CHAPTER 10
CHAPTER 10
"NAPALITAN na ba yung yero sa banyo?" Tanong ko habang kumakain.
Nag-aalmusal kami ngayon dito sa bakuran. Maaga akong nagising at sakto naman n'on pagkalabas ni Stephanie sa kanyang kwarto.
"Oo, tapos na. May natira pang 500. Iniwan ko sa ibabaw ng vanity table mo," sagot niya at uminom sa kanyang kape.
"Dumaan ka na lang ng grocery pagkauwi mo mamaya. Dagdagan ko na lang iyon ng isang libo, wala na tayong stock ng pagkain pati na rin mga shampoo at sabon."
Tumango ito sa akin. "Sige."
Sinandal ko ang aking likod sa monoblock na kinauupuan ko. Namayani ang katahimikan, mga huni lang ng ibon ang naririnig namin.
"Hindi na lumilitaw papa mo, ah," pag-basag ni Stephanie sa katahimikan.
Inirapan ko siya at kumuha ng spanish bread.
"Ang daming puwedeng itanong bakit 'yan pa," asik ko at kinain ang spanish bread.
Tumawa siya at nagkibit balikat. "Ewan ko ba. Bigla nalang din pumasok sa utak ko, eh."
"Hindi ko naman siya kailangan. Sanay ako na walang papa bakit pa siya bibisita rito," sagot ko habang nakatingin sa kape ko.
"Delaihla, papa mo parin siya. Kadugo mo 'yon. Kahit hindi mo siya kailangan darating ang araw na kakailanganin mo siya o karamay," salita nito. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
"Hindi mo naman maitatakwil 'yon, eh. Sa kanya nang galing 'yang kulay ng buhok mo," tinuro niya ang buhok ko at bahagya pang natawa.
Kinuha ko ang butter knife at inambahan siya na sasaksakin.
"Hiwain ko 'yang bibig mo eh. Bwisit ka," padaskol kong binagsak ang butter knife at humalukipkip.
Tinawanan niya ako at tumingin sa kanyang cellphone.
"Gisingin mo na si Axe. Ala sais na," aniya.
Tumango ako at tumayo na. "Kuhaan mo na lang siya ng makakain. Gutom 'yon panigurado."
"Sige."
Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko si Aksana na nagbibihis ng uniform.
"Sana tinawag mo 'ko para matulungan kita," salita ko habang nakahalulipkip.
Napatingin siya sa 'kin at nanlaki ang mata nito.
"Ate! Tulungan mo 'ko, yung huling butones hindi ko mapasok! nasaan na yung butas?!"
Humalakhak ako at lumapit sa kanya. Nagsisimula ng mamula ang kanyang mukha dahil sa pagkairita.
Tinali ko muna ang buhok niya into ponytail. Napakagulo kasi ng kanyang buhok.
"Halika ka nga. Ako na mag aayos niya, nagusot na yung uniform mo," natatawa kong sabi.
Agad naman siyang lumapit sa 'kin. Kaya pala nawawala ang sinasabi nitong butas kasi mali mali ang pagkakalagay niya. Napailing na lang ako at inayos ang kanyang uniform.
"Ayan, tara na. Mag-aalmusal ka pa. Nagluto kami ni Tita Stephanie mo ng fried rice atsaka tocino. Paborito mo 'yon 'di ba?"
Gumuhit sa kanyang labi ang ngiti at masayang tumango sa akin.
"Oo! Tara na," hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa bakuran.
Pagdating namin sa bakuran. Naupo kaagad si Aksana sa kanyang upuan. Natawa ako ng makita ang reaksyon niya habang naglalagay ako ng fried rice at tocino sa kanyang plato.
Nagniningning pa ang mata niya. Binigyan ko rin siya ng gatas at hinayaan na lang na kumain.
"Nag-dala na ako ng plato nating dalawa. Bigla akong natakam, eh," natatawa niyang saad at nilahad sa akin ang plato at kutsara.
"Salamat."
Nag-sandok ako ng pagkain para sa akin at kumain na. Namayani ang katahimikan dahil busy kami sa pag-aalmusal. Pumasok sa isip ko ang sinabi sa 'kin ng adviser ni Aksana.
"Aksana," pag-kuha ko sa kanyang pansin.
"Bakit?" sagot nito habang ngumunguya. Dumukwang ako at inalis ang kanin sa gilid ng kanyang labi.
