CHAPTER 18
CHAPTER 18
DELAIHLA FRIA HATT
"Sure ka bang bagay 'to sa 'kin?"
Tumango si Stephanie, sinisipat ako mula ulo hanggang paa. Nakahinga ako nang maluwag nang ma-satisfy ako sa pagsang-ayon niya.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nagtatanong sa kanya kung ayos lang ba talaga ang damit na suot ko maging ang ayos ng hitsura ko.
Isang simpleng maroon na polo at pencil skirt na itim ang aking suot na pinaresan ko ng itim na stocking kasama ang stiletto. Nakatirintas naman ang aking buhok; ang ilang hibla ay hinahayaan ko lang na mahulog.
"Male-late ka na, Delaihla. Panay ka tingin nang tingin sa harap ng salamin. Maganda ka, okay!" ani Stephanie, halatang naiirita na. Tinawanan ko lang siya.
"Oo na," tugon ko saka ko sinakbit ang aking bag.
"Aalis na ako, Stephanie. Ikaw na ang bahala kay Aksana, ah? Alam naman niya 'yong mga bawal sa kanya pero bantayan mo pa rin," habilin ko saka ako bumeso.
Nagsimula na akong maghigpit kay Aksana simula noong nasugod siya sa hospital. Naiintindihan naman niya kung bakit ko 'yon ginagawa. Simula noon, sa bakuran na lang siya naglalaro magdamag kasama ang kanyang pana at palaso.
Minsan naman ay binibisita siya ni Dominic sa bahay para kumustahin. Isang beses ay naabutan niya si Aksana na umiiyak kasi hindi ko siya pinayagang maglaro sa labas. May araw na tinotopak siya.
Syempre, bata pa rin ito at gustong maglaro sa labas. Kaya si Dominic ang naging kalaro niya no'n. Doon sila sa bakuran naglaro ng bahay-bahayan kung saan gumawa si Dominic ng tent.
Nginitian ako ni Stephanie at tumango. "Oo naman. Good luck sa work!"
I smiled. Lumabas kaagad ako ng bahay at pumara ng tricycle. Nang makababa ay sumakay naman ako ng jeep hanggang sa makapunta ako sa kumpanya na pagtatrabahuan ko. Huminga ako nang malalim at tinnignan ang building na nakatambad sa harapan ko. Sana maging maayos 'to.
Naglakad ako papasok at agad naman akong pinalusot ng guard nang banggitin ko ang pangalan ko.
"Hello, ako 'yong bagong secretary ni Mr. Stefano. Saan ko mahahanap—"
"Good day, Ms. Hatt. Sa 17th floor ang room ni Mr. Stefano," pagputol nito sa aking sinasabi.
Tumango ako at nagtungo kaagad sa elevator. Tila 'di ako mapakali. Kumunot ang noo ko nang biglang nag-ring ang phone ko.
"Hello?" sagot ko, 'di na tinitingnan pa kung sino ang tumawag.
"Anong oras out mo?" Tinig ni Dom ang sumagot. "Susunduin kita."
Wala sa sariling gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"9 PM pa. Hintayin mo na lang ako sa labas ng building. Alam mo kung saan ako nagtatrabaho, 'di ba?"
"Yes, okay. I'll call you later." 'Di ko man siya nakikita ay alam kong abot tainga rin ang kanyang bungisngis ngayon. "Bye. I love you."
I giggled. "I love you too," I responded before hanging up.
Sakto no'n ang pagbukas ng elevator. Huminga ako nang malalim saka naglakad papunta sa office ng boss ko nang hindi pinapansin ang mga naririnig na bulungan.
Kumatok muna ako sa pintuan. Pinihit ko ang door knob nang may nagsabi ng 'pasok.' Nakangiti kong sinalubong ang dalawang tao na nandoon—isang nakaupo sa swivel chair at isang nakaupo sa single couch. Kumunot ang noo ko nang makita ang kulay ng kanilang buhok. Bumigat ang bawat pintig ng puso ko.
"You must be my secretary, am I right?"
I clutched my chest. "Papa?" Hindi natapos ni Mr. Stefano ang kanyang sasabihin nang bigla akong nagsalita.
Anong ginagawa ni papa rito?
