CHAPTER 14

CHAPTER 14

NAKANGITI ako habang pinagmamasdan silang dalawa na naghaharutan sa tabi ko. Hindi makasali si Aksana sa mga palaro rito dahil sa sakit nito sa puso. Kaya nakikipagdaldalan na lang ito kay Dominic habang nanonood minsan naman ay sa akin din siya dumadaldal.

"Aksana!"

Napatingin kaming tatlo sa dalawang babaeng nakasout ng wig. Kakulay niyon ang buhok ni Aksana. Napangiti ako dahil do'n.

Bumaba si Aksana sa kandungan ni Dominic at nagtungo sa kanyang kaibigan.

"Pinakulayan niyo buhok niyo? Sabi ni Teacher Mae bawal daw 'yon sa bata," wika ni Aksana habang nakahalukipkip.

"Ano ka ba! Wig 'tong sout namin!"

"Tama!"

Lumawak ang ngiti ko ng makita ang kasiyahan sa mata ni Aksana. Kumikininang ang mata nito sa sobrang saya.

"Talaga!? Ginawa niyo 'yan para sa akin?" Nakangiting tanong ni Aksana.

Tumango ang dalawa nitong kaibigan at niyakap si Aksana.

"Syempre naman bestfriends forever tayo 'di ba?"

"Bff!"

Ngumiti si Aksana at niyakap pabalik ang kanyang kaibigan.

"Oo naman. Bff tayo!" Masayang tugon nito at masaya silang umikot habang magkayakap.

Napuno ng tawanan ang pwesto namin. Ang ibang tao ay tumitingin sa kanila pero binalewala lang nila 'yon. Ang sarap bunalik sa pagkabata yung wala kang iisipin na problema. Puro laro lang ang nasa isip at saya.

Napatingin ako kay Dominic ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang ang hinalalaki nito at pinapaikot sa aking palad.

"What?" I asked.

Umiling siya. "Nothing. I can't help but stare at your face. You're so beautiful."

Ngumiti ako. "Thank you."

"Always welcome," kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Tara ipapakilala ko kayo sa ate ko at sa magiging jowa niya!" Rinig kong wika ni Aksana papalapit sa akin.

"Jowa ano 'yon?"

"Ano ka ba Mia hindi mo alam 'yon?" Tugon ng isa nitong kaibigan.

"Huwag na kayong maingay ipapakilala ko na kayo kay ate ko," maktol ni Akasana.

Napailing na lang ako at hinintay sila na pumunta sa amin. Nanatiling magkahawak ang kamay namin ni Dominic.

"Ate! Bff ko pala," humagikhik ito at mas lalong lumapit sa amin.

"Hello!" Nakangiti kong wika.

"Woah."

"Wow."

"Ate ko 'yan!" Proud na sabi ni Aksana.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dom sa aking tabi.

"They seemed stunned at the color of your hair," natatawang bulong ni Dominic.

Paano ba naman kasi. Alam kong namamangha sila sa buhok ni aksana dahil pino ang kulot nito at ang kulay ng kanyang buhok. Mas lalo silang namangha dahil sa buhok ko. Doble ang buhaghag ng buhok ko kumpara kay Aksana. May ginagamit din kasi kaming products sa buhok namin kaya mas lalong kita at pino ang kulot ng buhok namin kesa sa maging frizzy 'yon.

Nilingon ko si Dom at tinawanan na lang.

"Hello po ate! Ako po si Yna!" Salita ng batang babae. Ito yung sinabihan niya si Mia na hindi niya raw ba alam ang jowa.

"Hello, Yna," nakangiti kong wika.

"Ako po si Mia," mahinhing wika ni Mia.

Ang cu-cute nila! Ang sarap pisilin ng kanilang pisngi.

"Hello, Mia. Ang cu-cute niyo naman," natatawa kong wika.

"Mas cute ako!" Singit ni Aksana.

