Aksana.

"Tara na," aya ni Stephanie at hinawakan ang braso ko.

Tumango lang ako at sinigurado na nakasarado ang bahay. Napatigil ako nang makita si Papa at Stefano sa gilid ng gate. Parehas silang naka-polo na puti. Parehas din silang may itim na salamin na nakasabit sa damit nila.

Tipid akong ngumiti sa kanila at lumapit. Nakahanda ang puting van para sa amin. Hinintay muna namin na maipasok ang kabaong sa karo.

Nang maging ayos na ang lahat ay pumasok na kami sa loob ng van. Tahimik lang akong naupo sa gilid ng bintana at tiningnan ang ibang taong nagsisipag-akyatan na sa kanilang sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag nang marinig na may nag-text.

Dominic:

Paalis na kami. I love you.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana saka nagtipa ng ire-reply kay Dominic.

Delaihla:

Kami rin. Kita kita na lang doon sa sementeryo. I love you too.

Binalik ko kaagad sa bag ang cellphone ko. Alam kong siya ang magda-drive kasama ni Cattalina. Paglingon ko sa gilid ay muntikan pa akong mapatalon sa gulat nang makitang katabi ko si Papa. Tipid siyang ngumiti sa akin.

May kinuha siya sa gilid nito na siya namang sinilip ko. Bahagya akong natawa nang makitang may hawak siyang siopao. Nilagyan niya 'yon ng sauce saka ako sinubuan.

"You've lost weight, Delaihla." Tipid siyang ngumiti sa akin kahit alam kong nasasaktan siya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ngumunguya. Pinunasan niya ang sauce sa gilid ng labi ko at hinalikan ang noo ko.

"I want you to eat more after this, okay? You need to look after yourself."

Tumango na lang ako at hinayaan na lang siyang pakainin ako.

Huminga siya nang malalim at niyakap ako nang mahigpit. Nang kumalas siya ay muli niya akong sinubuan. Hindi na ako umangal dahil gutom din ako at nakagugulat din dahil naubos ko lahat ng binigay niya sa akin.

Naging tahimik ang buong byahe namin. Habang palapit kami nang palapit sa sementeryo ay lalong sumisikip ang dibdib ko. Akala ko'y nailuha ko na ang lahat noong burol ni Aksana, pero hindi pa rin. Meron pa rin.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang pinapanood ang kabaong ni Aksana na unti-unti nang binababa sa nakahandang hukay.

Nang matapos ang seremonya ng pari ay naghagis na sila ng mga puting rosas. Ilang mga sandali pa ay namaalam na rin ang ilang mga nakilibing.

Naglakad ako papalapit sa pinaglibingan ni Aksana. Yumuko ako at hinaplos ang lapida niya.

Aksana "Axe" Hatt

Mapait akong ngumiti at hinalikan iyon. "Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako, Axe. Ang dami kong pinaplano para sa 'yo—sa 'tin."

Umangat ang tingin ko nang maramdamang may humawak sa balikat ko.

"Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya. Wala na siyang mararamdamang sakit doon," ani Cattalina.

Napayuko lang ako at nanatiling nakatingin sa lapida. Muling nanubig ang mga mata ko. Pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi niya. Hindi ko magawang sumagot dahil tila ba nanunuyo ang aking lalamunan.

Nilingon ko sina Papa, Stefano, at Stephanie na nasa gilid ko lang. Parehas kaming apat na nakasuot ng sunglasses, tinatago ang mugtong mga mata.

"Hindi ko man lang siya naipakilala sa 'yo," sambit ko. "Gusto ko siyang ipakilala sa 'yo. Nag-request na rin 'yon sa akin na gusto ka niyang makita."

Iniisip ko pa lang kung ano'ng mangyayari kapag naipakilala ko si Aksana kay Cattalina, natutuwa na ako. Alam kong parehas silang maldita kaya naisip ko na magkakasundo sila at baka magkaroon pa ng bagong kaibigan si Aksana dahil sa anak ni Cattalina.

"Me too," she smiled. "Gusto ko rin siyang makilala pero hindi sa ganitong paraan."

