Challenge # 17

Julio's

"BANG! Tig – isang bala ang sila ng nanay mo."

Naikuyom ko ang mga palad ko habang nakikinig sa litanya ni Carlitos Monteclaro. Lahat naman ng sinabi ay totoo. Hindi man kinumpirma ng mga pulis ang kinalaman niya sa pagkamatay ng ga magulang ko, ay alam ko naman ang totoo. My father had pissed him off, big time. Doon lang naman pupunta ang bagay na iyon. Talagang mamamatay siya dahil sa dami ng kasalanang ginawa niya. Matagal ko nang tinanggap iyon.

Siyempre, nasaktan ako nang mawala sila ni Mama. Nasaktan akong malaman kung paano sila kinuha sa akin pero dahil ayoko sa buhay na mayroon kami ay wala akong balak maghiganti. I just wanted to be free. Sa pag – iisip kong ganoon ay naiwanan ko si James. Dapat talaga noong una palang ay isinaa ko na siya para hindi na siya nabahiran ng taong ito but I am about to change that.

"Hindi ka ba natatakot? Nagpunta ka pa talaga sa bar ko para ipakita ang mukha mo. Are you gonna bargain now? Ang gusto ko lang naman ay makuha ang pareng kinuha ng tatay mo. It's been fourteen years. Malaki na ang tubo noon kaya babawiin ko na, kasama nga lang ang buhay ninyong magkapatid at ng babaeng iyan."

"H'wag mong idamay ang kasama ko." My heart skipped a beat when I heard him acknowledging NJ behind me. Hindi ko hahayaang masaktan siya. Napabayaan ko na noon si Carlotta. Namatay siya nang dahil sa pamilya ko. I am now given a chance to fight for my happiness, the life I want and for my freedom. Hindi ko hahayaang mawala si NJ sa akin. It might be early to say but NJ makes my heart happy. She makes me want to be happy and I think that I can only be happy if she's with me.

"H'wag kang mag – alala. Kilala ko naman siya. Anak siya ni Reese Apelyido. How's party life, Hija? I am surprised that you're friends with Dominique Gaita pero hindi ka niya na-impluwensyahang gumamit ng drugs – shabu. Iyon ang tinitira ng kaibigan mo. I wanted her to convince you to try drugs – ecstasy, cocaine, opium, name it, I have it. And I told her to make you try it."

"I was never interested in it." Wika pa ni NJ sa likuran ko.

"Too bad. Mababaliw siguro ang nanay mo kapag nakita niyang hayok na hayok ka na sa droga. What an irony, Rese Apelyido, drug lord, may anak na drug addict."

"Jun." Tinawag niya ang isa pang lalaki. Inabutan siya nito ng baril. Napasigaw si NJ. Napalingon ako. Nakita kong hinawakan siya ng kung sino para ilayo sa akin pero bago pa ako nakahuma ay may humawak sa akin. Pinaglayo kami. Si NJ ay nasa kanan, ako naman sa kaliwa.

"Ang gandang bata. Sariwa pa. Dalhin sa VIP room. Ako muna ha? Tapos pagpyestahan ninyo mga bata." Sinabayan niya iyon ng pagtawak. Hindi na ako nakapagpigil. Sinipa ko sa bayag ang may hawak sa akin at saka tinakbo si Monteclaro para sapakin sa mukha. Nakatama naman ako pero agad akong nahuli ng mga tauhan niya but this time, I fought hard.

Nang lumingon ako ay nakabulagta na ang may hawak kasy NJ. She was in her fighting mode too. It's obvious that the woman knows how to fight, hindi rin siya papahuli ng buhay.

Kaya lang alam kong mapapagod kami kasi marami sila but then, suddenly, we heard a gunshot. Napalingon kaming lahat, tumigil kaming lahat – kahit na mismong si Monteclaro ay tumigil at nilingon ang pinanggalingan ng putok ng baril.

It was, of course, NJ's mother. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ang kapal ng mukha mo, Monteclaro. Baka nakakalimutan mo kung paano ka napunta sa lugar na kinatatayuan mo ngayon."

