CHAPTER 19

CHAPTER 19

PABAGSAK na naupo ako sa passenger seat. Nilagay ko sa backseat ang pinamili namin. Nakabili na kami ng pang-decor at regalo ko sa kanya. Dress na puti at mga gusto nito. P'wede niyang magamit 'yon kapag magsisimba kami.

"Wala kana bang nakalimutang bibilhin?" tanong ni Dom.

Umiling ako at kinabit ang seatbelt ko. "Wala na. Kumpleto na yung mga nabili natin."

Tumango siya sa sinabi ko at pinaandar ang kotse.

"Wala akong maisip kung anong p'wedeng ibigay sa kanya," saad ni Dominic habang nagmamaneho.

Nilingon ko siya. "Kahit anong ibigay mo sa kanya tatanggapin naman niya."

Tumango siya sa sinabi ko at may kinuha sa likod. Binigay niya 'yon sa akin at mabilis akong tinignan. Bumaba ang tingin ko at kinuha sa loob ng paperbag ang binigay nito.

"Ano 'to?" Kunot noo kong tanong.

Wooden box siya na pahaba at nasa gitna ng takip no'n ay ang tatak ng tindahan na pinagbilhan nito.

"Just open it. Sabihin mo sa 'kin kung okay na ba 'yan," tugon nito.

"Oh. Okay."

Binuksan ko ang wooden box at napanganga sa nakita ko. Puro mga butterfly hairclips at rhinestones ang kabuuhan nito. May maliliit at may malalaki din. Madami 'yon kaya maraming pagpipilian si Aksana. Sa gilid no'n ay may pamilyar na dalawang malaking clip at maliliit na butterflys ang design.

"This one is familiar. . . Naalala ko yung binigay sa akin ni Aksana na ipit. Sabi niya may nagbigay sa kanya no'n sa labas ng school nila," mahina kong wika at kinuha ang isang clip at tinignan.

"Oh—I remember that day. Medyo nakalimutan ko na, siya pala 'yon?" Natatawa niyang tanong. "Her hair is beautiful. Bigla kasing nag-inarte yung bunsong anak ni Cattalina gusto raw ng bago kasi ayaw ng design kaya binigay ko na lang kay Aksana," pagpapatuloy nito.

"Nakalimutan ko na 'yon dahil sa trabaho," mahina siyang natawa.

Nahawak ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Okay lang ano ka ba."

"Sa 'yo na lang 'yung isa," wika nito.

Napatingin ako sa kanya. "Huh? Hindi na, regalo mo kay Aksana 'to bukas tapos ibibigay mo sa 'kin yung isa."

"That's fine. May ibibigay naman akong kwintas sa kanya—"

"Ano? Sobra sobra na 'yung binigay mo sa kanya," nanlalaki kong matang wika.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.

"That's fine. She deserve a gifts," tugon niya.

Napabugtong hininga na lang ako at humalukipkip. Kapag ako nagbibigay kay Aksana sakto lang at hindi pasobra sobra. Baka kasi mamihasa 'yon na palaging may magbibigay. Exempted na lang siguro itong magiging birthday niya at ayaw ko na sirain ang magiging masayang araw niya. Namayani ang katahimikan hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Fria! Ang tagal niyo naman nakalahati na namin itong sushi," salubong sa akin ni Aksana. Mahaba ang nguso nito at may hawak na sushi.

Napakamot ako sa aking ulo at yumuko. Hinalikan ko ang noo niya.

"Traffic sa dinaanan namin," tugon ko.

"Nagpabili na lang ulit ako ng sushi baka parating na 'yon sila," pag-singit ni papa.

"Sige 'pa. Ilalagay ko muna 'tong mga pinamili namin sa kwarto," paalam ko.

Tumango sila at abala na ngayon sa paglamon ng pagkain. Pagkapasok ko sa kwarto ay nilapag ko sa gilid ang pinamili at nakita ko si Dominic na hawak hawak ang isa sa mga sex toys ko na nakatago sa drawer.

"Bakit mo ba hawak 'yan!" Bigla kong saad at hinablot sa kamay niya 'yon.