"Tumawag sa 'kin yung teacher mo. Hindi ka raw gumawa ng assignment? Bakit 'di ka gumawa?" tanong ko.
Natigilan siya sa tanong ko at lumingon kay Stephanie. Tinignan ko si Stephanie at nag-kibit balikat ito.
"Wala siyang sinabi sa akin na may homework siya," ani ni Stephanie.
"S-sorry. 'di ko na uulitin, nag-laro kasi kami ni Raven ng pogs," nag-baba ang kanyang tingin.
Napabugtong hininga ako sa sinabi nito. Unang beses pa lang nangyari 'to.
"Aksana," pag-tawag ko ulit sa kanya.
"Hala, palo ka ngayon," pananakot ni Stephanie.
Mabilis pa sa alas kwatro na umangat ang tingin ni Aksana sa akin. Nanunubig ang kanyang mata habang nakatingin sa 'kin.
"A-ate."
"Huwag kang maniwala sa tita mo. Tinatakot ka lang niyan," salita ko at nilingon si Stephanie pagkatapos ay inirapan ito.
"Hindi kita papaluin. Huwag mo ng uulitin 'yon, okay?" paninigurado ko.
Tumango siya sa 'kin at bumaba sa kanyang upuan pagkatapos ay nagtungo siya sa 'kin. Hinalikan niya ako sa pisngi at tumingin sa akin.
"Sorry. I love you na," mahina nitong sabi.
Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang noo. "I love you too."
Naupo ulit siya sa kanyang kinauupuan at kinain ang kanyang pagkain.
"Siraulo ka," saad ko kay Stephanie.
Tinawanan niya lang ako at tinuloy ang pag-aalmusal. Umabot kami ng ilang minuto dahil hinintay ko pa si Aksana. Mabagal siyang kumain kapag masarap ang kanyang kinakain, baliktad 'di ba.
Pagkatapos niyang kumain pinatoothbrush ko siya at inayusan. Pig tail ang naisipan kong hairstyle para sa kanya, nakabusangot pa ito dahil ayaw niya. Mukha raw siyang nene eh nene parin naman ito.
"Ikaw maghahatid sa 'kin ngayon, Fria?" tanong niya. Sinakbit niya sa kanyang balikat ang kanyang barbie na backpack.
"Opo. Inom ka muna gamot," inabot ko sa kanya ang gamot pati ang tubig.
Ininom niya kaagad ang gamot at pinakita sa akin na nainom na niya ito. Salbahe rin 'tong si Aksana, eh. Kapag nakatalikod ako niluluwa niya sa basurahan yung gamot niya kasi panget daw yung lasa.
"Tara na," pag-aaya ko sa kanya.
Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Nauna na si Stephanie sa amin. Nilock ko muna ang bahay at naglakad na kami.
Habang nag-lalakad kami walang tigil siya sa pag kwekwento.
"Alam mo Fria kaya hindi ko natapos yung assignment ko kasi naglaro kami ng pogs ni Raven," salita niya habang naglalakad.
Hindi ko alam kung lakad paba ang ginagawa niya. Tumatalon-talon pa ito.
"Alam ko. Sinabi mo na 'yon sa 'kin kanina," saad ko.
Tinignan niya ako at malungkot na ngumiti sa akin. "Kaso natalo ako..." pagkatapos ay napalitan iyon ng masayang ngiti. "Pero! Binigyan niya parin ako, ang bait niya 'di ba."
Para siyang bulate na binudburan ng asin habang kinikwento 'yon. Hinayaan ko na lang siyang magkwento ng kung ano-ano.
Ayoko naman na higpitan siya sa lahat ng bagay. Gusto kong masulit niya ang pagiging bata, hindi na niya magagawa ang gano'n kapag malaki na siya.
"Fria, buhat," nakaangat ang dalawa nitong braso sa akin.
Binuhat ko siya at hinawi ang kanyang buhok. Wala na kasi akong makita.
"Ang laki mo na bakit ka pa nag-papabuhat sa akin," reklamo ko habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang eskwelahan.
"Masakit na paa ko. Ayaw mo na ba sa 'kin?" tanong nito habang nakatingin sa akin.
"Sipain kaya kita d'yan. S'yempre gusto kita, mga pinagtatanong nito," bwisit kong saad.
Inirapan niya lang ako. "Kagatin kita gusto mo?"
"Ihulog kita sa kanal gusto mo?"
