CHAPTER 1

TAKE NOTE: (this is the first installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!)

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

CHAPTER 1

"Aksana!" malakas kong sigaw habang nagwawalis sa harap ng bahay.

Alas-sais na ng umaga at ilang beses na 'kong sigaw nang sigaw dahil papasok na siya sa school nito.

"Fria, lalabas na nga ako, 'di ba?"

Tinabi ko sa gilid ang walis tingting at pinuntahan siya. Nakatayo ito sa bukana ng pintuan at nakabusangot sa akin. Umi-squat ako para magkapantay kami at nilingon si Stephanie na nasa likod ni Aksana. Kaibigan ko.

Hinawakan ko ang balabal sa kanyang ulo at tinanggal 'yon. "Ano ba naman 'to? Tanggalin natin 'yang balabal na nakapandong sa 'yo. Ang ganda kaya ng buhok mo."

Humaba ang nguso nito sa 'kin. "Aasarin na naman nila ako, Fria!" maktol nito. "Palibhasa wala ka sa school."

Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Hindi ba nga ang sabi ko sa 'yo—"

"Huwag silang pansinin at hayaan na lang," pag-putol niya sa aking sinabi, umirap pa ito.

Mahina akong natawa at hinalikan ang kanyang noo. Tuluyan ko nang tinanggal ang nakatakip sa kanyang ulo at doon lumantad ang kanyang mahaba, makapal, at kulot na buhok.

"Tignan mo, ang ganda kaya ng buhok mo," pag-puri ko sa kanya.

Sumimangot siya at niyakap nang mahigpit ang kanyang doll na si Merida. Ang main character sa 'Brave'. Pareho kasi sila ng kulay ng buhok at kung bibihisan ko si Aksana ng damit na kagaya kay Merida pagkakamalan talaga na siya 'yon.

Lalo pang humaba ang kanyang nguso. "Sinabi mo lang 'yan sa akin kasi magkapareho tayo ng kulay ng buhok."

Inangat ko ang aking tingin at tinanguan si Stephanie. Tumawa siya at pinuntahan si Aksana.

"Tara na, Axe. Mala-late kana sa school," wika ni Stephanie.

Dahan-dahang tumango si Aksana at nilingon ako.

"Yakapin mo 'ko, Fria. Para gumaan naman ang pakiramdam ko," pabulong nitong saad.

Lumuhod ako at niyakap siya nang mahigpit. May kinuha akong clip sa bulsa ng short ko at inipit sa kanyang buhok. Hinalikan ko ulit ang noo niya at sinuklay ang kanyang buhok bago bumitaw.

"Bagay sa 'yo ang nabili kong ipit, Axe. Lalo kang gumanda," ani ko sa masayang tono.

Natuwa naman ako at sumilay sa kanyang labi ang ngiti. Grabe, buo na naman ang araw ko.

"Salamat! Huwag kang mag-alala, Fria! Pag-uwi ko may star na ako. Abot hanggang dito." Tinuro niya ang kanyang kamay paakyat sa kanyang braso.

Mahina akong natawa at tumango na lang.

"Sige na, Fria. Ihahatid ko na muna 'tong si Axe nang matulungan kita sa paglilinis ng bahay," pag-papaalam ni Stephanie.

"Okay, mag-iingat kayo." Nakangiti kong wika.

"Bye, ate!" sigaw ni Axe.

Kumaway ako sa kanya hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Pumasok ako sa loob ng bahay at niligpit ang pinagkainan nila. Si Stephanie ang kasama ko simula nang mapunta ako rito sa kanilang baryo. Walong taon na ang nakalilipas at nami-miss ko na rin ang kaibigan ko na si Cattalina.

Hindi ko magawang bisitahin siya dahil kinakain pa rin ako ng konsensya hanggang ngayon. Gusto kong ibaon sa limot pero binabalik-balikan pa rin ako. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung paano ako nahanap ni Dinoques. Ang mama ko kasi may sakit at kailangan ng malaking pera para pampa-opera niya, at doon lang sumulpot si Dinoques. Sinabi niya na mao-operahan si nanay basta papayag ako sa sasabihin niya.

Hindi na kaagad ako nag dalawang isip. Pumayag ako dahil kailangan na talaga ni mama ng pampa-opera at s'yempre gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Ang magiging kapalit sa pagpapa-opera kay nanay ay ang pag-sali ko sa Yroctyis Organization na hawak niya.

