Challenge # 09

NJ's

AKALA ko matatahimik na ako ngayong nandito ako sa malayo kasama ang isang estranghero. Kahit naman alam ko ang pangalan ni Julio ay estranghero pa rin siya sa akin. Nagkamali ako. Akala ko magiging maayos ang lahat basta tapangan ko lang at labasan ko ng pangil ang sitwasyon. Iyon naman kasi ang turo sa amin ni Mommy noon. We should all be brave when faced with situations like this to survive. Pagahain ang utak, h'wag magbibigay ng tunay na pangalan o kahit na anong impormasyon na maaaring magamit laban sa akin. Pero lahat iyon ay nakalimutan ko dahil lang sa nakita ko si Brandon Orejon.

Hindi siya si Brandon Orejon. Siya si Bruno Orejon. Asawa siya ni Tita Cindy at may apat silang anak na puro lalaki and yet he is here and he's Brandon Orejon? Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ako, o sadyang magaling siyang umarte dahil bakas naman sa mga mata niya na hindi niya ako kilala. How could he not know me? I grew up with him around. Kalaro ko ang mga anak niya. Magpipinsan kami ng mga anak niya. We see each other every Thursday Family Dinner and yet he acts like that. Ano bang nangyayari?

Does he have another life that Tita Cindy isn't aware of? Another family, perhaps? Kailan pa? Bakit niya lolokohin si Tita Cindy? They look as if they are so much in love and yet...

Isa lang ang naisip ko. Manloloko siya at kailangan malaman ni Tita Cindy ang lahat. Napatayo ako. Pero paano? Kapag bumalik ako ngayon sa kanila, sigurado akong ibabalik ako ni Mommy sa Bulacan. Sigurado akong ipipilit niya pa rin na parusahan ako. It's been hours since umalis ako sa Bulacan, siguro by now, alam na niyang nawawala ako o kaya man, sadyang wala siyang pakialam kaya hindi niya ako hahanapin. So, coming home to tell Tita Cindy isn't in the choices because what's the point of coming back? Takot na takot ako pero hinding – hindi na ako babalik sa pamilya ko.

My mind is racing. Sobrang dami kong iniisip kaya kahit na may malambot na kama, aircon at mabangong unan ay halos hindi naman ako nakatulog dahil isip ako nang isip. I ended up going to sleep at four in the morning and waking up at eight in the morning. Mas matindi pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa noong mga umagang may hang over ako.

Napilitan akong lumabas ng silid na iyon at bumaba upang magpunta sa dining room kung saan ko huling nakita si Tito Bruno kagabi. Habang naglalakad ako palapit sa silid na iyon ay nakakarinig ako ng mga tawanan at mga boses. Of course, I could hear Julio, and Tito Bruno but there's this other voice, a woman's voice that I haven't heard before – I am sure of that so she must be new here – or old or whatever kasi ako naman ang dayo at hindi sila. Tumayo ako sa bandang entrance ng dining room at doon ko nakita na may babaeng kasalo sa almusal si Julio at si Tito Bruno/ Brandon o kung anuman ang tawag niya sa sarili niya. He looked at me – Tito Bruno/Brandon and smiled.

"Gising na pala ang kaibigan mo, Julio." Napatingin si Julio sa kinaroroonan ko. Gayundin ang babae. She smiled at me, I had to smile back because I didn't want to be rude. Wala ako sa lugar ko. Mabuti nang maging maingat.

"NJ! Hi! Good morning. Did you sleep well?" I could only nod. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at pinaupo niya ako sa tabi niya. Ang pwesto naming sa dining table ay ako, si Julio, sa kabisera nakaupo si Bruno/Brandon at ang bagong dating na babae – or luma or whatever. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Hi, ako si Ami. Kumusta? Dad said that Julio had a friend. Ikaw pala iyon. Nice to meet you. Julio, she seemed so young."

Kumunot ang noo ni Julio, tumawa lang naman si Ami tapos ay muli siyang tumingin sa akin. She seemed so familiar to me. It's actually her eyes that is familiar. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero nakita ko na siya. Alam kong nakita ko na ang mga matang iyon.

"Eat. You must be hungry." Nakangiti pa ring wika niya. Tumango na lang ako. Hindi ako komportable sa bahay na ito. Akala ko kagabi ay makakatagal ako pero hindi pala. Hindi hangga't alam kong nandito si Tito Bruno/Brandon at alam kong niloloko niya si Tita Cindy and speaking of that hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. He seemed to be happy and he kept on looking at Ami. Siya ba ang kabit ni Tita Bruno/Brandon? Hindi ako makapaniwala. Ang sabi nila Tito Dondon ay bata pa si Tita Cindy nang magkakilala sila ni Tito Bruno/Brandon. Sabi nila cradle snatcher si Tito Bruno/Brandon pero hindi ako makapaniwala na aabot siya sa point na ganito. Halos anak na niya ang babaeng ito and yet they are having an affair. Ganoon ba siya kasama?

Nagpupuyos ang damdamin ko, hindi ko napansin na sinaksaksak ko nang paulit – ulit ang hotdog habang nakatingin ako kay Tito Bruno/Brandon.

