CHAPTER 12
CHAPTER 12
"KAILAN ka babalik?" tanong ko habang nag-aalmusal.
"Hindi ko pa alam pero hindi ako magtatagal doon. Bibisitahin ko lang sila mama," tugon ni Stephanie.
Tumango ako. "Sige, mag-iingat ka roon."
Ngumiti siya sa akin at tumango. Nasa paanan niya ang backpack nito, bibisitahin niya ang mama nito. Kumakain na lang siya ng almusal at pagkatapos ay aalis na.
"Mag-paalam ka muna kay Aksana," salita ko at tumayo na.
"Sige."
Naglakad na kami papunta sa kwarto at pinuntahan si Aksana. Nakita ko siyang nilalaro ang bigay na stuff toys ni Dominic.
"Aksana," pag-kuha ko sa kanyang atensyon.
Nilingon niya kami ni Stephanie. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata ng makita kami.
"Fria! Tita Stephanie!" masaya niyang wika at bumaba sa kama para makapunta sa amin.
Inangat niya ang dalawa nitong kamay sa akin. Napangiti ako at binuhat siya.
"May sasabihin si Tita Stephanie mo," wika ko sa kanya.
Tinignan ko si Stephanie at ningitian. Nilingon siya ni Aksana.
"Bakit?" tanong nito sa kanya.
"Aalis muna si Tita mo, huwag kang makulit kay ate mo, ah," pag-papaalam nito sa akin.
"Kailan ka babalik?"
"Hindi ko pa alam pero saglit lang ako roon sa pupuntahan ko," malumanay na saad ni Stephanie.
"Fria, baba ako," mahina niyang sabi habang nakatingin kay Stephanie.
"Saglit lang si tita mo. Ibig sabihin tayong dalawa lang dito sa bahay," tugon ko at naupo sa kama.
Nanatiling tulala si Aksana kay Stephanie at pilit na iniintindi ang sinasabi nito sa kanya.
"Aalis na ako. Huwag niyo na akong ihatid sa labas, ingat kayo," pag-paalam ni Stephanie at hinalikan ang noo ni Aksana.
Naglakad siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gano'n din ang ginawa ko.
"Sali rin ako!" singit ni Aksana.
Tumawa kaming dalawa at sinama si Aksana sa yakapan namin. Napaigik pa siya dahil naiipit daw siya. Nagpaalam ulit ito sa huling pagkakataon at lumabas na.
Kami na lang ngayon ni Aksana ang nandito sa loob ng bahay. Tumabi ako kay Aksana na sinisimulan niyang ilabas ang mga laruan na binigay ni Dominic sa kanya.
"Mag-almusal ka muna," wika ko.
Tumingin siya sa akin at tumango. Kumuha siya ng limang laruan at nilagay sa maliit niyang basket.
"Fria, ang lamig ngayon," natatawa niyang sabi sa akin.
Tumawa ako at tumango. Kumuha ako ng jacket sa drawer at sinuot 'yon sa kanya pati na rin ako.
"Yakap mo nga ako, ang lamig!" natatawa niyang sabi.
Binuhat ko siya at nagtungo kami sa hapagkainan. Tumawa kaming dalawa dahil sinasayaw ko siya habang naglalakad kami papunta roon.
"Nahihilo na ako!" asik ni Aksana.
Natatawang binaba ko siya sa kanyang upuan at hinalikan ang kanyang pisngi. Tinignan ko lang siya habang nag-aalmusal at nag-lalaro.
Walang pasok ngayon si Aksana dahil suspended. May bagyo kasi ngayon, buti na lang talaga at napalitan ko na ang yero sa kubeta.
"Aksana, nagawa mo ba yung assignment mo?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at tumango. "Oo, sobrang dali lang no'n, eh."
Minsan napakayabang nito, eh. Ngayong linggo na 'to napapansin ko para siyang walang gana at nanamlay. Bigla tuloy akong kinabahan. Umiinom naman siya ng gamot.
"Aksana," tawag ko sa kanyang atensyon.
Dahan dahan siyang tumingin sa 'kin.
"Bakit?"
