Challenge # 11


NJ's

NAPAKABILIS ng pangyayari, one moment, nag-e-emote ako sa may bintana ng guest room na tinulugan ko kagabim the next thing I knew, we are fleeing. Sumakay kami sa isang itim na van at lumisan sa lugar na iyon pero bago iyon ay pinanood ko si Brandon/Bruno na nagmamando sa mga kasambahay habang itinatago ang mga litrato na patunay na nasa loob ng bahay na iyon si Amihan. Noon ko lang rin nalaman na may secret wall sa tapat ng silid ni Amihan na kapag na-press ay naitatago ang pinto ng silid niya. Habang nasa van ay titig na titig ako sa kanya. She must be very important kaya kailangan niyang itago. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nasa kanya ang kwintas na pag – aari ng pamilya namin. Wala iyon dapat sa kanya dahil ang alam ko, sa pagkakataong ito ang leader ng pamilya namin ay si Mommy. Siya ang may hawak ng lahat ng business accounts when it comes to our family business.

So, why is around her neck?

Hindi ko nakakibo. Sa loob ng tatlong araw, wala akong ginawa kundi ang tumakbo nang tumakbo at matago. Mas malala pa ito sa pagod na nararamdaman ko habang naglilinis ng kwadra ng kabayo ay nagdadayami. At least sa gabi, sigurado akong makakapahinga ako. Ngayon kasi kahit siguro magpahinga ako ay hindi mapapahinga ang utak ko sa kakaisip.

Isa pa sa napansin ko ay ang katotohanan na sobrang lapit ni Julio at Amihan sa isa't isa. Iniisip ko ang mga usapin tungkol kay Julio noon sa hacienda. Na may asawa at anak siya. Siguro kung may anak sila ni Amihan ay tinatago rin ito kaya siang dalawa lang ang magkasama ngayon. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Basta ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang katotohanan na kailangan kong may mapatunayan sa pamilya ko kahit pa ayaw na nila akong maging parte ng buhay nila.

I want to turn this life around at sa ngayon, isang bagay lag ang nasa isip ko – ang nag -iisang alas ko. Ang kapatid ni Daddy. Si Tita Hyan.

Tomorrow morning, I will tell Julio that I will be leaving. Wala akong pera kaya kakapalan ko ang mukha ko para manghiram sa kanya at kapag nagawa ko ang plano ko ay ibabalik ko rin sa kanya ang pera niya.

Hindi ko na naman alam kung nasaan kami. After three hours ng byahe ay huminto na naman kami sa isang farm. Jusko, puro farm yata ang pag – aari ng mga ito. Spy kaya sila? Parang iyong kakilala kong mayor na mahaba ang buhok at nakasalamin na sa farm lumaki pero marami masyadong hindi maalala sa buhay. Mukhang naalala naman ni Amihan ang mga bagay sa buhay niya tulad ng kung saan siya nag-aral, saan siya pinanganak kahit na marami silang farm.

Nang makababa kami sa van ay agad kaming sinalubong ng mga unipormadong kasambahay. Nakangiti sila sa amin tapos iyong pinakamay – edad ay pinagmanuhan ni Amihan at ni Julio tapos noong mapatingin siya sa akin ay ngumiti ako saka nagmano na rin kahit na alam kong punong – puno ng pagtataka ang mukha niya.

"Sino iyag kasama ninyo? Kaibigan mo ba, Jules? Amihan?"

"Nay Rodeng, kaibigan po siya ni Julio, siya si NJ."

"Magandang gabi po." Kahit na napakarami kong iniisip ay nakuha ko pang ngumiti. Napansin kong nagmamasid lang si Brandon/Bruno sa amin.

"Siya, sige, welcome rito sa Bambam." Oh my god! Same place noong farm ng kakilala kong walang matandaan pagkatapos humabol ng mayor! Pero hindi na ako kumibo. Pumasok na lang ako sa bahay kasama nila. Mas simple ang bahay na ito kaysa doon sa pinanggalingan namin. Walang larawan ni Amihan rito kahit saan pero may larawan ng napakagandang babae sa gitna ng wall ng living area. Napansin kong kamukha ni Amihan iyon, baka siya ang nanay. Baka tama ang lahat ng sinasabi nila sa akin, but then if I believe it, isa lang ang explanation ng lahat ng iyon...

May kakambal si Tito Bruno at iyon ay si Brandon Orejon.

Saka ko na iyon iisipin.

"Pakisamahan, Ate, si NJ sa guest room." Narinig kong sabi ni Amihan. Ngumiti siya sa akin pero bago ako sumunod sa kanya ay narinig ko na si Brandon na tinawag ang pangalan ko kaya napabalik ako.

"Can we talk? You and me and Julio?" Tanong niya. Bahagya pa akong tumingin kay Julio pero napatango ako. Sa isipan ko kailangan kong maging maingat kasi nga kailangan kong magpakabait dahil wala ako sa balwarte ko.

Brandon led the way. Pumasok kami sa isang game room. May bilyaran doon sa gitna, may dart sa pader at may iba't ibang alak sa shelf. Brandon/Bruno stood at the other side of the billiard table. It seems like he was waiting for me. Hindi lang iyon. Titig na titig si Julio sa akin. Ayon na naman ang butterflies pero binawala ko ang sarili ko kasi hindi tama, kasi naiinis ako sa kanya.