Karga-karga siya ni Dominic. Tumawa na lang ako at kinuha siya kay Dominic. Tinabi ko siya sa mga kaibigan nito.

"Ayan pareho na kayong maganda," nakangiti kong wika.

"Ang ganda po ng buhok niyo," sabay na sabi ni Mia at Yna.

Nakatinginan kami ni Dominic. Bumulong ito na ang ganda ko raw, inirapan ko siya at hinarap ang mga bata.

"Thank you," nakangiti kong wika.

"Yna! Mia! Si kuya Dominic pa pala, ipapakilala ko kayo sa kanya," malakas na wika ni Aksana.

Nangingibabaw ang boses nito. Kita ko na biglaang paghila niya sa kamay ni Dominic papalapit sa kaibigan nito. Wala namang nagawa si Dominic dahil sobrang kulit ni Aksana.

"Hi, girls," pag-bati ni Dom.

"Hello po kuya!"

"Hi po!"

"Mabait 'yan. Alam mo binigay niya ako ng malaking stuff toy! Mas malaki pa sa akin," natatawang kwento ni Aksana.

Napailing na lang ako at naupo sa mono block. Ang saya nila panoorin, si Dominic ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Umabot ng ilang minuto ang pagkwekwentohan nila hanggang sa si Dominic na ang nagpaalam. Tumabi siya sa akin.

"Napakadaldal talaga ng mga bata," bulong nito.

Tumawa ako at tumango. "Yeah, super lalo na si Aksana."

Natawa rin ito at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya. Tinignan ko lang silang tatlo na tahimik lang naglalaro sa gilid namin, malawak ang school ni Aksana at nasa open field kami, nakaupo silang tatlo sa picnic mat ni Dominic.

"You know what. . . Hindi ako nagkamali na ilipat siya rito," mahina kong wika kay Dominic habang nakatingin parin sa kanila.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay.

"Why?" Tanong nito.

Tinignan ko siya at ningitian. "Sa dati niyang school halatang hindi siya masaya. Diba nga nakwento ko na sa 'yo na binubully siya ro'n."

"Oh. I forgot, sorry," natatawa niyang wika.

Tumawa lang ako. "It's okay."

"Buti nga at nagkaroon siya ng kaibigan dito. Masaya ako para sa kanya," mahina kong wika.

"Me too," tugon nito sa akin.

"Makukulit rin ba 'yung dalawang anak ni Cattalina?" I asked.

He laughed. "Yeah, super. But I like it. Lagi nila akong pinapasok sa kwarto kapag umaga. Ginigising nila ako para mag jogging kasi sasama silang dalawa."

Napangiti ako dahil doon. I wish na makita ko na sila at si Cattalina. May bago na naman siyang kalaro.

"Follow me."

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakatayo na ito sa aking harapan. Kumunot ang noo ko, saan na naman ba ito pupunta.

"Why? Baka mawala silang tatlo."

"It's fine, ako ang magbabantay sa kanila."

Napalingon ako sa gilid ng isang mahinhing babae ang nagsalita. Nakangiti ito sa akin, napatingin din ako sa kaila Aksana. May kasama na itong isa ring babae.

"I'm Mia's mother, nice to meet you," nilahad niya ang kanyang kamay.

Oh! May pinagmanahan pala itong si Mia.

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

"Hello, i'm Aksana's sister. Nice to meet you too," tinanggap ko ang kamay nito at ningitian.

Natigilan ito sa sinabi ko at tinignan si Dominic pagkatapos ay nilingon niya si Aksana. Alanganin siyang ngumiti at napakamot sa kanyang ulo.

"I'm really sorry I thought you're Aksana's mother and. . .The guy behind you is her fath—"

"Mommy! I'm hungry na po!" Biglang sigaw ni Mia.

"Coming anak! Sorry!"

