CHAPTER 11
CHAPTER 11
"ISA, dalawa, tatlo, nanay mo kalbo, apat, lima, anim. I-vicks na nga natin."
Napalingon ako kay Aksana ng marinig ang kinakanta nito. Napailing na lang ako at muling tinuon ang pansin sa pag-titipa ng keyboard sa aking laptop. Wala parin akong mahanap ng trabaho, nakakainis.
Kung ano ano na lang ang naririnig nitong batang 'to sa mga kaibigan niya.
"Madilim ang surroundings—"
"Aksana," pagputol ko.
Nilingon niya ako at niligpit ang nag-kalat na paperdoll sa sahig ng sala.
"Bakit, Fria?" mahina nitong sagot at nilapitan ako.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang noo nito. Binuhat ko siya at inupo sa aking kandugan.
"Saan mo narinig 'yang kanta na 'yan, ha?" tanong ko.
Humarap siya sa akin at ngumiti. "Sa mga kaibigan ko! Naglalaro kasi kami ng pogs, tapos kinanta nila e'di ginaya ko."
Humagikhik pa ito. Napailing na lang ako at tumingin sa screen ng laptop ko.
"Hindi ka papasok ngayon, Fria?" tanong nito.
Tahimik akong tumango. Kusa siyang bumaba sa aking hita at tinignan ulit ako. Magtatanong na naman ito.
"Bakit, May sakit ka ba?"
Umiling ako. "Wala akong sakit. Naghahanap ako ng bagong trabaho kasi nagsarado na 'yong pinagtatrabahuan ko."
Nakatitig lang siya sa aking mukha mahigit limang segundo.
"Ano?" napakamot siya sa kanyang noo.
Humalakhak ako at pinisil ang kanyang pisngi. Napadaing ito at tumalim ang tingin sa akin.
"Ang sakit!" humaba ang nguso nito.
"Sorry na," natatawa kong sabi.
Inirapan niya ako at hinampas ang hita ko. Napadaing ako sa ginawa nito. Pikon na 'to kapag nanghahampas na siya.
Tumayo ako at tinali ang buhok ko. "Ikaw!"
Nanlaki ang mata nito at kumaripas ng takbo. Narinig ko ang matinis nitong tili habang tumatakbo paikot sa center table sa sala.
"Huwag! Fria!" tili nito.
"Nandiyan na 'ko!" pananakot ko.
"Huwag!" tili nito.
Humalakhak ako ng mahablot ko ang kanyang bewang at binuhat papunta sa bakuran. Nagpupumiglas ito habang tumitili parin.
"Baba! Kikilitiin mo 'ko. Ayaw ko na!"
Tumawa ako at hinawi ang makapal niyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha.
"Shh... hindi kita kikilitiin. Dito muna tayo sa bakuran. Ang hangin eh."
Sa wakas ay tumitigil na siya sa kakapiglas. Yung dede ko natatamaan niya ang sakit!
Naupo kami sa duyan at namayani ang katahimikan.
"Fria," pagtawag nito sa akin.
"Bakit?"
Nilingon niya ako. "Gusto ko ng ice cream sa palengke mamaya. Sama mo ako kapag pupunta ka roon."
Napangiti ako at tumango. "Sige, huwag ka lang makulit baka mawala ka."
"Salamat!" masaya niyang sabi at hinalikan ang pisngi ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit at ginalaw ang duyan gamit ng aking paa.
"Love mo ba ako?" tanong ko.
Tumango siya at mahinang kinagat ang aking kamay.
"Oo naman. Love kita kahit inaaway mo 'ko," maarte nitong tugon.
Humalakhak ako at hinayaan siyang sumandal sa aking dibdib. Napatingin ako sa loob ng bahay ng marinig kong may kumakatok sa pintuan.
"Tignan mo nga kung sino 'yong kumakatok. Susunod lang si ate sa 'yo," pag-utos ko sa kanya.
Tumango siya at umalis sa aking kandugan. "Sige!"
Tumakbo siya papasok sa bahay at ako naman ay pinasok ko ang mga pinagkainan namin kaninang umaga. Nag-tungo muna ako sa kusina bago sa sala.
"Leaving! Anong ginagawa mo rito!?"
Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Aksana. Naghugas ako ng kamay at pumunta na sa sala.
