CHAPTER 2

CHAPTER 2

Umaga na akong nakarating sa bahay. Napahaba ang nangyari sa amin ng kliyente ko, pero ayos lang kasi dinagdagan naman nila 'yong bayad sa akin. Pagkadating ko sa bahay naabutan ko si Stephanie na nakasuot na ng damit nito para sa kanyang trabaho. Pinapakain niya na rin si Aksana ng almusal, nakasout na rin 'to ng uniform.

"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kanila.

Sabay silang tumingin sa akin. Nanlaki ang mata ni Aksana at tumakbo papunta sa akin at niyakap niya ang hita ko.

"Fria, Good morning din! Saan ka pumunta? At saka bakit ganyan ang damit mo?" Nakanguso siya habang tinuro ang damit ko. Mahina akong natawa at hinila siya papuntang lamesa. Masyado kasing revealing ang sout kong damit.

"Wala ka na bang masout? May sampung piso ako sa bag! Ibibili kita ng damit sa ukayan ni Aling Ising," giit niya.

Nagkatinginan kami ni Stephanie at tinawanan si Aksana. Ngumuso siya sa akin at tinuloy ang pag-kain sa almusal. Niyuko ko ang aking ulo para tignan siya. Nangingilid ang kanyang luha habang ngumunguya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Axe, nag-bibiro lang kami ni Tita Stephanie mo," mahina kong wika habang sinusuklay ang kanyang makapal at kulot na buhok gamit ang aking daliri.

"Bakit kasi ganyan ang damit mo! Hindi ko 'yan nagugustuhan. Baka mamaya may lalakeng mag-kagusto sa 'yo tapos kukunin ka niya sa 'kin," naiiyak niyang tugon.

Napailing na lang ako at hinalikan ang kanyang noo. Nagkatinginan kami ni Stephanie, nakangiti siya habang pinipigilan ang sariling hindi matawa.

"Ano ka ba naman. Sinong magkakagusto sa akin? Ang panget panget ko kaya at saka walang kukuha sa akin kasi sa 'yo lang ako," malambing kong wika, mahirap na at baka bigla siyang topakin.

"Promise mo 'yan, ah? Mag-tatampo talaga ako sa 'yo."

"Promise," nakangiti kong sagot habang hinihimas ang kanyang buhok.

"Aalis na 'ko, Fria. Mamayang alas-dose pala ang balik ko rito," biglang wika ni Stephanie at tumayo na.

Kinuha ko ang pitcher at nilagyan ng tubig ang baso ni Aksana.

"Ang aga mo naman, 'di ba dapat mamayang gabi ka pa uuwi?" tanong ko at kumuha ng tinapay sa lamesa.

"May shift na kasi ako pero sabi ni bossing wala pa rin daw mag-babago sa sahod ko kaya okay na rin 'yon," sagot niya at isinukbit ang bag sa kanyang balikat.

"Sige! Ingat ka."

Tinanguan niya ako at umikot sa lamesa para puntahan nya si Aksana. Hinalikan niya sa pisngi si Aksana.

"Bye, baby! Aalis na si tita. Huwag kang makulit kay ate mo, ah?" malambing na paalam ni Stephanie kay Aksana.

"Opo! Bye po tita, I love you!" masiglang sagot ni Aksana.

Mahina kaming natawa.

"I love you too." Dumako ang tingin niya sa 'kin. "Bye," paalam niya naman sa 'kin.

Tinanguan ko siya at tuluyan ng lumabas sa bahay. Pinagmasdan ko si Axe na tahimik na kumakain. Dahil maagang pumasok si Stephanie ngayon ako ang maghahatid kay Aksana sa kanyang school.

"Aksana," pag-kuha ko sa kanyang atensyon.

Hinarap niya ako. "Bakit?" tanong niya habang ngumunguya.

"Pumasok si Tita Stephanie mo sa work niya. . . Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

Mahigit sampung segundo siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa unti-unting lumaki ang kanyang mata.

"Ikaw mag-hahatid sa 'kin sa school?!" malakas niyang sigaw.

Natatawang tumango ako at kumuha ng pagkain.

"Oo, ano pang hinihintay mo? Bilisan mo ng kumain kasi mala-late kana," masaya kong sagot.

Tumango siya. "Tapos na 'ko!"

Bumaba siya sa kanyang upuan at nag-tungo sa lababo para mag-toothbrush. Hinayaan ko lang siya dahil kaya naman niya ang kanyang sarili.

"Mag-bibihis lang ako saglit," paalam ko sa kanya.

"Ayaw ko ng damit mo kanina, Fria! Gusto ko mag-dress ka!" sigaw niya galing sa kusina.