"Okay ka lang ba? Sabi ko sa 'yo kapag may nararamdaman kang kakaiba sabihin mo kaagad sa 'kin," seryoso kong tugon.
Yumuko ito at nag-lilikot ang kanyang kamay sa laruan nito.
"O-okay lang naman ako, Fria. Ang bilis ko lang hingalin," umangat ang kanyang ulo at tinignan ako. "N-natatakot lang ako kasi baka hindi ako makahinga. G-gusto pa kitang m-masakama ng matagal," nag-simulang manubig ang kanyang mata.
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nito. Huminga ako ng malalim pati ang mata ko ay nanunubig din.
"B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin? May inhaler ka 'di ba-"
"Ginamit ko 'yon, medyo okay na ako," pag-putol nito sa sinabi ko.
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Bakit hindi ko 'yon napansin! Gusto kong magalit sa sarili ko. Masyado akong busy sa pag-hahanap ng trabaho at hindi ko minsan napagtutuunan ng pansin ang mga nararamdaman niya.
"I love you, Fria."
Malumanay ang pagkasabi nito sa 'kin. Nakakapanibago. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya pagkatapos ay niyakap.
"I love you too. Konting tiis na lang, magiging maayos kana," wika ko at sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko.
"Hindi na ako makapaghintay na gumaling ako, Fria. Kapag gumaling na ako mag-lalaro tayo ng chinese garter," tugon niya sa akin.
Mahina akong natawa sa sinabi niya.
"Ikaw talaga, sige na pumasok kana sa kwarto babalikan kaagad kita. Maghuhugas muna ako ng pinagkainan natin," salita ko at niligpit ang hapagkainan.
Naririnig ko ang malakas na ulan. Sinarado ko ang pintuan sa backdoor dahil pumapasok ang tubig ulan dahil sa malakas na hangin.
Kaya pala napapansin ko na hindi lumalabas si Aksana dahil 'yon pala ang dahilan. Konting tiis na lang talaga mapapalitan na ang puso nito.
Kapag ganitong bagyo ang nararanasan namin mas gusto naming manatili sa loob ng kwarto. Matatakutin kasi si Aksana sa kulog at kidlat kaya sa kwarto lang kami buong araw. Pagkatapos kong maghugas pumasok kaagad ako sa loob ng kwarto at naabutan ko si Aksana na nakabihis ng binili ko na damit kagaya kay Merida.
"Uminom ka muna ng gamot mo," pag-kuha ko sa kanyang atensyon.
Bumaba siya sa kama at pinuntahan ako. Binuka niya ang bibig nito at ako ang nagshoot ng gamot sa loob.
Bahagya pa siyang natawa dahil sa ginawa ko. Kinuha niya ang tubig at ininom 'yon.
"Fria, kailan mo ako bibilhan ng bagong pana?" tanong niya sa 'kin.
"Ay oo nga pala. Kapag nakadaan ako sa SM. Bibilhan kita sa toy kingdom," nakangiti kong sabi.
Ngumiti siya sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat, Fria! I love you."
Ngumiti ako at hinimas ang buhok niya. "I love you too, Axe."
"SAGLIT lang talaga ako. Huwag kang lalabas at huwag mong bubuksan ang pintuan kapag may kumatok o kahit kakilala natin basta d'yan ka lang sa kwarto. Maliwanag?"
"Oo! Ang dami mong sinabi nakakainis ka," maktol ni Aksana.
Tumawa ako at hinalikan ang kanyang pisngi. Niyakap niya rin ako at lakad takbo na pumasok sa loob ng kwarto.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang payong. Saglit lang ako dahil bibili ako ng gamot ni Aksana. Malapit lang naman ang bilihan dito. Napahigpit ang kapit ko sa payong ng biglang humangin ng malakas. Naglakad kaagad ako para makauwi kaagad sa bahay.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi mahaba ang pila. Minsan kasi sobrang haba ang pila rito sa botika kaya si Stephanie ang pinapabili ko ng gamit ni Aksana sa Mecury drug.
Hindi rin ako nagtagal doon. Pagkabukas ng payong sumakto ang malakas na hangin, biglang hinangin ang payong ka. Nanlaki ang mata ko ng matira na lang sa akin ay hawakan.
Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano.
Napaatras ako ng dumoble ang lakas ng hangin. Tatakbuhin ko na lang 'to hanggang sa bahay, malapit lang naman, e. Huminga ako ng malalim at mabilis na tumakbo. Hindi pa ako nakarating sa ukayan ni Aling Ising basang basa na ako. Napamura ako dahil humangin ng malakas, binuksan ko kaagad ang gate at tumakbo papasok sa bahay.
Napayakap ako sa aking katawan ng makaramdam ako ng panglalamig. Nanginginig ang labi ko habang naglalakad papunta kwarto. Pagkabukas ko sa pintuan naabutan ko si Aksana na naglalaro sa aking cellphone.
"Fria!" gulat nitong wika.
Akmang lalapitan niya ako ng pinigilan ko siya.
"Huwag kang lumapit sa 'kin basa ako. Magbabanlaw muna ako kaya d'yan ka muna."
"Nabasa ka ng ulan?" tanong nito.
Tumango ako. "Oo."
Kinuha ko ang towel at sinampay sa aking balikat.
"Nagdala ka naman ng payong 'di ba? Bakit ka parin nabasa. Baka mag-kasakit ka!" maktol nito at humalukipkip.
Napabugtong hininga ako at umi-squat sa harap niya para mag-pantay kami. Nanunubig ang kanyang mata.
"Nilipad ang payong ko, Axe. Huwag kang mag-alala okay lang talaga ako," nakangiti kong wika.
Suminghot ito at tumango. "Oo, dapat kasi hindi ka na lang lumabas."
Mahina akong natawa at ginulo ang buhok nito. Bago ako magbanlaw pinunasan ko ang basa sa lapag. Pagkatapos kong maligo nagtungo kaagad ako sa kwarto, nagbihis ako ng over sized shirt at pajama.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko.
Umiling ito. "Hindi, kumuha ako ng biscuit sa drawer. Sorry kung 'di ako nakapagpaalam."
Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Niyakap ko siya at nahiga kami sa kama, tumawa siya at hinalikan din ang pisngi ko.
"Okay lang 'di mo naman kailangan mag sorry. Kapag nagugutom ka kuha ka lang doon, okay?"
Tumango siya. "Oo!"
Ngumiti ako at hinayaan na maglaro siya hanggang hapon. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata ko, bigla na lang akong napagod ng walang dahilan. Hinayaan ko na lang na lamunin ako ng dilim hanggang sa makatulog.
KUMUNOT ang noo ko ng parang may umiiyak. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin ang luhaang mukha ni Aksana. Bumangon ako at akmang tatayo ng biglang akong makaramdam ng pagkahilo. Bumagsak ako sa kama habang sapo-sapo ang noo ko.
"Ate!" umiiyak na wika ni Aksana.
Umubo ako at hinilot ang aking lalamunan. Tinignan ko si Aksana at tipid na ngumiti sa kanya.
"O-okay lang ako," paos kong wika.
Lumapit siya sa 'kin at niyakap akong mahigpit. Muli siyang umiyak habang yakap niya ako.
"May sakit ka! Dapat kasi hindi kana umalis kahapon, ate!" umiiyak niya sabi habang nakasubsob sa dibdib ko.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Tumingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ng makita ang araw, umuulan parin.
"Hindi ka p-pa k-kumakain," seryoso kong wika at maingat siyang binaba sa kama. iniwas ko ang mukha ko sa kanya at malakas na umubo. Ang kati ng lalamunan ko.
Hindi p'wedeng hindi siya makakakain. Ibig sabihin simula hapon at kanina ang tulog ko. E'di biscuit lang ang nakain ni Aksana!
Pagkaapak ko sa lapag nahilo ako sa pangalawang pagkakataon sa ngayon hindi na kama ang pagbabagsakan ko kundi ang sahig. May dalawang braso ang umalalay sa 'kin. Inangat ko ang ulo at nakita kung sino iyon.
"D-dominic," paos kong wika.
Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala sa akin. Sinong nag papunta sa kanya rito? Nilingon ko si Aksana na patuloy paring umiiyak, namumula na ang pisngi at ilong nito.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top