Challenge # 16

NJ's

WE ENDED up going to Inferno; and I couldn't be more excited. Sa sobrang excitement ko, nakalimutan ko na halos na nandito kami para sa misyon. Nagpunta kami rito nang hindi magkakasama. Si Mommy at Uncle Don ay nandito kasi kunwari mga corporate people sila na mag-ce-celebrate kasi naka-close sila ng deal. Si Brandon naman, kunwari mag-isa siyang nagninilay dahil sa broken heart niya at pagkawala ng asawa niya. Sabi nga ni Amihan, hindi naman kunwari iyon, hanggang ngayon daw kasi ay namimiss pa rin ni Brandon ang asawa niya. I guess there's really another story there.

Kami naman ni Julio ay magkasabay pumasok. Sabi ni Ninong Dondon ay kunwari nandito kami para sa date. May kanya – kanya rin kaming mga earpiece kung saan maririnig kong nagsasalita si Amihan. Si Amihan naman ay nasa van, kasama si Uno na panganay ni Ninong Dondon.

Si Uno ay anak ni Ninong Dondon at Tita Ganda. Dati nalilito ako kasi kapangalan niya iyong isa niyang pinsan na Uno rin ang pangalan, pero lagi naman sinasabi ni Uno na magkapangalan lang sila pero siya ang mas gwapo. Sira ulo yata talaga ang pinsan ko.

Anyway, sinabi ni Ninong na magka-date kami ni Julio. Siyempre, nag – blush ako pero hindi ko pinahalata kaya lang nahalata pa rin yata ni Mommy kasi ang sama ng tingin niya sa akin at maka- ilang beses niyang inuulit sa akin na h'wag kong kakalimutan ang dahilan kung bakit ako nandito. Nandito ako para sa misyon. Para mahanap si Carlitos Monteclaro ang matandang dating senador na buwaya talaga at siyang dahilan ng lahat ng paghihirap ng crush kong si Julio – ay anong crush ang pinagsasabi ko. Crush ko ba siya?

Parang tanga, Noelle Joanne! I took a deep breath. I should be a bitch. A bitch. Iyong Noelle Joanne bago na-humble sa Bulacan, natutong maglinis ng tae ng kabayo at magdayami. Iyong Noelle Joanne bago na-realize ang mga pagkakamali niya sa buhay. Iyong NJ na mayabang, maarte, walang pakialam kasi iyon ang mag-fi-fit sa narrative ko ngayong gabi.

I cleared my throat. I can do this.

"Are you okay?" Biglang nagsalita si Julio tapos hinaplos niya pa ako nang bahagya sa braso kaya ayon, natunaw ako. Tanggal angas, Noelle Joanne. Nanlambot na naman ang puso ko kailan ba ako magiging bitch ulit. Tang ina naman.

Biglang inayos ko ang buhok ko. Inipit ko pa sa likod ng tainga ko iyon tapos ay ngumiti nang bahagya.

"Okay naman ako. Ano ka ba?" Natatawang wika ko pero gusto kong sapakin ang sarili ko. My attitude doesn't fit my outfit. Naka-pang party talaga ako. Gucci knee-length backless dress, Prada knee boots, Prada bag, Chanel perfume and diamond earrings – pero iyong pagkatunaw ko sa mga tingin ni Julio, para akong naka – high school uniform tapos naka-braids at black shoes lang. I cleared my throat again.

"Okay, we need to act like we're on a date." Sabi ko pa.

"Okay, should we kiss or hold hands?"

Ang pwesto namin ay nakaupo kami sa bar stools sa may bar area ng Inferno. Nasa gitna yata kami noon at nang sabihin niya iyon sa akin ay dahan – dahan akong lumingon sa kanya.

I found Julio, the Julio that saved me from the lake weeks ago, grinning at me like his life depended on it. Hindi ako makahinga.

Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Lalong hindi ako makahinga. Hahalikan niya ba ako? Anong gagawin ko? Hindi ko alam. Oh my god.

Pumikit na ako. Handa na akong tanggapin ang first kiss namin ni Julio kaya lang...

Biglang nagsalita si Mommy sa earpiece.

"I dare you to do it, De Cervantes nang makita mo ang talagang hinahanap mo."

Naumid ako. Si Julio ay dahan – dahang lumayo pero ngumisi pa rin siya. Imbes na ituloy niya ang gagawin sana namin ay nag – order na lang siya ng beer para sa kanya at mocktail para sa akin. Medyo nainsulto pa nga ako kasi mocktail lang ang kinuha niya para sa akin. Inubos ko muna iyon bago ako nag – order para sa sarili ko ng favorite drink ko.

"Tequila please."

"NJ?" Tila nagtatakang wika niya. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ni Julio kaya hindi ako magpapatalo.

After all, I am a Demitri. I was humbled by my experience but still the Demitri blood is in my veins at walang Demitri ang nagpapatalo.

I took the shot glass and drank from it. Biglaan. Walang chaser. Napapikit ako nang gumuhit ang alak sa lalamunan ko pero okay lang. I felt so much confidence after that drink. I looked at Julio and grinned at him.

