CHAPTER 17

CHAPTER 17

PANIGURADONG hinahanap na ako ni Aksana. Nitong mga araw ay palagi siyang nakadikit sa akin. Hindi naman siya gano'n dati, eh. Palagi niya akong hinahanap pati si Stephanie at Dominic. Kaya napapadalas talaga ang pagbisita nito sa bahay.

"Bilisan mo na kasi mag-bihis!" Pag-mamadali ko kay Dominic.

"Okay, okay. Just wait," tugon nito at nagbihis ng simpleng t-shirt na gray.

Paano ba naman kasi inabot kami ng madaling araw dito sa ginagawa namin. Ngayon lang ako nahiya sa tanan ng buhay ko, marami ng nakakakita at nakakahawak sa katawan ko pero yung nangyari sa aming dalawa sobrang yung hiyang nararamdaman ko!

Napabugtong hininga ako at inayos ang sarili. Tinali ko ang buhok ko into bun at nag lagay ng konting lipstick para hindi mag mukhang maputla ang labi ko.

"Ready?" Tanong ni Dominic.

"Yes," tugon ko at nag seatbelt.

Tinanguan niya ako at pinaandar ang kotse. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinagmasdan ang dinadaanan namin. Napabugtong hininga ako at humalukipkip.

Kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho. Magpapatulong na lang ako kay Stephanie kapag wala na siyang trabaho. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinignan kung anong oras na. 5:15 am. Napangiti ako ng makita ang litrato ni Aksana na ginawa kong wallpaper.

"She's cute," biglang wika ni Dominic. 

Napatingin ako sa kanya at tinignan ulit ang litrato ni Aksana. Ang background nito ay sa bakuran namin at naka sout siya ng costume ng damit ni Merida, nakabungis-ngis siya habang yakap yakap ang stuff toy na si Merida. Nakasukbit sa kanyang balikat ang pana nito.

"Yeah. Sobrang ganda pa, mukhang kailangan kong maghanda kapag nag dalaga na siya. Paniguradong marami siyang manliligaw," natatawa kong wika.

Malungkot kong tignan ang wallpaper ko at napabugtong hininga. Pinatay ko iyon at pinasok sa bag.

"Me too," natatawa niyang wika.

Napalunok ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala namang nakakapansin, eh. Wala ako dapat ikatakot dahil hindi niya napansin.

Tinawanan ko lang din siya at muling namayani ang katahimikan. Miss ko na kaagad siya, kahit hindi ko siya kaagad nakita at nakasama.

Napapikit ako at napahilamos sa aking mukha. Ang dami kong iniisip at hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses kang huminga ng malalim, are you sure na okay ka lang?" Biglang wika ni Dominic habang nagmamaneho.

"May iniisip lang. Namomorblema ako kung saan ako makakahanap ng magiging trabaho ko," tugon ko at hinarap siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. Ngumiti ako sa kanya at inirapan ito.

"Need a help? Tutulungan kita. Palagi ka na lang malungkot," nag-aalala nitong wika at sinulyapan ako.

Lumuhod ako sa inuupuan ko at dumukwang sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at bumalik sa aking kinauupuan.

"Huwag na. Tutulungan naman ako ni Stephanie atsaka nakakahiya na. Halos araw araw mong pinupuno yung ref sa bahay. Lagi mong binabantayan si Aksana kapag busy ako sa bahay. Kahit napakasimple ng ginagawa mo para sa akin sobrang laki na no'n," tugon ko habang nakatingin sa kanya.

"Are you sure?" He asked.

Sinandal ko ang likod ko sa aking kinauupuan.

"Hmm. Oo, maraming salamat," tipid kong sagot at pumikit.

Tahimik lang ang pagbyahe namin. Minsan naman ay naguusap sa seryosong bagay at minsan naman ay nagtatawanan sa walang kwentang bagay.

Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita. Magpagkakamalan mo talaga siyang masungit o walang pake sa lahat pero sa maiksing panahon ng pagsasama namin doon ko nakilala ang totoong siya.

