Challenge # 06
Julio's
I WOKE UP.
The first thing I did after waking up was to make sure that I was still alive. I am confined to a basement, but I am alive. Hindi naman ako nakatali pero madilim ang paligid at wala akong nakikitang bintana sa loob ng silid na iyon kaya sigurado akong nasa isang basement ako. Wala akong ideya kung nasaan ako dahil nawalan ako ng malay. Nakuyom ko ang palad ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. I need to get out of here. I need to leave. Kapag nakaalis ako rito ay kailangan ko na namang maghanap ng ibang lugar kung saan magtatago para hindi nila ako mahanap. I left because I didn't want this kind of life and yet, I found myself here, bumalik na naman ako sa una.
Wala akong ideya kung sinong kumuha sa akin – sa amin – because suddenly, I remembered that Noelle Joanne was with me when this happened. I wondered where she was now. Anong ginawa sa kanya? I hope she's safe somewhere. I hope she knows that even though we're not friends, I will save her and make sure that she's back to the Hacienda Asuncion in no time. Tumayo ako at sinubukang hanapin ang switch ng ilaw. Hindi naman ako nabigo. I turned the lights on but to my surprise, hindi ako mag – isa sa silid na iyon.
"Hello, Julio. We missed you here."
"James..." Tumayo ang kapatid ko at saka lumapit sa akin. I haven't seen him for a long time at hindi rin naman ito ang pagkakataong nais ko siyang makita. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Gusto kong mamuhay ng normal, maging mabuting mamayaman at mabuting tao pero kahit gaano ko yata takasan ang mga bagay – bagay ay talagang hindi ako makaaalis sa pinanggalingan ko. I knew that there was a possibility if him being involved in my abduction, but I hoped that it was not the case but of course, I was wrong.
"It's been so long. I assume you are now ready to face the life that you left behind."
"Hindi ito ang buhay na gusto ko. I keep leaving because I don't like this life."
"Ito ang buhay natin."
"Ito ang buhay na ginusto ni Mama at Papa para sa atin. Bakit, James, kahit ba kailan, ginusto mo ito? Ginusto mong maging criminal? Maging miyembro ng sindikato na walang ginawa kundi ang manakit ng ibang tao at mang-agrabyado? I hate this life! I'd rather live as a simple farmer than be something that I am not!"
"Putang ina!" Sigaw niya sa akin. "Dalawa lang tayong magkapatid at oo pareho nating hindi ginusto ang pangyayaring ito but fuck! We don't have a choice! We need to keep this going because if not, we'd be dead!"
Hindi ako nakasagot. Ayokong mamatay. Gusto ko pang maranasan ang buhay na hindi ko naranasan noon habang nasa puder ako ng mga magulang ko. Yes, we're filthy fucking rich, pero lahat ng perang ito ay galing sa masama. I call it blood money. My parents did everything to give us the kind of life they never had kahit ang kapalit noon ay ang pagsangla nila ng kaluluwa nila sa demonyo.
"We have a choice to run away!" I told my brother.
"Easy for you to say." Nakangising wika niya. "You did just that, pero ngayon sisiguruhin kong hindi ka na makakatakas. You belong here, Julio! Sa ayaw at sa gusto mo."
Hindi ako papayag. Tiningnan ko lang ang kapatid ko. Wala akong ideya kung nasaan ako ngayon pero hindi ako magtatagal rito.
"James..." Lumapit ako sa kanya. "James, listen to me. We can run away together. Pwede tayong magsimula nang buhay na walang nakakakilala sa atin. We can hide."
"We can't do that forever! Instead of running away, bakit ba hindi na lang natin harapin nang magkasama ang buhay na ito? Sa atin iniwanan ni Mama at Papa ang negosyo! We can share. Kung ayaw mo talaga sa illegal, then you can just manage the legal part of the business, ako nang bahala sa ayaw mo!"
Hindi ko rin kayang hawakan ang legal na business ng pamilya kung ganoon lang din ang sitwasyon. Hindi pwede. Ayoko ng kahit na anong may kinalaman sa buhay na ito. I wanted to leave this life. Mas gusto ko sa malayo, iyong walang mamiilit sa akin. Iyong walang bahid ng dugo ng kahit na sinong tao.
"James..." Hinawakan ko ang kapatid ko sa leeg. He looked at me. I love James. Kaming dalawa ang magkasangga sa buhay. Mula noong mga bata kami hanggang sa nalaman namin ang klase ng buhay ng mga magulang namin.
We grew up poor. Naaalala ko pa noon ang trabaho ni Papa. Driver siya ng isang kilala politiko. Sumasahod siya ng sapat para sa aming pamilya. Nakakapag – aral kami ni James. Dalawang taon lang naman ang tanda ko sa kapatid ko kaya halos sabay kaming lumaki. Sa public-school kami nag – aaral. Wala akong nararamdamang pagkukulang sa buhay namin. Basta alam ko masaya kami. Naglalaro kami ni James, pumapasok sa eskwelahan, may mga kaibigan. Wala na kaming hahanapin pa.
