Hate Comments
A/N:
Warning!
-Strong language
-Dirty scenes (but not so much.)
Now, this one is a Tagalog imagine. I'm pure Filipino, so this is an imagine where my fellow filipino readers can relate.
📸credits to the owner of the picture
Name: Kiyoshi 淳 Haruto
-_-_-
Y/N's POV
Kiyoshi Haruto, pure Japanese but stayed in Philippines since he was four so he's fluent in Tagalog and English. He is also notorious in Philippines for being a rich brat. Kahit gaano pa ka laki ang gulo ginawa nya, natatakas sya ng pera ng magulang nya. Forty percent ng mga buildings sa Makati and each and every building they own is successful. Taga pag mana sya ng lahat ng yun pero lagi syang nasa news dahil sa mga illegal hobbies nya.
Tulad ng drag racing, owning casinos that does illegal bets and deals. Illegal transactions of weapons. Masasabi mong Gangster sya ng Makati. But his fans like to call him, Pambansang Ulzzang.
Syempre sobrang pogi nya, ang cold nya pa. Sobrang dami gumagawa ng Wattpad stories tungkol sa kanya at yung fans nya worldwide.
Pero ever since nakilala nya ang isang babae, manager sa isang cafe sa Makati. Naging iba na sya. Behaved. That girl tamed the notorious Kiyoshi Haruto with love. He fell in love with her at very first sight. Sobrang ganda nya, pero gusto nya ng simpleng buhay kaya ilang beses nya ito nireject si Kiyoshi. Hanggang sa sinagot nya na din.
And that girl is you. Ang babaeng nagmamayari ky Kiyoshi Haruto, ang rason kung bakit na baliwala na ang ibang babae. Ikaw.
Lahat na nasa ky Kiyoshi. Pogi, mayaman, loyal, at mahal ka. Kaya syempre hindi na yon surprise na may naiingit sayo, mga bashers mo.
'Kay pogi pogi naman kase ni Yoshi, kaso yung jowa nya mukhang yaya😂'
'I stalked his girlfriend and myghad this boy has low standards.'
'Panget ni Y/N! Bwiset😂'
'Andami mong fans na famous at magaganda pero like wth anyare sa standards mo?'
' @Y/N Baboy ka amp!'
'Bakit ang panget po ng gf nyo?'
Naluha ka nalng habang binabasa mo lahat ng comment sa bagong post ng boyfriend mo sa IG nya. Alam mong magagalit ang boyfriend mo pag nalaman nya, pero di mo mapigilan.
Bigla kang naka recieve ng message notification from unknown number, at binuksan mo ito.
: Hoy, ikaw! Ang panget-panget mo! Di ka bagay kay Yoshi! Mukha ka lng yaya sa tabi nya, walang may gusto sayo. Ayaw sayo ng mga fans nya, bakit mo pa pinag siksikan sarili mo? Social climber ka, fake, gusto mo lng sumikat eh. Siguro nag sasawa nadin si Yoshi sayo, kung mahal mo talaga sya hayaan mo sya maging masaya. Mas bagay sya sa ibang fans nya na sikat at magaganda, yun yung deserve nya. Hindi ka nya deserve like ang panget mo, mas deserve nya better. You also don't deserve him, masyado syang perfect for you. Kung ako sayo breakan mo na sya, para di mo na saktan sarili mo at si Yoshi. Let him be free, let him be happy. :
Umiyak ka ng malakas sa sobrang sakit, hindi mo na gets king bakit ang sama nila sayo. Bigla mong narinig ang shower namatay at lumabas na si Yoshi na bagong ligo at naka tuwalya. Nagtago ka sa ilalim ng kumot at pinunasan ang mga luha mo. Nasa condo ka ni Yoshi ngayon, kaka galing mo lang sa work mo kaso mas malapit yung unit nya kesa sa apartment mo.
"Y/N?" Nag hum ka in response, "Gusto mo ba ang trabaho mo?"
"Huh?" Lumabas ka sa kumot at tumingin sa kanya. Kinakabahan.
"I mean, nakakapagod kase yan. Ayaw mo ba maging model? May connection ako, mas madali-"
"Ayaw ko." Ikinakahiya nya na ba ako? Naramdaman mo ang galit at sakit.
"Bakit? Mas madali pa yon tsaka stressful na kase ng trabaho mo ang dami nyo nang costumer lately kase nga nakikilala kana." Sabi nya ng mahimbing. Sayo lng talaga sya mahimbing, ikaw lang nakakakita ng ganyan nyang side. Nag suot sya ng boxers at short at tumabi na sayo.
