Challenge # 10
Julio's
I FUCKED UP. Huminga lang ako nang napakalalim habang pinapanood si NJ na pumasok sa loob ng bahay. Gusto ko siyang sundan at humingi ng tawad. Sinabi ko naman na minsan na kapag hindi talaga ako nakapagpigil ay sasabihin ko sa kanya ang mga bagay na dapat niyang marinig pero hindi ko inaasahan na ngayon iyon.
"You made her cry." Sabi ni Amihan sa akin.
"I didn't mean to. Hindi ko kasi alam kung anong mga sinasabi niya. Nakakahiya na rin naman sa pamilya ninyo." Tinapik ni Ami ang balikat ko tapos ay binatukan ako.
"You made her cry. You invalidated her feelings. Mali iyon. Hindi mo naman siya masisisi kung ganoon ang maiisip niya. She's in a new place. Wala siyang kakilala. Hindi siya komportable sa lugar na ito at kung anuman ang nasabi niya, it's a defense mechanism. Sana naman inintindi mo siya."
"Did you hear her, Ami? She was saying impossible things. Your dad being married to her aunt is ridiculous! Ilang beses nang sinabi sa akin ni Brandon na wala siyang ibang mamahalin kundi ai Amarah!" And I really think it's that beautiful. Tumawa si Amihan.
"I really wished that Dad married someone after Mom died."
"Ami..."
"Of course, I want him to be happy. Masaya akong mahal niya si Mom, pero si Dad, masaya kaya siya na araw – araw sa buhay niya nangungulila siya sa nanay ko? Anyway, let's not talk about that. As I said, you owe her an apology for invalidating her feelings. Kausapin mo siya but give her space right now. Masamang – masama ang loob noon sa'yo ngayon." Binatukan na naman ako ni Amihan. Wala akong nagawa kundi ang mapakamot ng ulo habang pinagmamasdan siya.
Amihan and I have known each other almost half of our life. Magkapatid na kami dahil nga kinupkop ako ni Brandon noong mga panahong wala akong matatakbuhan. Amihan and I saw the best and the worst in each other. I saw it when she graduated from her medical school, she saw me when I lost my parents and denied whatever life they wanted me to live. She saw me when I lost the love of my life through that ambush that made me loathe the syndicate my family is involved with. It all happened four years ago, and Amihan knew that I will never be the same man again.
"I'll go and try to talk to her. You get your shit together." Sabi pa ni Amihan sabay layas sa tabi ko. Sumunod na rn ako sa kanya papasok sa bahay nila. She went upstairs and I went to Brandon's private office. Hindi ako nagkamali, naroon nga siya. I will apologize to him on behalf of NJ.
"Brandon, can we talk?" Tanong ko sa kanya habang papasok sa office niya. Ngumisi lang naman siya sa akin. Tumayo siya upang alukin ako ng tobacco pero tinanggihan ko iyon.
"I forgot, wala ka nga palang bisyo. What's up, kid?" He asked me.
"I would like to apologize on behalf of NJ. Hindi niya alam ang sinasabi niya."
"How long have we known each other?" Walang abog na tanong niya sa akin. "Ten years, am I right?" I don't know where this is going but I nodded at him. "Sa loob ng sampung taong iyon may mga bagay akong hindi pa nasasabi sa'yo. Mga bagay na akala ko ay hindi mo na kailangan malaman kasi iba naman ang mundo mo sa mundong ginagalawan nila. But who would have thought that one day, you'd come here, and you'd be with one of them."
"Anong one of them? Sino?" I am so curious right now. He grinned at me again. Hindi nagtagal ay may inilabas siyang larawan. Sa larawan na iyon ay may isang pamilya – ang hindi ko lang lubos maisip ay iyong katotohanan na tama nga si NJ. May ibang pamilya si Brandon.
"What the fuck..." Anas ko. He laughed.
"It's been so long since someone was so freaked out by the fact that I have a twin brother."
"Ano?!"
"Yes, Jules. I have a twin brother. Si Bruno." Tinuro niya ang mukha noong padre de pamilya sa larawan. "And that's his wife, Cinderella Leona, and their children, Leon, Leonard, Leopold and Lionel. NJ must have been so freaked out seeing me. Hindi nila ako kilala. Hindi niya ako kilala kaya normal na ganoon ang reaksyon niya. I wasn't offended. You're the one who was offended pero hindi sapat iyon para pagsalitaan mo siya ng ganoon. She may have done a lot of things, maybe she needed to hear what you had to say, but still, you've hurt her feelings and you owe her an apology kasi sa pagkakataong ito, wala siyang kasalanan. Ako ang may sala dahil ako iyong may hindi sinasabi sa inyo."
"Does... does Ami know?" I asked out of curiosity.
"Yes. She met the family when she was fifteen pero hanggang doon lang iyon. Hangga't maaari ayokong magkaroon ng koneksyon sa kanila dahil nangako ako kay Amarah noon na iiwas ko si Amihan sa buhay na mayroon ang pamilya nila NJ."
"And what is that?" I asked him. He looked at me and sighed.
"I told you, if you think your parents and your brother made a ruthless life out of drugs, then you must meet their family. They're so much more powerful than anyone I know in this business." Alam kong seryoso si Brandon sa sinasabi niya pero wala akong ibang maisip kundi...
"Then maybe her family could help me."
