Epilogue
Elishua's
PINANOOD ko si Dad habang naglalagay siya ng alak sa ibabaw ng apat na puntod sa harapan niya. He stood there looking at his brothers as if he was seeing them standing in front of him – just like the old days.
Sadly, he's the only one around nowadays. Kumpleto pa rin naman ang mga Titas namin and Dad still takes care of them. He loves them with all his heart at alam kong ganoon rin ang mga Titas sa kanya. He's always checking on them, tuloy – tuloy pa rin ang Thursday family dinner. Sinasabi nga niya na nabawasan ang pamilya namin, pero lumalaki pa rin ito dahil sa mga apong dumarating sa buhay niya.
The first one to go is Uncle Ido. It was sudden. Inatake siya sa puso habang natutulog. Seven years later, Dad passed away. Nagkaroon ng bone cancer si Dad at iyon na yata ang pinamabilis at pinakamahirap na dalawang buwan ng buhay ng pamilya ko – namin. Na-detect ang cancer ni Dad ng nasa stage four na ito. Wala nang magagawa kundi ang maghintay. Naalala ko noong araw na tinapat kami ng doctor, Mom cried silently telling us, telling dad that life is so unfair, but my father stood by Mommy and told her that everything will be okay, that they will get through this, he will survive, but of course, he didn't.
Another five years went by before we were shocked by the news that Uncle Axel John died. What happened to him was unfortunate. It was a sunny day, and he was out on a grocery run with Annie. They were in a parking lot and were about to go back to their car. Pinauna niya si Annie sa kadahilanang nakalimutan niyang ibili ng pasalubong si Tita Bernice, and on his way back, he saw a little kid in the middle of a parking lot. The kid was about to be hit by the approaching car, so Uncle Axel pushed the kid away. Siya ang nasagasaan. Dinala naman siya agad sa ospital. The doctors tried everything to save him. He was in a coma. Nagkaroon ng matinding head injury si Uncle kaya hindi na rin kinaya. They had to pull the plug on him, and I remember how Tita Bernice cried after she did that.
Uncle Axel died a hero.
Walang hangganang pasasalamat ng pamilya ng batang iniligtas niya ang nakarating kay Tita Bernice. She never blamed the family instead she embraced them with love. Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ng batang iyon ang pamilya ni Uncle Axel and just two years ago, inimbita nila sila Tita Bernice kasi nakagraduate na iyong bata ng senior high school.
Tita Bernice established a foundation on behalf of Uncle Axel. Ang layunin noon ay ang matulungan ang mga batang walang kakayahang mag – aral o ang mga batang kalyeng naliligaw ng landas. Ang head ng foundation na iyon ay si Leina.
I heard dad sigh. Ang pinakahuling nilagyan niya ng alak ay si Uncle Azul. Uncle Azul died just six months ago. Napakasakit pa rin ng pangyayaring iyon para sa lahat, pero sab inga ni Tita Leira, kung sa aming lahat masakit, kung sa pamilya niya ay doble ang sakit, triple ang sakit na nararamdaman ni Dad dahil siya na lang mag – isa.
"Kumusta mga, Putang ina? Nagpaparty ba kayo riyan? Ang daya ninyo. Iniwanan ninyo ako rito." Napabuntong – hininga na rin ako. Ang hirap marinig mula kay dad ng mga salitang iyon.
"Ido, Amihan finally came home. Dapat nakita mong lumalakad ang apo mo papasok ng round – table room. Siguro nagmumura ka sa sobrang tuwa noon. Siguro napakasaya mo kasi parang si Amarah na rin ang umuwi sa atin. H'wag kang mag – alala, Ido, aalagaan ko ang apo mo. Gagawin ko ang lahat para mapalapit siya sa mga pinsan at sa mga tiyahin niya. Maayos si Gina, Ido. Kababalik niya lang galing ng Thailand kasama ang bunso mo at ang mga apo mo. Aswell is taking care of her so well, you should be proud of her." Ininom ni Dad ang alak sa basong inilagay niya sa ibabaw ng puntod ni Uncle Ido."
"Eli, mag-hi ka sa Dad mo." Agad naman akong lumapit kay Dad para gawin ang sinasabi niya.