Nang tuluyan na akong natuto pinadala ako ni Dinoques sa Paris, France kung saan nag-momodel si Cattalina. Ako ang nag-babantay sa kanyang galaw at doon ko rin siya naging matalik na kaibigan. Noong una ay nahihirapan ako dahil alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoong ako, na hindi ako si Daisy kundi si Delaihla Fria Hatt.

Tinustusan ako ni Dinoques. Lahat ng pangangailangan ko ay galing sa kanya. Ang pera na hawak ko noong kasama ko si Cattalina ay galing kay Dinoques. Nalaman ko na lang din sa kanya na matagal na pa lang patay si mama at hindi man lang niya sinabi sa akin. Ang pera na naipon ko sa bangko ay nawala ng makulong si Dinoques. Kaya nag-simula ako sa una. Back to zero kumbaga.

Si Aksana naman ay nakilala ko lang sa bahay ampunan. Siya kaagad ang nakita ko dahil sa buhok nito, siya lang ang kakaiba sa mga nakakalaro niya. Habang naghahanap ako ng trabaho napadpad ako sa bahay ampunan hanggang sa ayon na nga, nakilala ko siya. Namangha pa ang isang madre dahil may kapareha raw si Aksana.

Pinaampon nila sa akin si Aksana at agad ko 'yong kinuha. Hindi na ako nag-patumpik-tumpik pa. Masaya ako na kasama ko siya. Grade 1 na itp ngayon at pitong taong gulang na. Palaging 'Fria' ang tawag niya sa akin. Tinatawag niya lang ako ng 'ate' kapag malungkot siya o kung ano man ang kanyang nararamdaman.

Half day lang ang pasok ni Aksana at mamayang alas-dose ng tanghali ay nandito na siya, kaya nagluto na ako ng paborito niyang ulam na adobong manok. Si Stephanie naman ay may trabaho rin. Isa siyang sales lady sa mall ng bayan at dito siya nakatira sa bahay ko.

"Dehlaihla! Anong oras ka pupunta rito? Maaga ka makakapunta o mala-late ka?" bungad kaagad ni Rose nang masagot ko ang tawag.

"Hindi ko lang alam, ite-text na lang kita kung paalis na 'ko, at saka mamayang gabi pa naman 'yon. Excited ka naman yata sa magiging kliyente mo," natatawa kong saad.

"Nako! hindi naman. Oh, sige na at maliligo muna ako, bye!" pag-papaalam nito sa akin.

Binaba ko ang tawag at tinuloy ang pagwawalis sa sala. Katrabaho ko siya sa Poufiasse Club. Isa 'yong whore house, alam kong nakakadiri 'yang pakinggan pero wala akong magagawa, 'yon lang ang madaling makakuha ng pera at malaki pa.

Sa panahon ngayon mahirap na kumita ng sampung libo sa isang araw. Masyadong maraming gastusin ngayon. Butas na ang yero sa banyo at kailangan namin 'yong palitan dahil baka masilipan kami.

"Ate. . ."

Nilingon ko si Aksana na humihikbi papalapit sa akin, marumi ang sout nitong uniform. Kumunot ang noo ko dahil doon. Nabitawan ko ang walis na hawak ko at nilapitan siya.

Nilingon ko si Stephanie na tahimik sa likuran ni Aksana. Nginuso niya lang ang bata para sabihin na si Aksana na lang ang tanungin ko.

"Aksana, anong nangyari? Bakit ang dumi ng uniform mo?"

"Iningatan ko siya ate p-pero sinira nila 'yon. . . Huwag kang magagalit sa 'kin kasi pinagtanggol ko sa kanila 'yon. . . Inaway nila ako," humihikbi niyang sabi hanggang sa pumalahaw na ito ng iyak.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at pinakita sa akin. Ang ipit na binigay ko sa kanya ay sira na.

"H-huwag kang magalit, Fria. Promise pinagtanggol ko 'to pero kinuha pa rin nila s-sa 'kin," salita niya sa pagitan ng kanyang pag-hikbi.

Niyakap ko siya nang mahigpit hanggang sa kumalma siya. Pagtingin ko kay Stephanie lumuluha na rin ito. Hindi ko na napigilan na hindi umiyak, sumisikip ang dibdib ko dahil hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng mabuti. Punong-puno ng luha at sipon ang kanyang mukha kaya pinunasan ko 'yon gamit ng dulo ng aking damit.

