CHAPTER 16
CHAPTER 16
"SURE KA bang bagay 'to sa 'kin?"
Tumango si Stephanie habang nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng masatisfy ako sa pag-agree nito.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nagtatanong sa kanya kung okay lang ba ang damit na sout ko ngayon pati ang pagmumukha ko rin.
Nakasout ako ngayon ng simpleng Maroon na polo at sa pangibaba ay pencil skirt na itim. Pinaresan ko iyon ng itim na stiletto habang ang buhok ko ay nakatirintas. Hinayaan ko lang mahulog ang ilang hibla ng buhok ko dahil bumagay iyon sa akin.
Ang buhok kong nakatirintas ay pinlastar ko sa pagitan ng aking balikat at leeg.
"Malalate kana, Delaihla. Panay ka tingin nang tingin sa harap ng salamin. Maganda ka okay!" Iritadong wika ni Stephanie na ikinatawa ko.
"Oo na," tugon ko at sinakbit ang bag ko sa aking balikat.
"Aalis na ako, Stephanie. Ikaw na bahala kay Aksana, ah. Alam naman niya yung bawal sa kanya pero bantayan mo parin," habilin ko at hinalikan ang kanyang pisngi.
Ningitian niya ako at tumango. "Oo naman, goodluck sa unang trabaho mo."
"Salamat."
Lumabas kaagad ako ng bahay at pumara ng trycicyle. Pagkatapos naman ay sasakay pa ako ng jeep hanggang sa makapunta ako sa kumapanya na pagtatrabahuan ko.
Nagsimula na akong maghigpit kay Aksana simula noong nasugod siya sa hospital. Naiintindihan naman niya kung bakit ko 'yon ginagawa. Naglalaro siya magdamag sa bakuran kasama ang kanyang pana at palaso.
Minsan naman ay binibisita siya ni Dominic sa bahay para kumustahin si Aksana. One time naabutan niya si Aksana na umiiyak kasi hindi ko siya pinayagan na maglaro sa labas. May araw na tinotopak siya pero hinayaan ko na lang siya. S'yempre bata parin ito at gustong maglaro sa labas.
Kaya si Dominic ang naging kalaro niya no'n. Doon sila sa bakuran nag laro ng bahay bahayan. Gumawa si Dominic ng tent.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang building na pagtatarabahuan ko. Sana maging maayos 'to!
Naglakad na ako papunta sa loob at agad namang pinapasok ng guard ng banggitin ko ang pangalan ko.
"Hello ako yung bagong secretary ni Mr. Stefano, saan ko mahahanap—"
"Good day Ms. Hatt. Sa 17th floor ang room ni Mr. Stefano," pag-putol nito sa aking sinabi.
Tumango ako at nagtungo kaagad sa elevator. Pinindot ko ang number 17 button at umandar na ang elevator. Kumunot ang noo ko ng biglang nagring ang phone ko.
"Hello?"
"It's me Dominic. Anong oras out mo, susunduin kita."
Napangiti ako. "9 pm. Hintayin mo na lang ako sa labas ng building alam mo kung saan ako nagtatrabaho 'di ba?"
"Yes, okay. I'll call you later. Bye, I love you."
I smiled. "I love you too, bye."
Sakto no'n ang pagbukas ng elevator. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa office ng boss ko nang hindi pinapansin ang ibang bulungan.
Kumatok muna ako sa pintuan. Pinihit ko ang door knob ng may nagsabi ng 'pasok' nakangiting sinalubong ko ang dalawang tao na nandoon.
Isang nakaupo sa swivel chair at isa na nakaupo sa single couch. Kumunot ang noo ko ng makita ang kulay ng kanilang buhok at hindi maganda ang kutob ko rito.
"You must be my secretary am I right?—"
"Papa?"
Hindi natapos ni Mr. Stefano ang kanyang sasabihin ng bigla akong nag salita. A-anong ginagaw ni papa rito?
"Delaihla. . ." Mahinang wika nito sa akin.
