Challenge # 03
Noelle Joanne's
I WOKE up. That means that I'm not dead. Gusto ko agad magpasalamat kay Lord kasi tinupad niya ang dasal kong h'wag muna akong kunin kasi hindi pa ako handa – kahit na hindi talaga iyon ang nasa isip ko – but at least I am alive. Iyon nga lang hindi ko alam kung nasaan ako.
I was on a bed inside a rustic room – rustic kasi feeling ko nasa kubo ako. Kahit naman taklesa ako pinipigilan ko ang sarili kong sabihin na nasa loob ako ng isang kwarto sa isang kubong parang isang anay na lang ang hindi pumipirma para magiba ito. I bit my lower lip. I noticed that I am not wearin my clothes anymore. Noon nanlaki ang mga mata ko. Someone saved me from drowning. I am thankful but I want to know who they are and if they're the ones who took my clothes off and changed me to this... I looked at myself, at this kind of clothes. For the lack of a better word, damit na lang ang itatawag ko sa suot ko. I was wearing an oversized shirt and a pair of boxer shorts. Mabango naman iyon. Parang bagong laba. Pero nasaan ba ako?
May kurtina sa bandang harapan ko – alam kong iyon ang pinto ng silid na iyon. Dahan – dahan akong bumaba ng kama. I wanted to know the person who saved me. Siyempre kailangan ko na ring bumalik sa hacienda kahit na masama ang loob ko kay Tita Aelise. Ang bumungad sa akin ay ang simpleng living area. It only has a sofa made of bamboo wood, a simple coffee table tapos sa may bandang kaliwa ay mayroong isang halamang hindi ko naman alam ang pangalan. Nasaan ba ako? Hindi nagtagal ay may narinig akong yabag mula sa kung saan. Agad akong bumalik sa kama dahil nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman ako natatakot. Anak ako ni Reese Demitri. I was raised to be a fighter, it's just that I am feeling so vulnerable right now and I don't even know if I should attack the person who saved me.
Bigla akong napaigik nang mapansin kong may humawi ng kurtinan sa may pinto. My eyes widened when I saw a man in his white muscle shirt, ripped jeans and cowboy boots. May cowboy hat rin siya. Mukha siyang trabahador ng hacienda pero hindi ako pamilyar sa kanya. Kunsabagay, paano ako magiging pamilyar sa kanya? Ngayon lang naman ako nagtagal ng sobra rito.
"Gising ka na pala." Sabi niya sa akin. Halos lumuwa ang mga mata ko. Tumayo ako at saka siya dinuro.
"You saved me?" Medyo kalmado pa ang boses ko. Tumango siya. Huminga naman ako nang napakalalim. "Does that mean you changed me?"
"Oo. Basang – basa ka. Siya nga pala, walang anuman." Noon ako napasigaw. Bigla ko siyang sinampal na siyang ikinabigla niya.
"Anong walang anumang pinagsasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya. "Hinubaran mo ako! Nakita mo ang katawan ko! Hindi kita kilala! Manyak ka!" Pinagsasampal ko siya.
"Aray! Aray naman! Miss kumalma ka nga!" Sabi niya sa akin. Sinubukan niya akong hawakan sa magkabilang palapulsuhan peron nagpupumiglas ako. Gusto ko siyang sapakin pero sobrang tangkad niya. Hindi lang iyon, nanlalambot rin ako kaya wala akong magawa kundi ang paghahampasin siya. Nahawakan niya ang dalawang kamay ko at saka isinandal ako sa pader ng silid na iyon. My breath hitched. I swallowed hard and then my mouth parted.
Ang lapit – lapit namin sa isa't isa. Kakasampal ko sa kanya ay natanggal na ang cowboy hat niya. Kitang – kita ko ngayon ang mukha niya. He's handsome – ruggedly handsome. He has thick eyebrows but there is a cut on his left one – it's a style that made him more manly – why the fuck am I thinking like this? Hindi ako dapat nag – iisip ng ganito sa isang estranghero! For fuck's sake! Hinubaran niya ako nang walang consent! That's harassment!
"Makinig ka sa akin! I only did that because you were shivering too much! Wala akong nakitang gusto ko, okay?" Ang kapal ng mukha niya! Parang utang na loob ko pang nakita niya ang pinakatatago ko tapos hindi siya nagandahan! Kasalanan ko ba iyon?!
"Hindi mo ako dapat hinubaran! Walang consent!" Matapang na wika ko.
"Fuck, consent! Mamatay ka sa lamig kailangan pa ng consent? Kung hindi ka ba naman kasi tatanga – tanga na naglalangoy ka sa lawa na iyon kung kailan may posibilidad na lumakas ang tubig eh di sana wala tayo dito ngayon?!'
"Kapal ng mukha mo!" Sinampal kong muli siya. Nang tumingin siya sa akin ay galit na galit na ang ekspresyon ng mukha niya.
"Isang sampal pa, hahalikan na kita."
