CHAPTER 21

CHAPTER 21 

"PAPUNTA na 'ko d'yan!" 

Dinampot ko kaagad ang gamit ko at lumabas sa restaurant. Pinatay ko kaagad ang tawag at tumakbo palabas sa mall. Pumara ako ng taxi at pumasok sa loob. Sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan ko nakatira.

"Manong pakibilisan po kailangan ako ng kapatid ko," umiiyak kong wika. 

Lahat ng masayang alaala namin ni Aksana biglang pumasok sa isip ko. Napahagulhol ako at sinabunutan ang sarili. 

Ayaw ko! Ayaw! Tumigil ka!

Doble ang kabang nararamdam ko. Gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganito! 

Please huwag mo siyang kunin sa 'kin. 

"D'yan ka lang po manong."

Umiiyak na lumabas ako sa taxi at nagkasalubong kami ni Stephanie. Punong puno ng luha ang pisngi nito habang karga si Aksana na habol parin ang kanyang hininga. 

"Axe! Baby, nandito na si Fria. Pupunta na tayo ng ospital," binuhat ko siya at umiiyak na pumasok sa taxi. Sumunod si Stephanie na naka upo sa shotgun seat. 

"Manong sa pinakamalapit na ospital po. Pakibilisan na lang po," dinig kong wika ni Stephanie. 

"F-fria..."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kay Aksana. "Shush. Nandito na si Fria, gagaling kana. Huwag ka munang matulog. Mahal ka ni ate, huwag mo kaming iiwan, ah," humihikbi kong wika at sinusuklay ang buhok nito. 

Hinahalikan ko ang noo nito. Namumutla na ito habang nakatingin sa akin. Pawis na pawis ang kanyang mukha kaya walang tigil din ako sa pagpunas ng kanyang pawis.

Agad ko siyang binuhat ng makarating kami sa unang ospital na pinuntahan namin. Binuhat ko siya at patakbong pumasok sa emergency. 

"Tulong! Yung kapatid ko inaatake sa puso," umiiyak kong wika habang tumatakbo. 

Napatigil ako ng biglang nay humarang sa akin. "Pasensya na po ma'am puno na po ang lugar para sa mga batang pasyente. May sinugod po na mga estudyante rito dahil sa food poison."

"F-fria. . . Kuya Dom. . . Tita. . . Papa lolo. . . Kuya Stef. . ."

Bumaba ang tingin ko kay Aksana nang biglang nagsalita. Umiling ako habang patakbong lumabas sa ospital. 

"Shush. Nandito na si Fria. . . Please huwag mo 'kong iwan," walang tigil sa pagtulo ang luha ko. 

"Sa iba pa! Pakibilasan manong magbabayad ako ng malaki sa 'yo," umiiyak kong wika. 

Yinakap ko si Aksana at hinagod ang likod nito. Inaway pa ni Stephanie ang isang nurse dahil puno narin sa kanila dahil sa food poisoning na insidente. 

"Putangina nila!" Galit at umiiyak na wika ni Stephanie.

Tahimik akong umiiyak at tinignan si Aksana sa bisig ko. Nakangiti ito sa akin at inabot ang mukha ko. 

"F-fria. . . Ate. . . I love you," nakita ko ang pagtulo ng luha ni Aksana. 

Humagulhol ako at niyakap siya. Ilang beses akong umiling sa mga pinagsasabi nito. Sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa pag-iyak. 

"H-huwag mo 'kong iwan! Pangako mo sa 'kin 'yan, 'di ba? Hindi mo kami iiwan. Parang awa mo na, Aksana," malakas kong sigaw sa loob ng taxi. 

Binabagtas namin ngayon ang pangatlong ospital at pinagdadasal ko na sana ay papasukin na kami. 

"M-mor'du. . . Nakikita k-ko," mahina nitong wika. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng taxi. Umangat ang kamay niya at parang may inaabot.  

Lumakas ang iyak ko at niyakap siya. "No! Don't leave me! Sabihin mo sa kanya kailangan pa kita. Bibilhin ko pa sa 'yo yung miniso 'di ba? Gusto mo 'yon? Ibibili ni Fria 'yon sa'yo. Promise ni Fria 'yon—"

"Mama. . . Papa. . . Gusto ko m-makita," mahina niyang wika. 

Humagulhol ako ng iyak at nagsisigaw sa kanya na huwag akong iwan. Iyon ang bukang bibig ko habang walang tigil sa kaiiyak. 

"Ipapakilala ko na si mama at papa mo basta huwag mo na kaming iwan. Please, Axe! You're brave right? My baby is brave," nakangiti kong wika habang umiiyak at hinahalikan ang noo nito.

"Malayo pa ba tayo manong? Pakibilisan naman ho," umiiyak na wika ni Stephanie. 

"Malapit na po Ma'am."

"K-kuya Dom. Gusto ko s-siya magiging a-asawa mo, F-fria. Mabait siya. . . A-alagaan ka niya haggang sa t-tumanda kayo," nanghihina niyang wika. 

Napatili ako sa sobrang inis. "Huwag mong ipipikit mata mo! Nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag, please," humahagulhol kong wika. 

