Challenge # 07
NJ's
KAPAG nga naman minamalas ang tao, sunod – sunod. Tama nga iyong kasabihan na when it rains, it pours. Kasi iyon ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang paghihirap at kamalasan ko. I shouldn't be here. Dapat ay nasa mansyon ako, nabubuhay ng parang prinsesa at gumagastos ng perang para naman talaga sa akin pero nandito ako ngayon sa kotse kasama si Julio – na hindi ko naman masyadong kilala at walang kasiguraduhan kung saan kami pupunta.
Tahimik lang ako pero iyong utak ko napaka-ingay. Gusto kong malaman kung anong klaseng tao siya. Kung bakit siya kinuha ng mga lalaking iyon at paanong nangyaring hinayaan na lang siyang makalabas ng lalaking iyon at binigyan pa siya ng kotse. Sigurado akong magpakilala sila. I sighed again. Sa pagkakataong iyon ay tiningnan ko siya.
"Saan ba tayo pupunta? Anong nangyayari, saka sino ka?" I couldn't help but ask him. "I thought at first that they were to kidnap you, pero, Julio, you walked out of the front door with a car. Hindi ka na-kidnap. Kilala mo sila." Sabi ko pa sa kanya. "What is happening?"
"It's a long story." Mahinang sagot niya sa akin. "Pero h'wag kang mag – alala. Ibabalik mun akita sa hacienda bago ako lumayo."
Ibabalik? Ako? Sa Hacienda Asuncion? Ayoko. Ayoko nang bumalik roon. Umiling ako at saka ako nagsalita. "Sasama ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata niya. "Sasama ako sa'yo. Hindi ako babalik sa hacienda. Ayoko na roon. Hindi rin naman ako hahanapin ng nanay ko kasi nga wala siyang pakialam. Sila iyong pamilya ko, imbes na protektahan ako at alagaan, itinapon nila ako dahil lang sa hindi ako sumusunod sa gusto nila. Parents should give unconditional love to their children, pero hindi naman ganoon ang ginagawa ng Mommy ko." Tumulo pa ang mga luha ko. I sighed again.
"Okay, fine. But you need to behave. Gusto ko kapag may sinabi ako sa'yo susunod ka sa akin."
"Bakit? Pwede mo naman akong ihatid kung saan tapos umalis ka. Mamumuhay na lang akong mag – isa."
"How could you do that?" He asked me again. Pinahid ko ang mga luha kong kanina pa tulo nang tulo.
"I have friends. You could just drive me there, ako na ang bahala." Sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya. Naisip niya sigurong mas okay na wala ako sa landas niya kung tumatakbo siya palayo sa mga taong iyon. Iyon rin naman ang naiisip ko. Ayokong nandito. Hindi ko naman siya kilala nang husto bakit ko kailangan madamay sa problema niya?"
"Saan kita ihahatid, NJ?"
"Sa Forbes Park. I have a friend there. I am so sure she'll take me in." Siguradong – sigurado akong hindi ako tatanggihan ni Dominique. My friend, Dominique Gaita is the daughter of the textile tycoon, Cenro Gaita. We're friends. We party together. Actually, noong huling party na ikinagalit ni Mommy noon, ay magkasama kami. She is my witness. She saw everything. Sigurado akong alam niya rin kung anong nangyari sa akin kaya alam kong tutulungan niya ako. I am always helping her whenever I could, so, I know that she will never let me down.
I was humming. Kahit paano ay sumasaya na ako. Hindi na ako maghihirap. Hindi ko na kailangan gumawa ng kung ano – ano para lang mapatunayan sa Mommy ko na nagsisisi ako. I apologized to her once, she should accept that, kung ayaw niya eh di wag. Hindi ko naman siya pipilitin.
