CHAPTER 20
CHAPTER 20
HINIHINGAL na bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama at ganoon din si Dominic. Parehas na hinahabol ang sarili naming hininga.
Pinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at naramdaman ang munti nitong halik sa aking balikat.
"Happy monthsary," mahina niyang wika.
Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Happy monthsary. I love you."
Hinalikan niya ang noo ko. "I love you too."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Siniksik ko ang sarili ko sa malapad nitong dibdib hanggang sa makatulog dahil sa pagod.
"Fria! Kailan kayo uuwi ni Kuya Dom!?" Nakangiting tanong ni Aksana.
Mahina akong natawa at tinignan si Dominic. Nag-aalmusal kami ngayon sa resort na pinag-check in-nan namin.
"Mamayang hapon uuwi na si Fria d'yan," tugon ni Dom.
Lumawak ang ngiti ni Aksana at nag-usap pa sila sa kung anong bagay. Naka-video call kami kay Aksana gamit namin ang laptop ni Dom samantala ang kay Aksana ay ang niregalo sa kanya ni Stefano na laptop.
"Sa susunod na week busy ka na naman. Baka kunin ko na lang yung offer ni Papa na doon magtrabaho sa kumpanya niya pero hindi pa siguro ngayon baka makahanap ako ng iba," wika ko.
Naramdaman ko ang pagsiklop niya sa kamay ko habang nakatanaw kami sa araw na unti unting bumaba. Nakahiga kami sa chaise lounger chair. Nakaakbay siya sa akin at hinahalik halikan ang leeg ko.
"Sa susunod dalhin natin si Aksana dito. Alam kong mag-eenjoy 'yon," ani ko at tinignan siya.
Ngumiti siya sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko.
"Of course, mas masaya 'yon. Sa susunod kapag wala siyang pasok kahit isang linggo pa tayo rito," tugon niya.
Inayos ko ang pagkakahilig sa kanyang dibdib at nakatanaw lang sa dagat. Itong kinahihigaan namin ay nakapwesto sa labas ng cabin na tinutuluyan namin.
"Gusto ko ng ganito. . . Nakakarelax tignan yung dagat. Siguro kapag magaling na si Aksana at makakapagipon ulit ako gusto kong magpagawa ng bahay malapit sa dagat," pag-kukwento ko.
"Hmm. . . It's that what you want? May alam akong isla na pwedeng tayuan ng bahay," wika ni Dom.
Mahina akong natawa sa sinabi nito. "Ano ka ba, matagal pa naman 'yon."
Tinawanan niya lang ako at niyaya ko na siya na magayos na ng gamit para makauwi na kami. Alam ko kasi na nag hihintay si Aksana.
Ang nabili lang namin na souvenir ay damit na may pangalan no'ng resort at mga seashells na pwedeng ipang decor sa loob ng kwarto meron din na kwintas na gawa sa seashells.
"Matulog ka muna medyo mahaba pa ang byahe natin," saad ni Dominic at pinaandar na ang kotse.
"Hmm," tugon ko at sinuot ang seatbelt.
Lahat ng gamit namin ay nasa compartment ng kotse at ang nabili naming souvenir ay nasa backseat lang. Pinikit ko ang mata ko para makapagpahinga. Sakto at medyo maulan kaya masarap matulog.
"Fria, Namiss kita."
Naalimpungatan ako sa boses ni Aksana kaya niyakap ko siya at nahiga kami sa kama. Gabi na ng nakauwi kami at tulog na si Aksana. Hinatid lang ako ni Dominic sa bahay dahil may aasikasuhin pa ito sa trabaho niya.
"Nakita kona 'yung pasalubong mo sa'kin ang ganda. Salamat," malambing niyang wika.
Ngimiti ako at hinalikan ang pisngi nito. "You're welcome."
"Naligo kana ba? Baka malate kana sa school mo," wika ko at tumayo sa pagkakahiga.
"Maliligo pa lang ako," tugon niya at kinuha ang sarili nitong towel.
"Sige. Ingat ka sa CR baka madulas ka. Magluluto lang ako ng almusal—"
"Fria ayaw ko kumain. Magtitinapay na lang ako," pagputol nito sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Nilapitan ko siya at pinantayan.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Uminom ka naman ng gamot mo ah," nag-aalala kong wika at sinuri ang katawan nito.
Nagbaba lang siya ng tingin at pagkaangat ng tingin sa akin ay ngumiti siya.
"Gusto ko lang i-try kumain ng sandwhich, Fria. Sarapan mo, ah."
Humahagikhik itong naglakad papuntang CR. Nanatili akong nakatingin sa pinasukan nito at wala sa sariling naglakad papunta kusina para gumawa ng ni-request nito.
Tinignan ko ang iniwang note ni Stephanie. Maaga siyang pumasok sa trabaho nito kaya ako ang maghahatid kay Aksana.
"Binaunan na rin kita. Tatlo 'yon, okay na ba sa 'yo 'yon?" Tanong ko habang kinakain niya ang gawa kong sandwhich.
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Oo, Fria! Okay na 'yon. Salamat, ah. I love you kahit inaaway mo ako."
Napanguso naman ako sa sinabi nito. "I love you din. Ako nga palagi mong inaaway, eh."