"Anong Leaving ka d'ya—Dominic anong ginagawa mo rito?" mahina kong tanong sa mabagal na tono ng makita siya.
Nakapamulsa ito at nakasandal ang kanyang braso sa gilid ng pintuan. Nakasout ito ng simpleng White V-neck shirt at Black Khaki Short. Pinaresan niya lang 'yon ng simpleng sandals para sa lalake.
Kahit anong soutin yata nito babagay sa kanya. Kahit siguro plastic ng basurahan bagay sa kanya. Katulad nalang nung garbage bag na itim.
Bumaba ang tingin ko kay Aksana na nakangiti habang pinagmamasdan si Dominic.
"Anong Dominic ka d'yan, Fria? Siya si Leaving!" pagsingit nito.
"Hindi nga Leaving ang pangalan niya," mariin kong wika.
Nilingon niya ako at inirapan. "Leaving ang pangalan niya!"
"Bahala ka."
Bumalik ang tingin ko kay Dominic. "Pasok ka muna."
"Thank you," tugon nito at tumabi kay Aksana.
Naupo ako sa monoblock at pinagmasdan silang dalawa. Bigla akong kinabahan, dapat talaga ako kabahan parati na lang siyang nandito.
"Anong ginagawa mo rito?" pag-uulit ko.
"Today is my mom's birthday and I want to buy a gift. I don't know which gift I'll give to her, that's why i'm here. Sasamahan mo 'ko sa mall bibili tayo ng regalo sa kanya," mahabang lintayan nito.
Prente itong nakaupo sa sofa at nakadekwatro pa. Habang ang atribida kong kapatid ay ginagaya ang pose ni Dominic kung paano siya nakaupo.
Tumingin sa aking si Aksana ng marinig niya ang sinabi ni Dom na mall. "Mall? 'di ba malaki 'yon? Sama ako—"
"Wala akong mapagiiwanan kay Aksana," pagputol ko sa sinabi ni Aksana.
Bumaba ang tingin ni Dom kay Aksana at ginulo ang kanyang buhok.
"Don't worry, isasama natin siya," nilingon niya si Aksana at tipid itong ngumiti. "Right?"
"Left!—oo!" nakangiting tugon nito.
Napairap ako at humalukipkip. "Magkukulit lang siya roon. Baka mawala siya."
Inis na lumingon sa akin si Aksana. "Ano ba 'yan! Behave naman ako, eh. Lagi mo na lang akong iniiwan kapag umaalis ka, kapag ako ng tampo aalis ako rito tapos hindi na ako magpapakita habang buhay sa 'yo!"
Napailing na lang ako at ganoon din si Dom. Natawa pa ito dahil sa kadramahan ni Aksana.
Tumayo ako at tinuro ang kwarto. "Sige na. Magbihis kana doon at wala kang ice cream sa akin kapag nagtagal ka."
Lumawak ang ngiti nito sa sinabi ko at kumaripas ng takbo papasok sa kwarto. Napailing ako at nagtungo sa ref para kumuha ng maiinom ni Dom.
"Wala kaming imported na inumin kaya hanggang pineapple juice ka na lang."
Kinuha niya iyon at ininuman. "I'm not a picky drinker. Thank you."
Tinanguan ko siya at tinalikuran.
"About the kiss," bigla nitong sinabi.
Nilingon ko ito. "Anong meron sa halik mo?"
"Sorr—"
Inangat ko ang kamay ko at nagsenyas na tumigil siya.
"Stop. Bakit ka nag so-sorry? Pareho naman natin 'yong ginusto," napalunok pa ako dahil sa pinagsasabi ko.
"Magbibihis lang ako," tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kwarto.
"So you like it?" tanong nito.
Nilingon ko ulit siya pero hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang siya hanggang sa kusang bumaba ang mata ko sa kanyang labi.
Damn his kissable lips!
Tinaasan ko siya ng isang kilay habang siya ay tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"Fria! Tapos na ako!"
Lumabas na si Aksana sa kwarto at pinakita ang sout nito. Nakasout siya ng simpleng yellow dress, nakaheadband din ito ng kulay dilaw pati ang doll shoes nito ay dilaw din. Ang cute niya!
Tinuro ko ang pwesto ni Dom. "Pumunta kana sa sinasabi mong Leaving at pumirmi ka."
