Challenge # 15
Julio's
"OH! YOU missed her already!" Napalingon ako kay Amihan nang marinig ko siyang nagsalita mula sa likuran ko. Nang araw na iyon ay nakabalik na kami sa farm nila sa Cavite kung saan talagang nakatira ang mag – ama. Ngayong araw rin na ito kami pupunta kay Reese Demitri para makipag – usap nang maayos para sa tulong na hiningi ko sa kanya. Dalawang araw palang ang nakalilipas mula nang magkausap kami at mula nang bumalik sa pamilya si NJ, and yet... I found myself thinking about her.
"Ami nga." Napapailing na tinalikuran ko siya. Narinig ko siyang tumawa.
"Napansin kong nagpapogi ka ngayon. Are you excited to see NJ?"
"Luka – luka ka talaga. Siyempre iniisip ko kung makikita ko siya kasi gusto ko lang namang malaman kung naging maaayos ba sila ng nanay niya. Saka kung okay ba siya. Hindi naman siguro iyon masama. Malisyosa ka kasi." Tinawanan lang ako ni Amihan tapos ay hinampas ako sa likod.
Hindi naman nagtagal ay umalis na kami nila Amihan. Dalawa ang sasakyang dala namin. Isang van, kung saan nakasakay si Amihan at dalawang babaeng bodyguards tapos isang pulang civic kung saan nakaupo naman kami ni Brandon. I was the one driving. Si Brandon ay napansin kong titig na titig sa akin tapos ang nakakayamot pa, nakangisi siya na para bang may alam siya sa akin na hindi ko alam. Hindi ko naiintindihan kung anong pinag – iisip ng mag – amang ito.
"What is it?" I asked. He giggled like a little boy.
"Excited kang makita si NJ no?"
"Ano bang meron?" Napapakamot ang ulo ko. "Of course, gusto ko siyang makita. I wanna make sure she's okay. Kasi kung tutuusin naman wala siya sa gulong ito kung hindi ko siya isinama. So, I'm just checking." I told him pero hindi pa rin nawala ang ngisi niya. I only rolled my eyes. Bahala nga itong mag – ama na ito sa buhay nila.
We were approaching the highway. Kampante naman ako sa pagda-drive. Si Brandon ay palaging sinisilip iyong van sa likuran namin. I feel like everything will be okay at makakarating kami kina NJ nang walang problema. Gusto ko nang matapos ito. Hindi ko lang alam kung anong plano ang gagawin ni Reese Demitri pero handa akong gawin ang lahat ng tulong para lang mapabuti ang buhay naming magkapatid. I could already smell the freedom at kapag nangyari iyon, alam kong pati si Jaime ay magiging masaya.
"Putang ina!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang huminto ang sasakyang minamaneho ko. May bumaril sa amin sa bandang likod. Napatingin ako kay Brandon na kaagad naglabas ng baril niya at saka mabilis na lumabas ng sasakyan nang huminto kami. The black van – where Amihan is in didn't stop. Mahigpit na bilin ni Brandon na kapag may ganitong pangyayari ay hindi dapat ihinto si Amihan. Dapat ay ilayo siya at maging ligtas. Brandon loves his daughter so much. Minsan ay nasabi niya sa aking kung siya lang matagal na siyang wala sa mundong ito, pero dahil nandyan si Amihan ay mayroon siyang dahilan para mabuhay.
"Tang ina! Nasaan?!" I hissed. Mula sa gilid ng daan ay may lumabas na ilang mga lalaking nakakulay itim. Hindi ko alam kung saan sila galing o kung sino sila but they're trouble kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.
A card approached us. Mula roon ay bumaba si James. Ngumisi ang kapatid ko sa akin.
"Inakala mo ba talagang makakatakas ka sa buhay na ito, Julio?" Tanong niya sa akin habang palapit. "You even dragged your mentor into this. Kawawa naman. Parehas kayong walang magagawa."
Bumunot si Jaime ng baril at habang palapit siya sa akin ay nakikita kong sumusunod sa kanya ang mga tauhan niya. I know some of them, pero ang iba ay bagong mukha. Ang nakatawag ng pansin ko ay wala si Damian sa mga kasama niya. I didn't want to think a lot about it, but I couldn't help but wonder. Hindi umaalis si James nang hindi niya bitbit si Damian. Hindi sila naglalayo dahil alam kong sa lahat kay Damian siya pinaka may tiwala and yet he's not here.