"You owned this?" Natatawa niyang wika.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at tumango na lang. Inirapan ko siya at binalik sa drawer.

"Napakaatribido mo talaga 'no. Para kang si Aksana. Itatapon ko rin 'yan kaya tumigil ka sa iniisip mo," tugon ko at tinapon ang kalat sa basurahan.

Natawa siya sa sinabi ko at bigla akong niyakap mula sa likod.

"I can really imagine you used those things all by yourself. That's hot," he whispered and slightly bit my neck leaving.

Hinila niya ako at natumba kami sa kama. Pinaikot niya ako paharap sa kanya at sinapo ang pisngi ko pagkatapos ay hinalikan ako.

I closed my eyes and accept his kiss. Naramdaman ko ang kamay niya na naglalakbay sa katawan ko. Mahina akong napaungol ng maramdaman ang kamay nito na mahinang pinipisil ang dibdib ko.

"I need you..." mahinang wika ni Dominic.

"D-dom..."

Mahina akong napasinghap ng maramdaman ang palad nito sa ari ko. Hinubad niya ang sout kong underwear. Tinulungan ko siyang tanggalin ang sout nitong sinturon at pantalon na rin.

"Mabilis lang 'to," mahina nitong wika. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin.

Hinawakan niya ang bewang ko at pinatong ako sa kanya. Impit akong napaungol ng maramdaman ang pag pasok nito.

"Ahh—Dom..."

"Fria! Fria! Ang tagal mo naman."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na umalis sa ibabaw ni Dominic. Nakalimutan kong i-lock yung pintuan!

"Shit," dinig kong mura ni Dominic.

Tinulak ko si Dominic papuntang CR. "Maligo kana ang baho mo!" Mariin kong bulong.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang bumukas ang pintuan. Binaba ko ang dress na sout ko at inayos ang buhok ko.

"Fria! Ang tagal mo namang lumabas. Yung pagkain niyo ni Kuya Dom nandoon na sa sala," reklamo nito at pumasok sa loob.

Naupo siya sa kama at bigla akong kinabahan. T-teka yung underwear ko!

"Nasaan pala si Kuya Dom, Fria?"

"Uhmm. . . Nasa CR naliligo naiinitan kasi siya, eh," palusot ko at nanatiling nakatayo sa harapan niya.

"Eh?. . ." Kunot noo nitong tanong at may dinampot sa gilid. "Bakit nandito panty mo tapos basa pa? Wala kang panty na sout?"

Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya 'yon. Hinablot ko kaagad sa kanya ang underwear ko at bahagya pang naubo.

"M-meron akong sout na underwear," nauutal kong tugon.

Sabay kaming napatingin sa CR ng biglang bumukas ang pinto no'n. Lumabas si Dominic. Nakatapis ito ng tuwalya.

"Where's my clothes?" Bigla nitong tanong.

Kumuha ako ng damit niya sa drawer at underwear nito. Minsan kasi ay nagiiwan siya ng mga damit at underwear niya rito para kung sakaling gusto niyang makiligo dito ay may masusuot siya.

Kumuha ako ng damit niya at binigay sa kanya. Hindi rin nagtagal ay nakapagbihis na siya kaya nilapitan niya si Aksana.

"Let's go. Susunod na lang si ate mo, maliligo pa kasi siya," binuhat ni Dom si Aksana papunta sa sala.

Nang makaalis sila ay napabugtong hininga ako. Pumasok ako sa CR dala ang underwear ko at naligo na. Napapikit ako at nagbuhos ng tubig.

Parehas lang kaming nabitin.

Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa sala at naabutan ko sila na nagkukwentuhan habang kumakain.

"Heto na si Fria. . . Ay! Alam mo papa lolo nakita ko panty ni Fria sa ibabaw ng kama tapos basa pa—"

Hindi niya naituloy ang sinabi nito ng tinakpan ko ang atribida nitong bibig at nahihiyang ningitian si Papa at Stefano.

"You're not supposed to tell that, Aksana. It's between you and you're ate," mahinang wika ni Dom kay Aksana.