"Huwag ka ng umiyak." Kinuha ko sa kanya ang sira-sirang ipit. "Papalitan na lang 'to ni Fria," pag-papagaan ko sa kanyang loob.

Umiling siya. "Huwag na, Fria. Pero kung bibilhan mo ulit ako ng bagong ipit dito ko na lang sa loob ng bahay sosoutin."

Tumango ako habang umiiyak. "Shh. . . Huwag ka ng umiyak, nakakasama 'yon sa 'yo, 'di ba?"

Tumango ito sa sinabi ko. "Oo."

"Tama na. Nagluto ako ng paborito mong adobong manok! Tapos pupunta tayo sa bakuran mag-prapractice tayong mag-pana," masaya kong saad.

"Oo," bulong nito sa akin.

Pinunsan ko ang kanyang luha at hinalikan ang kanyang noo.

"Bakit ka umiiyak, Fria. Nasasaktan ka rin ba?" tanong nito sa 'kin. Muling tumulo ang kanyang luha.

"Oo. Nasasaktan ako. . . sobra," umiiyak kong sagot.

"Huwag ka ng umiyak. Kakain na tayo, eh," salita nito pero mukhang naiiyak na rin.

Mahina akong natawa at kinarga siya. Nilingon ko naman si Stephanie. "P'wede bang ikaw muna ang mag-handa ng pagkain? Bibihisan ko muna siya."

Ngumiti siya sa 'kin at tumango. "Sure."

Kinarga ko si Aksana hanggang sa makapunta kami sa loob ng aking kwarto. Maliit lang ang kuwarto ko saktong pang dalawahan lang. Binaba ko siya at pinaupo sa kama. Habang naghahanap ako ng dress na masosout n'ya, bigla siyang nagsalita.

"Nasaan kaya ang mama ko, Fria? At saka, 'yong mama mo rin. Siguro kaparehas kami ng buhok 'no?" masaya niyang tanong sa akin.

Dumampot na lang ako ng kahit anong dress at hinarap siya. Tipid na ngumiti ako sa kanya at hinubad ang kanyang uniform.

"Siguro nga," mahina kong sagot.

Pagkatapos kong isout sa kanya ang damit lumabas na kaagad kami at nagtungo sa hapagkainan.

"Bakit pala hindi ka pumasok sa trabaho mo?" tanong ko kay Stephanie.

"Day off. At saka na-miss ko rin 'tong si Aksana, eh," masaya niyang tugon at pinisil ng mahina ang pisngi ni Aksana.

"I love you, tita," malambing na sambit ni Aksana.

Napangiti ako dahil doon.

"I love you too."

Nilagyan ko ng manok ang kanyang plato at hinayaan siyang kumain ng magana. Habang pinagmamasdan siya ay hindi ko maiwasan na matuwa. Magandang bata si Aksana, para siyang carbon copy ko. Bukod sa maganda pa ay napakatalino rin.

Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng plato dahil magpapahinga raw muna si Stephanie sa kanyang kuwarto. Si Aksana ang nag-pupunas ng nabanlawan kong plato at nilalagay niya sa cabinet.

Nang matapos sa ginagawa ay dumiretso kaagad kami sa bakuran dahil mag-papractice si Aksana kung paano gumamit ng pana. Gusto niya raw gayahin si Merida dahil ang tapang-tapang niya raw. Ginawan ko rin siya ng tatamaan ng palaso at sa tuwing nakakatama siya roon ay tuwang-tuwa siya.

"Nakita mo 'yon?! Ako lang nakakagawa no'n, Fria! Ang galing, 'di ba!" tuwang-tuwa niyang sambit.

Pinagmamasdan ko lang siyang mag-practice sa paggamit ng pana. Kung saan siya masaya sinusuportahan ko siya. Doble ang saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang natutuwa sa mga gusto nitong gawin. Kahit nahihirapan siya sa pag-hatak nagagawa niya pa rin matamaan ang kahoy. Pumalakpak ako ng makatama ulit siya.

"Anong oras ka makakauwi?" tanong ni Stephanie.

Nakasandal siya sa gilid ng pintuan at pinagmamasdan akong ayusan ang aking sarili para sa trabaho ko.

"Siguro mga alas-tres nang madaling araw o baka matagalan din kasi mag-se-serve rin ako sa bar ng PC."