"Epal," bulong nito.
Napailing na lang ako at hinayaan siyang dumaldal nang dumaldal.
"Kotse ni Leaving 'yon 'di ba!?" bigla niyang tanong.
"Anong Leaving ka d'yan Kuya Dominic—ano!?"
Nginuso niya ang itim na kotseng papalapit sa amin. Nagiging close na rin ni Aksana si Dominic, hindi na niya ito inaaway. Tumabi kami sa isang tabi at tama nga si Aksana si Dominic nga 'yon.
"Leaving!" masayang sabi ni Aksana.
"Kuya Dominic! Anong Leaving ka d'yan," mariin kong bulong sa kanya.
"Paepal ka talaga," inirapan niya ako at tumingin ulit kay Dominic.
Lumapit kami sa kotse niya. Ano bang ginagawa niya rito?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Nakababa ang bintana ng kanyang kotse. Kaya kitang kita ko siya. Nakasout lang ito ng simpleng gray vneck shirt at black na jeans.
"Pumunta ako sa bahay mo kaso walang tao. May nagsabi sa akin na hinatid mo raw si Aksana," salita nito at binalingan ng tingin ang atribida kong kapatid.
"Ako 'yon!" masaya niyang sabi.
"Pasok ako!" biglang saad ni Aksana.
Nabigla ako sa ginawa nito. Bigla siyang pumasok sa loob ng bintana ng kotse ni Dominic. Muntikan pa akong ma out of balance.
"Aksana!"
"Shit!"
Buti na lang at inalalayan siya ni Dominic hanggang sa makapasok siya sa loob pagkatapos ay naupo sa backseat.
"Hop in," saad ni Dominic sa akin.
Wala akong nagawa kundi pumasok sa passenger seat. Nilingon ko si Aksana kung ayos lang ba siya o hindi.
"Anong shit?" inosenteng tanong ni Aksana.
Matalim kong tinignan ni Dominic. Sarap nitong dukdukin ng kaserola. Napakamot na lang siya kanyang ulo at bumulong.
"I'm sorry."
Nilingon ko si Aksana at ngumiti. "Huwag mo ng pansinin 'yon. Bad words 'yon."
Tumango tango siya. "Ah! Akala ko kasi kagaya 'yon sa sinasabi ng teacher ko 'get a sheet of paper' daw."
Napailing na lang ako.
"Where's her school?"
Tinuro ko ang kabilang kanto. Hindi naman siya mahihirapan dahil nag-kukumpol na ang mga bata na kaparehong uniform ni Aksana.
"D'yan lang," sagot ko.
Tumango siya at pinaandar ang kotse papunta sa eskwelahan ni Aksana. Boses ni Aksana ang nangingibabaw sa loob ng kotse.
Ako ang unang bumaba ng makarating kami sa school ni Aksana. Pinagbuksan ko siya ng pintuan.
"Bye, Fria! Bye, Leaving!" masayang sambit ni Aksana at basta na lang pumasok sa loob ng school.
"T-teka! Wala ka pang... kiss sa. . . 'kin," mahina kong sambit.
Napakamot na lang ako sa aking pisngi. Napakaexcited naman niya ngayon, 'di man lang ako nakahalik sa pisngi niya.
Napalingon ako kay Dominic. Lumabas pala siya akala ko nasa loob parin siya ng kotse.
"Mauna na ako sa 'yo. Bye," tinalikuran ko siya.
Maglalakad na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.
"What?"
"Ihahatid na kita," seryoso nitong sambit at hinila ako papasok sa kanyang kotse.
Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Salamat sa pag hatid," salita ko at tinanggal ang seat belt.
Kumunot ang noo ko ng 'di ko matanggal ang seatbelt, ano bang problema nito!? Nahigit ko ang sarili kong hininga ng bigla siyang dumukwang sa akin.
"Baliktad kasi," bulong nito sa akin.
Hindi ko magawang tumingin sa baba. Nanatili akong tulala sa kanyang mukha na abala sa pag-tanggal ng seatbelt ko.
"Done," kasabay no'n pag-angat ng tingin niya sa akin.
At ngayon. Kitang kita ko na ng malapitan ang makinis nitong mukha, para akong hinihipnotismo. Kailan nga ba ang huling pagtitig ko sa kanyang mukha ng malapitan, sa tingin ko ay 8 years ago pa 'yon.
