CHAPTER 24

CHAPTER 24

ILANG araw na ang nakalilipas sa pagburol kay Aksana at heto na ang araw na ililibing siya. Tahimik na pinusod ko ang makapal kong buhok at naglagay ng kaonting lipstick para matakpan ang namumutla kong labi.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang maliit kong bag para paglagyan ng wallet at cellphone ko. Kinuha ko rin ang sunglasses sa drawer ng vanity table at pinasok sa loob ng bag. Bago ako lumabas sa kwarto tumingin muna ako sa salamin sa huling pagkakataon.

Iniwas ko ang paningin ko at lumabas ng makita ang buong katawan ko. Sobrang laki na ng pinayat ko 'yon na lang ang masasabi ko.

Pagkapunta ko sa bakuran ay inaayos na nila ang kabaong ni Aksana para dalhin sa kotse na paglalagyan niya. Ang ibang makikipaglibing ay nasa labas ng bahay at nasa kani-kanilang sasakyan na.

Gumilid ako ng may dumaang tao. Sa kinalaunan ay lumabas na kami dahil ipapasok na sa itim na kotse ang kabaong ni Aksana.

"Tara na," mahinang wika ni Stephanie at hinawakan ang braso ko.

Tumango lang ako at sinigurado na nakasarado ang bahay. Napatigil ako ng makita si Papa at Stefano sa gilid ng gate. Parehas silang naka polo na white parehas din silang may itim na rayban na nakasabit sa damit nila.

Tipid akong ngumiti sa kanila at lumapit. Nakahanda ang puting van para sa amin. Hinintay muna namin na maipasok ang kabaong sa kotse.

Nang maging ayos na ang lahat ay pumasok na kami sa loob ng van. Tahimik lang akong naupo sa gilid ng bintana at tinignan ang ibang tao na nagsisipagakyatan na sa kanilang sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ng marinig na may nag text doon.

From: Dominic

'Paalis na kami. I love you.'

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at nagtipa ng i-rereply kay Dominic.

To: Dominic

'Kami rin. Kita kita na lang doon sa sementeryo. I love you too.'

Binalik ko kaagad sa bag ang cellphone ko. Alam kong siya ang magdadrive kasama ni Cattalina, delikadong magtext habang nagmamaneho. Paglingon ko sa gilid ay muntikan pa akong mapatalon sa gulat ng makitang katabi ko si papa. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti sa akin.

"P-papa," mahina kong wika.

May kinuha siya sa gilid nito. Dahil sa nacucurious ako sinilip ko ang kinuha niya at mahinang natawa ng makitang siopao ang hawak nito. Siya na rin naglagay ng sauce at sinubuan ako.

"You're really skinny, Delaihla," tipid siyang ngumiti sa akin kahit alam kong nasasaktan siya. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang ngumunguya. Pinunasan niya ang sauce sa gilid ng labi ko at hinalikan ang noo ko. "I want you to eat more food after this. You need to gained weight."

Tumango na lang ako. "Okay," tugon ko at hinayaan na pakainin ako.

Huminga siya ng malalim at niyakap ako ng mahigpit. Nagtagal kami ng gano'ng pwesto hanggang sa nasatisfy siya sa pinapakain nito sa akin. Hindi na ako umangal dahil gutom din ako at nakakagulat din dahil naubos ko lahat ng binigay niya sa akin.

Naging tahimik lang ang buong byahe namin at habang palapit nang palapit sa sementeryo lalong sumisikip ang dibdib ko.

Akala ko nailuha ko na lahat ng luha ko nung burol ni Aksana. Pero akala ko lang pala 'yon. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang tinitignan ang kabaong ni Aksana na unti unting binababa sa ilalim ng lupa.

Mabilis na natapos ang seremonya ng pari at naghagis na sila ng puting rosas.

"Mauuna na kami, Delaihla. Condolence ulit," mahinang wika ng Mama ng isa sa mga bestfriend ni Aksana.

Umangat ang tingin ko sa kanya at tipid na ngumiti. "Salamat. Sige na at baka may aasikasuhin pa kayo, maraming salamat ulit."

Niyakap niya ako ng mahigpit at naglakad papunta sa kotse nito at umalis na. Yumuko ako at hinaplos ang lapida ni Aksana.

'Aksana Axe Hatt'

Mapait akong ngumiti at hinalikan iyon. "Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako, Axe. Ang dami kong pinaplano para sa'yo—sa'tin," mahina kong wika.

Umangat ang tingin ko ng maramdamang may humawak sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay no'n at hinimas.

"Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya. Wala na siyang mararamdamang sakit doon," mahinang wika ni Cattalina.

Napayuko lang ako at nanatiling nakatingin sa lapida ni Aksana. Muling nanubig ang mata ko dahil doon. Pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi niya at hindi ko magawang sumagot dahil sa lalamunan ko na akala mo ay may nakabara.