"Hindi ko nakakalimutan, Apelyido. Pero patay na si King David. Siya ang naglagay sa akin dito. Wala na siya. Kanino ako dapat tumanaw ng utang na loob? Sa'yo? Ikaw na baguhan lang din naman at walang alam? Ikaw na binago ang nakasanayan ng lahat? Ikaw na kumakalas sa mga koneksyon ng pamilya mo? Ikaw mismo ang dahilan kung bakit ang mga dating kaalyansa ni David ay umaalis na."

"Hindi ko kasalanan kung hanggang sa huli gustong maging maitim ng budhi ng mga taong iyon. Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo matanda ka kasi putang ina mo, ang kapal ng mukha mong pag-isipan na pwede mong hawakan ang anak ko."

"Puro ka dada!" Sabi ni Monteclaro. "Sabagay, ito na ang huling araw mo sa mundo. Tang ina. Hindi pala muna kita papatayin. Ipapanood ko sa'yo kung paano ko pagsasamantalahan ang anak mo!"

"Demonyo ka!" Iyon lamang at nagpaputok nang sunod- sunod ni Gabrielle Reese Demitri. Ako naman ay agad na dinaluhan si NJ upang itago siya sa likod ng bar kung saan, sana siya magiging safe.

"Dito ka lang." Nanginginig ang boses niyang hinawakan ang kamay ko. I smiled at her and touched the side of her face. "Please, dito ka lang. Natatakot ako. Akala ko kaya ko. Akala ko excitement lang ang kailangan ko. Natatakot ako." Pinahid ko ang luha ni NJ.

"I will be back, NJ. I will make sure you are safe." She shook her head.

"Paano kung mapahamak ka? Ang dami – dami nila."

"Hindi no! I will be back, kasi diba magde-date pa tayo pagkatapos nito?" Parang nakalimutan niya ang nangyayari at napatitig siya sa akin.

"Date?"

"Yes. I will date you in a more peaceful environment. I will make sure you have a good time and after the date is finished, I will kiss you again, and again until your sweetness is embedded in my mouth." Sinabayan ko iyon ng pagkindat at saka ako umalis.

Bumalik ako sa gitna ng dance floor na dala ang baril na napulot ko mula sa isa sa mga tauhan ni Monteclaro. Sa dami ng tauhan ni Monteclaro, lahat iyon ay napatumba ni Reese Demitri. Hindi nagtagal, mula sa itaas ng bar ay tumalon si Adonis Emilio na may dala ring dalawang kalibre 45, na nakatutok sa ari ni Monteclaro. Pinaputukan rin siya – tumama.

"Ang swerte mo namang, putang ina ka! Ang hottest man pa ang nakabaril sa'yo!" Wika ni Adonis Emilio.

In a matter of seconds, nakaluhod na si Monteclaro sa gitna ng dancefloor, umiiyak at umaaray sa sakit.

Reese Apelyido – Demitri walked towards him. Hinawakan niya ito sa buhok at saka hinatak iyon para nakatingala ito sa kanya.

"Siguro nga tama ka, Carlitos, baguhan ako. Binago ko ang lahat ng nakasanayan. Siguro nga maraming galit sa akin dahil ako mismo ang tumatapos ng partnership na kay tagal pinanghawakan ng pamilya ko at ng kung sinoman. Tama ka, but one thing remains the same. We maybe slowly stir things to the legal side, but my family is and will always be known for being us. The mere mention of our names would still send a shiver down to anyone's spine. You maybe be a demon, yes, you may have killed the kid's family, or any other people, but you can never be a match to him."

Habang nagaganap ang lahat ng ito ay nakatayo ako malapit kay Adonis Emilio. Nang makita niyang lalapit ako kay Monteclaro ay pinigilan niya pa ako.

Slow footsteps were heard around. Para bang slow motion ang paglalakad ng kung sinoman iyon. I looked around and finally, I saw Judas Escalona, walking with his swordlike cane. Sa likod niya ay isang lalaking matangkad na may hawak rin ng baril. Hindi nagtagal ay nakalapit na siya sa amin.

"Musta, Eli?" Tanong ni Adonis Emilio.

"Heto, na-overcome ko na ang takot ko sa liwanag. Friends na kami eh." Sabi pa niya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.

Judas Escalona loomed over the man weeping in pain.