Humalukipkip si Aksana. "Hindi ko naman alam na dapat sa aming dalawa lang 'yon."

"Damn..." natatawang wika ni Stefano. Naningkit ang mata nito sa akin.

Putangina talaga nito.


"NALIGO na ako, Fria!"

Bumangon na ako sa kama at niligpit ang higaan. Naligo muna ako bago magsimulang magdecorate ng birthday party ni Aksana. Doon kami sa bakuran mag hahanda para mas mahangin.

"Mabuti. Sino pumili n'yang sinuot mo?" Kunot noo kong tanong.

"Ako lang bakit?" tanong nito.

Umiling lang ako at niyakap siya ng mahigpit. "Happy birthday, baby. Stay healthy, I love you very much," I whispered

Humagikhik si Aksana sa sinabi ko at hinalikan ang pisngi ko. "Salamat. I love you too."

Mahina akong natawa sa sinabi nito. Naka maong na jumper siya at naka emerald green ang tshirt nito sa loob na may design na chibi head ni Merida.

"Tutulungan mo ba ako sa pag-decorate sa bakuran?" Tanong ko kay Aksana.

Lumawak ang ngiti nito at tumango. "P'wede ba?"

Umakto akong nagiisip. "Ganito na lang kapag nakapagpalobo na ako ng balloon ikaw na lang mag-tali nitong pink na tali. Bawal ka kasi mapagod," wika ko.

"Okay!" Mabilis nitong tugon.

"Mas maganda siguro kung si Tita Stephanie mo na lang gumawa no'n, Aksana," pagsingit ni Stephanie.

Niyakap niya si Aksana at kinarga. "Happy birthday, Axe! 8 years old na ang baby namin," nakangiting wika ni Stephanie.

Natawa si Aksana at hinalikan si Stephanie sa pisngi. "Thank you, Tita!"

"Manood ka na lang muna sa kwarto ng movie. May bago akong download na movie sa laptop," wika ko.

"Sige!"

Naglakad siya papasok sa kwarto. Kinuha ko ang mga pang decor at binuksan ang aircon para hindi siya mainitan.

"Magsimula na tayo para mabilis tayong matapos," saad ko kay Stephanie.

Tumango siya at nagtali ng buhok. "Okay, don't worry may katulong ka," natatawa niyang wika.

Pabiro ko siyang inirapan at nagfocus na sa gagawin namin. Natapos din kami at sakto no'n ay alas dose ng tanghali. Halos magkasabay sila Papa at Dominic. Susunod na lang daw si Stefano dahil may meeting pa raw sila.

"Happy birthday my little bear," malambing wika ni Papa kay Aksana. "Merong gift si Papa lolo sa'yo pero mamaya na namin ibibigay, okay?"

"Okay po," nakangiting wika ni Aksana at hinalikan niya ang pisngi ni Papa.

Napangiti ako at nagsimula na ring mag-ayos. Nandito sila sa loob ng kwarto dahil inaayusan si Aksana ni Stephanie.

"Ibigay ko na sa kanya yung mga hairclips para magamit niya," pag-singit ni Dominic at nilahad kay Aksana ang pahabang wooden box.

"Lalabas muna ako baka dumating na 'yung mga pagkain," wika ni Papa.

"Sige."

Naupo kaming dalawa ni Dom sa kama at tinignan si Aksana na inaayusan ngayon ni Stephanie. May bahid ng ngiti ang labi nito at halatang excited sa gaganapin mamaya.

Pupunta kasi ang dalawa nitong kaibigan na si Yna at Mia kasama ang magulang nito. Pati ang iba pa niyang classmate na ka-close niya. Gusto niya marami raw para masaya.

"Wow! Ang ganda nito Kuya Dom! Thank you po," nakangiting saad ni Aksana. Humahagikhik si Aksana habang tinitignan ang mga mini butterfly clips na rhinestones.

"Tita. . . Gusto ko ilagay mo 'to sa buhok ko," nakangiting wika ni Aksana kay Stephanie.

"Okay po. Wait ka lang," tugon ni Stephanie.

Tumayo ako at tinapik ang balikat ni Dominic. "Ikaw na muna bahala kay Aksana. Lalabas muna ako baka dumating na 'yung mga bisita ni Aksana."