"Dom," pagtawag ko sa kanyang pangalan.

"Hmm? What's wrong?"

"Daan muna tayo sa drive-thru ng Jollibee. Gusto kong bilhan si Aksana ng pagkain. Alam kong nagtatampo na 'yon sa akin," wika ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at ningitian.

"Okay."

"Thank you, Dom," mahina kong wika at sumulyap sa labas ng bintana.

"You're always welcome, baby," tugon nito.

Ngumiti ako ng marinig ang sinabi nito. Mahal din kita, Dom. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na makatulog. Pagod na pagod ako, emotional and physical.




PAGKABABA ko sa kotse ni Dom kumunot ang noo ko ng marinig ang malakas na iyak ni Aksana. Rinig na rinig iyon hanggang dito at pati ang kapitbahay namin ay nababahala.

"Anong nangyari kay, Axe?" Nag-aalalang tanong ni Dom.

I shook my head. "I don't know, tara na."

Tumango ito at nagmamadaling isinara ang pintuan ng kotse. Napaatras ako ng muntikan na kaming magkasalubong ng isa sa mga kapitbahay namin.

"Patigilin mo nga 'yang kapatid mo, Fria. Kanina pa kami naririndi sa iyak niya ang sakit na sa tenga," reklamo ng isa naming kapitbahay.

Lalong lumalim ang kunot sa aking noo. Pumunta lang ba siya para sabihin sa akin 'yon?

"Tanggalin mo na lang tenga mo kung naririndi ka sa iyak ng kapatid ko. Kararating ko lang dito at hindi ko pa alam yung dahilan kung bakit siya umiyak," bwisit kong tugon at hinila ang kamay ni Dominic papasok sa loob ng bahay.

"Sige na please baby gamitin mo na 'to," nag-mamakaawang wika ni Stephanie. 

"Ayaw! Gusto ko si Fria! Si Fria!" Muling pumalahaw ng iyak si Aksana.

Nilapag ko sa lamesa ang bag ko at nilapitan siya.

"Shh... nandito na si Fria, sorry na," binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

Naupo ako sa sofa habang nasa gilid ko naman si Stephanie. Binigay niya ang hawak nitong nebulizer sa akin.

"Fria!" Umiiyak nitong wika habang nakasubsob sa aking leeg. "A-akala ko iniwan mo n-na ako, F-fria," humihikbi nitong wika.

Naramdaman ko ang paghimas ni Dominic sa aking ulo.

"Hindi ka iiwan ni Fria, mahal kita. Huwag ka ng umiyak," pag-papatahan ko sa kanya.

Hinalikan ko ang kanyang pisngi at sinuklay ang kanyang buhok gamit ng aking daliri para kumalma siya.

"Iyak siya nang iyak nung hindi ka niya makita pagkagising niya," wika ni Stephanie.

"Pasensya kana," iyon na lang ang nasagot ko.

Tipid itong ngumiti sa akin. "Okay lang. Mauna na ako sa'yo, kanina pa ako late hinintay lang kita kasi walang kasama si Aksana."

"Sige. Mag-iingat ka, maraming salamat."

Nagpaalam din siya kay Dominic at lumarga na. Naririnig ko parin ang paghikbi ni Aksana. Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang noo.

"Nandito na si Fria. Sige na gamitin mo na 'to," naiiyak kong wika at nilapit sa kanya ang nebulizer.

"Gamitin mo na 'to please. Love ka ni Fria," wika ko.

"Aksana, stop crying," pag-aalo ni Dominic.

Tiningala ko si Dom at naramdaman ko ang pagpunas niya sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.

"Huwag ka na ring umiyak," pag-aalo sa akin ni Dom.

Tumango ako at nilapit kay Aksana ang nebulizer. Humihikbi parin ito habang ginagamit ang nebulizer. Lalong sumisikip ang dibdib ko ng makita siyang umiiyak. Hinihimas din ni Dom ang likod ni Aksana.