Siya nga, mapapansin ko kaagad ang kulay ng kanyang buhok. Sa tingin ko naman ay kaming tatlo lang ang may ganitong natural na kulay ng buhok sa Pinas.
B-bakit siya nandito? Akala ko nasa ibang bansa na siya.
Nakita kong nilingon ni papa ang magiging boss ko.
"Stefano explain this, why her? She doesn't—"
"Dad, I know you need her. . . We need her in our family—"
"You don't need me," pagputol ko.
Wala silang mapapala sa akin. Nanginginig ang boses ko at ang tibok ng puso ko ay mabilis. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at lumabas.
"J-just stay for a while, Delaihla. We m-missed you," pagpigil nito sa akin.
Agad nangilid ang luha ko sa sinabi nito. Hinarap ko siya at hinayaan na tumulo ang pinipigilan kong luha.
"Bakit nung namatay si mama namiss mo rin ba siya? Dapat nga hindi niyo na ako sinusundan kasi masaya na ako sa buhay ko ngayon," umiiyak kong wika.
Nakita kong natigilan ito sa sinabi ko. Nagsimulang mangilid ang kanyang luha.
Hinila niya ulit ako papasok sa office.
"Hindi mo nga man lang binisita si mama sa hospital nung nag-aagaw buhay na siya. Tapos ngayon aasta ka ng parang may pake ka sa akin?" Sarkastiko kong wika.
"I-im sorry," nakayuko nitong wika habang umiiyak.
Napahikbi ako at pinunasan ang aking luha.
"Huwag ka ng mag-sorry. Hindi mo naman maibabalik si mama kapag nag-sorry ka? Ang sinasabi ko lang na sana. . . Nandoon ka noong bago bawian ng buhay," umiiyak kong saad.
"Sumali pa ako sa organisasyon at kapalit no'n ay magagamot na si mama. Nakipagpatintero pa ako kay satanas para lang sa kanya pero wala! Wala parin. . . B-binawian na siya ng buhay, h-hindi ko man lang siya nasabihan na mahal na mahal ko siya," humihikbi kong wika.
Nanatili itong nakayuko habang walang tigil sa pag tulo ang kanyang luha. Habang si Stefano ay nasa likuran ni papa nakikinig sa sinasabi ko.
"Mahal na mahal ka niya, p-pa," pumiyok ako sa dulo. "Pero iniwan mo kami. Mahal na mahal ka ni mama, alam mo ba noong sinabi niya bago magkalayo ang landas namin."
"Sana makita ka raw niya bago siya m-mamaalam," humagulhol kong wika.
"I-im sorry. . . I'm sorry," hawak na niya ang dalawa kong kamay habang humahagulhol.
Akala ko ay habang buhay ko ng dadalhin ang galit ko sa kanya pero hindi. Papa ko parin siya.
"I'm r-really sorry. I really love your mom, Delaihla. I love her very much," umiiyak nitong tugon.
"J-just accept Stefano's offer."
"No," tugon ko.
"My grand-daug—"
"You don't have grand-daughter, papa," pag-putol ko sa kanyang sinabi.
"No. . . I already know that—"
"Please! Matagal ng patay ang magulang ni Aksana. Wala kang apo sa akin!"
Tinalikuran ko sila at lumabas sa office. Nagsimulang tumulo ang luha ko habang naglalakad palabas sa building.
Umiiyak na dinail ko ang number ni Dominic.
"Delaihla, hello."
"I need you. Please c-come here." umiiyak kong saad.
"What happened?" Bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.
"Just come here, sa labas ng building na pagtatrabahuan ko."
"Alright, d'yan ka lang. I'll be there in a minute."
Pinatay ko ang tawag at naupo sa waiting shed. Yumuko ako at pinaglaruan ng daliri ko.
I don't need them. Hindi ko na sila kailangan sa buhay ko, masaya na ako sa kung anong meron sa akin. Hindi ko kailangan mg maraming tao na magmamahal sa akin.
Kahit kaunti lang sila alam kong mahal na mahal nila ako. Si Stephanie, Aksana, at Dominic. Mahal ko sila. Mahal na mahal.