Hanggang sa isang araw, bigla na lang kaming lumipat sa isang magandang bahay. Nagkaroon na kami ni James ng kanya – kanya naming mga silid. Lumipat na kami ng private school at hatid sundo na kami ng driver. Hindi ko alam kung anong nangyari ang sabi ni Mama ay tumama sila sa lotto kaya mayaman na kami ngayon. Hindi ko maintindihan pero dahil nakikita kong masaya sila, masaya na rin ako.
Everything was in their place but when I was thirteen and James was eleven, doon ko nalaman ang totoo. Nahuli ko ang isa sa mga tauhan ni Papa at Mama na naglalagay ng puting powder na nakalagay sa box sa loob ng truck. Ang akala ko noon tawas kaya dinala ko sa eskwelahan para paglaruan kasama ang mga kaklase ko. Ano bang magiging mali? Tawas lang naman. Natatandaan kong masaya pa kaming naglalaro hanggang sa nakain ng isa sa mga kaklase ko ang ibang parte ng dala ko, hanggang sa tumawa siya nang tumawa, hanggang sa nagsuka siya hanggang sa dalhin siya sa ospital at doon sinabi ng mga doctor na high ang kaklase ko – na ang dala kong substance ay hindi tawas kundi shabu.
Noon ako namulat sa kasalanang ginagawa ng mga magulang ko and from then on, it was never the same for me.
Awang- awa ako sa kapatid ko. My parents were trying to give him everything and I was so sure that it was out of guilt.
"Let's just leave this life." Wika ko sa kanya. Umiling siya.
"Let's live this life, Julio." Sabi niya naman sa akin. Hindi ako papayag. I looked at my brother and then I hugged him – kasabay ng pagyakap ko sa kanya ay ang paghampas ko sa may batok niya doon sa may ugat kung saan kapag hinampas o sinuntok ay makakatulog siya. Nagtagumpay naman ako. Inilapag ko si James sa kama at saka kinuha ang baril niya. I sighed and apologized to my brother for the nth time. Kaya kong ibigay ang lahat sa kanya maliban sa hinihiling niya sa akin.
Lumabas ako ng silid na iyon. Noon ko lang napansin na ang kinalalagyan namin ay ang unang bahay na binili ng mga magulang namin sa perang nakuha nila sa kung saan. I sighed. I didn't want to be here but before I leave I need to look for Noelle Joanne so that I could return her to her family.
"Julio!" Narinig ko ang boses ni Damian. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ni James at pinakapinagkakatiwalaan sa lahat. "Nasaan si James? Bakit lumabas ka? Nagkausap na ba kayo?"
"Nasaan siya?" I asked him. Bahagya siyang nag – isip. "Nasaan iyong kasama ko? Damian, please lang sabihin mo kung nasaan siya. Wala siyang muwang sa mundo. Wala siyang kalam – alam sa nangyayari sa buhay na mayroon tayo, so please just let me get her, take her home."
"Julio, ako ang papatayin ng kapatid mo."
"Hindi. Hindi niya gagawin iyon. Just tell me where she is." Hindi naman nagtagal ay sinusundan ko na si Damian papunta sa silid kung saan tinago si NJ. Binuksan niya iyong pinto and that was where I found her sitting in the middle of the bed, crying like there's no tomorrow. Nang makita niya ako ay saka siya tumayo and to my surprise, niyakap niya ako nang napakahigpit.
"Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam ito. Natatakot ako." Sisigok – sigok pa siya. Damian looked at me. Sumenyas siyang sumunod sa kanya at ginawa ko naman. Hinayaan ko si NJ na nakayakap sa akin. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi naman siya madadamay kung hindi ko siya inayang kumain. Siguro ay nasa hacienda pa siya at komportable, but here she is and she's trembling so bad. Hindi ko alam ang gagawin ko pero nakatatak sa isipan kong kailangan ko siyang maibalik nang maayos sa pamilya niya.
Dumaan kami sa isang hagdanan kung saan tinutunton niyon ang garahe. I had always known that I could trust Damian. Hindi ako nagkamali. Nang makarating kami sa garahe ay ibinigay niya sa akin ang susi ng kotse.
"Please, Julio, sa susunod h'wag ka nang magpapahuli sa kapatid mo. If you really want to leave us behind, then do so. Galingan mong magtago." Sabi niya sa akin saka ako tinulak. Hinawakan ko sa magkabilang braso si NJ. I gently cupped her face to wipe her tears to tell her that everything will be okay even though am not so sure.
"Let's get out of here." Sabi ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top