Nanlaki ang mga mata ko. Matapang naman ako but I didn't want to risk it. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya dapat maingat ako. Wala akong kakampi rito. Wala rin akong dalang kahit na anong pwede kong gamitin para ipagtanggol ang sarili ko. But I can always kick him and then run away. I bit my lower lip.
"As expected," Noon lang siya lumayo sa akin. "You should be thankful I saved you. Kundi baka nakita ka na sa ibang parte ng ilog at pinaglalamayan ka na ngayon." Sabi niya pa na para bang napalayabang niya. I only looked at him.
"Gusto ko nang umuwi." Wika ko sa kanya. Nakakuyom ang palad ko. He only looked at me.
"Saang parte ba ng hacienda ka galing?" Nang muli akong tumingin sa kanya ay ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita kong naghubad siya ng pang – itaas niya.
"What are you doing?!" I hissed again. Sukat ba naman ay humarap siya sa akin. I was greeted by those tanned skin, perfect collar bones, toned pecs and abs – I think he was even flexing. Ngumisi pa ang putang ina sa akin.
"Come to think of it, you're looking at me now, quits na tayo." Hindi ko na talaga kaya ito. Lumakad ako papunta sa kanya. Nginisihan ko siya tapos ay sinipa ko siya sa pagitan ng mga hita niya. Ang kapal talaga ng mukha niya. Napa-aray ang putang ina. Sa tangkad niya na iyon ay bigla ko siyang naging ka-level dahil sa impit niyang pagsigaw. Nang makapantay na kami ay saka ko siya sinampal.
"Do not ever cross me again! Asshole!" Tinalikuran ko siya tapos ay tumkabo ako palabas ng kubong iyon. Hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Hindi ako pamilyar sa ligar pero sinundan ko ang daan sa gitna ng maisan. Naniniwala akong makakarating din ako sa dulo at makababalik sa kung saan ako galing.
Kapal ng mukha ng lalaking iyon! Oo nga at niligtas niya ako pero wala siyang karapatang bastusin ako. Nakakainis talaga! Naisip ko kung trabahador ba siya nila Uncle Sabello. Kung oo, sana hindi ko na siya makita. Inis na inis na ako sa kanya. Oo, gwapo siya pero nakakabwisit ang mukha niya. Ang kapal pa ng labi! Ang sarap lamutakin hanggang sa dumugo ang ilong! Ang bastos!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal naglalakad pero nang marinig ko ang lagaslas ng tubig na sigurado akong mula sa lawa kung saan ako nalunod ay tumakbo agada ko papunta sa direksyong iyon. Makakauwi ako! Makababalik ako kay Tita Aelise tapos makikita ko ulit ang pamilya ko kahit na galit silang lahat sa akin. Habang palapit nag palapit ang tunog ng tubig ay nagiging pamilyar na kapaligiran sa akin. Hindi ko alam kung saan ako galing. Basta ang nasa isipan ko lang ay dapat makabalik ako sa hacienda ng mga Arandia.
"Amo, doon po!" I heard familiar voices. Lalo akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Hindi nagtagal ay nakita ko si Mang Lucky, tapos si Tita Aelise at si Uncle Sabello.
"Amo, siya nga po!" Ang sumunod na nangyari ay ang pagtakbo ni Tita Aelise papunta sa akin. She hugged me so tight that I almost lost the ability to breathe.
"Saan ka galing! Jusko kang bata ka! Why are you dressed like that? Noelle Joanne, anong nangyari?"
"I almost drowned..." I whispered. Punong – puno ng pag – aalala si Tita sa akin. She was cupping my face as if checking if I am injured or something. "I'm sorry, Tita. Gusto ko lang sanang mapag – isa para mag – isip. I wanted to swim on the lake pero biglang bumilis at lumalim ang tubig."
"Nagpakawala ng tubig galing sa dam, anak." Narinig ko si Uncle Sabello. "Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin..." Hindi tinuloy ni Uncle ang sasabihin niya. Yumakap akong muli kay Tita Aelise.
"You're safe now, anak. Come, let's go back. You look sickly, NJ." Inakbayan ako ni Tita hanggang sa makasakay kami sa pick – up. Ibinalot ako ni Tita sa makapal na quilt at saka niyakap mula nang mahigpit. I sighed and closed my eyes. I feel safe now. Hinding – hindi ko na makikita iyong lalaking iyon. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako nasa mansyon na.
Akala ko lang pala iyon...
xxxx
AKALA ko dahil nalunod ako, okay na ang lahat. Akala ko lanh pala iyon. Kinabuksan nang masiguro ni Tita Aelise na maayos na ang pakiramdam ko – na pinagsisihan kong nagsabi ako ng totoo – ay pinabalik na niya ako sa trabaho sa farm. Inis na inis ako pero wala akong nagawa kundi amg sumunod dahil kailangan. I wanted to go home, call my dad and ask him to pick me up but instead I am here, cleaning the haystack.