Tumango siya at kumaripas ng takbo papunta kay Dom. Nakahinga ako ng maluwag. Nagbihis na agad ako at naglagay ng lipstick.
I'm wearing a Denim Flared and for the top i'm wearing a White Halter Top. Pinaresan ko na lang iyong ng black stiletto and lastly I tie my hair into messy bun.
Sinakbit ko ang sling bag ko sa balikat at lumabas na. Kumunot ang noo ko ng makita ang ginagawa ni Aksana kay Dom.
"Ano 'yan?" tanong ko.
Tumingin sa akin si Aksana at nagsenyas na manahimik. Napatingin ako kay Dom na tahimik lang sa ginagawa ni Aksana.
"Leaving anong english nito," tinuro niya ang dalawang pakpak ng paro-paro.
"Wings."
"Tama! Eh, heto naman kapag isa," tinupi niya ang papel pahaba at tinuro ang isang pakpak ng paro-paro.
"Wing."
Pumalakpak si Aksana at tinignan ako. Kumindat siya sa akin at lumingon ulit si Dom. Sumandal ako sa pader habang pinagmamasdan sila.
"Tama!" masayang sambit ni Aksana.
Tinupi niya ang magkabilang dulo ng papel.
"Pahawak ang magkabilang dulo, Leaving," utos ni Aksana.
"Like this?" tanong ni Dominic.
Tumango si Aksana. "Opo."
Tumaas ang isang kilay ko ng marinig kong nag 'opo' siya kay Dominic samantala sa akin hindi man lng nag o-opo.
"Sabihin mo ang wing ng anim na beses," utos ulit ni Aksana.
"Wing what?" naguguluhang sabi ni Dominic.
Tumingin sa akin si Dom na para bang naghihingi ng tulong. Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiling. Bahala siya alam niyang ma ano sa kalokohan si Aksana sinakyan niya pa trip nito.
"Wing! Anim na beses, six! In-english ko na, ah. Baka hindi mo pa maintindihan," naiinis na sabi ni Aksana.
"Okay, okay. I'm sorry."
"Wing kana," utos ni Aksana.
"Wing, wing, wing, wing, wing, wing," tugon ni Dom at hindi niya parin alam kung bakit siya pinapaganoon ni Aksana.
"Last na," nakangising wika ni Aksana.
Inulit ni Dom ang pag-wi-wing nito. Humalakhak si Aksana at kinuha ang papel na hawak ni Dom at nilagay sa kanyang tenga.
"Hello?" natatawang sambit ni Aksana at nilingon si Dom.
Humalakhak ako dahil sa kaabnormalan ni Aksana. Napuno namin ni Aksana ang buong sala ng halakhak.
"Oh my godness," bulong ni Dom at napahilot sa kanyang sintido.
"Ang galing ko 'no?" tumataas baba pa ang kilay nito.
Napailing na lang si Dom at tumayo na. "Let's go."
Tumango ako at hinawakan ang kamay ni Aksana. Pinisil ko ang pisngi ni Aksana at tumatawa parin ito.
Binitawan ni Aksana ang kamay ko ng makita niyang binuksan ni Dom ang pintuan ng backseat. Pumasok siya kaagad.
Sinarado ko ang pintuan at nilock. Pumunta ako kay dominic na nasa labas ng gate.
"Pasensya kana kay Aksana. Marami siyang kalokohan at ikaw pa ang nasampolan niya," natatawa kong sabi.
Napalingon siya sa akin. Nailang ako ng nanatili siyang tulala sa mukha ko.
"Uhm... Dom?"
"Ha? Oh... sorry, it's fine. Hindi ko alam na mas malala siya sa dalawa kong pamangkin. Damn it," bulong nito.
"Told yah."
Pumasok na ako sa passenger seat at hinintay siya. Nang makapasok siya sa driver seat pinaandar niya kaagad ang kotse papunta sa mall.
"Fria, doon na lang tayo bibili ng ice cream ko," wika ni Aksana.
Tumango ako. "Sige basta magbehave ka."
Ngumiti siya sa akin at nanahimik sa likod. Napalingon ako kay Dom na nakangiti habang nagmamaneho. Sumandal ako sa kinauupuan ko at tumingin sa labas ng bintana.
"ANG daming stuff toys, Fria. Wow!"
