CHAPTER 15
CHAPTER 15
KAHIT ALAM kong hindi si Aksana ang magmamaneho ng bike kinakabahan parin ako ng sobra. Paano kung maaksidente sila?
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. May tiwala ako kay Dominic alam kong hindi niya pababayaan si Aksana.
Napangiti ako at kinuhaan sila ng litrato. Pagkatapos no'n ay tinago ko kaagad sa bulsa ang cellphone ko. Ang liit talaga ng mundo hindi ko inaasahan na mangyayari 'to.
Napuno ng hiyawan at pang-checheer ang buong open field. Nangunguna sila Dominic at Aksana. Hanggang sila ang nanalo.
Pati ako at napahiyaw sa sobrang saya at napatalon pa ako. Pinuntahan ko silang dalawa.
Si Dominic ay pawis na pawis kaya binigay ko sa kanya ang extra face towel. Si Aksana ay hindi gaano napawisan dahil nakaangkas naman ito kay Dominic.
Nanalo ang team gray!
"Ang galing ni Kuya Dominic! Nakita mo 'yon, Fria? Sobrang galing talaga," masaya niyang wika at itinaas pa ang hawak hawak nitong pana.
Tumawa ako at kinarga ito. Hinalikan ko ang kanyang pisngi at lumapit kay Dominic na abala sa pagpunas ng kanyang pawis.
"Okay na?" Tanong ko.
Tumango ito at kinuha sa akin si Aksana.
"Yeah, tara sa kotse magpapalit ako ng damit," tumingin siya sa akin pagkatapos ay kay Aksana, "palitan mo na rin siya ng damit. Basa ng pawis ang likod niya."
Tumango ako at naglakad kami. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa kotse ni Dom. Hinuli nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ito nakatingin sa akin. Nakikipagusap ito kay Aksana tungkol sa nangyari kanina. Huminga ako ng malalim ng makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.
Sana hindi niya mapansin. Sana.
"Fria! Gusto ko ng Ice cream," biglang wika ni Aksana.
Nakaupo ito sa nakabukas na pinto ng likod ng kotse ni Dominic. Nakabihis na ng white t-shirt si Dom.
"Sige, pero kakain muna tayo ng tanghalian, okay?" pang-uuto ko.
Ngumiti ito at tumango. "Sige!"
Nagpabuhat siya kay Dom. Naglatag si Dom ng picnic mat sa tabi ng kotse nito at doon kami naupo. Nakita ni Aksana ang palaso na tinago ni Dom pero hindi siya pinayagan na hawakan ito.
Baka mamaya mademonyo ang kamay nito baka paglaruan niya 'yon. Makakadisgrasya pa siya.
Habang nakaupo kami sa picnic mat nilapitan ko si Aksana na nakatingin sa kanyang pana. Tinitignan niya iyon habang nakangiti.
"Aksana," tawag ko sa kanyang pansin.
"Hmm?"
Gumapang siya papunta sa akin at naupo sa aking kandungan. Ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang aking daliri.
"Masaya ka ba ngayon?" tanong ko.
Tumango ito. "Oo naman Fria. Sobrang saya ko kasi kasama ko kayo."
"Mabuti naman kung gano'n," tugon ko.
"Alam mo Fria mas maganda parin kapag kasama ko tuwing family day ay isang lalake at babae," natatawa niyang wika hanggang sa mahiga ito sa picnic mat.
"Bakit?"
"Kasi feeling ko may magulang ako kahit alam kong wala na. Kahit 'di ko kadugo si Kuya Dom pinaramdam niya sa akin na para ko siyang papa," tugon niya habang sinusuri ang kanyang pana.
Umaakto pa ito na titirahin niya ang dumadaang tao. Nagugulat pa ang iba dahil akala nila ay may palaso 'yon.
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. Sa edad niyang ganyan nakakaisip na siya ng ganoong bagay. Parang ang matured na niya mag-isip pero s'yempre nando'n parin ang kanyang pagkaisip bata.
"I love you, Fria. Mahal na mahal kita," mahina nitong wika.
