CHAPTER 13

CHAPTER 13

"I GOT you," mahina nitong wika.

Inubo na naman ako bago mag-salita. Binuhat niya ako pabalik sa kama at maingat na nilapag. Nanubig ang mata ko ng makitang umiiyak parin si Aksana.

"Huwag ka ng umiyak, A-axe," hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko. Paos ang boses ko at garalgal pa.

"Fria..." humihikbi nitong tugon.

Hindi ko napigilan na umiyak. Hinayaan ko lang na dumaloy ang pinipigilan kong luha. Inubo na naman ako at napahilot sa aking sintindo.

"Hey. . . Why are you crying?" mahinang tanong ni Dom at pinahid ang luha sa aking pisngi.

"C-can you stop her from c-crying?Mahihirapan siyang makahinga k-kapag walang tigil s-sa pag-iyak," tugon ko.

Tumango ito at pinuntahan si Aksana. Kinarga niya ito at hinagod ang likod, hindi ko marinig ang sinasabi nito kay Aksana. Nanatili akong nakatingin sa kanila. Salamat naman at tumigil na si Aksana kakaiyak, muli akong inubo.

Hinilot ko ang lalamunan ko at napangiwi ng maramdamang sumakit ang aking ulo. Napatingin ako kay Dom ng hiniga niya si Aksana sa kama. Mahimbing na itong natutulog, namumula parin ang ilong niya at pisngi.

Dinapuan ko ng tingin si Dom at tipid na ngumiti sa kanya.

"S-salamat," ani ko at napaubo.

Hirap mag-salita kapag paos ka. nakakainis lang. Ang dry pa ng lalamunan ko.

"Are you hungry? Gumawa ako ng sopas," tugon nito habang nakatingin sa akin.

Sakto n'yon ang pagaalburoto ng tyan ko. Wala sa sariling napahawak ako roon at tinignan siya ulit.

"Y-yeah. I need to e-eat," wika ko.

Tumango siya at inalalayan ako papunta sa hapagkainan. Bumaba ang tingin ko sa aking damit, nakajacket na ako at ibang pajama na ang sout ko.

"I-ikaw nag palit ng d-damit ko?"

Nilapag niya sa harapan ko ang mainit na sopas at tumango.

"Yeah. Pawis na pawis ka kasi nung nakita kita kaya ako na lang nag-palit. Aksana can't even dress you because she's crying," sagot nito sa akin.

Tumango ako at hinawakan ang kutsara. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko mahawakan ng maayos ang kutsara. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Dom.

"Ako na. Let me feed you," kinuha niya ang kutsara at sumandok ng sopas.

Hinipan niya ang sopas na nasa kutsara at nilapit sa akin. Ngumanga ako at kinain iyon.

"Ouch! It's hot," asik ko.

"Oh—i'm sorry," pag-hingi nito ng paumanhin at bahagya pang natawa.

Paos kasi ang boses ko kaya siguro siya natatawa kung wala lang akong sakit baka nasapak ko na ang mukha niya. Sa pangalawang pagkakataon ay maingat na siya habang pinapakain ako. Namayani ang katahimikan.

"She is really worried about you," pag-tukoy niya kay Aksana.

"I-i know," mahina kong tugon.

Napabugtong hininga ito at pinainom ako ng tubig pagkatapos ay sinunod ang gamot.

"P-paano ka pala nakapunta rito?" tanong ko.

Tumayo siya at niligpit ang pinagkainan.

"She called me, I thought it's was you but when I heard her sobs I immediately went here," sagot nito.

Tinawagan niya? Oh! Baka nakita niya sa contacts ko yung name ni Dom.

"Huwag mong s-sabihin pinatabi mo siya sa akin kagabi? Baka m-mahawaan siya," nag-aalala kong sabi.

He shook his head. "No, magkatabi kaming natulog sa baba ng kama. Buti na lang at may foam doon."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Tumayo na ako at dahan dahang naglakad pabalik sa kwarto, siya naman ang taga alalay sa akin.

Naupo ako sa kama habang siya ay komportable na nakaupo sa nakalatag na foam sa lapag. Ang gamit nito ay nasa tabi kasama ang cellphone na kacharge.

"Nagbigay ng grocery si Cattalina. Nilagay ko na kaagad sa ref mo. Sorry kung pinakielamanan ko ang ref mo."