Pumasok muna kami sa loob ng Miniso. Bibilhan niya raw ng pasalubong ang anak ni Cattalina.
"Fria gusto ko n'on," tinuro niya ang malaking stuff toy na pusa.
Tinignan ko muna si Dom na nasa kabilang section ng stuff toys. Sa mga panlalakeng stuff toys at iba pa.
Hinawakan ko ang kamay ni Aksana at pinuntahan ang tinuro nito. Kinuha ko iyon at tinignan ang presyo, nanlaki ang mata ko ng makita ang presyo.
1,200?
"T-teka Aksana ang mahal nito!" giit ko.
Humaba ang nguso nito sa akin. At kinuha ang stuff toys na hawak ko. Niyakap niya 'yon at tinignan ako.
"Ang lambot niya," tumatawa niyang sabi.
Napangiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ng daliri ko. Naiiyak ako kapag hindi ko nabibili ang gusto niya. Alam kong naiingit siya sa ibang bata kapag nabibigay sa kanila ang gusto nilang laruan.
Habang siya ay kailangan ko pang ituin para mawala sa isip niya ang nagustuhan niyang ipabili na laruan.
Kaya hangga't kaya ko gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Aksana..." tawag ko sa kanya.
"Hmm," umangat ang tingin niya sa akin. Yakap-yakap niya parin ang malaking stuff toys.
Ngumiti ako sa kanya. "Saka na natin 'yan bibilhin kapag may pera na ako. Alam mo naman yung pinagiipunan ni ate 'di ba?"
Ang matamis nitong ngiti ay biglang nawala. Nanlumo ito at maingat na binalik ang stuff toy sa lalagyan nito.
"Oo nga pala," mahina nitong sabi.
"May napili kayo?"
Napalingon ako kay Dom. Hindi ko alam na nasa likod ko pala siya.
"Wala," tipid akong ngumiti kay Dom at tinignan si Aksana na nakatitig parin sa stuff toy.
"Let's go to cashier," pag-aya ni Dom.
Ang dala dala nitong apat na basket ay punong puno ng laruan at kung ano pa. Napatitig si Aksana roon. Ang dalawang basket na hawak ni Dom ay puno ng laruan na kulay pink habang ay sa kabila ay kulay blue.
Lumuhod ako at dumukwang kay Aksana. "Kapag yumaman ako bibilhin ko 'tong Miniso para sa 'yo."
"Talaga?" malungkot nitong tugon.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "O-oo."
Tumayo na ako at tinignan si Dom. "Let's go."
Kinarga ko na lang si Aksana. Babawi ako sa kanya kapag maayos na ang lahat lalo na kapag okay na siya. Kapag maayos na ang puso niya. Iyon talaga ang pinagiipunan ko ang pampaopera para sa kanya.
"I'm sorry," mahina kong bulong.
Tumingin siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. "Okay lang, Fria. Naiintindihan kita."
"Salamat."
Nang tapos na si Dom sa pag bayad ng pinamili nito. Lumabas kaagad kami at binaba ko na si Aksana. Hinayaan ko na mag lakad siya habang magkahawak ang kamay namin.
"Wait," pag-pigil ni Dom.
"Bakit, Leaving?" naunahan na ako ni Aksana.
"May naiwan ako sa Miniso. Hintayin niyo ako d'yan. I'll be back," ginulo niya ang buhok ni Aksana at tinanguan ako.
Kinalabit ko si Aksana. "Psst."
"Bakit?" tanong nito.
"K-kuya Dom ang itawag mo sa kanya. Hindi Leaving ang pangalan niya," salita ko.
Kumunot ang noo nito. "Weh? Bakit sabi niya... i'm Leaving, 'di ba kapag nagpapakilala ka gano'n 'yong sasabihin."
"Ibig niyang sabihin aalis na ako kaya i'm leaving ang sinabi niya," tugon ko.
Tumango tango siya. "Sorry na. Sige Kuya Dom na tawag ko sa kanya."
Ngumiti ako sa kanya at napatingin kay Dom na naglalakad papunta sa amin. Tumingin siya kay Aksana at ginulo ang buhok nito.
"Tara na," napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ni Aksana at nauna sila maglakad.
"Teka! Si Fria. 'Wag natin siyang iwan," nilingon niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Oh 'di ba! Ang saya," nakangiti nitong wika.