"NJ, okay ka lang ba? Murder na murder na ang hotdog sa'yo." Sabi bigla ni Julio sabay hawak sa kamay ko. Kung kanina ay nayayamot ako kay Tito Brandon/Bruno or kung anuman ang gusto niyang itawag niya sa sarili niya, nang hawakan naman ni Julio ang kamay ko ay napalitan iyon ng kaba. Napatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa paligid kaya nagkakaganito ako. I swallowed. Tama ang mga tao sa hacienda, napakagwapo ni Julio. Matangos ang ilong niya, iyong lips niya pa – cupid's bow ang shape, and his eyes, his eyes seemed to be hypnotizing me. Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay palapit nang palapit ang mukha niya sa mukha ko...

Hahalikan na ba niya ako? Wait... why am I thinking like this.

"Putang ina!" Napatayo ako na siyang ikinagulat naman nilang lahat. Takang – taking nakatingin sila sa akin. "Why am I even here?! Hindi ako dapat nandito."

"Kung may mapupuntahan ka namang ibang lugar, sabihin mo lang, ihahatid kita." Wika pa ni Julio habang nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko siya tapos ay si Tito Bruno/Brandon ang ang batang – batang karelasyon niya.

"How could you do this to Tita Cindy? Brandon Orejon?! Really? Ang kapal naman po ng mukha ninyo! Sabi ni Tito Don, mahilig ka sa bata at bata pa si Tita nang makuha mo siya bulang girlfriend. She married you! You have four children! Lahat sila ay nasa high school na! Tapos nakikipagrelasyon ka sa babaeng sobrang bata na parang anak mo na?!'

"NJ! What are you talking about?!" Tumayo na rin si Julio. Hindi ako nakikinig sa kanya.

"Grabe, Tito Bruno! How could you do this to your family?!" Sobra ang hinanakit ko. Napansin kong nakatingin si Tito Bruno sa babaeng iyon. The woman was too stunned to speak but I could see amusement in her eyes. "Ano, Tito, iyong mga pagkakataong pupunta ka ng Brazil, umuuwi ka rito para makasama mo iyang kabit mo?!"

"NJ, calm down." Ikinabigla ko ang pagiging kalmado niya. I could only look at him. He had the gall to calm me down. He is ruining his family!

"Look, child. I may be a lot of things. I've been called names, worse than what you are thinking right now. But I am not about to ruin a happy family. Hija, hindi ako ang iniisip mong ako."

"Ha?" Hindi ako makapaniwala. Huli na siya pero nagsisinungaling pa siya.

"Hindi ako iyon." He said again. "And this pretty girl right here is my daughter, not my affair partner. I could never love any other woman. Only her mother. I am not the man you think I am."

"Then who the fuck are you?!" I hissed. SI Julio, kulang na lang ay hatakin ako palabas roon.

"Stop it. Stop, NJ!" He hissed. He looked at the two. "Brandon, Ami, I'm sorry, kakausapin ko lang siya." Hinatak ako Julio palabas ng dining room, palabas ng bahay na iyon hanggang sa makapunta kami sa may garden part ng lupaing iyon. Inis n ainis yata siya habang ako ay mangiyak – ngiyak.

"What are you doing? Kung ano – anong pinagsasabi mo!"

"Hindi ako nagsisinungaling! His name is Bruno Orejon. He is married to my Tita Cindy and they have four children!"

"Imposible iyan. Tulad ng sinasabi niya. Wala siyang ibang pamilya. His wife's name is Amarah, and she died leaving him and Ami here in this land. Please, this is the safest place we could ever be as of this moment, NJ. Please naman, h'wag mong sirain ang taong tumutulong sa akin! Hindi ka nga dapat nandito! I should've left you in Forbes and let you fend for yourself!"

"Nagsalita! Na-kidnap ka nga! I tried to help you!"

"You tried? And then what happened? Wala diba? Nasama ka lang. Dumagdag ka pa sa problema ko! Imbes na sarili ko na lang iyong iniisip ko. Iisipin pa kita! Problema ka talaga eh! No wonder your mother sent you to the hacienda, wala ka kasing dala kundi problema!"

"Shut up!" I hissed at him.

"Totoo naman!" He shouted back. "You are so full of yourself! May napatunayan ka na ba sa sarili mo?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're nothing but a spoiled brat! Akala mo dahil marami kang pera, okay na ang lahat, Patag na ang mundo mo. You party like there is not tomorrow, you don't care about your family's name. You stain it like it doesn't matter. Saan ka napulot ngayon? Puro sarili mo lang ang iniisip mo! Whatever is happening to you right now, NJ, you deserve it because you are nothing but a headache to your family and you are that to me now!"

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pang muli. I left. Tumakbo ako papasok sa bahay na iyon at kahit pa nasalubong ko si Ami at ang tatay raw niya ay hindi ako huminto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong pupuntahan, hindi ako makakaalis dito kaya kahit hiyang – hiya ako at galit na galit ay umakyat ako muli sa guest room, nagkulong roon at saka umiyak nang umiyak.

He's right. Lahat ng sinabi niya sa akin ay tama. Alam kong wala akong ginawang mabuti sa pamilya ko. Yes, I am a spoiled brat and he's right, I deserve to be punished. Siguro kung nakikita ako ni Mommy ngayon, matutuwa siya dahil ramdam na ramdam ko na ang kawalan ng kapangyarihan, kawalan ng pera at kawalan ng kaibigan.

I don't have any friends, I realized that they're only my friends because of what I have at ngayong wala sa akin iyon, lahat sila ay nawala rin. It's so unfair. Why is this happening to me? I cried like a little girl. It would be so much better if I was with my dad now. Sa pamilya namin ay si Dad lang naman talaga ang nagmamahal sa akin.

This is so unfair. I want to go home and yet I have no home anymore...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top