Tinalikuran kaagad ako ng mama ni Mia at nagtungo kaagad doon. Mabilis kong nilingon si Dominic, nakatingin ito kay Aksana at para bang ang lalim ng kanyang iniisip. Tinambol ng kaba ang dibdib ko para akong nakipagkarerahan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Daig ko pa ang kabayo. Nakakunot ang noo nito at tumingin sa akin.

"What did she say?" He asked.

I laughed. "I don't know."

Hinawakan ko ang kamay nito at pinagsiklop. "Let's go. Saan mo ba ako dadalhin?"

"Sa kotse ko lang may ipapakita kasi ako sa 'yo bago ko ibigay kay Aksana," sagot nito at hinila ang kamay ko papunta sa kanyang kotse.

Nanatili akong nakatayo sa likuran niya ng binuksan nito ang isa pa niyang pintuan sa likod. Kumunot ang noo ko ng makita ang hawak hawak nito.

"Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag binigay ko 'to?" Tanong nito.

Napa-awang ang labi ko sa hawak nito. Kinuha ko iyon at tinignan ng mabuti.

"B-bakit?" Iyon lang ang lumabas sa aking bibig.

"Do you remember that I broke her bow?"

Tumango ako.

"Pinasadya ko talaga 'yan kaya ganyan ang design ng pana niya. Kuhang kuha naman sa pana ni Merida 'di ba?" nakangiwi nitong tanong at parang alanganin pa dahil hindi sure sa sinabi.

Wala sa sariling napatango ako at sinuri ng mabuti ang magiging pana ni Aksana. Kuhang kuha 'yon sa pana ni Merida sa The Brave na palabas. Ang kaso sa baba no'n ay nakaukit ang pangalan ni Aksana.

Huminga ako ng malalim at palihim na suminghot. Hindi ko maiwasan na hindi maging emosyonal dahil dito. Alam kong sobrang matutuwa siya dahil may bago na siyang pana at nalulungkot lang din ako dahil hindi ako mismo ang nakabili ng gusto niya dahil ibang tao pa ang gumawa no'n para sa kanya.

Nilingon ko siya at ngumiti. "M-maraming salamat, Dom."

Doon na tumulo ang pinipigilan kong luha. Napakagat ako sa aking ibabang labi ng bigla lumabas ang pinipigilan kong hikbi.

"Hey, hey. Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Nagulat pa ito dahil sa ginawa ko pero sa kalaunan ay hinagkan niya rin ako. Naramdaman ko rin ang pag-halik niya sa aking ulo.

"You're always welcome, Delaihla. Stop crying," bulong nito.

Tumango ako at kumalas sa pagkakayakap. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi pagkatapos ay tumawa ako. Tumingkayad ako at binigyan siya ng mabilisang halik. Nagulat ulit siya sa ginawa ko.

"I love you," mahina kong wika at hinimas ang panga nito.

"W-what that's mean?" Nauutal niyang wika.

Ngumiti ako at dahan dahang tumango sa kanya. Ayaw ko ng patagalin ang panliligaw niya sa akin. Hindi naman na kami teenager, e. at akala ko naka move on na ako pero hindi pa pala.

"Really?" Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

I smiled wholeheartedly. "Yes."

Napayuko ito at napasuklay sa kanyang buhok narinig ko pa ang pagmumura nito ng ilang beses. Hinarap niya ako at yinakap bigla.

"Thank you!" he whispered.

Ngumiti ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay at napakahigpit niyon.

"Let's go," binigay ko sa kanya ang magihing pana ni Aksana, "ikaw ang magbigay n'yan kay Aksana. Matutuwa talaga siya dahil may bago na siyang pana."

Kinuha niya iyon at tumango. "I wish."

"Don't worry, mababaw lang kaligayahan no'n. Kahit anong ibigay mo tatanggapin niya parin na may ngiti sa labi," tugon ko.

Ngumiti siya sa akin.

"May palaso ba 'yang kasama?" Tanong ko.

He nodded. "Yeah, they are inside my car. Delikado na baka may matamaan siyang tao kapag pati 'yon ay binigay ko sa kanya."

