CHAPTER 12

CHAPTER 12

DELAIHLA FRIA HATT

"Poufiasse Club will temporarily close. I'm sorry."

Tila isang kulog ang siyang dumagundong sa paligid nang bitiwan ni Mr. Cancon ang mga salitang 'yon.

"Hindi ko pa alam kung kailan ko ibabalik ang PC. I can't tell the reason; it's very confidential. As much as I want to disclose everything, it feels like too much to do so. I am so sorry," dugtong pa niya.

Wala na siyang ibang sinabi pa. Umalis na rin siya kaagad matapos ipaputok ang balitang 'yon.

Para akong natalo sa pustahan. Parang nagunaw ang buong sistema ko dahil mismong ang may-ari na ng Poufiasse Club ang siyang nagbalita ng temporary closure nito. Napabuntonghininga ako at tumayo. Sa isip-isip ko ay buti na lang at nakahabol ako sa kliyente ko.

Iyong iba kasi, hindi na. Ano na lang ang kikitain nila? Bumaba ang tingin ko sa sampung libo na hawak ko. Kailangan ko kaagad makahanap ng panibagong trabaho. Hindi pwedeng tutunganga lang ako.

Binitbit ko ang bag ko at lumabas na ng building ng PC. Sa huling pagkakataon ay binalingan ko 'yon ng tingin.

Nilabas ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. 4:58 AM.

Nanatili akong nakatayo sa waiting shed at hinintay kung may dadaan pa bang jeep o bus. Papikit-pikit pa ang mata ko—ngayon lang ako inantok nang ganito. Naupo ako at napapikit.

Napakislot ako nang may malamig na bagay akong naramdaman na dumikit sa aking pisngi. Pagkadilat ko ay tumambad si Dominic ang bumungad. May hawak siyang malamig na mineral water, at sa isang kamay naman ay kape.

"Coffee." Binigay niya sa akin ang hawak niyang kape. Tinitigan ko lang iyon.

"Salamat, pero sa 'yo na lang 'yan," pagtanggi ko.

Umiling siya at kinuha ang kamay ko para mahawakan ko ang kape.

"Binili ko talaga 'yan para sa 'yo," seryoso niyang saad.

Hinawakan niya ang aking kamay at marahan akong inakay tungo sa parking lot.

"Teka nga! Saan mo na naman ba ako dadalhin?" asik ko.

Gusto ko nang gilitin ang leeg niya pero parang may pumigil sa akin. Tangina.

"I'll drive you home," simple niyang tugon bago ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Again, I felt like I didn't have a choice. Agad akong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Okay na rin siguro 'to. Makakatipid naman ako sa pamasahe. Pagkapasok niya sa loob ng kotse ay agad na rin niyang pinaandar 'yon.

Ininom ko ang kapeng binigay niya para naman mawala ang antok ko kahit papaano. Bumaba ang tingin ko sa aking bag nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Delaihla! Si Rose ito kumusta kana d'yan?" imik ng babae mula sa kabilang linya.

Mahina akong natawa. Masyado siyang energetic. "Okay lang naman ako. Ikaw? Kumusta na si baby mo?"

Narinig ko ang hagikhik niya sa kabilang linya. "Maayos lang naman kami. Kinukumusta lang kita. Miss na kita, eh."

I giggled. "Ako rin." Bahagyang napawi ang ngisi sa aking mga labi. "Pero. . . alam mo bang pansamantalang sinarado ni Mr. Cancon ang PC?" pagbabalita ko.

"Hala!" Dama ko ang pagkabigla niya hanggang sa kinauupuan ko. "Aba, eh, bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako, na tila ba nakikita niya ako. "Hindi ko rin alam, eh."

Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin tungkol sa kung ano-anong mga bagay. Hindi nagtagal ay siya na rin ang namaalam na magbababa ng tawag.