"Hello, Dad. Kumusta ka? Okay kami nila Mommy. Malalaki na po ang mga bata."
"KD, you should be proud of the man, Eli has become. Silang tatlo ni Solomon, mayayamot ka siguro pero kamukha mo lang sila, pero ugali nila ay iyong kay Yella. H'wag kang iyakin diyan. Tang ina mo, yari ka kay Ido."
Dad signaled me to drink the alcohol he poured in Dad's glass. Pagkatapos noon ay saka siya bumaling sa puntod ni Uncle Axel.
"Ernesto, alam na ng panganay mong apo ang buhay na mayroon tayo. I'm sorry, I promised you that they won't be tainted. But it happened. I will do everything to make sure our family's safety. Reese is doing a great job being a leader. Kaya lang, iyong kuwintas na dapat sana ay siya ang may suot, na kay Amihan. Si Ido naman kasi, mag – iiwan lang ng souvenir sa apo niya, iyon pa. I know Ido wants to leave something behind to his granddaughter, but Amihan is too young, and she is inexperienced. Hindi siya pwedeng tumayo sa harap ng mga taong kasosyo sa negosyo. She doesn't know what to do and I'm sure she has no interest in this. So, what do you want me to do?"
Matapos sabihin iyon ay ininom niya rin ang alak sa puntod ni Uncle Axel. Nakangisi pa siya habang tinatapik – tapik ang ibabaw niyon saka siya humarap kay Uncle Simoun.
That was when I lost it too.
Dad sobbed – hard when he turned to Uncle Simoun. Alam kong sariwa pa. Alam kong masakit pa. Inaasahan kong ganito ang mangyayari pero hindi ko rin pala kaya.
"Kuya..." He sobbed. His shoulders were shaking so hard. "Sabi mo hindi mo pa ako iiwan? Sabi mo iyon pero iniwanan mo na ako. Napakadaya mo, Simoun. Anong gagawin ko ngayon?"
Noon ako lumapit kay Dad para aluin siya. Hinayaan ko lang naman siyang umiyak. Hindi nagtagal ay napapailing na siya.
"Dad?" Nagtatakang tanong ko.
"For a man who fought hard and dirty for his happiness, nakalimutan ko na iyong pakiramdam ng nawalan – ng mag – isa."
"Dad, hindi ka mag – isa. Nandito ako, narito kaming lahat para sa'yo."
Dad just looked at me with a smile on his face. Tinapik – tapik niya ang balikat ko.
"Thanks, Eli. I'm glad you're here. Ikaw talaga ang paborito ko."
Gusto ko sanang dugtungan iyon ng paboritong takutin pero hindi na lang kasi baka mamaya magkita na naman kami ng iniiwasan kong liwanag.
"Dad! Lolo!" Alonso entered the mausoleum. Kasunod niya ang kapatid niyang si Alaina at Alistair. Lima ang anak namin ni Belle, iyong dalawa, sina Alliyah at Alishua Gertude ay naiwan sa bahay dahil magbe-bake sila ng cookies para sa school activity sa Monday.
"Uwi na po tayo." Alonso is seventeen now. Kamukhang – kamukha siya ng Lolo Judas niya – pati iyong hilatsa ng ngisi hindi naiwan.
"Dad si Kuya binato kami ng leaves ni Alistair."
"Hindi kaya!" Tumawa ang panganay ko. Yumakap sa akin si Alaina, si Alonso naman ang umalalay na sa Lolo niya. Si Alistair ay humawak rin kay Dad.
"Lo, anong sabi ng mga lolo?" Tanong ni Alonso.
"The usual."
"Sinabi po ba ni Lolo Ido na hot siya?" Tanong ni Alaina.
"Apo, mainit naman talaga sa impyerno kaya hot talaga ang lolo mo."
"Hoy! Dad!" Hindi ko napigilan ang pagtawa. Judas Escalona grinned and looked back at the mausoleum once again.
"Alis na ako. Ingat kayo riyan." Sabi pa niya habang humahakbang paalis. I smiled at him.
I just wished they could've stayed a little bit longer...
How I wish...
xx MCJR.3RD xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top