Nilingon ko sila papa, Stefano, at Stephanie na nasa gilid ko lang. Parehas kaming apat na nakasout ng sunglasses dahil sa pag-iyak.

"H-hindi ko man lang siya naipakilala sa'yo," umiiyak kong wika. "Gusto ko siyang ipakilala sa'yo... nag-request na rin 'yon sa akin na gusto ka n'yang makita."

Iniisip ko pa lang kung anong mangyayari kapag naipakilala ko si Aksana kay Cattalina natutuwa na ako. Alam kong parehas silang maldita kaya naisip ko na magkakasundo sila at baka magkaroon pa ng bagong kaibigan si Aksana dahil sa anak ni Cattalina.

"Me too. . . Gusto ko rin siyang makilala pero hindi sa ganitong paraan," tugon nito sa akin.

Naupo ako sa bermuda grass. Alam kong nakatingin silang lahat sa akin. Maski si Dominic ay alam kong nakatingin sa akin na may halong pag-aalala.

Lumipas ng ilang minuto ay nagpaalam na sa akin si Cattalina na uuwi na dahil didiretso ito sa Flower shop niya.

"Ingat kayo," ani ko at nilingon si Dominic. "Ingat sa pag-drive," wika ko sa kanya.

He nodded. "I will," mabilis niyang hinalikan ang labi ko. "I love you."

"I love you too," tugon ko.

Nilingon ko sila hanggang sa makaalis sa sementeryo. Napatingin ako sa natirang tatlo na ngayon ay nasa loob sila ng van at nakaupo. Nakabukas lang ang sliding door no'n.

"Susubukan kong maging m-masaya ulit. Pero alam kong hindi mabilis 'yon para sa akin. Alam k-kong mahirap pero kakayanin ko para sa'yo," nanginginig ang aking boses habang sinasabi 'yon.

Mukhang alam ng langit ang nararamdaman ko ngayon kaya nakisama siya sa akin. Bumuhos ang malakas na ulan at hinayaan ko lang na mabasa ako. Ayaw ko pang umuwi, gusto ko pa siyang makasama.

Humagulhol ako at nahiga sa tabi ng lapida ni Aksana. Ngumiti ako at hinimas 'yon. Natulala ako at napakurap ng ilang beses ng makitang nakahiga paharap sa pwesto ko si Aksana nakaunan ito sa lapida niya.

"A-aksana..."

Sumikip ang dibdib ko ng makitang malawak itong ngumiti sa akin. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko na natatakpan ng tubig ulan.

"Fria. . . I love you," nakangiti siya sa akin at humagikhik pa.

Umangat ang kamay ko at akmang hahaplusin niya ng umupo ito. Ginaya ko siya at nanatiling nakatulala. Nagkukuyakuy ito sa harapan ko at nakatingin lang sa akin. Bumaba ang tingin ko ng biglang sumulpot si Mor'du sa tabi nito.

Nanikip ang dibdib ko at binalik ang tingin kay Aksana. Nakangiti parin ito sa akin at hindi nag-sasalita.

"Si M-mo'rdu, Aksana," mahina kong wika.

"Hmm," tugon nito.

Tinakpan ko ang mukha ko at doon humagulhol.

"Hindi man lang tayo nakapagusap ng maayos bago ka nawala. Gusto kitang m-makausap, Axe," umiiyak kong wika at inangat ang tingin ko. Agad akong nataranta ng makitang parang nag-fafade siya. "Please! Sabihin mo gusto mong sabibin sa akin. . . Parang awa mo na, Aksana!"

Sinubukan kong hawakan siya pero huli na ang lahat naglaho ng parang bula si Aksana kasama si Mor'du. Napayuko na lang ako at doon binuhos ang iyak at sakit na nararamdaman ko.

"Fria. . . Si mama at papa."

Napaangat ang tingin ko at natulala sa sinabi nito. Nilingon ko pa ang kapaligiran ko at hinanap kung nandoon pa ba siya. Sa malaking puno sa hindi kalayuan ay nakita ko siyang nakatayo roon at nasa gilid niya si Mor'du. Tumayo ako at tatakbo na sana ng bigla siyang kumaway sa akin at tinalikuran ako kasama si Mor'du.

"T-teka! Aksana!" umiiyak kong wika. Bumibilis ang tibok ng puso ko at natataranta dahil sa pagtalikod nito sa akin. "S-sasabihin ko na kung sino mama at papa mo. Aksana!"

Hindi ko na siya nahabol ng may humigit sa braso ko. Napaharap ako at doon bumungad si papa, at Stefano. Nasa gilid nila si Stephanie na umiiyak habang hawak ang itim na payong.

"Let's go home," malumanay na wika ni Papa.

"Yeah, you need a rest. Tara na," pag-aya ni Stefano sa akin.

Umiling ako at tinuro ang unang nagpakita si Aksana pagkatapos ay sinunod ang sa malaking puno.