Hindi tuloy siya nakapasok ngayon dahil sa nangyari sa kanya.

"Gusto mo kay Kuya Dom?" Mahina kong tanong habang hinihimas ang buhok niya.

Dahan-dahan siyang tumango sa sinabi ko. "Si Leaving," mahina nitong wika.

Umupo sa tabi ko si Dom at kinuha sa akin si Aksana. Tumayo na ako at kinuha ang Jollibee na nakapatong sa lamesa. Nakaupo sa kandungan ni Dom si Aksana.

"Hush now baby," rinig kong wika ni Dom habang sinusuklay ang buhok ni Aksana.

Akmang maglalakad na ako papunta sa kusina ng marinig ko si Aksana.

"Fria... h-huwag mo 'kong i-iwan," naiiyak nitong wika.

Huminga ako ng malalim at pinuntahan siya. Tumabi ako kay Dom at hinimas ang kanyang makinis na mukha.

"Nandito lang si Fria, hindi kita iiwan. Maghahanda lang ako ng pagkain. Diba gusto mo yung Jollibee?" Panguuto ko.

Tumango ito at sumiksik sa malapad na dibdib ni Dominic.

"Fria..."

"It's okay baby. Hindi aalis si ate mo," dinig kong wika ni Dom.

Napabutong hininga ako at nagtungo na sa kusina. Kinakabahan ako. . . Sobra, sana hindi mapansin... Sana.

Pagbalik ko sa sala nakahinga ako ng maluwag ng medyo kumalma si Aksana. Nakikipagkwentuhan si Aksana kay Dom at tumatango na lang si Dom sa mga sinasabi nito.

"Kain na tayo," pag-aaya ko sa kanila.

Tumango si Dom at sinubuan si Aksana. Nasa isang malaking plato ang pagkain nilang dalawa.

"Huwag mo akong iiwan, Fria," wika ni Aksana.

Nagkatinginan kami ni Dom. Paulit-ulit niya 'yong sinasabi, kaming dalawa ni Dom ang nagsasabi sa kanya na nandito lang kami at hindi siya iiwan.

"I love you, Fria," saad ni Aksana.

Ngumiti ako at nagflying kiss sa kanya. "I Love you too."

Tinignan niya si Dom habang pinapakain ng Spaghetti.

"What's wrong?—"

"I love you din po, Kuya Dom," mahina nitong wika at hinalikan ang pisngi.

Hindi inaasahan ni Dom ang gagawin ni Aksana kaya natulala ito saglit. May naiwan pang sauce ng Spaghetti sa kanyang pisngi.

Ngumiti sa kanya si Dom at mahinang pinisil ang ilong.

"I love you too, baby."

Napangiti ako dahil doon. Pinagmasdan ko lang sila habang kumakain. Todo siksik si Aksana kay Dominic, magugusot na ang damit nito pero walang pake si Dom.  Salamat kay Dominic dahil medyo gumaan ang pakiramdam ko at pati ang pagpapakalma niya kay Aksana.

Thank you, Love.



"PASOK ka," binuksan ko ang gate at pinapasok ito.

It's been a week noong araw na pagwala ni Aksana. At hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakahanap ng trabaho! Nakakainis!

"I have a condo near in my company. P'wede kayong tumira roon—"

"P'wede ba ang pinunta mo rito si Aksana hindi yung mangingielam ka pa sa kung anong bagay," naiirita kong wika.

Napailing na lang siya at gumilid. Hinintay ko ang pagpasok niya sa loob ng bahay pero nanatili itong nakatayo sa gilid.

"Ano pang hinihintay mo? Anong gusto mo pumunta d'yan si Aksana? Mahiya ka naman sa kanya. Pasok na sa loob," saad ko at mahinang tinulak ang likuran niya.

"Ikaw ba panganay? Bunso ka, okay. Napakabossy mong tao," tugon nito.