Pareho kaming naupos sa damuhan, hinahaplos sa yakap ang isa't isa. Ilang minuto pa ang lumipas at nagpaalam na rin siya sa akin.

Nilingon ko si Dominic na nakatitig lamang sa akin. "Ingat kayo," ani ko. "Ingat sa pag-drive," pahabol ko pa.

He nodded. "I will." Mabilis niyang hinalikan ang labi ko. "I love you."

"I love you too," tugon ko.

Nilingon ko sila hanggang sa hindi na sila masundan ng tingin ko. Namataan ko naman sina Papa, Stefano, at Stephanie na nasa van na rin, naghihintay.

I heaved a sigh. "Susubukan kong maging masaya ulit. Pero alam kong hindi magiging madali 'yon. Alam kong mahirap pero kakayanin ko para sa 'yo." Nanginginig ang aking boses habang binibitiwan ang bawat salita.

Mukhang alam ng langit ang nararamdaman ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinayaan ko lang na mabasa ako. Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama.

Humagulhol ako at nahiga sa tabi ng lapida ni Aksana. Ngumiti ako at hinimas 'yon. Natulala ako at napakurap ng ilang beses nang makitang nakahiga paharap sa pwesto ko si Aksana, nakaunan sa lapida niya.

"A-Aksana. . ."

Sumikip ang dibdib ko nang makitang malawak siyang nakangiti sa akin. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko na natatakpan ng tubig-ulan.

"Fria. . . I love you." Nakangiti siya sa akin at humagikhik pa.

Umangat ang kamay ko at akmang hahaplusin siya nang umupo siya. Ginaya ko siya at nanatiling nakatulala. Nagkukuyakuy siya sa harapan ko at nakatingin lang sa akin. Bumaba ang tingin ko nang biglang sumulpot si Mor'du sa tabi nito.

Nanikip ang dibdib ko at ibinalik ang tingin kay Aksana. Nakangiti pa rin siya, hindi nagsasalita.

"Si M-Mo'rdu, Aksana," turo ko. Tinakpan ko ang mukha ko sabay iyak. "Hindi man lang tayo nakapag-usap nang maayos bago ka nawala. Gusto kitang m-makausap, Axe." Inangat ko ang tingin ko.

Agad akong nataranta nang tila unti-unti na siyang maglaho.

"Please! Sabihin mo ang mga gusto mong sabihin sa akin. . . Parang awa mo na, Aksana!"

Sinubukan kong hagkan siya pero huli na ang lahat. Naglaho na siya na parang bula kasama si Mor'du. Yumuko ako, nilalabas ang sakit na nadarama.

"Fria. . . Sina mama at papa."

Napaangat ang tingin ko at natulala sa sinabi niya. Nilingon ko pa ang kapaligiran ko at hinanap kung nandoon pa ba siya. Sa malaking puno sa hindi kalayuan ay nakita ko siyang nakatayo roon. Nasa gilid niya si Mor'du.

Tumayo ako at tatakbo na sana nang bigla siyang kumaway sa akin. Marahan niya akong tinalikuran kasama si Mor'du.

"T-teka! Aksana!" umiiyak kong hiyaw. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nataranta dahil sa pagtalikod niya sa akin. "S-sasabihin ko na kung sino ang mama at papa mo. Aksana!"

Hindi ko na siya nahabol nang may humigit sa braso ko. Napaharap ako at doon bumungad sina Papa at Stefano. Nasa gilid nila si Stephanie na umiiyak habang hawak ang itim na payong.

"Let's go home," malumanay na wika ni Papa. "You need to rest. Tara na."

Umiling ako at tinuro kung saan unang nagpakita si Aksana pagkatapos ay sinunod ang malaking puno.

"Hindi niyo b-ba siya nakikita? Nakausap ko si Aksana! N-nandiyan siya kanina kasama si Mor'du. Sinabihan niya pa ako na mahal niya ako. Magpapakita ulit siya, m-maghihintay lang tayo," natataranta kong wika habang umiiyak.

"Magkakasakit ka niyan, Delaihla. Lumalakas na ang ulan," ani Papa.

