Challenge # 12
Julio's
"YOU DID WHAT?!" Muntik na akong mabingi matapos sumigaw ni Amihan sa amin. Nanlaki naman ang mga mata ni Brandon matapos marinig ang anak. "You made her your hostage?! Kayong dalawa? Nag – iisip ba kayo?!"
"I need her." Sabi ko kay Amihan.
"Fuck you, Julio! Iyong bata kawawa naman. Hindi na nga niya alam ang gagawin sa buhay niya kasi pakiramdam niya wala na siyang lugar sa pamilya niya tapos kung ano – ano pang sinabi ninyo?"
"Anak, what we told her is the truth." Sabi ni Brandon kay Amihan.
"Dad! Grabe! The fact na hindi sinabi sa kanya – sa kanila ang nature ng pamilya nila, is something already! Ibig sabihin noon hindi gusto ng pamilya niya na mahalo sila sa mundong ginagalawan nila. Tapos kayo naman sinabi ninyo! Hindi pa kayo natuwa, hinostage ninyo pa siya. Ngayon, sabihin ninyo sa akin kung anong pagkakaiba ninyo kay Jaime at sa mga taong tumutulong sa kanya ngayon?"
Hindi ako nakakibo. I am just desperate for this. Naisip kong handa kong gawin ang lahat para lumaya kami ng kapatid ko sa buhay na ito. Hindi ko naman siya sasaktan. Ibabalik ko siya sa pamilya niya tapos ay makikipag – usap ako sa kanila ng maayos. Kailangan ko ng tulong. Kailangan mawala nang lahat ng ito at kung totoo ang sinasabi ni Brandon, pamilya lang talaga nila ang makakatulong sa akin. I will forever be indebted to them if they help me.
"Hindi ko siya sasaktan, Ami."
"Kahit na! It must be traumatizing to her! Dad, naalala mo, kung gaano mo katagal akong inihanda bago mo ako ipakilaa kay Lolo Ido? Tapos si NJ, bibiglain ninyo? Hindi ninyo man lang siya hinayaang i-digest lahat ng nangyayari. Pinasabugan ninyo siya ng bomba! Kawawa naman iyong tao. Nakakainis kayo." Kahit si Amihan ay nag-walk out na siya. Nagkatinginan kami ni Brandon.
"Do you think mali tayo?" Tanong ko habang titig na titig sa kanya. Brandon made a face.
"Bahala ka sa buhay mo ikaw lang naman iyong may pa – hostage – hostage pang nalalaman diyan. Jusko nasigawan rin ako ng anak ko." Sumunod ko kay Amihan. Takot talaga si Brandon sa anak niya. Ang sumunod kong nakita ay si Amihan na dala na si NJ at papunta na sila sa mga silid sa itaas. Napakamot na lang ako ng ulo. Bahala na. Itutuloy ko pa rin ang plano ko.
Lumabas ako ng bahay na iyon. I took my phone out and dialed the number Brandon has given me earlier. Hindi naman nagtagal ay may sumagot.
"Who is this?"
"Reese Apelyido." Wika ko. Nakarinig ako ng paghugot ng malalim na hininga sa kabilang linya.
"Sino kang putang ina mo." Napakalutong ng murang binitiwan niya.
"Hawak ko si Noelle Joanne Demitri—" Mahaba pa ang sasabihin ko sana pero hindi na ako nakapagsalita.
"Sa oras na mabawasan ang buhok ng anak ko kahit isang hibla, magiging kuwento ka na lang, putang ina mo." Iyon lamang at binabaan na niya ako ng telepono. Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan ko siyang i-contact ulit pero patay na ang number. Anong gagawin ko? Mukhang hindi naman magwo-work ang plano ko.
"Fuck!" Mukhang wala akong magagawa kundi harapin ang kapatid ko at ang mga taong gusting pumatay sa akin – sa aming dalawa.
Bumalik ako sa loob ng bahay at doon nakita ko si NJ at si Amihan na kumakain na. I have decided to join them. NJ looked at me with fear in her eyes at hindi ko nagustuhan iyon.
"I'm so sorry." Mahinang wika ko sa kanya. "I didn't mean to scare you."
"Bakit... bakit mo ba kasi ito ginagawa?" Galit na wika niya.
Huminga ako nang napakalalim tapos ay tumingin ako kay Amihan. She was encouraging me to tell the truth, and so, I did just that.
"Hindi perpekto ang pamilya ko." Sabi ko kay NJ. "Hindi kami mayaman. Nagkakaroon kami ng mga pagkakataong hindi kami kumakain. Pero sa kabila noon, masaya kaming lahat. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang yumaman ang pamilya namin. Akala ko okay na ang lahat. Mayaman na kami. Masaya na lagi si Mama. Si Papa ay laging may pasalubong sa amin ni Jaime pero hindi pala. Lahat ng pera ng pamilya ko galing sa masama. Hindi ko alam kung saan eksakto nakuha ni Papa ito, but he became a drug lord. Nagbebenta siya ng droga hanggang sa gumagamit na rin siya. He pretty much screwed our lives. Nagkaroon ng napakaraming kaaway ni Papa sa negosyo. He wants us – me to take over the business kasi tumatandan na siya at mula noong sinabi ko sa kanya noon na ayaw ko at ayaw ko sa buhay na ito, hindi niya ito tinanggap."
I looked at NJ. Kung kanina ay matigas ang ekspresyon ng mukha niya, ngayon, kahit paano ay kalmado na siya. She was just looking at me. I think she was trying to understand what's happening. Napabuntong – hininga pa ako.
"Napakagulo ng buhay ko noon, but one day, I met Carlotta, and she changed everything. Lalo akong naging determinado na mag-iba ang buhay na ginagalawan ko. Lalong ayokong maging parte ng buhay ng pamilya ko. Masaya kami ni Carlotta. Mahal na mahal ko siya. It happened four years ago and I was so determined to change my path... but my father got her killed."
Napasinghap si NJ. Si Amihan naman ay humawak sa braso ko.
"My father got her killed. Naniniwala siyang kung wala si Carlotta sa buhay ko, babalik ako sa kanya. I hated him. I hated my mom. Lalo kong kinamuhian ang buhat na mayroon sila. I left them again. And then, just six months after what happened to Carlotta, they were ambushed." Sabi ko pa. "Pero iniwan nila sa amin ang sindikato. James was forced to take over kasi nga ayoko, pero ngayon determinado ang kapatid kong kunin ako. I don't know why, maybe like me he wanted to be free from it all."
"Bakit pamilya ko?" Tanong niya sa akin.
"Brandon said that you have a powerful background and maybe if they could just help me. Baka sakaling lumaya na kaming magkapatid. Baka sakaling gumanda na ang buhay namin. Baka sakaling mabigyan kami ng pagkakataong maging masaya kahit na mawala sa amin ang lahat ng perang ito."
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang si NJ sa akin. Si Amihan naman ay tinapik – tapik ang balikat ko hanggang sa tumulo na ang mga luha ko.
"I'm so sorry, NJ. I didn't mean to hurt you or scare you. Siguro dapat kahit na ayaw mo noon ay ibinalik na lang kita sa Bulacan para hindi ka na nadamay sa gulong ito."
Wala na... Wala nang pag – asa ang lahat ng ito.
"Bukas, ibabalik na kita. Kahit ayaw mo, kailangan mong bumalik sa pamilya mo."
"Then, what are you going to do?" She asked me again. I sighed again.
"Haharapin ko na iyong kapatid ko. Matagal naman nang dapat."
I just hoped that everything would be in their places after this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top