Papasok na ako sa trabaho ko. Usually, tuwing gabi lang talaga ako pumapasok pero p'wede naman umaga kung gusto ko, choice ko naman 'yon. Mas lamang ang pagpasok ko tuwing gabi kesa sa umaga dahil mas gusto ko 'yon. Tuwing alas-dose ng madaling araw ang pasok ko sa PC.

Ang sout ko ngayon ay, white V-neck peplum top at high-waisted maong pants. Pinaresan ko na lang 'yon ng stiletto na itim. Nang lingunin ko si Stephanie ay nakangiti siya sa akin at pinagmasdan ako simula ulo hanggang paa.

"Wow. Ang hot naman," pag-puri niya.

Umirap ako at mahinang natawa. "Bayaran kamo."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Makabayaran naman d'yan wagas. P'wede namang prostitute para medyo sosyal 'di ba?"

"Ganoon pa rin 'yon. Pok—"

"Shh! Tigil na. Nilalait mo na naman sarili mo," pag-putol niya sa 'kin.

"Totoo naman, Stephanie. Ang dami ko ng nakatalik, matanda man o kaedad ko. Para lang sa maintenance ng gamot ni Aksana at sa pangangailangan natin," seryoso kong saad. Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Alam mo, hindi na ako nahihiya na sabihan ako ng gano'n. Bahala sila kung anong sabihin nila sa akin, doon naman sila magaling. Hindi nila inaalam ang dahilan kung bakit ganoon ang trabaho ko at puro panghuhusga ang nasa utak nila," dagdag ko habang inaayos ang mga gamit ko sa isa pang bag.

"Alam kong may dahilan ang iba kung bakit sila nag-pro-prostitute," malungkot na wika ni Stephanie.

Nilingon ko si Aksana na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko ang kanyang noo bago lapitan si Stephanie.

"Bantayan mo siya. Aalis na 'ko," mahina kong sambit para hindi marinig ni Aksana.

Tinanguan niya ako at pumasok sa loob ng aking kwarto. Lumabas na ako at pumunta na sa 'king pinagtratrabahuan.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Nako, Fria! Nandoon na sa room 345 ang client mo! Dalawa yata sila, at mukhang yayamanin! Jackpot ka!" masayang wika ni Rose.

Tipid lang akong ngumiti sa kanya at pinatong ang bag sa lamesa. Nilabas ko ang sosoutin kong maroon floral lace lingerie garter with choker. Pumasok ako sa isang room kung saan doon kami magpapalit ng damit. May naabutan akong mga kababaihan na hubo't hubad pero binalewala ko 'yon, normal na 'yon para sa amin.

Nagsimula akong mag bihis at sinout ang choker sa aking leeg. Lumabas na ako at nagtungo sa room 345. Meron kaming tag at doon nakalagay ang name namin.

I-iscan lang namin ang tag na 'yon sa scanner at automatic na magbubukas 'yon. Bawat kwarto may naka-assign na name. Hindi mabubuksan ang kwarto kung hindi pangalan mo ang nakalagay sa screen tapos ibang nakapangalan sa scanner mo.

Pagkabukas ko sa pintuan naabutan ko ang dalawang lalake na nag-ce-cellphone. Sabay silang humarap sa akin na may bahid na pagnanasa ang kanilang pagtitig.

"It looks like you got a good one. She's a redhead," rinig kong bulong ng lalakeng medyo masculado ang katawan sa kasama nito.

"How much?" tanong ng lalakeng matangkad.

"10k," mabilis kong sagot.

Tumango siya at mahinang natawa. "Wala na bang maitataas 'yan?"

Umiling ako habang tinitignan sila. Natigilan lang din nang maisip na gusto pa yatang dagdagan kung magkano ang dapat nilang ibayad sa akin.

Tumikhim ako bago mag-salita. "Depende sa performance niyo," confident kong sagot.

"Come here, little kitty. Let's make this night both pleasurable and unforgettable," Nakakaakit nitong tugon. Dinig ko pa ang mahinang tawa nilang dalawa.

Ngumiti ako at naglakad papunta sa kanila. Hinayaan ko lang kung anong gustong gawin nila sa akin. Sinunod ko ang gusto nilang ipagawa; para kay Aksana 'tong ginagawa ko. Pinuno namin ng ungol ang buong kwarto magdamag hanggang sa magsawa kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top