Tumango siya at hinalikan muna ang likod ng palad ko bago bitawan.

"Okay. Take care," tugon nito.

Ningitian ko siya at nagpaalam din kay Stephanie. Pagkalabas ko ay naabutan ko na abala din si Papa sa pagturo kung saan idadala ang mga pagkain.

Kumaway ako ng makita si Yna at Mia. Kasunod ang dalawa nitong magulang na nakangiti rin sa akin.

"Ate Fria!"

"Hello, Ate Fria."

"Hi! Buti nandito na kayo. Tara sa bakuran nandoon na yung mga lamesa at upuan n'yo," tugon ko.

"Thank you sa pag-invite. Heto nga pala 'yung regalo namin kay Aksana," wika ng mama ni Mia.

Tinanggap ko 'yon at nagpasalamat. "Salamat sana hindi na kayo nagabala pa."

"Nako ano ka ba. alam mo naman sa mga regalo lang sumasaya ang mga bata," tugon nito.

"Salamat parin."

"Thank you rin sa pag invite. Si Yna na mag bibigay kay Aksana ng regalo niya," nakangiting wika ng mama ni Yna.

"Thank you ulit. Tara na para makaupo na kayo. Mahangin naman sa bakuran namin kaya hindi kayo maiinitan," wika ko.

Tumango sila at nagtungo na kami sa bakuran. Nang makaupo na sila ay nagkwentuhan muna kami sa kung anong bagay.

"Ate Fria, nasaan po si Aksana?" Sabay na tanon ni Yna at Mia.

"Inaayusan pa pero patapos na siguro sila," tugon ko. Napadako ang tingin ko kay Dominic na palabas ngayon sa bakuran karga si Aksana na nakangiti. "Nandito na pala sila."

Napatingin sila kung saan ako nakatingin.

"Aksana!"

Nakita ko ag panlalaki ng mata ni Aksana at dahan dahang bumaba sa bisig ni Dominic. Hindi naman pumayag si Dominic kaya bumaba lang si Aksana ng makarating silang dalawa sa table nila Yna at Mia.

"Yna! Mia!" Impit na napatili si Aksana at niyakap ng mahigpit ang kaibigan nito.

Mahina kaming natawa dahil sa ginawa nila. Masyadong makinang ngayon ang buhok ni Aksana dahil sa mini butterflies na nasa buhok nito. Maganda ang pagkakalagay no'n sa buhok niya, salamat kay Stephanie.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Dominic sa bewang ko. Tumaas ang tingin ko sa kanya at doon nagkasalubong ang tingin namin.

"Kapag uuwi kana magdala na ng handa para sa 'yo 'tsaka kay Cattalina," wika ko.

"Hmm. Okay," tugon ni Dominic at hinalikan ang noo.

"Okay ka lang ba?" Kunot noo kong tanong.

"I'm fine. May iniisip lang ako," tugon nito at tipid akong ningitian.

"I love you. Huwag mo 'kong iiwan, Dom," mahina kong wika.

He chuckled and kiss my forehead. He intertwined our fingers and kiss the back of my hand. "I'll never leave you, baby."

Ngumiti ako sa kanya at inasikaso namin pareho ang mga bisita. Sana ganito na lang kami. . . Ang maging masaya. Takot ako sa mga problema na dumadating sa buhay ko kaya minsan tinatakbuhan ko na lang ang mga 'yon.

Natigilan ako ng bigla kong naisip ang pinagkwentuhan namin ni Stephanie tungkol kay Dominic. Napapikit ako at wala sa sariling napahilot sa aking sintido. Masyado akong nadala at nawala sa isip ko na dapat palabas lang 'yon.

"Hey. . . Are you good? Masakit ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Dominic.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Tipid akong ngumiti sa kanya at umiling.

"Then why are you crying?" seryosong tanong niya.

Natulala ako sa sinabi nito at wala sa sariling hinawakan ang pisngi ko. Tama siya, basa ang pisngi ko dahil sa luha.