"Nasaan si Damian, James?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Finally, we are standing face to face. Kitang – kita ko sa mukha ng kapatid ko ang galit at pagdurusa. Iyon ang mga bagay na kahit kailan ay ayokong makita sa kanya kaya heto ako at gumagawa ng paraan para bumalik sa mukha ng kapatid ko ang kasiyahan at pag – asa. Alam kong tulad ko ay ayaw niya ng buhay na ito. I know how scared he is. He wanted to be a pilot. He was always telling me how much he wanted to fly the sky and be in countries that he could only dream before. Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pa naming mabawi ang buhay na para sa amin. Pwede pa namin makamit ang mga pangarap namin.
"Damian was taught a lesson he would never forget. Pinatakas ka niya kaya binigyan ko siya ng isang bagay na hinding – hindi niya makakalimutan para hindi na niya ulitin iyon. He should always stay loyal to the family. Ipinalala ko lang naman sa kanya kung anong mawawala kapag sinubukan niyang patakasin kang muli."
"We could still talk." Mahinang wika ko. Sa peripheral vision ko nakita kong gumagalaw si Brandon. He might be old, but he could still move like a trained fighter. Si Brandon ang nagturo sa aking humawak ng baril, lumaban at ipaglaban ang buhay na gusto ko. He became the father figure that I never had. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi, lahat ng ito ay walang patutunguhan. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya, tulad ngayon; hindi ko alam kung hindi napansin ni Jaime na gumalaw si Brandon para hatawin siya ng baril sa batok. Nasaktan ang kapatid ko pero kasabay noon ay sumugod ang mga kasama niya.
Dalawa lang kami ni Brandon, pito sila – walo kasama ang kapatid kong muling tumayo at alam kong posibleng may nakatago pa silang kasama pero hindi ibig sabihin nito na hindi ako lalaban. I will never give up without a fight. I hate what we had become but I will make sure that after this, Jaime and I will be able to be free – hindi man siguro magkasama pero iyong kaalaman na magiging malaya kami ay nakagagaan na ng loob ko.
Sinuntok ako ng isang kasama ni Jaime. Si Brandon ay nang-agaw ng baril at pinaputukan ang mga nakapalibot sa kanya. Ako naman ay patuloy na pinagtatanggol ang sarili ko hanggang sa sumigaw ang kapatid ko.
"Tama na!" Natigil kaming lahat. Napansin kong lumuluha si James. Muli na naman niya akong hinarap. "Bakit ba napakahirap sa'yo na tanggapin ang buhay na ito! Heto na ang mayroon tayo, Jules! Sana naman maisip mong kaya ko ito ginagawa ay para sa ating dalawa!"
"Sana maisip mo rin na kaya ko ito ginagawa ay para sa ating dalawa." Malumanay na wika ko. "James, hindi ko gusto ito. Ang gusto ko lang ay – "
"Anong hindi mo gusto? Palagay mo ba ginusto ko rin ito? Akala mo bai to ang buhay na gusto ko? Akala mo ba tanggap ko a ganito tayo? Hindi rin, Julio! Hindi ko matanggap na iniwanan mo ako sa gitna ng lahat ng ito. I had to deal with a lot of things, bad things. I couldn't even stomach it, but I had to do this, you know why? To keep you alive. Kung hindi ako gagawa ng paraan para matupad lahat ng iniwanang dealings ni Papa, mamamatay ka. Papatayin ka nila pero pagod na pagod na ako. Kailangan kita. Please naman, Kuya. Please naman! Tulungan mo ako."
"Jaime... Jaime makinig ka. Nakahanap na ako ng tutulong sa ating dalawa. Hindi mo na kailangan gawin ang mga bagay na ayaw mo. Makakalaya tayo. Mawalan man tayo ng lahat ng perang tinatamasa natin, makakalaya tayong dalawa. You will be able to do whatever you want, just trust me."
Nakatitig lang sa akin si Jaime. Tila nag – iisip.
"Totoo ba?" Parang hindi siya makapaniwala. "Totoo ba? Matutulungan nila tayo?"
"Oo, James. Just---"
BANG!