Na-realize kong nasa Metro lang kami. I guess, dito kami dinala noong mga kumuha sa kanya. Pasalamat na lang din ako kasi I tried helping him, napasama ako sa kanya, nandito ako ngayon, eh di napadali ang pagluwas ko. Sa totoo lang kaninang nag-e-emot ako sa paglalakad sa Bulacan, iniisip ko kung paano ako luluwas, wala kasi akong kahit na anong piso. Wala rin kasi akong dalang kahit anong pwedeng ibenta para lang magkapera. Binawi lahat ni Mama Aelise ang mga alahas na suot ko nang dumating ako sa hacienda. Sure ako na sinabi ni Mommy iyon. Masama talaga ang loob ko sa kanilang dalawa.
Hindi nagtagal ay nakita ko na ang Forbes Park signage. Pumasok kami sa gate 1 at agad naman kaming pinahinto ng guard. Ibinaba ko ang salamin ng passenger's seat at saka ngumiti sa kanya.
"Good evening, Ma'am. Saan po tayo?" He asked me.
"Dominique Gaita's residence, Sir." I told him.
"Name po? ID?" Patay. Wala akong dalang ID. Hindi ko alam kung anong sasabihi ko pero bigla na lang ibinigay ni Julio ang ID niya sa guard. Kitang – kita ko nang manlaki ang mga mata ng guard at agad na pinapasok kami.
"They know you here?" Nagtatakang tanong ko. Nagkibit – balikat lang naman siya.
"Tell me where the house is." I gave him instructions. Hindi nagtagal ay nasa harap na kami ng mansyon ng mga Gaita. Bumaba ako ng kotse at saka nag-doorbell. Hindi naman nagtagal ay binuksan iyon ng guard. Nakilala niya ako kaya pinapasok niya ako at pinatuloy na sa loob. Sa receiving area. Hindi ako kinakabahan. I am so confident. I know that she will receive me with open arms.
Hindi naman nagtagal ay hinarap na kami ni Dominique. I was all smiles at her pero na-freeze ang ngiti ko nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa saka tumawa na para bang nang-iinis pa.
"You had the gall to come here." Napapailing na wika niya.
"Nikki... why are you like that? I really need help. You're my friend and I think you could..."
"Help you? Oh my god, my dear, Noelle Joanne! Do you think that after your parents disowned you, kaibigan pa kita? My god. Hindi ko ia-associate ang sarili ko sa'yo! My god! Umalis ka na baka may makakita pa sa'yo rito. And who's this with you? Another palaboy? My god, NJ, you really thought you have power here. Wala na. Wala ka nang pera so, wala na. Leave. H'wag ka nang babalik rito." She told me. Tinalikuran na niya ako at umalis siya. Naiwan akong lumuluha sa receiving area. Pahiyang – pahiya ako kay Julio. Baka isipin niyang ganito ako, na ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako gusto.
Sawing – sawi akong umalis sa mansyon ng mga Gaita. Tahimik akong sumakay sa kotse ni Julio. Umiiyak lang ako. Hindi ko kaya ito. Hindi pwedeng ganito. Gusto ko na lang mawala at maglaho. Sana kainin ako ng lupa. Habang palayo kami sa bahay na iyon ay wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak.
"Uhm... do you have... any other place to go to?" I shook my head.
"Apparently, I have no friends." I sobbed. "Lahat ng kaibigan ko ay konektado kay Dominique. Malamang tulad niya ay ganoon rin ang iniisip niya sa akin. I thought they were my friends. I thought we have each other's back kasi ganoon ako sa kanila. Mali pala ako."
"It's okay. You're young. You don't know any better. Sana magsilbi itong aral sa'yo." Sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya. Nakalabi pa ako. Kahit ayoko, at kahit nakakahiya ay hindi ko napigilan ang sarili kong umingos sa kanya. "Saan na tayo pupunta ngayon?" I even asked him. Nanlaki ang mga mata niya.
"Tayo?"