Bumaba ang tingin niya sa aking labi at automatic ding bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.
"I'm going to kiss you," bigla nitong wika at pabulong 'yon.
"What—"
Hindi ko natapos ang sinabi ko ng hawakan niya ang aking baba at hinalikan. Kusang pumikit ang aking mata at napahawak sa kanyang braso bilang suporta dahil pakiramdam ko ay biglang nanghina ang katawan ko sa ginawa niya. Naramdaman kong mas diniin niya ang kanyang sarili sa akin.
Mahina akong napadaing ng kinagat niya ang ibabang labi ko at naramdaman ang pag-pasok ng kanyang dila sa loob. Mas lalong lumalim ang paghahalikan namin. Nagpapalitan ng init ng katawan.
Napaungol ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay na nagsimulang maglalakbay sa katawan ko. Doon ako nabalik sa aking katinuan, naitulak ko siya palayo sa akin at hinahabol ang sariling hininga.
"S-salamat sa pag-hatid," pagpapasalamat ko ulit at tuluyan ng lumabas sa kanyang kotse.
Binuksan ko ang gate at lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan.
"Wait!"
Nilingon ko si Dominic. May dala itong dalawang malaking supot ng. . .grocery sa magkabilaang kamay. Bakit grocery?
Naglakad siya papunta sa aking pwesto at nilapag sa tabi ang dala nito. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Anong meron d'yan?" tanong ko.
"Pinabili sa akin ni Cattalina. Ibigay ko raw sa'yo," sagot niya.
Huh?
"T-teka—"
"You're welcome," nakangiti niyang saad, pagkatapos ay hinalikan ang pisngi ko.
Hindi kaagad ako nakaiwas kaagad dahil ang bilis ng kanyang galaw. Tinalikuran niya ako at sumakay na sa kanyang kotse.
Bumaba ang tingin ko sa grocery na nilagay niya sa aking gilid. Napabugtong hininga ako at dinala iyon sa loob ng bahay.
Naupo ako sa upuan at napahilamos sa aking mukha. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Mahina ko tinapik ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko.
"Stop," I hissed.
"POUFIASSE Club Agency will temporarily closed, i'm sorry. Hindi ko pa alam kung kailan ko ibabalik ang PCA. I can't tell the reason, it's very confidential," ani ni Mr. Cancon at umalis na.
Para akong natalo sa pustahan ng marinig ko ang sinabi ng may ari ng PCA. Napabugtong hininga ako at tumayo. Buti na lang at nakahabol ako sa kliyente ko.
Yung iba kasi hindi na. Bumaba ang tingin ko sa sampung libo na hawak ko, kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho. Hindi p'wedeng tutunganga lang ako.
Binitbit ko ang bag ko at lumabas na sa building ng PCA. Sa huling pagkakataon ay binalingan ko 'yon ng tingin.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan kung ano oras na. 4:58 am. Nag-serve pa kasi ako sa bar at pagkatapos n'yon pinatawag kami ni Mr. Cancon, pumunta kami sa main hall at doon niya sinabi na magsasara pansamantala ang Poufiasse Club Agency.
Nanatili akong nakatayo sa waiting shed at hinintay kung may dadaan bang jeep o bus. Papikit pikit pa ang mata ko, ngayon lang ako inantok ng ganito. Naupo ako at napapikit.
Napakislot ako ng may malamig na bagay na nadikit sa aking pisngi. Pagkadilat ko si Dominic ang bumungad sa akin. May hawak siyang malamig na mineral water at sa isang kamay ay kape.
"Coffee," binigay niya sa akin ang hawak nitong kape pero tinignan ko lang iyon.
"Salamat pero, sa 'yo na lang 'yan," pag-tanggi ko.
Umiling siya at kinuha ang kamay ko para mahawakan ko ang kape.
"Binili ko talaga yan para sa 'yo," seryoso nitong saad at hinila ang kamay ko papuntang parking lot.
"Saan mo na naman ba ako dadalhin?" asik ko.
Gusto ko ng gilitin ang leeg niya pero parang may pumigil sa akin. Tangina.
"Ihahatid na kita sa bahay mo," salita niya at binuksan ang pintuan sa passenger seat.
Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob. Okay na 'yon, makakatipid naman ako sa pamasahe. Pagkapasok niya sa loob ng kotse pinaandar niya yon kaagad patungo sa bahay.