A loud sound was heard from nowhere. Mabilis ang pangyayari. Basta ang alam ko lang ay niyakap ako ng kapatid ko hanggang sa bumagsak kami pareho at nakita kon duguan siya. He fell to the ground in front of me. Nakatingin siya sa akin na tila ba tinatanaw niya ang pag-asang ipinangako ko sa kanya kanina lang.
"JAIME!" Agad kong dinaluhan ang kapatid ko. Nagkagulo ang mga tauhang kasama niya Hinahanap kung saan nanggaling ang balang tumama sa kapatid ko. Si Brandon ay agad rin naman kaming nilapitan.
"Nangako ka." Sabi ni Jaime sa akin. "Nangaka ka, Jules. Sabi mo... sabi mo..."
"Oo. I promise you. James, I promise you." James nodded at me but then he closed his eyes, and I was greeted with a fear as big as the vastness of this universe. Nakuyom ko ang mga palad ko.
Oh, this is war.
xxxx
NJ's
"AMIHAN!" Agad akong tumakbo palabas ng front door nang matanaw ko si Amihan na pababa sa van na sinasakyan niya. I was all smiles and giggly when I saw her but when I noticed her facial expression, my smile faded. May nangyari kaya siya nagkakaganito. Lalong umigting ang paniniwala ko nang tingnan niya ang dalawang babaeng kasama niya at saka siya sumigaw.
"Hindi natin dapat iniwanan sila Dad!"
"Hindi po ganoon ang bilin ni Sir Brandon." Wika ng isa. Amihan was crying. She seemed so scared. Nang lumingon siya sa akin ay nahintakutan na rin pati na ako.
"Anong... what happened?" Agad siyang yumakap sa akin.
"We've been ambushed – almost. Naiwan sila Dad sa highway. May bumaril sa kotseng sinasakyan nila. Dapat talaga ay hindi tayo umalis roon! I could've fought with them!"
"Hindi po ganoon ang instruction ng Daddy mo, Amihan. He clearly told us that whatever happens, you should always be kept safe. At sa ngayon po, dito sa lugar na ito ang safest place mo."
"But that's not fair! Paano si Daddy? NJ, si Julio! Baka kung ano nang nangyari sa kanila!"
"Anong nangyayari? Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?" Narinig ko ang boses ni Mommy. Narito kami ngayon sa bahay ni Lolo Uncle Jude. Kanina pa rin siya naghihintay sa round table room.
From the moment Mom and I went home, after the kumustahan and iyakan with Dad, she told me to go to her private office. Doon kami nag – usap at doon niya ipinaliwanag sa akin ang lahat. She told me everything about our family. She told me that about 30 per cent of our family – her side – business is illegal. Maliit na porsyento na iyon kung tutuusin. Kasi raw, dati 60/40 ang hatian, hanggang sa napagkasunduan ng lahat ng panganay na anak ng The Originals – as she addresses all the Lolos as one – to legalize the business. Uncle Solomon, Ninang Blue, Ninong Narcing, Mom, and Tita Sam – they all agreed to let go of the illegal branches of the business one by one hanggang sa iyong 60 per cent na illegal ay naging legal na.
She asked me then if I had questions and I asked her what's been bothering me. I asked her if she has killed anybody. Mom laughed and she frankly answered me that she hasn't – YET.
"Kung para naman sa pamilya ko – natin, Baby Ruth, papatay ako. I have worked so hard to keep this family safe and intact. Hindi ako matatakot ipaglaban iyon."
Sa puntong iyon ay naintindihan ko naman si Mommy. Lahat naman ang tao ay kayang gawin ang lahat maipaglaban lang ang bagay na pinaghirapan nila and in her case, it is our family.
"Amihan, nasaan ang tatay mo?" Tanong niya pa. Lumapit si Amihan kay Mommy nang umiiyak.
"We've been ambushed."
"Fuck." Sabi pa ni Mommy. Huminga siya nang napakalalim. "Are these your people?" Tukoy ni Mommy sa dalawang babaeng kasama ni Amihan. She only nodded. "You two, stay here. Amihan, halika." Sumunod kami kay Mommy. Nakahawak ako kay Amihan. Kitang – kita ang pag – aalala sa mukha niya, hindi ko tuloy mapigilang makaramdam din ng ganoon. Paano na kaya sila? Ano kayang ginagawa ni Julio ngayon. I hope he is safe and that he gets to come here so I can know if he's breathing. Pagpasok sa loob ng bahay ni Lolo Uncle Jude ay nasalubong namin si Ninong Dondon.