"In what way?"
"Alam mo namang gusto kong makalaya sa buhay na ito. Maybe they could help James and I to be free from all of this. Do you have any way you could contact them?" I am desperate but I will do everything just to rid myself and my brother of this burden.
xxxx
NJ's
KANINA pa tumigil iyong luha ko sa pagpatak. Nakaupo na lang ako sa may bintana at pinapanood iyong pagpatak ng ulan. I have contemplated a lot of things. Lahat ng sinabi ni Julio ay tama. Ilang beses na rin namang sinasabi sa akin iyon ni Jellybean, ni Mommy at lastly ni Marteena pero hindi ako nakikinig kasi nga matigas ang ulo ko. I know how many opportunities I have lost just because I like to party. I know that I have become a disappointment to my family. Kung sana tulad ni Jellybean ay nagpakabuti ako, siguro hindi mangyayari sa akin ito. Siguro proud sa akin si Mommy. Siguro nakagraduate na ako ng college at nagtatrabaho na sa company ni Dad.
Kay Dad talaga, hindi kay Mommy. May mga businesses si Mommy pero habang lumalaki kami ay malinaw na sinabi niya sa aming magkakapatid na kung gusto naming ma-involve sa family business ay sa business ng mga Demitri at hindi sa mother side. Hindi ko iyon maintindihan. Bakit kaya? Matagal ko nang iniisip na baka may itinatago ang family business nila Mommy. Basta ang alam ko magkaka – sosyo ang mga pamilya – ang family ni Mommy, Ninang Blue, Ninong Narcing, Tito Eli, and Tita Belle. Sila – sila lagi ang magkaka-usap kapag Thursday at ang pinag – uusapan nila ay business. I don't know what kind of business. Sabi ni Mommy ay import and export, kung anong materials, hindi ko alam pero napakaraming import and export na pinag-uusapan nila rito. Malaki ang kompanya, Malaki ang sakop ng business. Before, I was really interested in it, pero kalaunan dahil sinisikreto ito ay nawalan na ako ng interes.
I heard a knock on the door. Wala sa loob na tumayo ako para buksan iyon. Bumungad sa akin si Amihan. She was all smiles. In fairness naman, warm ang smile niya kaya nilakihan ko ang awang ng pinto.
"Are you alright? Do you need to talk? Kung gusto mo makipag – usap makikinig ako." Nakangiting wika niya. Naupo siya sa kama, ako naman ay bumalik sa kinauupuan ko malapit sa may bintana.
"I'm alright." I said.
"Whatever he said—"
"Lahat naman ng sinabi niya ay tama. Pabigat ako sa family ko. I kind of understand why my mom threw me out and why they don't want me to be part of the family anymore. They got tired of all my shit."
"If that's the case, what do you plan to do?" Tanong niya sa akin na siyang ikinagulat ko. "You acknowledge the problem, but do have any solution? Alam mong ikaw ang problema, alam mong ikaw ang may kasalanan. Anong dapat mong gawin?" Tanong niyang muli. "Kasi kung ganyan ka lang nang ganyan e di habambuhay ka na lang magmumukmok? Siguro, kailangan mong patunayan sa pamilya mo na you deserve to be part of that family. Hindi iyong you'll always feel sorry for yourself."
"I do feel sorry for myself."
"O tapos?"
Hindi ako nakasagot. Naaalala ko iyong attitude na meron ako bago ako dalhin ni Mommy sa Bulacan. I feel like I deserve everything tapos biglang nawala iyon. I bit my lower lip.
"You should really do something." Inirapan ko si Amihan kasi alam kong tama siya and yet wala akong nasabi kasi nga alam kong tama siya per maliban doon, napansin ko ang kwintas na suot niya. My forehead knotted just looking at it.
The necklace that she was wearing looked so familiar. Hindi ko iyon nakita sa personal. Sa drawing lang pero siguradong – sigurado akong iyon ang kwintas na iyon. The necklace's pendant is a medallion – hindi naman malaking medallion iyon. It has the colors red, blue, green, silver, and purple combined in a precious stone. Mukhang napansin niyang nakatitig ako sa kwintas niya kaya niya itinago iyon.
"Where did you get that?" I asked her. Ang kwintas na iyon ay sa pamilya ko. I am so sure of it! Ang sabi ng mga Tita sa akin ay nawawala ang kwintas na iyon. Hindi alam kung saan napunta o kung sino ang nakawala kina Lolo pero sa pamilya ko ang kwintas na iyon. Lolo Ernesto designed the necklace and whoever has that necklace is the leader of our family.
Napatayo ako.
"Who are you?" Anas nang lumabas sa bibig ko iyon. "Tell me, where did you get that. Who are you?" Naging malikot ang mga mat ani Amihan. Hindi niya ako nasagot dahil bumukas ang pinto at doon nakita ko si Julio at si Brandon/Bruno Orejon.
"We need to leave."
"Dad?"
"Anak kailangan nating umalis." Ulit ni Brandon/Bruno sa kanya. "I received a report that Jules' brother will be here with his group. Kailangan makaalis tayo bago sila makarating dito. Hindi ka nila dapat makita rito." Sabi pa ni Brandon/Bruno.
What is happening at bakit hindi dapa makita si Amihan ng mga taong iyon at bakit nasa kanya ang heirloom ng pamilya? Hindi ko maintindihan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top