Ininom ko ang kapeng binigay niya. Para naman mawala ang antok ko kahit papaano. Bumaba ang tingin ko sa aking bag ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Delaihla! Si Rose ito kumusta kana d'yan?"
Mahina akong natawa. Masyado siyang energetic. "Okay lang naman ako, ikaw? Kumusta na si baby mo."
Narinig ko ang hagikhik niya sa kabilang linya. "Maayos lang naman kami. Kinukumusta lang kita, miss na kita, eh."
"Ako rin. Alam mo bang pansamantalang sinarado ni Mr. Cancon yung PCA." pagkwekwento ko sa kanya.
"Hala! Bakit daw."
"Hindi ko alam, eh."
Nagusap pa kami tungkol sa kung ano anong bagay. Hanggang siya na ang nagbaba ng tawag, may gagawin pa raw kasi siya. Wala siya ngayon sa Pilipinas, nasa Canada siya kasama ang kanyang napangasawa.
"Bakit nga pala pinasarado ni Mr. Cancon yung PCA—i'm sorry hindi ko pala dapat 'yon tinata—"
"Lovelife problem. Still chasing his woman in other country that's why he temporarily closed the PCA," pagputol niya sa aking sinabi.
"O-okay," tumatango-tango kong saad.
Sumandal ako sa aking kinauupan at tumingin sa labas ng bintana. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, wala sa sariling sinulyapan ko si Dominic na abala sa pagmamaneho.
Boses ni Stephanie ang pumasok sa aking utak. Iyon naman talaga ang plano ko, ang paibigin siya hanggang sa maging kami. Nagawa ko na iyon dati pero siya ang nanggago. It's payback time. Ako naman.
Sobrang traffic sa Edsa inabutan na kami ng umaga!
Ala sais na ng makarating kami sa bahay. Pagkababa ko sa kotse ni Dominic nakita ko si Aksana na tumatakbo palabas ng bahay. Natigilan lang siya ng makita niya ako.
"Fria, Good morning!"
Ngumiti ako ng tumakbo siya sa akin. Binuhat ko siya at tinadtad ng halik sa buong mukha. Humagikhik lang ito at tuwang tuwa sa ginawa ko. Sarap niya kagatin sa pisngi!
"Hala... bakit nandito si Leaving?" tanong nito sa akin.
Nakadungaw si Dominic sa bintana at pinagmamasdan kami.
"Good morning, Leaving!" pagbati ni Aksana.
Tinanguan niya si Aksana at kumaway. "Hello."
"Baba!" saad ni Aksana.
Binaba ko siya at inayos ang nagulong buhok.
"Fria, malapit na yung foundation day at family day sa school namin. Sabi raw nila kailangan daw nandoon yung nanay at tatay. Kaso wala naman ako n'on. Kaya napagisipan ko na lang na ikaw tapos si Kuya Leaving a-attend," masaya niyang sambit at nilingon si Dominic. "'Di ba Kuya Leaving!"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Anong—hoy! Kami ni Tita Stephanie mo ang a-attend," asik ko sa kanya.
Humalukipkip ito at inirapan ako. "Kinausap ko na si Kuya Leaving. Siya muna ang a-attend hindi si Tita Stephanie!"
Sakto niyon ang paglabas ni Stephanie. Kinayawan niya ako ay ningitian ko lang siya.
"Bye!" biglang sigaw ni Aksana at lakad takbo ito para makalayo sa amin.
"Axe! Hintayin mo ako!" sigaw ni Stephanie at sinundan si Aksana na tumatakbo papunta sa school.
"Aksana! Bumalik... ka rito," napapadyak na lang ko sa inis.
Napakulit ng batang 'yon! Nawala ang antok ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Inis na nilingon si Dominic.
"Sinabi niya 'yon sa 'yo?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango siya sa akin. "Noong nasa reception tayo ng kasal ni Rose, doon niya sinabi sa 'kin."
Napapikit na lang ako dahil doon. Kaya pala dikit siya nang dikit kay Dominic iyon na pala ang dahilan!
Napalingon ako ulit sa kanya ng marinig ko ang pagtawa nito.
"Ayaw mo naman siguro mag tampo sa 'yo si Aksana 'di ba? Pumayag ako sa sinabi niya," natatawa nitong saad.
Inirapan ko siya at tinalikuran. Humalukipkip ako at pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang busina ng kotse ni Dominic.
Urgh! Bwisit talagang batang 'yon.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top