Inirapan niya ako at mahinang natawa sa sinabi ko. "Fria. . . Ikaw pinakamabait na ate na kilala ko. I love you," nakangiti niyang ano.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "I love you too, Axe. Ilang beses mo na akong sinasabihan ng I love you meron pa namang bukas, eh."
Hindi ko gusto yung ganitong kutob. Parang may mali. . . Hindi ko alam kung bakit.
Natawa siya sa sinabi ko at ihatid na. Karga ko siya habang naglalakad papunta sa eskwelahan nito. Tahimik lang ito sa bisig ko at minsan ay hinahalikan ang pisngi ko. Niyayakap niya rin ako at binubulong sa tenga ko na mahal niya ako.
Binaba ko na siya ng makarating kami sa gate ng school nito. Doon ay hindi ko na mapigilan tumulo ang luha ko.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mong sabihin sa 'kin yung mga gano'n, Axe. Alam ko na mahal mo 'ko kaya huwag mo ng sabihin sa 'kin 'yon," pinunasan ko ang luha ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Fria. . . Hindi ako makahinga," tugon nito.
Hindi ko siya pinakinggan. Tumagal ang yakap ko sa kanya ng ilang segundo at tinignan siya.
"Kahit anong mangyari lakas mo lang loob mo. Parang awa mo na, Axe. Hindi ko kaya na mawala ka, bakit parang nagpapaalam ka," humihikbi kong wika.
"Huh? Nagpapaalam? Papasok na ako sa school, Fria. Baka malate ako," tugon niya.
Suminghot akot at pinunasan ang aking luha. Ningitian ko siya at hinalikan ang noo nito.
"Sige na. Pasok kana sa school mo. Huwag kang makulit, ah. Kapag very good ka palagi may reward ka sa akin," nakangiti kong saad.
"Talaga! Promise mo 'yan! Bye, Fria!"
Kinawayan ko siya hanggang sa makapasok sa gate nito. Naglakad na ito papasok sa room nito at doon na ako umuwi ng makitang okay na.
Yung ngiti niya kanina habang kumakain kami ng almusal nito sa bahay hindi abot hanggang tenga. Parang nagpapanggap lang siya. . . Hindi ko mabasa ang emosyon sa mata nito na masaya siya. . . na natutuwa siya.
Wala sa sariling hinawakan ko ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang aking puso. Bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko? Para akong kinakabahan.
Wala sa sariling napatingin ako sa langit at mapait na ngumiti.
Huwag please. . . Masyado pang maaga. Parang awa mo na.
ILANG linggo na ang nakalilipas ay gano'n parin si Aksana. Dahil ayaw ko ng ginagawa niya minsan ay nasisigawan ko siya. Natatakot kasi ako, lagi na lang siyang umiiyak sa harapan ko at ako naman ay natataranta kung paano siya papatahanin.
Nakailang ikot na kami rito sa department store kasama si Dominic dahil may bibilhin daw siyang regalo para sa kaibigan nito at mag-da-date kami.
"Sa tokyo tokyo na lang tayo kumain. Gusto ko ma-try doon," wika ko.
Humigpit ang hawak niya sa aking palad. Tumingin ako sa kanya at nagsalubong ang tingin namin.
"Sure. Let's go," tugon nito.
Hinila niya ang kamay ko papasok sa tokyo tokyo. Naghanap kaagad kami ng mauupan at nag-order na.
"Kumusta na trabaho mo? Ang laki na ng eyebags mo," nag-aalala kong tanong.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "I'm fine. Ako nga dapat magtatanong n'yan sa'yo. Nakakain ka ba ng maayos? You lose some weight."
Wala sa sariling tinignan ko ang sarili ko. Ngayon ko lang napansin na medyo pumayat ako.
"Sa stress lang siguro pero ayos lang ako."
"I'm worried about your health. Magpapadala na lang ako ng mga groceries para kung sakaling magutom kayo may mailuluto kaagad kayo," tugon nito.
Wala naman akong magawa kaya pumayag na lang ako. Kahit tumanggi naman ako ay gagawin niya parin 'yon.
Napapikit ako ng biglang umikot ang kapaligiran ako. Bakit ako nahihilo?
"Are you okay—"
Napatingin ako sa kanya ng biglang nagring ang cellphone nito na nakapatong sa lamesa. Tinanguan siya senyales na sagutin ang tawag.
"Hello?. . . What!. . . Kumusta yung ibang empleyado?. . . Alright, pupunta na ako d'yan."
Binaba niya ang tawag at tinignan ako. "It's emergency, Dehlaihla. May sunog sa ibang department sa kumpanya kailangan ako ro'n," wika nito.
Tumango na lang ako dahil parang nakalutang ang ulo ko. Nahihilo talaga ako.
"Hmm. Sige, mag-iingat ka. Kailangan ka talaga roon," tugon ko.
"Aalis na ako. Staysafe," hinalikan niya ang labi ko at nagmamadaling lumabas sa restaurant na pagkakainan sana namin.
Saktong paglapag ng pagkain na inorder ay may tumawag sa akin. Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. 4:16 na pala, sinagot ko ang tawag.
"Hello? Bakit ka napatawag, Stephanie?"
"Delaihla!"
Kumunot ang noo ko ng marinig ang hagulhol ni Stephanie sa kabilang linya. Binundol ng kaba ang dibdib ko at bigla na lang napatayo. Sunod sunod ang paghikbi nito.
"Si Aksana! Bigla na lang 'di makahinga!"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top