Pinagtitinginan kami ng tao. Hindi dahil sa kulay ng aming buhok. Dahil sa ginawa ni Aksana. Hawak ni Dom ang kaliwang kamay ni Aksana habang ako naman ay nakahawak sa kanan niyang kamay.
"Ang saya! Para ko kayong magulang!"
Napatingin ako kay Aksana dahil sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at umangat ang tingin ko kay Dom. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.
Parang nangungusap ang tingin niya sa akin. Tinuon ko ang pansin ko sa ibang bagay.
"Teka Fria punta tayo Mcdo! Sabi mo bibilhan mo ako ng Ice Cream. Dito na lang tayo bumili," binitawan niya ang kamay namin at tumakbo papasok sa loob.
"Aksana!" nabigla ako sa pagtakbo nito.
Sinundan ko siya at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita siyang nakapila. Kumaway siya sa akin at pinalapit ako.
"Where's Aksana?" biglang sumingit si Dom.
"Nandito," gumilid ako para makita niya si Aksana.
Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Kinarga ko si Aksana at ako ang pumila. Nagtuturo na siya ng kung ano-ano.
"May laruan din sila. Gusto ko n'on!" tinuro niya lahat ng laruan na nakadisplay sa gilid.
"Ang dami niyan Aksana. Isa lang bibilhin natin, pati 'yong Ice Cream mo."
Humaba ang nguso nito at humalukipkip. "Pero gusto ko n'on."
"Hindi nga p'wede—"
"Don't worry, we can buy that," pagputol sa akin ni Dom.
Napatingin ako sa kanya. "Dominic!"
"Talaga! Lahat n'yan bibilhin mo?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Aksana.
"Yes," tipid na sagot ni Dom. "Dito na tayo kumain." may inabot siya sa aking black card. "Huwag mo ng gastusin 'yong pera mo."
"Huwag na. Ako na magbabayad," pag-tangi ko.
Umiling siya. "No, ako ang nag aya sa 'yo na samahan ako rito kaya ako magbabayad lahat—"
Hindi natapos ni Dom ang sinabi niya ng biglang hinablot ni Aksana ang blackcard at hinalikan.
"Salamat, Kuya Dom!" masiglang tugon ni Aksana.
"Aksana!" giit ko.
Mahinang natawa si Dom. "It's okay. May kakausapin lang ako about sa gusto ni Aksana na laruan dito sa Mcdo. Maghahanap na rin ako ako ng upuan natin," pag-papaalam nito at naglakad na para mag hanap ng upuan.
Nilingon ko si Aksana at mahinang pinisil ang pisngi. "Ikaw talaga! May sinabi ba ako na kunin mo 'yon? Ikaw ba binigyan?"
Hindi niya ako pinansin. Nakatingin ito sa blackcard ni Dom. napapikit na lang ako.
"Grabe Fria may ganito pala, 'di ba 'yong sa 'yo atm card lang samantala si Kuya Dom may blackcard—ano yung blackcard?"
Napabugtong hininga na lang ako. "Kapag may blackcard ka mabibili mo lahat ng gusto mo, walang limit!" bulong ko sa kanya.
Tumango tango siya. "Wow, gano'n pala 'yon. E'di p'wede nating bilhin yung Miniso?"
Tumawa ako. "Siraulo ka."
Humagikhik siya at hinalikan ang pisngi ko.
Nakaorder kami ng Ice Cream ni Aksana at pagkain namin ni Dom. I-fo-follow up na lang raw ang mga laruan ni Aksana sa table namin. Buti na lang at malapit lang ang upuan na nahap ni Dom kaya nakita kaagad namin siya.
Binalik ko sa kanya ang blackcard nito. Tahimik lang akong kumakain at pinagmamasdan si Aksana na kumakain. Tuwang tuwa siya kaya pati ako ay nahahawa sa kanya.
Minsan naman ay sinusubuan niya ako.
"Oh... They're here," biglang wika ni Dom.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
"Aksana's toys."
Paglingon ko sa gilid malaking paper bag ang sumalubong sa amin. Nagpaalam kaagad ang waiter, nagtanguan lang sila ni Dom.
"Bakit nasa malaking paper bag pa 'yang laruan ni Aksana. Limang piraso lang naman 'yon," sambit ko.