"Kumusta, Carlitos?" Malamig ngunit napakalumanay ng boses niya. "Balita ko binalak mong saktan ang isa sa mga apo ko? Tarantado ka ba boy?" Tanong pa niya. Akong nananood lang ay kinikilabutan. Malamang si Monteclaro rin.

"Balita ko, pinahihirapan mo raw ang buhay ng isa sa mga kaibigan ng pamilya ko? Gago ka pa rin pala hanggang ngayon."

"Judas... Judas, hindi magpapaliwanag ako." The fact that Judas Escalona was looking like a kind man smiling like that to Monteclaro freaks me out.

"Noong buhay si Kidong, sinabi ko na sa kanya noon na h'wag kang bigyan ng pagkakataon kasi ilang beses mo na ba siyang ninakawan? Ang sabi niya sa akin noon, tuturuan ka niya ng leksyon kaya inutusan niya noon si Senator Markenos na patahimikin ka. Natanggal ka sa pwesto."

"Deserve." Wika pa ni Reese.

"Akala ko magtatanda ka na pero biglang hindi pala. What shall I do with you?"

"Judas, please, maawa ka. Wala naman akong ginawa sa apo mo. Kung ano, kung gusto mo titigilan ko na itong magkapatid. Hindi na ako maghihiganti. Lalabas ako ng bansa. Wala na akong pakialam. Please, Judas..."

"Hindi ako mapagpatawad, Carlitos. Malas mo, namahinga na si Kidong. Malas mo wala nang Simoun na makikinig sa mga apela mo at wala nang Axel John na mangongonsensya sa akin. Ako na lang mag – isa at nasa akin ang desisyon..."

"Judas, maawa ka..."

"Reese, dapat ba akong maawa?"

"He wanted to rape my daughter, Uncle." Reese spat.

"And as my unofficial panganay, what do you want me to do?"

"Do what you do the best, Ninong Jude."

I saw Judas Escalona smiling like the kind man that he is – but it was such a contrast to what he was holding right now. His swordlike cane is not swordlike after all. It is a sword. He swung that sword and in just a matter of seconds, Monteclaro's head was rolling down the floor in my direction.

Judas Escalona smiled at me proudly.

"Malaya ka na, Julio. Pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo at ng kapatid mo sa buhay."

Napaawang ang mga labi ko.

"Eli, halika na. Baka hinintay na ako ng Mama Arielle mo. Nagluto siya ng bulalo."

"Yes, Dad. Nasa bahay na nga pala si Alonso at Alaina pati na rin sila Cindy at Bruno. Tatawag raw po si Ate Sam mula sa bakasyon nila sa New Zealand. Miss na miss na raw po kayo ng mga kambal."

"Maigi naman. Lumalaki na ang mga apo ko. Nakakatuwa talaga. Sasama ba ang si Ate Yella sa dinner?"

"Yes, Dad. Papunta na sila ni Ate Timmi sa bahay."

Parang walang nangyari. Nag-uusap lang sila tungkol sa normal na buhay habang ako hindi ko maalis ang pugot na ulo ni Monteclaro sa paanan ko.

"Wow! Ang haba pala ng eyeslashes ni tanda." Nagulat ako nang magsalita si Adonis Emilio. "Ay, bata nasaan na si Baby Ruth."

"Nasaan ang anak ko?" Tanong rin ni Reese.

"Sa likod ng bar po."

"Okay. Lito, Tolits, Boboy! Tanggalin ang pugot na ulo. Alisin ang katawan ng matandang iyan. Sa likod kami dadaan ni NJ. Make sure she doesn't see any of this crap. My baby should remain untainted and good." Huminga nang malalim si Reese Apelyido sabay bigay sa akin ng baril na hawak niya. Pinuntahan niya si NJ at sa likod nga sila dumaan. I sighed again and looked at Adonis Emilio.

"Nasaan si Brandon?" It was my turn to look for him.

"Lumabas siya nang magkabarilan na. Pinuntahan si Amihan sa van. Hindi ako makapaniwala na pamangkin ko si Amihan. Sabagay, hindi nakakapagtaka, napakagandang bata! Nasa lahi talaga namin iyon." Tawang – tawa siya habang sinasabi iyon. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari basta isa ang ang naiwan sa akin.

Malaya na ako. Malaya na kami ni Jaime... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top