"What is it?" I asked him. Nakipagtitigan ako sa kanya. Siyempre, ang turo sa akin ni Daddy at Mommy na rin na kapag nakikipag – usap ay kailangan kong makipag – eye to eye sa kanila to make them see that I am as powerful as my eyes. I didn't have the green eyes my father had. Ang nakamana noon ay si Jellybean. Minsan ay naisip kong baka kaya mas pinapaboran ni Mommy si Jellybean kasi nakuha niya ang mata ni Dad and that makes her special pero ngayon, alam ko na kung bakit.

Wala nga kasi akong ginagawang tama.

"Tonight, we're all going to rest." Sabi ni Brandon. Anong rest? Mamatay na ba ako? Oh my god! Are they bad people? Are they gonna kill me? Hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon to turn my life around!

"But tomorrow, we are going back to the Metro. Ibabalik ka na rin namin sa pamilya mo." Malumanay ngunit malinaw ang mga salitang binitiwan ni Brandon/Bruno sa akin. Tumingin ako kay Julio.

"You told him to take me back? Alam ko naman na tama lahat ng sinabi mo sa akin. Oo, pabigat ako. Oo, wala akong ginawang tama, I am just a spoiled brat that acts high and mighty! Pero sana hindi ninyo ako ibalik sa pamilya ko! Sinusuka na ako ng pamilyang iyon eh! Hindi na ako babalik! Kung ibabalik ninyo ako hayaan ninyo akong mamili kung saan ako pupunta! Hindi ako babalik sa pamilya ko!"

"NJ, you don't understand." Si Julio ang nagsalita. "Hindi titigil ang kapatid ko hangga't hindi niya ako napapasunod sa gusto niya. This is not safe anymore. Kahit sina Brandon at Amihan ay nasa panganib na rin dahil nakipagtulungan ang kapatid ko sa mga kaaway nila sa negosyo. Kailangan namin ng tulong at proteksyon ng pamilya mo. Makinig ka muna sa amin."

"Tulong at proteksyon?" Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. "Look, I know my father is rich and powerful being a Consunji – Demitri, but what makes you think na tutulungan ka niya, hindi ka naman niya kialala at anong kinalaman niya sa negosyong pinagsasabi ninyo?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Brandon. Brandon sighed.

"I guess she knows nothing about her family's other businesses." Lalo akong naguluhan. Anong pinagsasabi nila? "NJ, do you know about your mother's family business?"

"Yes. Buy and sell saka import and export of goods."

"What kind of goods?" Tanong niya sa akin.

"I don't know basta iyon ang business ng family namin. Why are you asking me?"

"Kasi, Hija, hindi lang basta buy and sell and import at export ng goods ang business ng pamilya ng nanay mo. They're probably the most popular on the black market. Probably they have more clients than I could ever think of, probably your family – your mother's family is more powerful than your father's family."

"Hindi ko naiintindihan." Tumingin ako kay Julio. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ang nanghihingi ng assurance, hindi naman kami ganoon katagal magkakilala. But somehow, looking at him makes my crazy heart beats a little slower. As if those eyes could calm me down and this is bad... So... so... bad.

"What if I tell you, NJ that only 30 per cent of your mother's family business is legal and the rest of it is illegal."

My mind raced again.

"How legal?"

"Like transport of good such as illegal firearms, stolen gems and artworks... and that once upon a time, your family used to be involved in drugs, illegal gambling and faking of identities."

"What are you saying?" Hindi ako makapaniwala. My mom would never do something like that. She might be strict with me, but she is not a bad person!

"Julio, ano bang sinasabi ninyo? Hindi magagawa ng Mommy ko iyon."

"I guess they kept this generation in the dark. I'm so sorry for telling you like this, NJ. But your grandfather, Axel John used to hack banks and companies just for the heck of it. Azul was a retired agent. After he was done with the service, he went red, KD was the son of Saul Sandoval, a former senator – a corrupt one, Judas... well, he is Judas and he's the cruelest one among them... and Ido... ah, Thaddeus Emilio, was an assassin and was involved in many killings."

"That's not true. Gramps is not a hacker. He worked for a private IT company and got lucky, so he became rich and he met Granny Bernice. Si Lolo Uncle Jude, he's a good man! Hindi siya cruel! And si Lolo Ido, hindi niya magagawang pumatay!"

"I don't know what they told you but what I am saying is true. I'm so sorry, NJ."

"Hindi. Hindi ito totoo! Aalis na ako!" I walked out of that game room. Hindi na ako magpapabukas pa. Aalis na ako ngayon pero bago pa ako makalabas ng front door na iyon ay nahabol ako ni Julio and to my surprise may hawak siyang baril. Hindi man niya ito itinutok sa akin ay ipinakita naman niya ito. I gasped. Sa isang kamay niya ay may posas. Napaawang ang mga labi ko.

"I'm so sorry, NJ. But you can't leave. You're my hostage now. You're gonna do everything that I say or else..." Hindi na niya itinuloy ang sinasabi niya. He cuffed me and grabbed my arm hanggang sa nakarating kami sa game room kung saan naghihintay si Brandon.

What the fuck is happening right now?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top