"It's fine, thank you," tugon ko at naupo sa nakalatag na foam.

Hinayaan ko lang na makatulog si Aksana sa kama. Hindi ako tumabi sa kanya baka mahawaan ko siya. Bahagya pa akong nagulat ng bigla akong hilain ni Dom kaya nakaunan ako sa kanyang hita.

Napapikit ako ng bigla niyang hinilot ang ulo ko.

"Good?"

"Yeah it's feel good," mahina kong tugon.

Namayani ang katahimikan. Abala si Dom sa paghilot ng ulo ko hanggang sa ako ang bumasag sa katahimikan.

"Can I get Cattalina's phone number?"

He nodded. "Sure."

Nagpasalamat ako at pumikit ulit. Parang nagflashback sa utak ko ang nakaraan. . . Ang tungkol sa amin. Alam kong saglit lang 'yon pero wala, eh. Kapag tinamaan ka ni kupido wala kang magagawa kundi sundin ang nasa puso mo.

Namula ang pisngi ko ng maalala na siya ang nagpalit ng damit ko. What's wrong with me!? Marami ng nakakakita sa katawan ko pero kapag siya ewan ko ba.

Dinilat ko ang mata ko at tinignan si Dom. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magsalubong ang mata namin. Ang paghilot nito sa aking ulo ay nauwi sa paghaplos ng buhok ko.

"Dominic," I whispered while looking at his eyes.

"Sleep. You need a rest," tugon nito habang nagpapatuloy parin sa pag-suklay ng buhok ko.

Tumango na lang ako at pinikit ang mata ko. Namayani ang katahimikan sa buong kwarto at naririnig ko ang mahina niyang pagkanta.

"I really like your hair color," mahina nitong sambit.

"Really?" tugon ko habang nakapikit parin.

"Yeah. . . Pati kay Aksana. Nakakaagaw ng pansin ang buhok n'yong dalawa."

"Hmm... Alam mo bang kaya laging binubully si Aksana dahil sa buhok niya. There's nothing wrong from being redhead, right?"

"Yes," tugon nito.

Dumilat na ako at tinignan siya. "It's really hurts. . . Nang makita ko siyang kinukulayan niya ng black na pentel pen ang buhok niya."

Nagsimulang manginit ang sulok ng mata ko. 'Yon yata ang pinakamasakit para sa akin at pati yung nagkabukol siya sa noo. S'yempre ang pangbubully.

"She really do that?" tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Yes," pinikit ko ang mata ko at doon tumulo ang aking munting luha pababa sa aking pisngi.

Naramdaman ako ang pagpunas ni Dominic sa aking luha gamit ng kanyang daliri at muli niyang hinilot ang ulo ko.

"Stop crying. Just sleep, Delaihla. You need to rest."

I nodded. "Thank you, Dom."

"You're welcome," tugon nito.

Namayani ang katahimikan. Hindi naman ako ganito kalalala kung lagnatin ngayon lang naman. Ang bigat ng buong katawan ko pati na rin ang ulo ko. Ang lalamunan kong sobrang kati at paos kong boses, naiirita ako.

Buti na lang at naisipan ni Aksana na tawagan si Dom. Hindi ko talaga alam na lalagnatin ako. Naaawa ako kay Aksana dahil pinag-alala ko siya.

"I still love you."

Namanhid ang buong katawan ko dahil sa sinabi nito. Umalingawngaw pa 'yon sa aking isipan at naestatwa saglit. Nang dinilat ko ang aking mata ay tinignan ko siya.

"W-what did you say?"

"I still love you, Delaihla," muli nitong sambit habang nakatingin sa aking mata.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at iyong laman loob ko parang tuwang tuwa dahil sa sinabi ni Dominic.

Magsitigil nga kayo! Tangina.

"I thought—"

"Just give me a second chance, please. Tapos na ang namamagitan sa Yroctis at Gorqyieds, you're free from Dinoques. Wala ng hahadlang sa—"

"Puwede bang hinay-hinay ka lang sa pag-sasalita? Lalong sumasakit ang utak ko sa pinagsasabi mo," sikmat ko at dahan-dahang naupo.

Inalalayan niya ako sa pag-upo. Nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon pagkatapos ay umakyat papunta sa kanya.

"Please, give me a second chance. Magiging masaya na tayo ni Aksana," seryoso niyang wika.