Mukhang abala na rin siya sa bago niyang buhay sa Canada kasama ang kanyang napangasawa. Pagkababa ng tawag ay binalingan ko ng tingin si Dominic. Hindi na ako mapakali. Sinunggaban ko siya ng tanong.

"Bakit nga pala pinasara ni Mr. Cancon yung PC—I'm sorry," I flinched. "Hindi ko pala dapat 'yon tinata—"

"Love life problem." His voice grew stern. "He's still chasing his woman abroad—that's why he temporarily closed the club," he explained.

"O-okay," tumatango-tango kong saad. Sumandal ako sa aking kinauupan at tumingin sa labas ng bintana.

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Wala sa sariling sinulyapan ko si Dominic na abala sa pagmamaneho.

Boses ni Stephanie na naman ang pumasok sa aking utak. Iyon naman talaga ang plano ko—ang paibigin siya hanggang sa maging kami. Nagawa ko na iyon dati pero siya ang nanggago.

It's payback time. Ako naman.

Inabutan kami ng mabigat na traffic kaya naman alas sais na nang makarating kami sa bahay. Pagkababa ko sa kotse ni Dominic ay nakita ko si Aksana na tumatakbo palabas ng bahay. Natigilan lang siya nang makita niya ako.

"Fria! Good morning!"

Ngumiti ako nang tumakbo siya palapit sa akin. Binuhat ko siya at tinadtad siya ng halik sa buong mukha. Humagikhik lang siya, tuwang-tuwa sa ginawa ko. Ang sarap niyang kagatin sa pisngi!

"Hala. . . bakit nandito si Leaving?" usisa niya sa akin. Nakadungaw si Dominic sa bintana at pinagmamasdan kami.

"Good morning, Leaving!" bati ni Aksana.

Tinanguan niya si Aksana at kumaway. "Hello."

"Baba ako!"

Binaba ko siya at inayos ang nagulo niyang buhok.

"Fria, malapit na 'yong foundation day at family day sa school namin. Sabi raw nila kailangan daw nandoon 'yong mama at papa. Kaso wala naman ako no'n. Pwede bang ikaw at si Kuya Leaving na lang ang um-attend para sa 'kin?" Bakas ang pagkagalak sa kanyang hiling. Nilingon niya si Dominic. "Pwede naman 'di ba, Kuya Leaving?"

Kumunot ang noo ko. "Anong—hoy! Kami ni Tita Stephanie mo ang a-attend," asik ko.

Humalukipkip si Aksana at inirapan ako. "Kinausap ko na si Kuya Leaving. Siya muna ang a-attend, hindi si Tita Stephanie!"

Saktong pagkakasabi no'n ay ang paglabas ni Stephanie. Kinawayan niya ako, na siyang tinugon ko ng ngiti.

"Bye!" biglang sigaw ni Aksana saka kami tinakasan.

"Axe! Hintayin mo ako!" sigaw ni Stephanie saka hinabol ang Aksana'ng tumatakbo papunta sa school.

"Aksana! Bumalik ka rito!" Napapadyak na lang ako sa inis.

Napakakulit! Nawala ang antok ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Inis kong nilingon si Dominic.

"Sinabi niya 'yon sa 'yo?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Tumango siya. "Noong nasa reception tayo ng kasal ni Rose, doon niya sinabi sa 'kin."

Napapikit na lang, pinipitik ang noo. Kaya pala dikit siya nang dikit kay Dominic, iyon na pala ang dahilan!

Napalingon ulit ako sa kanya nang marinig ko ang kanyang pagtawa.

"Ayaw mo naman sigurong magtampo sa 'yo si Aksana, 'di ba? Kaya pumayag ako sa sinabi niya," nakangiti niyang depensa.

Inirapan ko siya at tinalikuran. Humalukipkip ako at pumasok sa loob ng bahay, hindi na siya nilalapatan ng kahit ano pang paglingon. Narinig ko pa ang busina ng kotse ni Dominic na mas lalong ikinainit ng aking magkabilang tainga.

Urgh! Buwisit talaga ang batang 'yon!

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top