"Tita..."

"Yes b-baby?" Humihikbing tanong ni Stephanie. 

"I-i love you. . . Pati si Ate F-fria, P-papa lolo, K-kuya Stefano. . . Kuya D-dom. L-love ko po k-kayong lahat. . . Pati mama at papa ko kahit h-hindi ko sila n-nakita," nakangiti nitong wika. 

"I love you too, baby Axe. Huwag mo kaming iiwan. Ibibili ka ni Tita Stephanie mo lahat ng gusto mo," umiiyak na tugon ni Stephanie.

Kitang kita ko sa mata niya na nahihirapan na ito. Hirap na hirap ka na ba talaga, Aksana? Gusto kong lumaban kasi alam kong gagaling ka. . . Alam kong hahaba pa buhay mo kaya ako lumalaban para sa 'yo. 

"G-gusto ko na matulog, Ate. . . Si Mor'du. Kanina pa naghihintay s-sa 'kin," tumulo ang luha nito habang nakatingin sa akin.

Umiling ako. "No, ayaw ko. Huwag kang sumama. Lalaban tayo, Axe. Lalaban tayo," humihikbi kong wika. 

Hinawakan niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko. Kasabay no'n pagbagsak ng kamay niya at katawan. 

"No! Aksana!" 

Binuhat ko siya at lumabas kaagad ng makarating kami sa ospital. Pumasok kami sa emergency at inasikaso kaagad kami ng makita kami ng isang nurse. 

May ginawa sila kay Aksana na ngayon ay walang malay sa higaan may ilang nurses at doctor ang nandoon. Natataranta at umiiyak akong naghihintay at nanood sa gilid. 

Huwag mo po siyang kunin sa'kin. Parang awa mo na. Itinigil ko na lahat ng masamang gawain ko dati pero bakit ganito. 

Magkasakilop ang dalawa kong palad habang hinihintay na marevive si Aksana. Napaupo ako sa upuan habang walang tigil sa pagiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nahihilo ako at ang dibdib ko parang sasabog. 

"Time of death, 8:55 pm."

Napantig ang tenga ko ng marinig ang sinabi ng doctor. Parang tumigil ang pagikot ng mundo ko ng marinig 'yon. Napatayo ako at patakbong pinuntahan si Aksana. 

"T-teka! Buhay pa siya! Buhay pa po siya doc. Last one na lang po doc naniniwala ako na buhay pa siya," umiiyak kong wika habang mahigpit na nakahawak sa kanyang lab coat. 

"Delaihla," dinig kong wika ni Stephanie. Siya ngayon ang umaawat sa akin dahil sa ginawa ko sa doctor. 

"I'm sorry, Ma'am. Ginawa na po namin lahat ng makakaya namin pero wala na po talaga. Condolence," mahina nitong wika. 

Umiling ako at humagulhol sa kanyang harapahan. "Siya na lang meron sa 'kin, Doc. Parang awa mo na hindi pa siya patay!"

Malakas akong pinaharap ni Stephanie sa kanya at malakas na sinampal. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa at natahimik. 

"Hindi diyos ang kausap mo, Delaihla! Ginawa nila lahat para maibalik ang buhay ni Aksana pero wala paring nangyari! Si Aksana na kusang bumigay. Alam kong alam mong pagod na rin siya sa sakit niya!" Sigaw niya sa harapan ko. wala ring tigil sa pagtulo ang luha nito.

Naghihinang nilapitan ko si Aksana na may takip na ng puting tela ang buong katawan nito. Nanginginig na tinanggal ko ang tela hanggang sa dibdib nito. 

Muli akong napahagulhol ng iyak ng makita ang itsura nito. Napakaputla na niya kumpara kanina sa loob ng taxi. Walang buhay na Aksana ang bumungad sa akin. Mapait akong ngumiti at hinaplos ang maliit nitong mukha. 

Nakakapanibago malamig na siya at hindi na mainit. Hindi ko na mararamdaman ang init ng yakap niya sa tuwing masaya ito o malungkot. 

"Ang daya mo. Konti na lang, eh. Alam kong kaya mo kahit nahihirapan kana. Malakas ka. . . Yung mga pangarap ko sa 'yo paano na lang 'yon? Miss na kaagad kita," umiiyak kong wika. 

"Hindi ko na maririnig boses mo simula ngayon hanggang sa tumanda na ako. Bakit ikaw pa? Ang dami mong pangarap sa buhay, bakit ikaw pa?" Humihikbi kong wika sa kanya na akala mo ay tutugon siya sa akin. 

Naramdaman ko ang paghagod ng palad ni Stephanie sa likod ko. Nilingon ko siya at umiiyak na umiling sa kanya. 

"Hindi ko tanggap. . . Hindi. Masyado pang maaga, gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Masyado pa siyang bata," humahagulhol kong wika sa harapan ni Stephanie. 

Napapikit ako ng biglang umikot ang paningin ko at kasabay no'n ang pagbigay ng katawan ko dahil sa halo halong emosyon na naramdaman ko ngayon. Nilamon ako ng dilim at nawalan ng malay. 

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top