Binalingan ko ng tingin si Aksana na mahimbing na natutulog habang yakap ang stuff toys na binigay ni Dom. Hindi ko alam sa tuwing nakakasama na namin si Dom kinakabahan ako. Lalo na rin kay Aksana, alam kong may karapatan siya pero parang hindi pa ako handa. Alam ko naman kung ano ang pakay ko sa kanya. . . Na dapat doon lang mag-focus at wala ng iba.

Napabugtong hininga ako at nahiga sa kanyang hita. Nanatili kaming nakatingin sa isa't-isa. Kumunot ang noo ko ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Napairap ako at tinulak ang mukha niya gamit ang palad ko.

"Minamagnet na naman ba ng labi ko ang labi mo?" asik ko.

Natigilan siya sa sinabi ko at tumaas ang gilid ng kanyang labi.

"Yes, I wanna taste your lips it's look delicious," natatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya at pinikit ang mata. Narinig ko ang pag-tawa nito at may sinasabi pang hindi ko maintindihan.

"Dominic," tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Pumapayag na ako," tugon ko.

Dinilat ko ang mata ko at tinignan siya. Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo.

"Anong pumapayag?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi mo talaga gets?"

Umiling ito. "Ano ba 'yon?"

"Bahala ka—"

"Goddamn it! I get it!" nagugulat nitong tugon at parang doon lang nag sink in sa kanya ang ibig kong sabihin.

"Ano ba ang ingay mo magigising si Aksana!" bwisit kong tugon. napatingin ako kay Aksana kung naalimpungatan ba ito o hindi.

Nakahinga naman ako ng makitang malalim ang paghinga nito. Sobrang himbing ng tulog niya kaya hindi siya nagising.

Natikom niya ang kanyang bibig. "Sorry."

Inirapan ko siya sa pangalawang pagkakataon. Ngumiti siya sa akin at hinimas ang buhok ko.

"Thank you, Delaihla."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Welcome."

"I'm very happy. Magpahinga kana muna ako na bahala rito sa bahay mo."

Tumango ako at pumikit na. Hinayaan ko lang na pumikit ako dahil makakatulog ako n'yon makalipas ng ilang minuto. Bago ako tuluyang makatulog narinig ko ang sinabi nito sa akin.

"I love you."

HUMINGA ako ng malalim bago pindutin ang number ni Cattalina. Nilapat ko ang cellphone sa aking tenga.

"Hello, who's this?"

"C-catt. Si Delaihla ito—I mean Daisy—"

Natigilan ako ng marinig ko ang impit nitong tili.

"Oh my goodness! Daisy it's you! Kumusta kana."

Napangiti ako ng masaya ang kanyang tono ng magkausap kami. Tumawa ako bago nagsalita.

"Okay kami rito! Ikaw? Kumusta na yung mga anak mo?"

"They're both fine! Miss na kita," malambing tugon nito.

Ngumiti ako sa harap ng salamin na akala mo ay nasa harapan ko siya.

"Me too. I missed you."

"Kanino mo pala nalaman ang phone number ko?"

"Kay Dominic, hiningi ko."

"Ah..."

Tumikhim muna ako bago magsalita. Magpapasalamat lang naman ako sa kanya.

"Gusto ko lang magpasalamat. Yung binigay mong grocery, sana hindi kana ng abala pa."

"Huh? Anong grocer—"

Kumunot ang noo ko ng biglang namatay ang tawag. Tinawagan ko siya ulit pero hindi ko siya ma contact. Napabugtong hininga ako at naglagay ng lip gloss.

"Fria! Halika na. Nand'yan na si kuya Dom!" sigaw ni Aksana na galing sa sala.

"Oo! Parating na," tugon ko.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Nagkasalubong pa kami ni Stephanie, nagngitian kaming dalawa.

"Aalis na kami," pag-papaalam ko.

"Sige, ingat kayo," tugon nito at niyakap ako.

Tumango ako at pinuntahan si Aksana sa sala. Nakasout ito ng jogging pants na black at sa pangitaas niya ay team t-shirt nila na kulay gray at nasa gitna niyon ay pangalan ng school nila.

"Tara na," nakangiti kong wika.

Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.

"I love you, ate," malambing nitong wika.

"I love you too," tugon ko.

Naglakad na kami sa labas ng bahay at pinuntahan ang kotse ni Dominic na naka park sa labas ng gate. Nakaabang sa amin si Dominic.