"Ikinakahiya mo na ba ako? Ah tama, ikaw nga pala ang sikat na Kiyoshi Haruto, nakakahiya naman yun pag manager lang sa isang cafe ang girlfriend mo. Mantsya sa reputasyon mo noh?" Natulala lang sya sa sinabi mo, tumayo ka at hinanap ang sapatos mo. "Alis na ako."
"What? Pinagsasabi mo ba?" Napa bangon sya at nagulat.
"Sinasabi ko lang naman, kung ikinakahiya mo ako sabihin mo na. Nakakapagod din naman mag basa ng hate comments kada post ko ng picture, gusto na nila ata akong patayin. Kaya tulungan na natin ang sarili natin at mag hiwalay na." Napa nga-nga sya at napalitan ito ng galit. Tumayo sya at napa atras ka.
6"3 sya tapos nakakatakot pa magalit, lalo't na minsan lang talaga magalit toh. "Nag babasa ka ng comment? Diba sinabi ko na sayo wag mo na gawin yon?"
"Ako ang sinasabihan nila! Bakit hindi ko babasahin! Buhay ko toh, pabayaan mo ako." Tumaas na ngayon ang boses mo.
"Dahil ang pag babasa ng comment is what brings you down. Eh ano naman kung yun ang tingin nila? Nag mamahalan tayo, pake ba nila? Sabihan ko ng mahirap ang pulubi, did it make him a better person? Naging mahirap pa ba sya lalo? Yes! Words cut deeper than knives pero nasa sayo na yon kung papayagan mong saktan ka nila. Either bleed to death or lift up your chin like nothing happened." You hated the fact na tama sya and nagalit ka.
"Mag break na tayo, pagod na ako." Nag mumble ka, kase hindi ka sure kung paparinig mo ba talaga sakanya.
"Break mo mukha mo! Lumaban ka nga. Umayos ka, Y/N. Alam ko sa una pa lang na malakas ka. Kaya lumaban ka," napa tahimik ka lng, "Halikan kita dyan eh."
Napa tahimik ka at pinigilan mo ang ngiti mo dulot ng kilig. Di mo kinaya, naalala mo tuloy kung bakit mo sya minahal.
"You think you can just run that pretty mouth of yours whenever you want?" Dagdag nya, "Subukan mo ulit taasan boses mo sakin, bibigyan talaga kita ng rason para sumigaw."
Lumapit sya sayo at hinawakan ang yong mukha at hinalikan ka. Nag travel down sa waist mo ang kamay nya at niyakap ka ng mahigpit habang hinahalikan ka nya.
"Ayaw ko na nagsisigawan tayo, umayos ka." sabay kotong pero hininaan nya lang, "Wag ka na mag basa ng hate comments, subukan mo lang talaga."
"Opo~" sagot mo at napa tawa ka na lang, "I love you."
"Mas mahal kita." Hinalikan nya ang noo mo, "Kaya basahin mo ito."
Nilabas nya ang cellphone nya at binasa mo ang mga comments na naka sulat.
'Bagay po kayo~'
'Natural filipina beauty kase yan! Mga ignorante! Mang babash na nga lang kayo, kalahi nyo pa! Ang ganda kaya ni Y/N. Palibhasa, kulang kayo sa aruga.'
'Ready na ako mang away kung sino man ang mang babash ky Y/N.'
'Ang ganda ni Y/N, swerte ni Yoshi!'
'Bwiset kayo! Kung hindi dahil kay Y/N d bumait si Yoshi. Nag mamahalan sila, mga ugok.'
'Lah. Kala nyo naman may pake si Y/N sainyo. Sayang lang oras nyo kaka bash, mabasag sana cellphone nyo.'
'I may not know them well but I don't get why they are calling his girlfriend ugly when she is just so beautiful. With or without makeup.'
'D ko gets bakit ang dami nyang bashers. Ang ganda nya naman ah, wala pa nga makeup. At tsaka pinili sya ni Yoshi, siguro dahil mabait sya, siguro dahil matalino sya, siguro dahil nasakanya na lahat. D natin alam, pero dapat respetuhin na lng natin sila.'
Napa luha ka na lng at ngayon ay dahil sa sobrang saya, tiningnan mo si Yoshi. "Mahal na mahal kita."
At hinalikan mo sya. "Mm! Mas mahal kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top