"In-ambush sila, Don. Do something. Ipahanap mo kung nasaan ngayon si Brandon at iyong bata." Hindi na nakasagot si Ninong. Tumuloy na kami sa underground, kung nasaan ang round-table room. Tulad ni Amihan ay ito iyong unang pagkakataong makakapasok ako sa loob. Mom talked about it while we were on our way here and I couldn't help but imagine pero nang makapasok ako ay nagkamali pala ako sa lahat ng iniisip ko.
I get now why it is called the round – table room.
Well, it is a room, with a round table in the middle. Napapalibutan iyon ng limang upuan na iba – iba ang kulay. Red, Blue, Green, Silver/White/Grayish at Purple. Sa green nakaupo si Lolo Uncle Jude at tila ba kanina pa siya naghihintay. Tumayo siya nang maulinigan niya kami. He smiled when he turned around. Dala ni Lolo ang cane niyang parang samurai sword.
"Amihan... It's been a while." Wika niya. Napatingin ako kay Amihan. Pati si Mommy ay taking – taka lalo nang pumunta si Amihan kay Lolo para yumakap.
"Ido would've been so happy to see his grandchild here."
"Uncle?" Mommy spoke. "Si Uncle Ido?" Naghiwalay sa pagyayakapan si Lolo at si Amihan. Amihan wiped her tears and for the second time, since she and mommy met, inilabas niya ang kuwintas na suot niya.
"Reese, si Amihan ay apo ng Uncle Ido mo."
"So, anak siya nila Narcing? Oh my god! Halos kasing edad niya si Azure! Nambabae si Narcing!"
"What? No. Anak ako ni Amarah Emilio." Amihan said. Hindi ko kilala iyon. Apat lang ang anak ni Lolo Ido. Si Ninong Narcing na asawa ni Ninang Blue na best friend ni Mommy, si Uncle Don na feeling pogi lagi at number 1 hottest man win the universe daw siya, si Tita Rocheta na dapat daw siya ang Miss Universe noong late 90's at si Tita Aswell na down to earth pero maganda rin. So, nasaan doon si Amarah at Amihan?
"Amarah is the first-born child of Ido. We all thought she was dead. Mahabang kuwento iyon, Reese pero sa ngayon, ang mahalaga ay nandito na si Amihan. Your Lolo would've been so happy to see you stepping foot here in our room. Welcome home, Amihan."
My mouth parted. It only means that Amihan is my cousin. I smiled at her.
Habang nakaupo kami sa round – table room ay pumasok naman si Ninong Dondon. Hindi siya nagmamadali, pero hindi rin siya mag – isa. My heart did the leap and somersault when I saw Julio. Ngumiti ako sa kanya, bahagyang ngiti lang rin ang isinagot niya sa akin.
"Papunta na sila rito nang makita ko silang naglalakad sa highway na para bang mga pangit na tuta. Akala mo mga nawawala Mga nagluluksa iyon pala nasabugan lang ng gulong."
"Dad!" Agad na yumakap si Amihan kay Brandon. "Are you okay? Were you hurt?"
"I'm okay, anak. Si Julio ang hindi okay. Nabaril si James."
"Ha?!" Napatayo ako. Napatingin sa akin ang lahat. Nakalimutan kong hindi ko nga pala kilala si James pero ganoon ako maka-react. Kulang na lang ay kurutin ako ni Mommy sa singit pero inirapan niya lang ako tapos ay hinatak paupo. Tingin pa lang ni Mommy, dapat na akong mag-behave.
"Sino si James?" Mom asked.
"Kapatid ko." Matipid na sagot ni Julio. "Hindi ko alam kung sino sa tauhan ni Monteclaro ang bumaril."
"Pero sigurado ka na si Monteclaro ang nagpabaril?" Matiim na tanong ni Lolo Jude. I don't know. In the middle of it all, I feel like a bystander, a bystander who wants to fit it, a bystander who wants to know more.