Bumaba ang tingin ko sa kanya at hinimas ang ulo nito.
"I love you too, Axe. Mahal na mahal ka ni Fria," hinalikan ko ang noo nito at niyakap.
Nang makita ko si Dom na naglalakad papunta sa aming pwesto tinali ko kaagad ang buhok ni Aksana into ponytail at gano'n din sa akin. Hinahangin kasi ang buhok namin dahil sa malakas na hangin na dumadaan dito sa open field ng school ni Aksana.
"Wow! Jollibee!" Masayang wika ni Aksana.
Binaba nito ang hawak niyang pana at tinulungan si Dom. Tumayo rin ako at tinulungan siya.
"I'm sorry kung natagalan. Nagpa-grabfood pa ako ng Jollibee. Day off nila Manang sa bahay kaya hindi ako nakapagpaluto ng pagkain para rito sa family day ni Aksana," pag-eexplain nito sa akin.
Sabay kaming naupo sa picnit mat. Napagigitnaan naman si Aksana na nauna ng kumain sa amin.
"Okay lang, Kuya Dom. Sobrang sarap kaya sa Jollibee! Bida ang saya!" Sambit ni Aksana kahit puno pa ang bibig nito.
"Don't talk if your mouth is full," wika ni Dom kay Aksana.
Naitikom ni Aksana nag bibig nito st lumunok. Ngumisi ito kay Dom at uminom ng tubig.
"Sorry naman. Pasalamat ka boto ako sa 'yo para kay Fria," inirapan pa siya nito at tinuloy ang pag-kain ng Jollibee.
Narinig ko ang pagbugtong hininga ni Dominic.
"Where did she get that kind of attitude," mahina nitong wika na ikinatawa ko.
I laughed. "I don't know. Maybe from her f—"
"I'm going to eat this," kinuha ko ang Jolli hotdog.
"Hindi ka naman mabubusog sa ganyan, Fria. Kumain ka kaya ng kanin para tumaba ka," singit ni Aksana.
Sinusubuan na siya nito ng sundae ni Dom. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Lalo ba akong pumayat?
"Maybe you're stress that's why you lose some weight," tugon ni Dom at sumsim sa kanyang kape.
I sighed. "Maybe."
"Fria, pagtapos kong kumain p'wede ba na puntahan ko sila Mia at Yna? Malapit lang naman sila rito, eh."
Tumango ako at kinuha ang bracelet sa aking bag. Nang makita niya kung ano iyon nilahad niya ang kanyang pulsuhan sa akin at ikinabit ko ang bracelet.
"That bracelet had a tracker am I right?" tanong ni Dom.
I nodded. "Yeah. Para alam ko kung saan siya pupunta."
Tumango tango ito. "That's cool."
"Oo cool!" Singit ni Aksana.
Pinunasan ko ang dumi sa gilid ng labi ni Aksana. Spaghetti at Chicken with rice ang kinain nito.
"Ingat ka, ah," wika ni Dom.
"Oo naman!" Nakangiting tugon ni Aksana.
"Huwag kang masyadong magtatakbo, ingat ka," pag-papaalala ko.
Tumango siya at tumayo. Hinalikan niya ang pisngi naming dalawa.
"Bye!" Pag-papaalam nito at naglakad papunta sa kanyang kaibigan.
"This is the first time that she kissed me on my cheek," natatawa niyang wika at hinimas ang pisngi niyang hinalikan ni Aksana.
Tumawa ako. "Malambing siya 'no?"
He nodded. "Super. "
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinanggal ko 'yon kaya napatingin siya sa akin.
"Why?"
"I'm eating, okay?" bwisit kong tugon.
He chuckled and brush his hair upwards.
"Fine. Let's eat," wika niya at kumuha ng panibagong pagkain.
Nanlaki ang mata ko dahil doon. Ang dami niyang nabiling pagkain sa Jollibee!
"Madami binili mo?"
"Yup. Para rin makakain si Aksana, hindi ko alam na matakaw pala siya," natatawa niyang sabi.