"This is my scene. I will never chicken out of it." Kinindatan ko siya, nag-order ng isa pang shot ng tequila tapos ay hinatak ko siya papunta sa dance floor. I didn't care if my mom could see me, but I started dancing with him in the middle of the dance floor. Noong una ay may space kaming dalawa pero dahil nasa bar kami ay maliit ang space, hindi nagtagal ay magkadikit na kami halos.

Julio got his hands on the small of my back while I grinded on him shamelessly like he was pole or something.

"BABY RUTH!" Naririnig ko si mommy na sumisigaw sa earpiece ko pero masyado akong abala sa pakikipagsayaw kay Julio. He seemed to be very interested in me too. Hindi naman na nagdalawang isip si Julio na ilagay ang magkabilang kamay niya sa baywang ko. Magkalapit na magkalapit na kaming dalawa ngayon at nagkakaamuyan pa ng hinga. His breath smells like mint and vanilla, and I really want to kiss him.

I don't care anymore. I wrapped my arms around his neck, looked in his eyes and...

"NJ, I want to kiss you. Could I? Would you mind if I give your pretty lips a taste?"

"PUTANG INA!" Mommy cursed in the earpiece. I could hear her. She could see us but at that moment, I didn't think anything mattered.

"Why would you want to kiss me?"

"Because I like you."

"When did you start liking me? Was that the moment you saw my naked body?"

"WHAT THE FUCK! DONDON ANONG PINAGSASABI NG ANAK KO?!"

"I admit that you were so pretty back then. You were so wet that moment, NJ and I couldn't help but admire you. Pero, alam ko rin na sa pagkakataong iyon, you are defenseless and vulnerable. Inirespeto kita dahil iyon ang tama. I took care of you that day and distanced myself from the house because at that moment, I didn't trust myself. It was the physical attraction that made me want to get your attention. It's true. Pero noong nakasama n akita, lalo na nitong nakaraang mga linggo ay hindi ko mapigilan ang humanga sa'yo."

"DONDON! SINASABI NIYANG NAKITA NIYANG HUBAD ANG ANAK KO. I AM GONNA KILL THAT MOTHER FUCKER!"

The song was upbeat, and everyone was dancing their souls out, but Julio and I were just swaying side to side, while looking intently at each other.

"I like you, Baby Ruth." I couldn't help but giggle when I heard my childhood name from his lips.

"Do you like me too?"

"NOELLE JOANNE APELYIDO – DEMITRI!"

"Reese, putang ina naman! Nagmo-moment iyong mga bata! Manahimik ka! Amihan, i-cut mo ang linya ng Tita Reese mo, dali! Dali na!"

"Dondon!"

I didn't care if the line was cut or if Mommy was cut away from it. I don't care because at that moment, all I could hear was how loud my heart was beating and how intense Julio's eyes were while looking at me.

I had my fair share of guys begging for my attention. Hindi si Julio ang magiging unang boyfriend ko kung sakali, pero wala ni isa sa mga lalaking iyon ang tumingin sa akin nang ganito na para bang ako ang ang nakikita niya at wala nang ibang mahalaga sa mundong ito kundi ako.

The way he looks at me was just like how my dad looks at my mom every time he thinks that no one is looking. It's just like how Gramps looked at Granny and they have the most unproblematic relationship ever.

"So, I ask you again. Would you mind if I kissed you, Baby Ruth? Because I want it so much."

"No... no, Julio. I wouldn't mind at all. You could kiss me and I promise to kiss you back."

I closed my eyes and waited for his lips against mine and when I felt his warm mouth, and when I tasted his mint vanilla breath. I felt like I was in heaven. It's the most amazing feeling ever.

But then the lights went off. Everyone stopped what they were doing and the next I heard were footsteps and screaming.

Pinaalis ang mga tao sa paligid. Naiwan kaming dalawa ni Julio sa gitna ng dance floor at hinihintay kung ano nga ba ang mangyayari.

"Stay calm." I heard mom's voice in the earpiece. "We're just above you. They're making the people leave, anak. It only means one thing. Nakita si Julio o namataan ang putang inang si Dondon."

"Duh! Bakit naman ako?"

"Hindi ka nga kasi maingat! Anak, don't talk. Lakasan mo ang loob mo. Ganito talaga sa misyon. I know you can do it. Lakasan mo ang loob mo."

I did just that. Bumukas muli ang mga ilaw and just like what Mommy said, nasa harapan na namin si Carlitos Monteclaro. He's an old balding man with protruding belly. Mukha siyang nine months na buntis. Humawak si Julio sa kamay ko at agad akong itinago sa balikat niya.

"Finally, nakaharap ko rin ang man of the hour. Julio De Cervantes. Ang panganay na anak ng taksil na Janaro De Cervantes. Alam mo bang ako ang nagpapatay sa ama mo? Alam mo bang taon ang itinagal ng plano? I wanted him to think that he has it all. I wanted him to feel like he is the king of the world, iyong tipong wala nang makakatalo sa kanya, tapos... BANG! Tig – isang bala ang sila ng nanay mo." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top