"You don't think that I'd come back doon sa hacienda? Ayoko na nga roon. Ayokong magmukhang tanga habang sila ay masaya. Naiinis ako kay Marteena kasi nararamdaman niya iyong mga privileges na dapat meron din ako. Naiinis ako kay Tita kasi kakampi niya si Mommy. Naiinis ako kay Dad kasi hindi man lang niya ako pinatanggol. Wala akong friends at dahil iyon sa pamilya ko. I want to leave this life."
"Magpapakamatay ka? H'wag! No matter how desperate you get, h'wag na h'wag mong gagawin iyon!"
"Gago, hindi naman kasi!" Sinigawan ko siya. "Mamumuhay na lang akong mag – isa. Iyong malayo sa pamilya ko pero kasama mo ako. Kasi nakakahiya man, pero hindi ko talaga kayang mabuhay mag-isa. I'm gonna need some help." Sabi ko pa sa kanya. I swear when I looked at him, I was blushing so hard. Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Julio, but every time I look at him, I feel like my insides are melting... and it's happening now.
xxxx
Julio's
IT'S a good thing NJ fell asleep. Hindi man siya gaanong nagsasalita tungkol sa nangyari sa mansyon ng kaibigan niya, alam kong napakasakit noon sa kanya. Kanina habang pinakikinggan ko siya ay napakarami kong gusting sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na sa lahat ng nangyayaring problema sa buhay niya, wala siyang ibang dapat sisihin kundi siya dahil sa katigasan ng ulo niya.
But we're not in that page yet. Sa susunod kung sakaling maubusan ako ng pasensya sa kanya ay baka hindi ko na matiis ay makapagsalita na ako sa kanya ng mga bagay – bagay na kailangan niyang marinig. She should listen to me – in my opinion because I am older than her, and I am wiser in so many things. Nang makita ko ang kaibigan niyang si Dominique ay nahulaan ko na kaagad ang mga susunod na pangyayari. I sighed. Nakaramdam na naman ako ng awa sa kanya but I understand her mother, she should be taught a thing or two. Hindi ko alam kung anong gagawin ni NJ sa buhay niya tapos ngayon ay gusto niya pang sumam sa akin samantalang kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko para maiwasan ko na ang kaguluhan sa buhay na pilit ibinibigay sa akin ng kapatid ko dahil ito ay iniwanan sa amin ng mga magulang namin. Hindi tama iyon. I will never like this life. Kaya nga pilit akong tumatakas at kung tatakas ako na kasama siya, anong kasiguraduhan na hindi siya mapapahamak?
And that was when I realized that I was in the same situation too. Paanong hindi ako mapapahamak? Galit na galit na ang kapatid ko. Hindi ko alam kung anong susunod niyang gagawin at hindi ko alam kung tulad ng dati ay tutulungan pa ako ni Damian. Siyempre ang loyalty ni Damian ay sa pamilya namin at dahil pilit akong kumakawala sa buhay na iyon, hindi ko alam kung kakampihan niya pa ako. He is a good person, but his loyalty will always belong to the family.
And because of all of this, noon ko naisip na kailangan ko ng depensa. Kailangan ko nang harapin ang kapatid ko. Alam kong may pag-asa pa kami ni Jaime na magka-ayos kaya gagawa ako ng paraan. Inapakan ko ang gas at saka nagmaneho nang mas mabilis. I need to get to that place now. I know I will be safe there.
Three hours later, natanaw ko na ang gate ng lugar na pupuntahan ko. I was so sure that he was there. I was so sure that he would help me. Matagal na kaming magkakilala. Noong naglayas ako noong college ako ay siya at ang anak niya ang kumupkop sa akin. I was with them for seven years. Umalis lang ako dahil naisip kong kailangan ko nang mamuhay mag – isa but we still communicated.
I parked my car just in front of their gate. I pressed the doorbell and as if he was waiting for me, the door opened, and I was greeted by the exact man that I want to see. Si Brandon Orejon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top