Humalakhak ako. "Kaya nga, eh. Pero pisngi niya lang tumataba hindi katawan niya."
Mahina rin itong natawa sa sinabi ko at inakbayan ako. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat habang ningunguya ang pagkain.
"Delaihla."
"Hmm?"
I heard his chuckled. "Nothing, I just want to say that you're so beautiful in my eyes."
I rolled my eyes. "Yeah, thank you."
"No. . . It's I love you."
MASAYA kong pinagmamasdan si Aksana na nakikipaglaro kay Mia at Yna. Pagkatapos naming kumain sinundan namin ni Dominic si Aksana sa kanyang kaibigan.
Nandito kaming dalawa nakasilong sa lilim ng puno habang pinapanood sila. Naglalaro lang naman sila ng stuff toys sa picnic mat malapit sa amin habang ang magulang ni Mia at Yna ay nasa gilid lang nila.
Ang saya nilang tignan. Napangiti ako ng marinig ko ang halakhak ni Aksana. Pati ako ay nahahawa sa tawa niya para talagang sira.
"Her laugh is funny," natatawang wika ni Dom at napailing pa.
Tumayo ako ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Umangat ang tingin sa akin ni Dom.
"Where are you going?"
"Bathroom I need to pee," tugon ko.
He nodded. "Alright, sasamahan kita."
"What?!—"
"Sa labas lang ako," pagputol nito sa aking sinabi.
"O-okay."
Nilapitan namin si Aksana na busy sa pagkakalikot ng kung ano ano sa kanyang pana.
"Axe," pagkuha ko sa kanyang pansin.
"Hmm?"
"Pupunta lang ako sa CR diyan ka lang, ah."
"Opo," mahina nitong tugon at nakipaglaro na kay Mia.
Naglakad kami papunta sa CR. Hinintay lang ako ni Dom sa labas ng CR kaya minadali ko na ang pag-ihi kahit dapat hindi minamadali.
Inayos ko lang ang buhok ko sa harap ng salamin at naglagay ng kaunting lipstick.
Paglalabas ko sa CR nakita ko kaagad si Dom sa gilid. Nilapitan niya kaagad ako at pinulupot ang braso sa aking bewang. Binalewala ko lang 'yon.
Habang nilalakad namin ang daan papunta sa pwesto nila Aksana nakarinig ako ng sigawan ng tao. Nagkukumpulan at parang humihingi ng tulong.
"'Yung bata! Tulungan niyo yung bata!"
"Hindi siya makahinga!"
Bumilis ang tibok ng puso ko at si Aksana kaagad ang nasa isip ko. Tinanggal ko ang pagbraso ni Dom at tumakbo papunta ro'n.
Sumiksik pa ako sa mga tao hanggang sa makarating ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Aksana na namumutla at hinahabol ang sarili nitong hininga.
Si Mia at Yna ay parehong humahagulhol ng iyak sa kanilang ina habang ang magulang nila ay gumagawa ng paraan para maging maayos si Aksana.
"A-aksana!"
Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang inhaler sa loob ng aking sling bag! Putangina nasaan na!?
Tumulo ang luha ko habang hinahanap 'yon. Halos mabaliktad ko na ang bag ko bago ko mahanap ang inhaler. Humahagulhol na rin ako sa iyak dahil sa nangyayari.
"Shit! Aksana!"
Lumuhod ako sa sahig at pinagamit kay Aksana ang inhaler nito. Nanginginig ang kamay nito habang hawak hawak ang inhaler. Nakatingin ito sa akin habang lumuluha.
"Take a deep breath baby, come on."
Humagulhol ako ng iyak at hinimas ang ulo nito. Ang mga tao rito ay nagsisikumpulan na.
"Umalis kayo! Hindi makalanghap ng sariwang hangin yung bata!" Biglang sigaw ng ina ni Yna.
Kahit anong instructions ang pinapagawa namin kay Aksana, wala paring nangyayari. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Hindi ko kayang mawala siya! Hindi!
Nanlaki ang mata ko ng naibagsak nito ang inhaler na hawak niya. Nawalan si Aksana ng malay na lalo kong ikinataranta ko.