Awtomatikong umangat ang tingin ko ng biglang mag humawak sa balikat ko. Nagsimulang mangilid ang luha ko ng makita si Dominic. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala.
Napalabi ako at niyakap siya bigla. Doon bumuhos ang pinipigilan kong luha.
"Ano bang nangyari?" Tanong nito habang hinihimas ang likod ko.
"Kailangan ko lang ng m-maasasandalan, parang pasan-pasan ko ang m-mundo," umiiyak kong tugon.
"Alright. Hush now, baby. Nandito lang ako," pampakalma nito sa akin.
"Stop crying. I love you, okay."
"AKALA ko hindi mo pa nakikita papa mo," saad ni Dominic at sumimsim sa alak na nasa can.
Nandito ulit kami sa lugar kung saan makikita mo ang buong Metro Manila. Dinala na niya kami rito ni Aksana noong kasal ni Rose.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Matagal ko ng alam, hindi ko lang talaga matanggap na iniwan niya kami ni mama."
Gabi na rito at sobrang dilim, ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim naming gabi. Hindi naman ako natatakot dahil katabi ko si Dominic.
Ang ilaw sa Metro Manila ay nagmistulang christmas light sa dami ng ilaw. Naramdaman ko ang pag hawak niya sa aking kamay. Mahigpit ko itong hinawakan at sinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Are you okay now?" Mahina nitong tanong.
"Hmm. . . Gumaan na ang pakiramdam ko. Thanks to you," tugon ko sa mahinang boses.
"Buti naman."
Namayani ng katahimikan. Impit akong napatili ng bigla niya akong hilahin pahiga sa picnic mat. Mahina akong natawa dahil doon. Ngayon ay nakatingin kaming dalawa sa langit ng punong puno ng bituin.
"Paano na niyan. Mag-hahanap na ulit ng ibang trabaho?" Tanong nito.
I nodded. "Oo, ayaw kong magtrabaho roon sa kumpanya ng kapatid ko."
Si Stefano ay half-brother ko. Hindi ko naman naisip na siya iyon dahil first name lang ang sinabi sa akin ni Stephanie.
"Saan ka niyan magtatrabaho?"
I shrugged. "Hindi ko pa alam."
Namayani ang katahimikan. Malakas ang hangin ngayon at iyon ang nagugustuhan ko.
"Binisita ko si Aksana after kitang tawagan," pag-basag nito sa katahimikan.
"Kumusta na siya? Paniguradong nagpapakitang gilas na naman siya sa iyo kung paano gumamit ng pana," natatawa kong wika.
Tumagilid ako paharap sa kanya at ganoon din siya. Magkaharap kami ngayon.
"Yeah, wala namang nagbago. She's good at archery. After that she invited me to a tea party," natatawa niya ng sabi.
"Batang 'yon talaga," napailing na lang ako.
"Hayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin, as long as wala siyang nasasaktan. Ang panget naman siguro kung ang childhood mo puro kulong sa bahay."
Natawa ako sa sinabi nito. Ginawa kong unan ang kanyang braso at mas lumapit pa sa akin. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking bewang.
"I love you, Dom," wika ko habang nakatingin sa kanyang mukha.
"I love you too, baby," tugon nito.
Unti-unting naglapit ang aming mukha hanggang sa siniil niya ako ng malalim na halik. Naramdaman ko ang paghigpit niya ng hawak sa aking bewang at pinatong ako sa kanyang tyan habang hindi na puputol ang aming pag-hahalikan.
Siya ang unang humiwalay para kumuha kami ng hangin.
"Are we gonna do this here?" Paninigurado ko.
Umangat ang sulok ng kanyang labi at inangat konti ang kanyang katawan para bigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
"Why not? You don't like it?" Panunudyo nito at hinubad ang pang-itaas.
Parang siya ang nagsilbing gas na mas lalong nagpaliyab sa pinipigilan kong init ng aking katawan. Tinanggal ko ang pagkabutones ng aking polo habang nakatingin sa kanya.
"I don't like it. . . Because I love it."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top