"Siya lang naman ang pinakamalaking kaaway ng pamilya ko. Dating nagtatrabaho sa kanya ang tatay ko. Noong senador pa lang siya ay driver niya si Papa. But Papa outsmarted the man. He leaked some information about the senator's drug business sa isang pulitiko kaya natanggal siya sa pwesto. Iyong pulitiko ay binigyan si Papa ng reward money na ginamit naman ni Papa para pagnakawan si Monteclaro."
Napapalataka ko. Everyone looked at me again.
"What? I'm sorry, Julio. I know that he is your father pero ang tanga lang ng move. May pera na pala siya. Siguro naman hindi siya bibigyan lang ng one thousand pesos noong tinulungan niya. Why did he have to steal from that Monteclaro guy? Eh di sana tahimik ang buhay ninyo ngayon."
"Oh, Reese ang cute ng panganay mo." Sabi bigla ni Ninong Dondon. Hindi ko alam kung bakit siya tawa nang tawa habang tinitingnan ako.
"Anak..." Mom held my hand. "Ganoon talaga. People with power tends to get power – hungry. Ang gusto nila ay mas lalo pang dumami ang pera at kapangyarihan na pinanghahawakan nila. Gusto nilang maging superior sa lahat. They get greedy and this greed will be the end of them."
"That's exactly what happened to my parents." Malungkot na wika ni Julio. "Miss Reese, Mr. Adonis and..." Julio looked at Lolo Judas.
"Judas Escalona..." Bulong ko pero siniguro kong naririnig niya ako. Napansin kong nagpipigil naman siya ng ngiti.
"Mr. Judas Escalona. Kailangan ko po ng tulong. Hindi po pwedeng ganoon lang ang nangyari sa kapatid ko. I need to get even. I need to get this freedom... for the both of us."
"Wala namang problema roon." Mommy was the one who answered. "But the question is, hanggang saan ang kaya mong mawala sa inyong magkapatid." Sabi pa niya. "We don't deal with drugs anymore. Kung tutulungan ka namin, tutulungan ka namin pero mawawala ang negosyong iniwanan ng magulang mo."
"I could live without it." He told him. "James... I'm sure he's with me on this. Hindi ko hahayaang pati buhay namin ay masira dahil rito. Minsan na akong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa desisyon ng mga magulang ko. Patay na sila at wala na silang dapat epekto sa buhay naming magkapatid. I could live without it. I will surrender it all kung iyon ang gusto ni Monteclaro."
"Okay." Wika ni Mommy. "Then we move."
"Anong move po?" I asked her.
"Monteclaro owns a bar in BGC." Nagsalita si Uncle Don. Mataman naman akong nakikinig. "He owns Inferno."
"Oh! That's my favorite bar!" Hindi ko napigilang ma-excite pero nawala rin iyon nang irapan ako ni Mommy. "Noon. Sabi ko naman, Mommy, magbabago na ako. Lolo Jude oh, ayaw maniwala."
"Inis na inis ka no, Reese? Paano kaugali mo."
"Uncle naman!" Wika ni Mommy. "Hindi ako nagwawala sa bar noon."
"Hindi nga." Wika naman ni Uncle Don. "Sa Siargao at Boracay ka naman laging nagwawala. Saka di pa masyado uso social media noon. Pasalamat ka hindi uso kundi makikita ka ng mga anak mong nagsasayaw sa Bora habang lasing tapos kasayaw mo si Heath Demitri."
"Adonis, ang panget mo!"
"Tang ina! Nakaka – offend ka! Sinong pangit?! Ito ang pangit si Brandon!"
"Tahimik!" Lolo Jude spoke. "We will move tonight. Reese, get everyone ready."
"Okay." Tumayo si Mommy. Sumunod ako.
"Mom, sasama ako." Nilingon niya ako.
"You will stay—"
"Let her." Sabi pa ni Lolo Judas. "Let her have a taste, Gabrielle Reese. After all, Noelle Joanne is Axel John Apelyido's blood. Baka namana ng anak mo ang ugali ng Lolo niya."
Lalo akong na-excite. Matigas ang ulo ni Mommy pero pagdating sa salita ni Lolo Jude, wala siyang magagawa.
And so... I ended up coming with them. Si Mommy, si Uncle Don, si Brandon, si Julio at ako.
This is sooo exciting!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top