Mahina akong natawa. "Opo, Mama!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Kumuha ako ng maxi dress sa cabinet. Kulay krema 'yon at maganda ang style. Kahit partneran ko 'to ng maayos na tsinelas babagay na 'yon sa 'kin.

Pagkapunta ko sa sala naabutan ko si Aksana na nakaupo sa upuan at ako na lang ang hinihintay.

Nakangiti siyang tumayo at pumunta sa 'kin. "Bagay sa 'yo!" pag-puri niya.

Ngumiti ako. "Thank you!"

Kukuhain ko na sana ang bag pero pinigilan niya ako. "Kaya ko ang bag ko," naiinis niyang sambit sa 'kin.

Natawa na lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na kami. Ni-lock ko muna ang pintuan pati ang gate.

Hawak ko ang kanyang kamay habang siya ay tumatalon sa bawat lakad nito. Sinaway ko siya dahil pinagpapawisan siya kaagad, sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Ihahatid ako ni ate! Ihahatid ako ni ate!" Paulit-ulit niyang kanta habang naglalakad kami.

Inaaway pa niya ang ibang tambay pag-sinisitsitan ako. Binuhat ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa school. Mahirap na baka mapa-away pa kami.

"Kilala mo ba sila? Bakit ka nila ginaganoon? Sabi ni teacher bad daw 'yon," bulong niya sa akin habang matalim na tinitignan ang mga lalakeng kina-cat call ako.

"Bad nga 'yon pero hayaan na lang natin sila. Hindi ba nga ang sabi ko—"

"Oo na nga, eh. Uulitin ko na naman 'yong sinasabi mo sa akin," nakabusangot niyang sagot.

Hinalikan ko siya sa pisngi at binaba na. Nandito na kami sa tapat ng school niya, inayos ko ang damit niya pati na rin ang buhok nito.

"Fria, nahihiya na 'ko tignan mo tinitignan tayo ng mga classmate ko. Mamaya aasarin nila ako pagdating ko sa classroom," malungkot na bulong niya sa 'kin.

Kahit nasasaktan ngumiti ako sa kanya. "Huwag mo na lang silang pansinin. Hindi sila love ng mama nila kaya ganyan sila," pabiro kong bulong sa kanya at kiniliti ang kanyang leeg.

Humagikhik naman siya sa 'kin. "Kung ganoon love ako ng mama ko kasi hindi ako bad," inosente niyang tanong sa 'kin.

Tumawa ako. "Oo naman. Sige na pumasok kana sa loob, dadaanan ka lang ni Tita Stephanie mo rito, okay?"

Dahan-dahan siyang tumango at biglang yumuko. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hinawakan ko ang kanyang baba at inangat ito.

Nanginginig ang kanyang labi at ang luha nito ay nagbabadyang tumulo. Sumikip ang dibdib ko dahil doon.

"Hoy! Bakit ka naiyak d'yan?" Pinunasan ko ang kanyang luha.

"S-sumama ka na lang sa 'kin hanggang classroom, ate. Aawayin na naman nila a-ako," umiiyak niyang sambit.

Huminga ako nang malalim at kinarga siya. "Ganito na lang, ihahatid na lang kita hanggang sa classroom niyo. Bawal kasi ako tumagal doon," paliwanag ko sa kanya.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa 'king leeg at yinakap ako. "Sige po," mahina niyang saad.

Nag-lakad na kami papasok sa loob ng school. Binati ako ng guard at ningitian ko ito. Pinagtitinginan kami ng mga magulang pati ang iilang bata, s'yempre dahil sa kulay ng buhok namin.

Halos lahat ay puro itim ang buhok, kaming dalawa lang ni Aksana ang naiiba. Nararamdaman ko na ngayon ang nararamdaman ni Aksana kapag mag-isa lang siya papunta sa kanyang classroom. Patuloy lang ang aking lakad hanggang sa makarating sa classroom nito.

"Saan ang upuan mo?" mahina kong tanong.

Tinuro niya ang upuan sa harap ng blackboard. Nag-lakad ako doon at binaba siya.

"Huwag kang makulit, ah? Aalis na 'ko," malambing kong wika.

"Sige, salamat. Ingat ka, ah?" mahina niyang sagot.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Naglakad na ako papalabas at nakasalubong ko ang teacher na papasok sa loob ng classroom ni Aksana.

"Good morning, you must be Aksana's mother, right?"

I smiled and shook my head. "No. I'm her older sister," nakangiti kong sagot.

"Oh. . . I'm sorry."

Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpaalam na aalis na 'ko.

Pag-dating ko sa bahay, ganoon pa rin naman ang gagawin ko. Ang maglinis at maglagay ng panibagong damit sa bag na dadalhin ko mamaya sa PC.