"Delaihla. . ." he trailed off.
Siya nga. Sa kulay pa lang ng kanyang buhok, alam kong siya nga iyon. Pero bakit siya nandito? Ang buong akala ko'y nasa ibang bansa na siya.
Nakita kong nilingon ni papa ang magiging boss ko.
"Stefano, explain this. Why her? She doesn't—"
"Dad, I know you need her. . . We need her in our family—"
"You don't need me," pagputol ko.
Nanginginig ang boses ko at ang tibok ng puso ko ay bumibilis. Hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko saka nagtangkang lumabas.
"J-just stay for a while, Delaihla. We missed you," pagpigil ni papa sa akin.
Agad nangilid ang luha ko. Hinarap ko siya at hinayaan na tumulo ang pinipigilan kong luha.
"Bakit? Noong namatay si mama, na-miss mo rin ba siya? Dapat nga 'di niyo na ako sinusundan kasi masaya na ako sa buhay ko ngayon," umiiyak kong sabi. Kumintab ang luha sa gilid ng kanyang mata.
"Hindi mo nga man lang binisita si mama sa hospital noong nag-aagaw buhay na siya. Tapos ngayon, aasta ka na parang may pake ka sa akin?"
"I-I'm sorry." Yumuko siya, kagat-kagat ang kanyang labi habang naluha.
Napahikbi ako at pinunasan ang aking luha. "Huwag ka nang mag-sorry. Hindi mo naman maibabalik si mama kapag nag-sorry ka. Ang sinasabi ko lang na sana. . . nandoon ka noong bago siya bawian ng buhay," umiiyak kong saad.
"Sumali pa ako sa organisasyon kapalit ng pagpapagamot sa kanya. Nakipagpatintero pa ako kay Satanas para lang sa kanya, pero wala! Wala pa rin. Binawian pa rin siya ng buhay. Ni hindi ko man lang nasabing mahal na mahal ko siya."
Nanatili siyang nakayuko habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha. Habang si Stefano ay nasa likuran ni papa, nakikinig sa sinasabi ko.
"Mahal na mahal ka niya, pa," pumiyok ako sa dulo. "Pero iniwan mo kami. Mahal na mahal ka ni mama. Alam mo ba kung ano'ng sinabi niya bago magkalayo ang landas namin?"
Tumigil ako sa pagsasalita dahil nahihirapan na akong banggitin ang susunod kong sasabihin sa kanya.
"Sana makita ka raw niya bago siya m-mamaalam."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulhol.
"I'm sorry. . . I'm sorry." Hawak na niya ang dalawa kong kamay habang humahagulhol.
Akala ko ay habang buhay ko nang dadalhin ang galit ko sa kanya pero hindi. Papa ko pa rin siya.
"I'm r-really sorry. I really love your mom, Delaihla. I love her very much," umiiyak niyang tugon. "J-just accept Stefano's offer. Please?"
"No," mariing tugon ko.
"My granddaughter—"
"You don't have a granddaughter, papa," putol ko sa kanyang sinasabi.
"No. . . I already know that—"
"Please! Matagal nang patay ang magulang ni Aksana. Wala kang apo sa akin!" Tinalikuran ko sila at agad na nilisan ang opisina.
Nagsimulang tumulo ang luha ko habang naglalakad palabas ng building.
Umiiyak kong d-in-ial ang number ni Dominic.
"Yes, Delaihla?" he cheerily answered.
"I-I. . ." I struggled to pick up the words. "I need you. Please c-come here."
"What happened?" Napalitan ng pag-aalala ang kanina'y masigla niyang tono.
"Just come here. Nasa labas na ako ng building namin."
"You stay put there, okay? I'll be there in a minute," aniya.
Pinatay ko ang tawag at naupo sa waiting shed. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
I don't need them.
Hindi ko na sila kailangan sa buhay ko. Masaya na ako sa kung ano'ng meron sa akin. Hindi ko kailangan ng maraming taong magmamahal sa akin. Kahit kaunti lang sila, alam kong mahal na mahal nila ako. Si Stephanie, si Aksana, si Dominic. . . Mahal ko sila. Mahal na mahal.