"Sino pa kaso hinihintay mo?" Naiirita kong tanong.

Ang aga-aga nambubulabog. Gusto ko pang matulog ng maayos, eh.

"Si Dad. Gusto niya raw makita si Aksana," saad nito at pinasok ang kanyang kamay sa loob ng bulsa.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Holy shi—what!?

"Ano!? No!" Napakamot ako sa aking ulo. "Bakit mo pinapunta! Sabihin mo huwag na!"

Mahina siyang natawa at umiling. "It's already too late."

Sakto no'n ang pagtigil ng isang mamahaling kotse. Napapikit na lang ako, wala na akong magagawa pa! Bwisit!

"Ang kulit niyo talaga!" Nanggigil kong wika.

Nagkibit balikat ito at tumawa na lang. Pinuntahan ko si papa at pinagbuksan ng gate. Napatingin ako sa tatlo nitong body guard.

"Delaihla, p-pasensya kana kung hindi ko sinabi na sasama ako kay Stefano, gusto ko lang siyang makita," pagtukoy niya kay Aksana. Hindi parin ako sanay kapag nagtatagalog siya, pero ayos na 'yon.

Napabugtong hininga ako at tipid na ngumiti sa kanya. Binuksan ko ang gate at pinapasok siya.

"Pasok na p-po."

Dahan-dahan siyang pumasok at naiwan ang tatlong bodyguard sa labas ng gate. Naglakad si Stefano sa amin.

"Let's go, i'm so fucking excited to see her," wika nito.

Sinikmuraan ko siya at binigyan ng matalim na titig. "Huwag mo nga siyang mamura mura, palalayasin kita rito."

Mahina itong natawa at tumabi kay papa.

"Protective mo talaga sa—"

"Putangina ka talaga!" Pagputol ko sa kanyang wika.

Sinikmuraan ko ulit siya this time nakaiwas siya at tinawanan ako. Inirapan ko siya.

"Kids stop," tugon ni papa.

"Hell no. We're not kids anymore," angal ni Stefano.

Inambahan ko siya pero nagtago siya sa likod ni papa. Tumaas ang gilid ng labi ko sa ginawa niya.

"Hmm? Sino ang bata sa amin?" Maangas na wika ko kay papa.

Napailing na lang ito.

"Mas matured pa ako mag-isip sa'yong mapagpanggap ka," naiinis kong wika kay Stefano.

"What the—dad!? She is a bully," angal ni Stefano.

"It's true asshole—"

"Fria?"

Sabay kaming napatingin sa nakabukas na pintuan ng bahay ng marinig ang boses ni Aksana. Nakasout ito ng dark green na pajama at white sando, yakap yakap niya ang stuff toys na si Merida.

"Do you still remember me, baby Axe?" Biglang wika ni Stefano.

Hindi ko namalayan na mas nauna pa si Stefano sa paglapit kay Aksana. Ganoon din si papa. Napabugtong hininga ako at nilapitan sila.

Nakita ko ang nanlaki ang mata ni Aksana ng makita si papa at mamukhaan si Stefano. Nung unang punta nila rito ay hindi nakapag shave ng balbas si Stefano, eh ngayon ay malinis ang mukha nito kaya siguro hindi siya namukhaan ni Aksana.

"Kuya!" Malakas na wika ni Aksana.

Mahinang natawa si Stefano at binuhat si Aksana.

"Yes baby Axe it's me again," natatawang wika ni Stefano.

Napangiti ako dahil doon. Dumoble ang laki ng mata ni Aksana ng makita si papa. Pilit na umaalis si Aksana sa bisig ni Stefano.

"Papa lolo! Papa lolo!" Masayang wika ni Aksana.

Walang nagawa si Stefano kundi ibaba si Aksana. Masayang tumakbo si Aksana papunta kay papa at niyakap ang binti.

"Papa lolo! Nandito ka!" Natatawang wika ni Aksana.

"Namiss mo ba si papa lolo?"

"Opo!"