"Hindi niyo b-ba siya nakikita? Nakausap ko si Aksana! N-nand'yan siya kanina kasama si Mor'du. Sinabihan niya pa ako na mahal niya ako. Magpapakita ulit siya m-maghihintay lang tayo," natataranta kong wika habang umiiyak.

"Mag-kakasakit ka n'yan Delaihla kung magpapaulan ka pa," nag-aalalang wika ni papa.

"H-hindi 'pa. Magpapakita si Aksana—"

"Delaihla kailangan mo ng magpahinga. Nag-hahallucination ka—"

"Anong hallucination!? Ako, magaganon? Hindi, Stephanie!" Pagak akong tumawa. "I saw her with my two eyes. Nakangiti pa siya sa akin," galit kong wika.

Nakahawak parin si papa sa braso ko at ginagawa ang lahat para mapayungan ako kahit basang basa na ako ng ulan.

"Kanina ka pa namin nakikitang kausap yung sarili mo. Simula nung nahiga ka sa tabi ng lapida ni Aksana," pag-singit ni Stefano.

Natigilan ako sa sinabi nito. "H-huh?'

"Kailangan mo ng mag-pahinga, Delaihla," wika ni papa.

"P-pero baka magpakita ulit si Aksana. Walang maghihintay sa kanya. Iiyak siya kasi walang Fria na naghihintay sa kanya—ouch."

Natigilan ako ng maramdamang parang kumirot ang tyan ko. A-anong meron?

"What happened?" Nag-aalalang wika ni Papa.

"A-ang sakit ng tyan ko..." mahina kong wika.

Napahawak ako sa parte kung saan masakit ang tyan ko at dinidiinan, nag-ba-baka sakaling maalis ang sakit doon.

"Baka nag-kakaulcer kana dahil 'di ka kumakain," nag-aalalang wika ni Stephanie.

Sumangayon si Stefano at inalalayan ako papasok sa van. Todo punas sa akin si papa para matuyo ako habang ako heto tulala lang at sinundan ng tingin ang libingan ni Aksana.

Bibisita ako d'yan, Aksana. Huwag kang mag-alala.


"BAKIT hindi mo sinabi sa 'kin?!"

Napapikit ako ng biglang sumigaw si Stephanie. Humalukipkip siya at inayos ang kanyang pag-upo. Nandito kami ngayon sa sala at gusto ko siyang makausap bago tumira sa bahay ni Papa.

"Alam ko kasing 'di ka papayag kaya 'di ko sinabi," tugon ko at sinandal ang likod ko sa aking kinauupuan.

Dalawang linggo na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay hindi pa ako okay. Napabugtong hininga ako at tinignan siya.

"Alam mo naman pala, eh. Delaihla! Sinong hindi magugulat na pinangalan mo na sa'kin yung titulo nitong bahay natin," wika nito.

Shock parin siguro siya sa sinabi ko. Alam kong gusto niyang bilhan ng bahay ang magulang niya. Si papa naman ang nagpaayos ng titulo kaya labas na ako roon. Sinabi ko lang sa kanya at binigay ang titulo kasi 'yon ang sabi ni papa.

"Sa'yo na nga 'yan. Pagkaalis ko rito papuntahin mo yung mama mo rito. Tutulungan ka rin namin iparenovate 'to huwag kang mag-alala," tugon ko at tumayo.

"S-salamat," mahina niyang wika.

Tipid ko lang siyang ningitian at pinasok sa loob ng brown envelope ang titulo niya.

Nakaready na ang dalawang malaki kong maleta sa kwarto at may box pang tatlo. Tinabi ko lang 'yon sa gilid para kung sakaling babalikan ko ay ipapabitbit ko na lang.

"Kumusta na kayo ni Dominic?" Tanong ni Stephanie. Nilagay niya sa gilid ang brown envelope at naupo sa tabi ko.

"Hmm? Ayos lang. Hindi na kami masyado nakakapagusap ng maayos pero okay lang kasi alam kong busy siya sa trabaho niya," tugon ko at uminom sa mango shake.

Tumango tango siya. "Baka nakalilimutan mo na 'yung totoong pakay mo sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi nito at nilingon siya. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"P-parang ayaw ko nang ituloy," mahina kong wika. Iniwas ko ang tingin ko at yumuko. "Totoong minamahal ko siya—"

"Yan na nga sinasabi ko, eh!" Wika ni Stephanie at napapitik. "Akala ko ba gaganti ka sa ginagawa niya? Papaibigin mo siya tapos hihiwalayan mo ng walang dahilan."

Tumango ako. "Oo nga. Gagawin ko nga 'yan pero—"

"Is it true, Delaihla?"

Napatayo ako ng marinig ang boses ni Dominic. Binundol ng kaba ang dibdib ko ng makitang pagak itong tumawa at tinalikuran ako.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top