"Galingan mo riyan, NJ ha!" Napalingon pa ako kay Mang Lucky. I just made a face and turned my back on him. Never in my life did I imagine myself being in this situation. Jusko! Sinong mag-aakala na si Noelle Joanne Demitri, apo no Yza Consunji – Demitri, isa sa heir ng Demitri clan ay nandito sa Bulacan at naglilinis ng tae ng kabayo all because my mom cannot chill and accept my apology. I rolled my eyes. Naisip ko ba kung alam ni Mamita ang ginagawa sa akin ng nanay ko. Si Daddy naman kasi ay palaging sunod – sunuran kay Mommy. He always aims to please his wife, paano naman kaming mga anak niya?
"NJ, pagkatapos mo riyan, ilagay mo iyong feeding bucket sa mga kwadra ng kabayo ha? H'wag mong kalimutan. Tapos sumabay ka na sa aming kumain." Again, wala akong nagawa kundi ang sumunod. Matapos kong maipon ang lahat ng Dayami at makabuo ng haystack sa loob ng stables ay isa – isa kong ipinasok ang feeding bucket. Hindi ko alam kung anong nilalagay nila rito pero amoy tae talaga. After that task, tinawag na ulit ako ni Mang Lucky para sumabay sa kanilang kumain sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa may bandang gitna.
Naroon ang halos lahat ng trabahador, ang ilan sa kanila ay kilala ko na. Ang ilan naman ay pamilyar lang. Halo ang mga kumakain, may mga babae, mga bata, at ang mga kalalakihang trabahador ni Uncle Sabello. Lahat sila ay masayang nagkukwentuhan habang nagkakamay.
"Kumain ka na, NJ!' Yakag sa akin ni Mang Lucky. Ngumiti ako nang pilit at kumuha ng plato. Nagugutom na rin naman ako kaya hindi ako tatanggi. Pritong isda ang ulam, may bagoong alamang, at mga gulay – gulay. Kumakain ako noon. Hindi ako mapili sa pagkain dahil pinalaki kaming magkakapatid na kung anong nasa hapag ay iyon ang kakainin namin.
"Oh! Kumakain pala ng pagkaing mahirap itong pamangkin ni Amo!" Nagkatawanan pa ang ibang mga kalalakihan roon.
"Wala naman siyang choice." Sabi noong isang babae roon na halos kaedad ko yata. "Itinakwil siya ng nanay niya kaya mahirap na rin siyang tulad natin." Hindi ako makagalaw habang sumasandok ng kanin. I looked at the person who talked badly about me. Anong problema niya? Anong pinagsasabi niyang tinakwil ako ng nanay ko? Sasagutin ko sana siya nang biglang may humawak sa braso ako. When I looked up, nakita ko ang bastos na lalaking sumagip sa akin kahapon lang!
"Julio!" Parang nagkagulo ang mga matatandang lalaki nang makita ang bastos na putang inang ito. Ngumisi siya sa mga iyon pero hindi niya binibitiwan ang braso ko.
"Magandang tanghali po, Mang Lucky, Ka Emyong, Aling Gara. Kagagaling ko lang po sa hacienda sa Kanluran. Nag – usap po kami ni Boss Ross tungkol sa patanim sa susunod na linggo."
"Mabuti at ganoon. Halika, at kumain ka na. Siya nga pala si NJ. Pamangkin siya ni Among Sabello."
"Opo. Nagkakilala na kami kahapon." Wika niya habang titig na titig sa akin. "Hindi ba, NJ?" Kinindatan niya ako na para bang nakakaloka kaya lalong nag – init ang ulo ko. Nagpupumiglas ako sa kanya pero hindi niya ako binitiwan at imbes na hayaan ako ay nag-excuse siya sa matatanda para hatakin ako kung saan. Ako naman ay nagpupumiglas pero ayaw niya talaga akong bitiwan hanggang sa nakarating kami sa isa pang puno ng mangga malayo sa mga miron na alam kong nakatingin sa amin.
"Bitiwan mo nga ako! Harassment ito! Bitiw sabi!" Thankfully binitiwan naman niya ako. Akmang magmamartsa ako pabalik sa mga kasama namin nang hawakan na naman niya ako sa braso. "Ano ba?!"
"Niligtas kita. Dapat kang magpasalamat sa akin." Nakangisi pa ring wika niya. I rolled my eyes.
"Hinubaran mo ako! Sexual harassment iyon!"
"Mas gugustuhin mo bang mamatay sa lamig?" Balik tanong niya sa akin. "Saka isa pa, wala naman talaga akong ginusto sa nakita ko. Think of it as a charity case. I didn't enjoy any of it. Isa pa, ayoko sa babaeng walang dede. Wala ka noon. Hindi ako attracted sa'yo." Walang abog na wika niya. Namula ang buong pagkatao ko.
"Napakakapal ng mukha mo!" Sa pagkakataong iyon ay sinapak ko na talaga siya. Wala akong pakialam kung isumbong nila ako kay Tita o kay Uncle. This guy is getting through my nerves so much and he deserves that punch!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top