"Marami siyang pagpipilian d'yan. Monster inc, barbie, spongebob and etc."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito hinablot ko sa kanya ang malaking paper bag at tinignan ang laman.
"What the..." mahina kong bulong.
"Ano 'yan Fria?—wow! Sa 'kin ba 'yan? Hindi ka naman nag lalaro ng ganto 'di ba? E'di sa akin 'yan!" masayang sambit ni Aksana.
Binigay ko kay Aksana ang paper bag at hinayaan na tignan ang mga laruan niya.
"Nako maiingit na naman ang karibal ko kay Raven, Fria! Ang panget ng laruan niya samantala sa akin ang gaganda! Tignan mo oh! Ang cute ni spongebob," tuwang tuwa niyang sabi.
Nilingon ko si Dom at ningitian kahit nahihiya. "Salamat."
He whispered 'welcome' Tumingin siya kay Aksana. Ang iba ay nabuksan na kaya naglalaro na siya habang pinapakain ko. Nag-order na rin ako ng makakain nito dahil alam kong gutom na rin siya bale pang himagas na lang itong ice cream na binili.
"Alam mo ba yung laruan ng kaaway ko ang dumi at alam mo nakakadiri pa kasi may kulangot 'yong laruan niya," salita nito habang kumakain.
Napailing na lang ako at pinusan ang gilid ng labi niya. Salbahe talaga 'to kahit kailan pero kapag siya ang inaasar asar talo.
"Nahuli nga kita na kinakain mo sarili mong kulangot," natatawa kong sabi.
Matalim na tumingin sa akin si Aksana. "Hindi kaya!"
"Totoo."
"Hindi!"
"Totoo nga."
"Hindi nga sabi, eh!"
"Girls, stop fighting."
"OKAY na ba 'to?" tanong ni Dom.
Tahimik akong tumango habang hinihimas ang likod ni Aksana. Nakatulog na ito habang naghahanap kami ng simpleng dress para sa mama nito. Una naming nabili ay kwintas, dalawa 'yon. Butterfly ang pendant at simpleng gold necklace.
Ngayon ay namimili kami ng dress. Tatlo ang nabili nito at ang hawak hawak niya ngayon ay pang-apat na iyon.
"That's look good. P'wede niya 'yan masuot kapag nag outing kayo," salita ko.
Tumango-tango siya at binigay sa isang sales lady. Nakahinga ako ng maluwag ng okay na. Salamat naman at makakauwi na kami. Siya na ang nagbuhat kay Aksana dahil ang bigat niya. Hindi ko na siya kayang buhatin lalo na't nakastiletto ako.
Buong byahe ay tahimik lang. Pareho yata kaming pagod at inabot na kami ng gabi. Ayos lang dahil nag enjoy naman si Aksana. Hindi ko alam kung kailan ulit kami babalik sa mall... ng kaming dalawa lang.
Pagdating namin sa bahay pinadiresto ko si Dom sa loob ng kwarto para doon ilapag si Aksana. Baka kasi topakin si Aksana kapag bigla kong gigisingin.
Nang maayos ko na ang mga gamit ni Aksana hinarap ko si Dom. Bahagya pa akong nagulat dahil hawak niya ang stuff toy na gustong ipabili sa akin ni Aksana.
"B-binili mo 'yan?" nauutal kong wika.
Tumango ito. "Yes, pakibigay na lang sa kanya. I saw how sad she is when you didn't buy this kaya ako na lang bumili. I dont want to offend you, i'm just being friendly with Aksana," binigay niya sa akin ang stuff toy.
Kinuha ko 'yon at hinawakan ng mabuti. "Thank you and sorry... napagastos ka pa tuloy dahil sa kanya."
"It's okay. Aalis na ako," paalam nito.
Tumango ako. "Sige, bye."
Hinatid ko siya hanggang gate. Kumunot ang noo ko ng hindi pa siya pumapasok sa kanyang kotse.
"Delaihla."
"Bakit—"
Daig niya pa si the flash sa paghalik sa akin. Alam kong saglit lang iyon pero parang ang tagal para sa akin. Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi, anytime ay mapapansin niya ang pamumula ng aking pisngi.
"Bye," nakangiti nitong wika at sumakay na sa kanyang kotse.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top