Nagluto na rin ako ng ulam para mamayang tanghalian at hapunan. Hindi naman kami malakas kumain maliban kay Aksana; malakas siyang kumain pero hindi man lang tumaba.

"Maaga akong aalis ngayon, Stephanie," salita ko habang kumakain ng hapunan.

Napatingin sa 'kin si Aksana dahil sa sinabi ko. "Saan ka na naman pupunta, Fria? Noong isang gabi wala ka sa bahay kaya si Tita Stephanie ang sumama sa 'kin mag-wiwi sa CR," nakabusangot niyang sambit.

"May pinuntahan lang si ate mo," sagot ko sa kanya.

"Tapos umaga ka umuuwi? Ano bang tinatrabaho mo?" tanong niya.

Heto ang mahirap sa kanya. Palatanong siya. Hindi na 'ko magtataka na baka isang araw magalit siya sa 'kin pag-nalaman niya ang trabaho ko.

"Call center kasi ako tapos gabi ang pasok ko sa trabaho kaya umaga na ako nakakauwi," pag-sisinungaling ko sa kanya.

"Call center?"

Nilagyan ko ng ulam ang kanyang plato at ningitian na lang.

"Kapag malaki ka na maiintindihan mo kung ano 'yon," paliwanag ko.

"Okay!" salita nito at tinuloy ang hapunan.

After I finished, I went to my room to get dressed. I'm wearing a red backless crop top and black bell-bottom pants, paired with stilettos. Binitbit ko na ang bag ko at lumabas na sa kwarto. Naabutan ko sila na kumakain pa rin, nilapitan ko si Aksana at hinalikan sa noo.

"Aalis na si ate. Huwag kang makulit kay Tita Stephanie mo."

Tumango siya at tumingin sa 'kin. Kumunot ang kanyang noo at tinignan ang sout ko. Mahina akong natawa at napailing na lang. Si Manang Aksana sesermonan na ako in 3...2...1

Humaba ang kanyang nguso at nakabusangot na tumingin sa 'kin. "Fria! May call center ba na nag-gaganyan? Kita ang likod mo!" naiinis niyang reklamo sa 'kin.

Mahina akong natawa at hinalikan siya sa pisngi. "Bibilhin kita ng laruan pagdating ko rito sa umaga," pang-uuto ko sa kanya.

Kuminang ang kanyang mata at nabalewala ang sinabi niya. "Talaga! Hihintayin ko 'yan, ah,"

Tumango ako sa kanya at nilingon ko si Stephanie. "Aalis na 'ko."

Ngumiti siya sa 'kin bago mag-salita. "Mag-iingat ka," salita nito.

Sa huling pagkakataon nagpaalam ako kay Aksana at nag-tungo na sa PC.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Pagdating ko sa PC naabutan ko ang iba kong kasamahan na nagkukumpulan sa isang bulletin board sa hall.

Nilapitan ko si Rose, isa siyang source ng mga nangyayari rito sa PCA; in short chismosa.

"Anong nangyayari, Rose?"

Hinarap niya ako, ang kanyang mata ay nanlalaki sa tuwa. "Delaihla! Buti dumating ka! Kunin mo na invitation card mo roon." Ninguso niya ang babaeng receptionist.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit may invitation card?"

Ngumisi siya sa 'kin at mahinang hinampas ang braso ko. "Ano ka ba! Anniversary ng Poufiasse Club sa susunod na araw! Mag-ready ka na ng sexy at revealing na long gown!" excited niyang sambit sa 'kin.

Mahina akong natawa at napailing pa. "Pag umuwi na 'ko. Nand'yan na ba 'yong kliyente ko?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya at tinuro ang receptionist. "Tanong mo na lang sa kanya."

Tumango ako at nag-tungo roon. Sinabi niya kaagad sa akin ang kwarto na papasukan ko mamaya. Pumasok ako sa malaking dressing room at nag-palit ng damit.

Araw-araw kasi ay may pumipili sa 'min. Sa third to fifth floor doon ang mga rooms na papasukan namin. Sa second floor naman ang bar na pwede kaming mag-serve or sumayaw. Maraming p'wedeng gawin doon na pagkikitaan namin.

Hindi naman kami natatakot na baka mahawaan kami ng sakit. Masyadong exclusive ang Poufiasse Club dahil bago may mangyari sa kliyente namin mag-u-undergo sila sa HIV test. Kung negative ang labas ay p'wede, pero kung positive hindi sila papayagan na mag-stay in sa rooms para sa pagbibigay namin ng aliw sa kanila.

Ini-scan ko ang tag sa scanner at pumasok sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga ako nang makita kung sino ang kliyente ko, matanda.

Mukhang may sakitan na magaganap ngayong gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top