Mahal Kita
A/N:
Another tagalog Imagine but I'll try to make an English version.
Warning!
-Strong Language
-Steamy
📷: credits to the owners of the picture.
Name: Bryan
-_-_-
Y/N's POV
"Ano? Di ka sasagot?!"
"Ma-"
"Sumasagot ka pa talaga ha! Pumasok ka sa kwarto mo! Wala ka nang binigay kundi puro sakit sa ulo! Jusko naman, Y/N! Umayos ayos ka naman, ka babae mong tao basagulero ka!" Sigaw ng mama mo, "Simula talaga nung nakilala mo ang Bryan na yan-"
"Ma!" Sigaw mo, "Wag na wag mong idadamay si Bryan dito dahil una sa lahat, siya ang nag silbing pamilya ko nung busy kayo ni Papa isigaw lahat lahat ng hindi nyo nagustuhan sa isa't isa! Ni isa nga sainyo walang nagtanong sakin kung okay lang ba ako?"
"Aba, p*ta! Ako tigil tigilan mo ako sa kadramahan mo, Y/N. Mag ayos ayos ka na kung ayaw mong palayasin kitang g*go ka!" Pag sampal ng mama mo sayo at timing lang na bumukas ang pinto at pumasok ang Papa mo.
"Ano na naman toh?" Stressed nyang tanong at hinubad ang kanyang sapatos, halatang pagod.
"Ayan! Pinatawag ako ng eskwelahan kanina kase nahuli yan na nag-cutting kasama nanaman yung Bryan." Sagot ng mama mo.
"Yang Bryan ba ay jowa mo?" Yung tibok ng puso mo bumilis at hindi mo alam ang yong sasabihin. Kinagat mo ang dila mo para gisingin ang sarili sa katotohanan.
"Hindi po," sagot mo.
"Hindi yan yung punto! Yang anak mo basagulero! Aba, kanino pa ba mag mamana." Bigla kang nanginig sa galit, simula nanaman ba?
"Ano? Basagulero ako? Ako na nga nag tatrabaho!" Sigaw ng Papa mo.
"Wow, so ano? Pinagmamalaki mo? Try mo ipag-malaki yan sa harap ng inutangan mo, g*go ka. Ano kakainin natin ngayon?" Tumalikod ka nalang.
"Yang bibig mo, onti na lang masusuntok ko na yan pag di ka pa tumigil." Pag banta ng Papa mo, kaya pumasok ka na lang sa kwarto mo at sinirado ang pinto.
Kinuha mo ang cellphone mo at pumunta sa isang contact, nag type ng 'sunduin mo ako, magkaka world war 207 na dito.' at nag hit send.
Biglang nag reply, 'Huh? Pang 207 naba? 203 pa lang kahapon ah.' kumunot ang yong nuo at nag type.
'Monggoloid, sunduin mo na lang kaya ako?' at nag send. Hinubad mo ang uniform mo at nag palit. Nag maong ka na shorts, at wala nang t-shirt dahil diretso na sa jacket. Nag retouch ka ng makeup, red lipstick at cheek tint. Nag lagay ka na rin ng eyeliner. Nag cologne kana din at humilata sa kama at nag antay.
May kumatok sa bintana mo at napatayo ka bigla, binuksan mo iyon dahil diretso iyon papuntang hagdanan. Di naman kase ganun ka ganda yung apartment building na tinitirhan namin. Yung view ng bintana ko ay hagdan ng fire exit na kung minsan may mga lasing pa na kung ano-ano ginagawa. Pag bukas ko ay nakita ko siya, sobrang lapit ng mukha namin.
"Uy g*go!" Gulat nyang sabi at napa atras, "Muntik na kita masapak, adik!"
"Wow, adik? Baka ako yon?" Sarkastiko mong sagot at kinuha mo ang skateboard mo dahil nakita mo bitbit niya din yung kanya at lumabas na sa bintana.
"Isang beses lang ginawa, adik na agad? Baka yung ex mo?" Tiningnan mo siya ng masama at napa atras siya, "Sorry na."