Tumawa ako at pinunasan ang pisngi ko. "Wala. Siguro umiiyak ako kasi ang bilis lumaki ni Aksana. Baka mamaya isang kisap lang ng mata ko mag-dedebut na siya," palusot ko.

Napabuntong hininga si Dom at niyakap ako ng mahigpit. Hinimas niya ang likod ko at agad din naman siyang humiwalay.

"Kung mangyayari 'yon alam kong napakasaya mo para sa kanya. Wearing a beautiful long gown on her 18th birthday," nakangiting wika ni Dom.

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Kung ano ano pa ang sinasabi nito para gumaan ang pakiramdam ko. Kumain na ang bodyguards na dala ni Papa kaya nagbabantay na sila ngayon sa labas ng bahay dahil 'yon daw ang utos ni Papa minsan naman ay nagdadala din ako ng pagkain para may makain sila doon.

Dumating na rin ang mga iba pang bisita at si Stephanie ang tumulong sa pagaasikaso. Abala na sila ngayon sa pagkuha ng pagkain. Napicturan na namin si Aksana sa pinagdecor namin. May mga bandana na nakasabit sa puno na pinagkonekta namin sa kabilang puno. May happy birthday din na nakasabit.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" Sabay na wika namin.

"Wish kana, Aksana," mahina kong wika at ningitian.

Ngumisi siya sa akin at excited na pumikit. Umabot pa ng ilang segundo bago siya dumilat at hinipan ang kandila nito na nakatusok sa cookies n cream na cake.

"Yehey!"

"Happy birthday, Aksana!"

Kararating lang din ni Stefano at excited sa regalo nito para kay Aksana.

"Ang ganda Kuya Stefano!" Nakangiting wika ni Aksana. "Thank you po!"

"You're welcome, baby Axe," tugon ni Stefano.

Napairap ako at hinawakan ang kamay ni Dom na nakaakbay sa akin. Laptop na apple ang regalo nito kay Aksana hindi na ako nakatanggi kaagad dahil nand'yan na. Lahat ng disney movie ay nandoon na. Binilhan niya si Aksana ng sariling laptop nito para hindi na raw siya manghiram sa akin.

Ayaw ko kasi na sa batang edad pa lang ni Aksana ay puro gadgets na ang hinahawakan o inaatupag nito. Gusto ko maranasan na maglaro siya sa labas pero dahil sa kondisyon nito na may sakit siya sa puso at bawal mapagod pumayag na lang din ako.

"Thank you, Mia!" Pagpapasalamat ni Aksana.

"Welcome, Aksana!" Nakangiting tugon ni Yna.

Ang regalo sa kanya ni Mia ay damit na pang-alis at sapatos na Nike ang tatak. Sumunod naman ang kay Yna. Isang pearl bracelet na gawa ni Yna, may business kasi ang papa niya sa mga alahas at gusto niya raw ang pearl bracelet para kay Aksana.

Binuksan na ni Aksana ang ibang regalo na binigay ng mga bisita. Umabot ng hapon at kami kami na lang nandito. Nalinis na namin ang ibang kalat, salamat sa mga bodyguards ni papa.

"Wow! Papa lolo ang daming toys!" Nakangiting wika ni Aksana.

"You're welcome, my little bear. Sa'yo lahat 'yan," nakangiting tugon ni Papa.

"Heto gift ni Tita Stephanie mo," wika ni Stephanie at inabot sa kanya ang pa-box na may balot na gift wrapper.

"Heels!" Wika ni Aksana at tinignan si Stephanie. Tumawa si Stephanie at niyakap si Aksana. "You're welcome, baby Axe."

Niyakap niya rin si Stephanie at sinunod ang regalo ni Dominic. Nasa sala kami ngayon at parehas na excited sa mga regalo ni Aksana. Si Stefano ay palihim na kinukuhaan ng litrato si Aksana kapag paiba iba ang pinapakita nitong expresyon.

"Hala. . . Necklace! Ang ganda, butterfly!" Natatawang wika ni Aksana.

Gold butterfly necklace na may diamond beads ang regalo ni Dominic. Natulala naman ako roon dahil alam ko sa sarili ko na napakamahal no'n kahit hindi ko tanungin si Dominic.