"That's good."

Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa pwesto nila Aksana. Naabutan namin sila na naglalaro parin. Nang makita ako ni Aksana tumakbo ito papunta sa akin at napatingin sa hawak ni Dominic. Nanlaki ang kanyang mata.

"Sa akin ba 'yan kuya Dom?" Wika nito pero sa pana parin nakatingin.

Nagkatinginan kami ni Dom. Tinanguan ko lang siya. Nilingon niya si Aksana at pinantayan ito.

"Yeah, sa'yo talaga 'to. Diba nasira ko yung pana mo kaya nagpagawa ako. May pangalan mo pa 'yan," nakangiting tugon ni Dominic.

Binigay niya kay Aksana ang pana. Namamangha parin si Aksana dahil sa bago nitong pana. Maganda ang nauna nitong pana pero mas maganda ang binigay ni Dom.

"Salamat po!" Nakangiti na ito at biglang niyakap si Dominic.

Napaupo sila sa bermuda grass at hanggang sa mahiga na. Kiniliti ni Dom si Aksana sa tyan at malakas na humalakhak si Aksana. Malakas kasi ang kiliti nito sa tyan.

Natatawa lang ako dahil sa ginagawa nila. Pinagmasdan ko lang sila hanggang si Aksana na yung sumuko. Hinalikan niya si Dom sa pisngi at niyakap.

"Maraming salamat po kuya Dom, I love you," nakangiti nitong wika.

"You're always Welcome, Aksana and I love you too," nakangiti tugon ni Dom.

Binuhat ni Dom si Aksana at pumunta sa akin. Hindi mabitaw bitawan ni Aksana ang hawak hawak nitong pana. Lumawak ang ngiti nito ng malapitan niya ako.

"May bago na 'kong pana, Fria!" Masaya niyang wika.

Tumango ako at pinunasan ang pawis sa noo nito pati kay Dom narin.

"Ang saya ko ngayon Fria. I love you so much, kayo ni Tita Stephanie at Kuya Dom. Love na love ko po kayo," malambing nitong wika.

Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi nito pagkatapos ay sa noo naman.

"Love rin kita Aksana kahit ang kulit kulit mo," mahina kong bulong.

'Ang saya ko ngayon Fria. I love you so much, kayo ni Tita Stephanie at Kuya Dom. Love na love ko po kayo'

Napatingin ako kay Dom ng pinakita niya sa akin ang nakuhanan nitong video sa sinasabi ni Aksana. Si Aksana naman ay walang pake nakatingin parin ito sa pana niya.

"She's cute right?" Natatawang wika ni Dom.

I smiled. "Yeah, she's really cute."

"Hi Ma'am."

Napatingin ako ng lapitan ako ng isang teacher.

Ngumiti ako. "Hello, ano pong meron?"

"Need po ng team gray ang isang member. Daddy and daugther po, racing ng bike with daugther... Si daddy po ang magbi-bike at aangkas po ang anak, fully geared naman po si Aksana kaya kapag natumba or anong mangyayari hindi siya masasaktan."

Nagkatinginan kami ni Dom. Kahit fully geared si Aksana nag-aalala parin ako.

"Don't worry I know how to bike. Mananalo ang team gray 'di ba, Aksana?" Nakangiting wika ni Dom.

"Oo naman! Team gray! Team gray!" Pang-checheer ni Aksana.

Napailing na lang ako at pumayag sa teacher na sasali silang dalawa.

"Ingat, ah," nag-aalala kong wika.

Tumango siya at mabilis na hinalikan ang labi ko habang hindi nakatingin si Aksana.

"Yes, babe," bulong nito.

Sinundan namin ang teacher para asikasuhin si Aksana sa sosoutin nitong proteksyon para sa laro. Nanatili akong nakaupo at pinagmamasdan silang dalawa. Ito ang pinakamasayang araw ko at alam kong lalo na kay Aksana.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top