"No! Dominic dalhin natin siya sa ospital!" Humahagulhol kong wika.
Nagtangis ang bagang nito at binuhat kaagad si Aksana papunta sa kotse nito.
"Axe, huwag mo 'kong iiwan. Huwag mo kaming iiwan, please. P-parang awa mo na," umiiyak kong wika habang binabagtas ni Dominic papunta sa ospital.
Maingat pero mabilis ang kanyang pagmamaneho. Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na yinakap si Aksana. Mainit pa siya.
Hold on, Aksana. Nandito na si ate.
"SHE'S okay now. Pati ang vital signs ng bata. Ma'am, more careful po tayo ngayon lalo't na inaatake na siya ng kanyang hika. Ang heart desease po niya ay lalong lumalala. Kung hindi pa po kayo handa para sa pampaopera na mapalitan ang puso niya. Isusuggest ko na ituloy tuloy po ang pagpapainom ng gamot sa kanya," wika ng doctor.
"Maraming bawal sa kanya Ma'am. Mas maganda kung nasa loob siya ng bahay at huwag patakbuhin o kahit ano na magpapabilis ng tibok ng kanyang puso."
Napapikit na lang ako sa dami ng sinabi ng doctor. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at tumango na lang.
"M-maraming salamat po," garalgal ang boses ko at pilit na nilalabanan na huwag tumulo ang luhang pinipigilan ko.
Lalong lumala ang sakit niya sa puso. Napaupo ako sa upuan at napatakip sa aking mukha. Doon ko binuhos ang luha ko. Ang iyak ko ay nauwi sa hagulhol.
Bakit naman ganito!? Inalagaan ko naman siya ng maayos pero huwag naman sana na mauuwi pa sa ganito lord. Sobrang sakit akala ko mawawala na siya sa akin.
Siya na lang ang meron sa akin. Hindi ko makakaya na mawala siya. Hinding hindi.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang dalawang braso sa aking katawan. Mahigpit akong niyakap ni Dominic habang sinusuklay ang buhok ko.
"Shush. She's fine now. Don't worry gagaling din siya," pag-papagaan nito sa aking loob.
I cried very hard. Hindi ko na pinansin ang taong tumitingin sa amin. Hinayaan ko lang ang sarili ko na magpadala sa emosyon.
"I-i thought i'm g-going to lose h-her," I said while sobbing so hard.
"Shush. . . Calm down."
"Hindi ko kaya na mawala siya sa akin, D-dom," umiiyak ko paring wika.
"I know, babe. I know," pag-aalo nito sa akin habang hinihimas ang likod ko.
Umabot iyon ng ilang minuto bago niya ako mapatahan. Hindi siya kumalas sa pagkakayakap hangga't hindi ako tumigil kakaiyak. Nang maging okay na ako pumasok kami sa private room ni Aksana.
Tulog parin siya hanggang ngayon. Ang putla putla niya parin pero umaapaw ang kagandahan nito. Nilapitan ko siya at hinalikan ang noo niya.
Si Dominic naman ay nakaupo sa sofa habang tahimik na pinagmamasdan si Aksana.
"Salamat pala," pagtukoy ko sa pagsugod niya kay Aksana rito sa hospital.
"You're always welcome, babe," lumapit siya sa akin at siniil ako ng halik. Malugod ko iyong tinanggap.
Natigil lang ang pag-hahalikan namin ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang caller.
'Stephanie'
[Hello?] bungad ko.
[May bago ka ng trabaho!]
Kumunot ang noo ko. [Huh?]
[Gaga ka! May pumunta rito sabi kinukuha ka raw na secretary ng may ari ng kumpanya]
[Kani-kanina lang?]
Iyon yata ang pinag-applyan ko nung isang araw. Buti at ang bilis ng respond nila.
[Oo! gaga ka talaga! Congrats, a! Sexytar—secretary kana!]
Napakamot ako sa aking ulo at napalingon kay Dominic na nakatingin din sa akin.
[O-okay. Salamat, ah]
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top