"Ako, Bryan, tigilan mo ako, pinatawag na naman nanay ko dahil jan sa kalibugan mo." Sabi mo at sabay kayong bumaba sa hagdan na paikot.
"Kasalanan ko ba nakalimutan kong mag dala ng protection? Ayaw ko pa maging tatay noh? Tsaka gaano ba kalayo locker ko sa janitor's closet?" Nung nakarating na kayo sa pinaka-baba dahil fifth floor lang naman kayo, lumabas na kayo sa kalsada at binaba ang mga skateboard niyo. "Tara sa amin?"
Tumango ka lang at nag skateboard na kayo papunta sa kanila. Hindi naman masyadong malayo yung condominium nila, mas maganda yun. Mayaman kase siya, malawak din yung parking area at may basketball court, pool, at gym pa.
"Oh," sabi nya at inabutan kang isang tumbler ng tubig.
"Ano toh?" Tanong mo at umupo kayo sa gilid ng basketball court, sa may bench kase wala namang tao.
"Alak, umuwi si Kuya galing university kaya tinago ko jan." Di ka na nag hesitate at ininom yon. Alak nga. Eighteen ka pa lang pero di naman illegal kung di nila alam.
"Hay..." sabi mo at inenjoy ang lamig ng hangin at yung sunset sa harap mo. Kinuha ni Bryan ang alak at uminom na din.
"Pano kaya..." tumingin ka sa kanya at tiningnan ka din nya, nag tagpo ang mga mata niyo. "Pano kaya pag maging tayo?"
"H-Ha?" Kabado mong tanong. Nakilala mo si Bryan nung grade 6 kayo at hindi na kayo mapag hiwalay simula non, at onting onti na develop yon sa crush hanggang sa tuluyan ka nang nahulog sa best friend mo.
"Hakdog! Wala, kalimutan mo na." Sabi nya at uminom ng alak, inigaw mo toh sakanya. "Oy-"
Tiningnan mo siya ng masama at ininom ang alak, di ka pa tapos ay hinablot nanaman eto sa kamay mo. "Ah! Ano? Uhaw na uhaw ka siszt?"
Kala mo iinum din siya pero hinawakan nya ang likod ng ulo mo at nilapit sa kanya, bigla ka nyang hinalikan. Hindi mo alam ang gagawin pero nag let go kana rin. Hinawakan mo ang leeg nya at hinalikan siya balik, tas tinulak siya. Una ayaw ka pa niyang pakawalan pero siya din mismo umatras pero kinagat nya ang lower lip mo habang hinatak nya sarili nya pa atras.
"Ano yon?" Tanong mo sabay hawak sa bibig mo.
"Halik." Sagot nya at tumaas ang gilid ng bibig nya.
"Bakit mo ako hinalikan?!" Tanong mo, nag papanic na nang onti.
"Kase gusto kita," napa-smirk pa siya, biglang bumilis ang tibok ng puso mo. "Alam kong gusto mo rin ako, kaya wag ka mag sinungaling sa harap ko. Pero sasabihin ko sayo, hindi kita ginusto kase nagka gusto ka sakin. For your information, nauna ako magka gusto sayo."
"Okay..." sagot mo lang dahil hindi mo rin alam ang sasabihin.
"Anong okay? Akin kana, hoy! Wala nang iba, ako na lang. Sisirain ko lahat nang lalake sayo." Natahimik kayo dalawa at napa ngiti ka na lang. Sinandal mo ang ulo mo sa balikat niya, nagulat siya pero yung kamay nya napunta sa likod mo at niyakap ka. Doon na bumuhos lahat.
"Salamat kase anjan ka lagi," pag iyak mo, "First time kong sasabihin toh pero matagal ko nang nararamdaman, mahal kita, Bry."
Hinalikan niya ang noo mo at napatawa, "Hays, mahal din kita. Sobra sobra, di mo lang alam. Sorry kung natagalan ako, natakot kase ako baka masira eto kung ano man meron tayo. Nag hanap ako ng release sa ibang babae makalimutan ka lang pero ngayon, ready na ako. Handa na ako. Kaya mahal kita ng sobra, sana alam mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top