"H-hindi 'Pa. Magpapakita si Aksana—"

"Delaihla, kailangan mo nang magpahinga. Kung ano-ano ang nakikita—"

"Alam ko ang nakita ko, Stephanie! Hindi ako nahihibang!" Pagak akong tumawa. "I saw her with my two eyes. Nakangiti pa siya sa akin," galit kong wika.

Nakahawak pa rin si Papa sa braso ko, ginagawa ang lahat para mapayungan ako kahit basang-basa na ako ng ulan.

"Kanina ka pa namin nakikitang kausap 'yong sarili mo. Simula noong nahiga ka sa tabi ng lapida ni Aksana," singit ni Stefano dahilan upang matigilan ako. "Kailangan mo nang magpahinga. Please."

"P-pero baka magpakita ulit si Aksana. Walang maghihintay sa kanya. Iiyak siya kasi walang Fria na naghihintay sa kanya—Aray!" Natigil ako nang maramdamang kumirot ang tyan ko.

"What happened?" Nag-aalalang responde ni Papa.

"A-ang sakit ng tyan ko. . ." impit ko. Napahawak ako sa parte kung saan iyon kumirot. Diniinan ko roon, nagbabakasakaling maalis ang sakit.

"Baka nagkaka-ulcer ka na dahil 'di ka kumakain," sambit ni Stephanie.

Sumang-ayon si Stefano sa kanya saka ako inalalayan papasok ng van. Todo punas sa akin si papa para matuyo ako habang tulala pa rin ako, sinusundan ng tingin ang libingan ni Aksana.

Bibisita ako diyan, Aksana. Huwag kang mag-alala.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?!" Napapikit ako nang sigawan ako ni Stephanie.

Humalukipkip siya at inayos ang kanyang pagkakaupo.

"Bakit naman 'di mo man lang pinaalam sa akin na makikitira ka na sa Papa mo?"

"Alam ko kasing 'di ka papayag kaya 'di ko sinabi," tugon ko at sinandal ang likod ko sa aking kinauupuan.

Dalawang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maayos. Napabuntonghininga ako at tiningnan siya.

"Alam mo naman pala, eh. Delaihla, sino'ng hindi magugulat na pinangalan mo na sa 'kin 'yang titulo nitong bahay natin?" she unbelievably uttered.

I just smiled. Alam kong gusto niyang bilhan ng bahay ang mga magulang niya. Si Papa naman ang nagpaayos ng titulo kaya labas na ako sa usaping 'yon. Sinabi ko lang sa kanya na ibinigay na sa kanya ang titulo kasi 'yon ang sabi ni Papa.

"Sa 'yo na nga 'yan. Pagkaalis ko rito, papuntahin mo na 'yong mama mo rito. Tutulungan ka rin namin ipa-renovate 'to, huwag kang mag-alala."

Kumurap-kurap siya. "S-salamat," halos mautal niyang wika.

Tipid ko siyang nginitian saka ko pinasok sa loob ng envelope ang titulo niya. Nakahanda na rin ang dalawa kong maleta maging ang aking mga kahon ng gamit. Ipabibitbit ko na lang 'yon mamaya.

"Kumusta naman na pala kayo ni Dominic?" usisa ni Stephanie. Nilagay niya sa gilid ang envelope saka naupo sa tabi ko.

"Hmm? Ayos lang. Hindi na kami masyado nakakapag-usap nang maayos pero okay lang kasi alam kong busy siya sa trabaho niya," tugon ko.

Tumango-tango siya. "Baka nakalilimutan mo na 'yong totoong pakay mo sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"P-parang ayaw ko nang ituloy," mahina kong sambit. Iniwas ko ang tingin ko at yumuko. "Totoong minamahal ko siya—"

"'Yan na nga sinasabi ko, eh!" Napapitik si Stepganie. "Akala ko ba gaganti ka sa ginawa niya? Papaibigin mo siya tapos hihiwalayan mo nang walang dah—."

"Gagawin ko nga 'yan pero—"

"Is it true, Delaihla?"

Napatayo ako nang marinig ang boses ni Dominic. Binundol ng kaba ang dibdib ko nang makitang pagak siyang tumawa bago ako tinalikuran.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top