Pinagbuksan niya ng pintuan si Aksana sa backseat at ganoon din sa akin.

"Excited na ako! Maraming palaro roon, kuya Dom!" daldal ni Aksana habang bumibyahe kami papunta sa school ni Aksana.

"Really? Okay. . . Maglalaro tayo roon," tugon ni Dom.

Pareho kaming naka gray v-neck shirt. Inabot ng tatlong araw ang lagnat ko, at sa buong tatlong araw na iyon ay lagi siyang nasa tabi ko. Hindi siya umuwi hangga't hindi ako magaling.

Siya rin nag-asikaso kay Aksana dahil kapag nakikita niya akong parang nanghihina umiiyak siya sa tabi ko buti na lang at nandito si Dominic taga uto sa kanya.

"Oy! Fria kanina pa kita tinatawag, eh!"

Nabalik ako sa aking ulirat ng bigla akong tinawag ni Aksana. Binalingan ko siya ng tingin.

"Bakit?"

"Sabi ko, bilhan mo ako ng ice cream doon p'wede ba?" tanong nito.

Ngumiti ako at tumango. "Oo, basta huwag kang malikot doon."

"Oo naman! Thank you, I love you," nakangiti nitong wika.

"I love you too. Panay ka I love you ng I love you. Mahal kita, okay," natatawa kong wika.

Tumawa siya at inirapan ako pagkatapos. Napailing na lang si Dominic dahil nakita niya iyong sa salamin na nakalagay sa taas ng kotse. Nakatinginan kami ni Dominic. Bumaba ang tingin ko ng hawakan niya ang kamay ko gamit ng kanyang kanang kamay.

"Hoy, ikaw ah! Bakit mo hinahawakan kamay ng ate ko? Porket kaibigan na tayo ginaganyan mo na ate ko, panaain kaya kita," asik ni Aksana.

"Bunganga mo Aksana, ah. Masama 'yan," seryoso kong wika.

Inirapan niya ako at sumandal sa kanyang upuan.

"Bakit mo hinahawakan kamay ng ate ko, Leaving? Hindi mo naman siya jowa," maktol na tugon ni Aksana.

Napailing na lang ako. Bumabalik na naman ang bansag niya kay Dominic. Puro na lang 'Leaving'. Napipikon na 'to panigurado.

"I'm courting your sister," natatawang sabi ni Dom.

"Anong courting? Mukha bang pinagbabasketbolan ate ko?" asik nito.

Napahilot na lang ako sa aking sintido habang si Dom ay humalakhak. Pinark niya sa gilid ng school ni Aksana ang kanyang kotse. Hinarap niya si Aksana at ngumiti.

"Sabi ko, nanliligaw ako sa ate mo. p'wede ba?"

Tinignan naming dalawa ang magiging reaksyon niya. Nanatili itong nakahalukipkip at pilit na pinapasok sa kanyang utak ang sinabi ni Dom.

"Sige. Ayaw ko naman kay Jerome na mabaho, eh. Buti ka pa ang bango bango mo pero siya hindi. Mabaho siya," sambit niya.

Pinanlakihan ko ng mata si Aksana dahil sa pinagsasabi nito. Si Jerome kasi ay dati kong manliligaw, lagi niya akong pinipilit na sagutin siya pero ayaw ko naman.

"Who's Jerome?" tanong sa akin ni Dom.

"Dati kong manliligaw. Bayaan mo na past is past," wika ko at binitbit ang gamit.

"Tara na baka nag-simula na ang program," binuksan ko ang pintuan at pinuntahan si Aksana.

Maingat ko siya binuhat pababa sa sahig at hinawaka ang kamay. Hinintay lang namin na lumabas na si Dom, ngayon ay nahihiya ako dahil pinagtitinginan kami. Nagtungo siya kaagad sa amin ng makalabas siya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Let's go."

Tinanggap ko 'yon at ngumiti. Pareho kaming napatingin ng sumigaw si Aksana.

"Arat na!"

Kumunot ang noo ni Dom dahil doon.

"What's arat?"

Napailing na lang ako. "Don't mind her, let's go."

"Let's go, go!" excited na wika ni Aksana.

Pumasok na kami sa loob ng school ni Aksana. Ngayon na nag sinasabi ni Aksana na Family day kasama na roon ang Foundation day kaya malaki talaga ang gaganaping program.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top