Awtomatikong umangat ang tingin ko nang biglang may humawak sa balikat ko. Nagsimulang mangilid ang luha ko nang makita si Dominic. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala para sa akin.
Napalabi ako at kaagad na niyakap siya. Doon na lalong bumuhos ang luha ko. He didn't even utter a word. He just laid his hand on my back, embraced me, and caressed me as I tried to console myself.
"Parang pasan-pasan ko ang m-mundo, Dom. Bakit gano'n?" umiiyak kong sambit.
Hindi ko na napigilan pa ang mga hikbing kanina pa nais kumawala.
Dominic calmly shushed my tears away. Dahan-dahan kong hinabol ang aking bawat paghinga.
"Stop crying now, baby." He gently stroked my hair. "Nandito lang ako, okay? Nandito lang ako."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Akala ko hindi mo pa nakikita ang papa mo?" usisa ni Dominic bago sumimsim ng alak na nasa can.
Muli kaming naririto sa lugar kung saan niya kami dinala noon ni Aksana. Natatanaw ko na naman ang kabuuan ng Metro Manila mula rito.
Tipid kong nginitian si Dom. "Matagal ko nang alam. Hindi ko lang talaga matanggap na iniwan niya kami ni mama."
Binabalot na ng dilim ang kalangitan, at ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa kalaliman ng gabi. Hindi naman ako natatakot dahil katabi ko si Dominic.
Nagmistulang mga Christmas lights ang ilaw sa kabuuan ng Metro Manila mula rito. Naramdaman ko ang paghawak ni Dom sa aking kamay. Mahigpit ko rin itong hinawakan saka ko isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Are you okay now?"
I slightly nodded. "Gumaan na ang pakiramdam ko. Thanks to you."
He just smiled. Namayani ang katahimikan. Impit akong napatili nang bigla niya na lang akong hilahin pahiga sa picnic mat. Mahina akong natawa dahil doon. Naglandas ang aming mga titig sa langit na punum-puno ng bituin.
"So, what's your plan now? Will you look for another job?"
I nodded. "Oo, mukhang gano'n na nga. Ayaw kong magtrabaho sa kumpanya ng kapatid ko—half-brother."
He clicked his tongue. "Saan ka niyan magtatrabaho?"
"Hindi ko pa alam," I shrugged.
Silence. Biglang umaligid ang maaliwalas na hangin.
"Binisita ko si Aksana after kitang tawagan," pagbasag niya sa katahimikan.
"Kumusta siya? Paniguradong nagpapakitang gilas na naman siya sa iyo kung paano gumamit ng pana," natatawa kong sambit.
Tumagilid ako paharap sa kanya, at ganoon din siya.
"Yeah, wala namang nagbago. She's good at archery, though," he enthusiastically said. "After that, she invited me to a tea party."
Napahagikhik ako. "Batang 'yon talaga."
"Well, let's let her be. As long as wala siyang nasasaktan. At least she is having fun instead of sulking that she has to stay at home all the time."
Umangat ang dalawang gilid ng aking labi. Ginawa kong unan ang kanyang braso. Bahagya siyang lumapit kasabay ng pagpulupot ng isa pa niyang braso sa aking baywang.
"I love you, Dom," wika ko habang nakatingin sa kanyang mukha.
"And I love you too, baby."
Unti-unting naglapit ang aming mukha hanggang sa siniil niya ako ng malalim na halik. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking baywang hanggang sa maipatong niya ako sa kanyang tiyan. Hindi niya pinutol ang pagkakadikit ng aming mga labi.
Siya ang unang humiwalay para makalanghap muna kami ng hangin.
"Are we going to do this here?" paniniguro ko.
Umangat ang sulok ng kanyang labi at inangat nang kaunti ang kanyang katawan para bigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
"Why not? Don't you like it here?" panunudyo niya.
Marahan niyang hinubad ang kanyang damit. Dumampi sa aking balat ang init na dumadaloy sa kanyang katawan.
Parang siya ang nagsilbing baga na mas lalong nagpaliyab sa pinipigilan kong init. Tinanggal ko ang pagkakabutones ng aking polo, hindi nawawalay ang titig sa kanya.
"I don't like it, Dom," pumungay ang aking mga mata. "Because I love it."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top