"Let me wear this to you, Aksana," wika ni Dominic at siya na ang nag-kabit ng kwintas kay Aksana.

"See it's so beautiful," papuri ni Dominic.

"Thank you, Kuya Dom," saad ni Aksana.

"You're welcome."

Tumayo ako at kinuha ang paper bag. Inabot ko kay Aksana 'yon at agad naman niyang kinuha. Nilabas niya ang laman no'n at pinakita sa amin.

"Ang ganda, Fria! Para akong angel nito. . . Sobrang puti," natatawa niyang wika. Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you, Fria. Nagustuhan ko ang binigay mo," nakangiti niyang wika.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako naluha sa sinabi nito. Pinunasan ko ang luha ko at niyakap siya ng mahigpit.

"You're welcome, baby ko," nakangiti kong tugon.

Tinapik tapik ni Dominic ang balikat ko para patahanin ako. Hinarap ni Aksana lahat ng kasama namin sa sala.

"Thank you po sainyong lahat. Sobrang saya ko po ngayon birthday ko," masiglang wika ni Aksana at biglang humagikhik.

"You're welcome, my little bear."

"Malakas ka kay Kuya mo kaya okay lang kung bongga."

"Welcome, baby Axe."

Isa isa niyang hinalikan ang pisngi namin lahat. Naupo si Aksana sa hita ni Papa at malambing na sumandal sa dibdib nito.

"Ano pa lang wish mo kanina, Aksana. Sayang hindi ako nakaabot doon sa paghipan sa kandila—"

"Kelan pa sinasabi 'yong wish sa birthday mo. Dati ka bang tanga?" Pagputol ko sa sinabi nito.

Napailing na lang si Dominic sa tabi ko samantala si Stephanie ay natawa.

"Wish ko? Ano. . . Makita ko na si Mama ko pati Papa ko para masaya na kami ni Fria. Para happy family na lang. Kasi nakikita ko na nahihirapan na minsan si Fria bilang tumayong Ate, Mama, at Papa ko. 'Tsaka humaba pa buhay nating lahat para magkasama pa tayo ng matagal at kung sakaling p'wede kong mahanap Mama at Papa namin ni Fria," pag-singit ni Aksana.

Yumuko ako ng namayani ang katahimikan sa kapaligiran. Kumunot ang noo ko at nilabanan ang sarili na huwag patuluin ang luhang pinipigilan ko. Suminghot ako at mabilis na pinunasan ang luhang tumulo pababa sa pisngi ko.

"Umiiyak ka ba Fria?" inosenteng tanong ni Aksana.

Namayani parin ang katahimikan. Huminga ako ng malalim at inangat ang tingin ko.

"Hindi ako u-umiiyak," mahina kong wika. Bigla pa akong napiyok.

Naramdaman ko na naman ang paghaplos ni Dominic sa likod ko para kumalma. Alam kong nakatingin silang, kay Aksana lang nakafocus ang paningin ko.

Biglang napalabi si Aksana at inangat ang tingin kay Papa. "Si Fria, Papa lolo. Umiyak," mahina niyang wika.

Nataranta naman kaming lahat ng biglang pumalahaw ng iyak si Aksana. Agad naman siyang inalo ni Papa at Stefano at kung ano ano pa ang sinasabi nito para kumalma siya. Si Stephanie naman ay nakatingin sa akin, nangungusap ang mata nito.

Nanatili akong tahimik habang ang hinlalaki ni Dominic ay pinapaikot ikot sa palad ko para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ako makapagsalita. . . May nakabara sa lalamunan ko.

Ayaw ko mag-salita. . . Ayaw ko.

Umangat ang tingin ko kay Dominic. Ningitian niya lang ako at hinalikan ang noo ko. Napatulog nila si Aksana pagkatapos umiyak. . . Dahil narin siguro sa pagod, sa birthday party nito.

Natulala ako kay Aksana na mahimbing na natutulog sa bisig ni Papa. I'm sorry, Aksana. Hindi ko alam kung matutupad ba 'yang hinihiling mo.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top