Ngumiti si papa at hinalikan ang noo ni Aksana. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"Si papa lolo, Fria!" Natatawang wika ni Aksana.

Ngumiti ako at tumango. "Hmm, tara na sa loob."

Tumango si papa at nauna na silang pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Stefano na komportableng nakahiga sa sofa habang nanood ng palabas sa sala.

Kinuha ko ang unan at binato sa kanya. Naiwasan niya iyon.

"Umupo ka nga!" Naiinis kong wika.

"Bully."

Umupo sa tabi ni Stefano si papa at Aksana. Tumayo ako at kumuha ng pineapple juice sa ref. Dinala ko iyon sa sala ng may mainom sila.

"Grabe ang galing! Parehas talaga tayo ng kulay ng buhok, papa lolo," humagikhik si Aksana at niyakap si papa.

"Syempre naman, baby Axe. You're so beautiful," saad ni Stefano at naglagay ng juice sa kanyang baso.

Napairap ako. Wala namang connect sa sinabi ni Aksana, abnormal talaga kahit kailan.

"Mama ko siguro maganda rin, Kuya Stef 'no. Tapos kaparehas kami ng kulay ng buhok," pag-dadaldal ni Aksana habang pinaglalaruan ang buhok ni Papa.

Nagkatinginan sila ni Papa at Stef pagkatapos ay tumingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at humalukipkip.

"Anong meron? Natatae na 'ko, mukha ka talaga inidoro 'no?" Iritado kong wika kay Stefano.

Napaawang ang labi ni Stefano sa sinabi ko. Habang si papa ay kinakausap si Aksana minsan naman ay niyayakap ito.

"Bully," mahinang wika nito.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan sila. Napatitig ako kay papa na titig na titig sa mukha ni Aksana, alam ko ang nasa isip niya. Sinabihan ko na sila at hindi ko na 'yon uulitin pa.

"Talaga papa lolo!? Salamat po!" Masayang wika ni Aksana at hinalikan ang pisngi ni Papa.

"You're welcome, baby girl," wika ni papa at hinalikan ang noo nito.

"How about me? Walang kiss sa cheeks?" Tanong ni Stefano.

Dumukwang si Aksana at matunog na hinalikan ang pisngi ni Stefano.

"Mwuah!"

Napailing na lang ako at hindi maiwasan mapangiti. Kumunot ang noo ko ng makita ang tatlong bodyguard, tig-dadalawa sila ng malaking paper bag. Nanlaki ang mata ko ng may dala pa ang panghuli na napakalaking dollhouse.

What the fuck?

Napatingin ako kay papa. Nakatingin kaagad ito sa akin at tipid na ngumiti sa akin.

"Wow! Papa lolo, ang ganda!" Masayang wika ni Aksana.

"Sa 'yo lahat ng 'yan. Love na love ka namin," tugon ni papa.

"Salamat po! Mahal ko rin po kayo," humagikhik siya at binigyan ng halik sa pisngi si papa at Stefano.

Naglakad siya papunta sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Humagikhik siya sa akin at pinagdikit ang ilong naming dalawa.

"Mahal kita, Fria," mahina nitong wika habang nakatingin sa mata ko.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Ako rin. I love you very much.

Tumakbo siya papunta sa mga laruan nito at sinimulanh buksan. Pinagmasdan lang namin siya at minsan ay tinutulungan kapag nahihirapan. Nagkatinginan kaming tatlo.

Binigyan ko sila ng totoong ngiti. Masaya ako ngayon, tinanguan lang ako ni Stefano at nakipaglaro kay Aksana. Si papa naman ay parang nakahinga ng maluwag. Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako.

Tumayo ako at pinuntahan siya. Naupo ako sa tabi niya at niyakap. Naramdaman kong nabigla siya sa sinabi ko at gumanti na rin sa yakap ko. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

Nakita kong nangilid ang kanyang luha sa sinabi ko.

"Thank you, 'pa," mahina kong wika.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top