Challenge # 02
Noelle Joanne's
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Tita?" Hindi ko mapigilan ang umiyak habang kinakausap si Tita Aelise. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito siya sa akin. Pamangkin niya ako! Dapat mahal niya ako at dapat anak ang turing niya sa akin! Ako ang unang pamangkin at unang apo kaya kailangan special ako! But why am I being treated like a mere slave here? Dapat sa mansyon ako matutulog at mag-stay pero nasa maids' quarters ako na para bang hindi ako kapamilya! I hate it! I hate it so much! Ni hind inga ako pinapakain na katulad ng pagkain nila ngayong almusal. I have to share food with the maids! I can't! I really can't!
"Anak..."
"Anak? Anak pa ba ang tawag sa akin?" Nagpahid ako ng luha habang nakatitig kay Tita. Si Uncle Sabello ay napansin kong titig na titig sa akin. Feeling ko naaawa na siya that's why I batted my eyes at him. Mukhang ikinagulay niya iyon kaya bigla siyang tumingin kay Tita.
"Asawa ko, baka naman pwedeng pagbigyan mo muna si Baby Ruth sa ngayon. Hindi ka ba naaawa sa kanya?"
"Magtigil ka riyan, Sabello. Kapaga ko nayamot diyan sa mga semilya mo ganyan din ang disiplinang gagawin ko. Aba ikaw ang tatay pero ikaw pa ang spoiler kaya mas maiging nasa boarding school si Kiko at Leon nang matuto silang mabuhay nang matino. Iyang si Marteena at Merida kapag hindi ninyo inayos nako kayong mag – aama." Pinanlakihan pa ni Tita ng mga mata si Uncle Sabello kaya ayun, wala na. Wala na ang nag – iisang pag – asa ko. Bakit ba lahat ng mga asawa ng mga Tita ko hindi makapalag kapag sila na ang nagsasalita? Nakakainis.
"Look, anak." Nagsalita muli si Tita Aelise. "Hindi ako sang – ayon noong una sa nanay mo pero matapos kong makita ang mga articles tungkol sa'yo, lalo na noong nag-trending ka sa social media napaisip ako. Ayokong mangyari iyon sa mga pinsan mo. I want them to have a good life, I want them to be influenced goodly tapos naisip ko kung sa akin ba gawin iyon ng mga anak ko, anong gagawin ko? Bigla kong naintindihan ang nanay mo. All she wants is for you to have a good life. Hindi mo makukuha iyon kung ganyan ka. Noelle Joanne, ikaw na ang nagsabi, you are of age, pero ni hindi mo natapos ang degree mo. Isang sem ka na lang sana, anak. Mahal ka ng Mommy mo pero she wants you to learn something from this and I want to help her."
Wala akong nagawa. Hindi siya naawa sa akin. Hindi ko sila nadala sa pag – iyak ko kaya wala akong choice kundi ang bumalik sa trabaho.
Naiiyak pa rin ako pero ito na iyong buhay ko. Kung hanggang kailan ito ay hindi ko alam basta alam ko lang kailangan kong pagtiisan ito.
Bumalik ako sa farm. Ni hindi nga ako assigned sa bahay bilang maid. Okay sana iyon – marunong naman ako sa gawaing bahay pero ang mahalagang part doon kung sa bahay ako naka-assign ay makakapagtago ako at makakapagpahinga sa mga rooms kung gusto ko pero nandito ako sa farm. Jusko, sabi ni Mang Lucky, ngayong araw daw ay tuturuan niya akong magpaligo ng kabayo. Like bakit naman niya gagawin iyon? Tama na iyong marunong akong maligo pero bakit kailangan ko pang paliguan iyong kabayo rito sa farm?
Nang makabalik ako ay nakita ako ni Mang Lucky na para bang inip na inip na sa kakahintay sa akin.
"Saan ka galing, Baby Ruth?"
"Look, only my parents can call me Baby Ruth. Hindi tayo pamilya, hindi tayo close. Call me Miss Noelle. Amo pa rin ako rito no." Humalukipkip ako habang nakatingin kay Mang Lucky. Tumawa lang siya sa akin.
"Sabi ng nanay mo tratuhin ka namin ng pantay kaya ikaw si Baby Ruth hindi si Miss Noelle."
"Fine! Call me NJ! H'wag mo ako tawaging Baby Ruth!"
"Okay, NJ." Natatawa pa rin si Mang Lucky. "Sumunod ka sa akin kasi magpapaligo ka ng kabayo."
"Ayoko nga!"
"Kapag hindi nagtrabaho, hindi kakain." Sabi pa ni Mang Lucky. Tumaas ang kilay ko.
"No kaya! Bahala kayo riyan! Kahit kailan ay hindi ako magpapaligo ng kabayo." I walked out. Hindi ako dapat nasa farm. I should be in the city enjoying the riches of my family pero heto ako at inuutusang magpaligo ng kabayo. Sobrang unfair naman nito!
Nakakainis! Napakatuso ni Mommy! I thought that everything is fine. Nag – usap na kami eh! Nag – usap na kami at akala ko ay naiintindihan niya ang lahat pero nandito ako! Pinaniwala niya ako sa isang bagay na hindi naman pala totoo. I hate it so much. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa mapansin kong naririnig ko na ang pagaspas ng tubig mula sa lawa sa di – kalayuan. Tuwing dumadalaw kami rito ay madalas kaming dalhin ni Tita roon. Jellybean and I used to play there a lot before and right now, doon ko naisip na magtago sa mundo kasi nayayamot na talaga ako. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila akong lahat.
I went near the huge Narra tree and sat underneath it. Kinakalma ko ang sarili ko dahil talagang nakakaramdam ako ng galit ngayon. Galit kay Mommy, galit kay Jellybean at galit sa buong mundo kasi napaka-unfair nito sa akin. Hindi man ako inisip ni Mommy. Hindi niya ba naisip na mahihirapan ako?
"I hate this!" I shrieked. Hindi ako dapat nandito! Bigla akong natigilan dahil naalala ko si Daddy. Naalala ko iyong huling bilin niya sa akin bago ako umalis. Kaya pala may pagyakap pang naganap sa amin. He knew and yet he didn't tell me. Napaiyak ako. Hindi ko inaasahan na sa ganito ako pupunta. Talagang napakasama ko na? I cried again. I didn't want to shed tears when it came to this, but I have no choice. Talagang napakasama ng loob ko. Pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Naisip kong mag -swimming na lang sa lake para malibang ako. Gust kong kalimutan ang galit at sakit na nararamdaman ko sa ngayon. So, I did just that. I went to the lake to enjoy myself. Hindi naman na ako naghubad ng damit. Tanging boots ko lang ang hinubad ko tapos ay nagpasya akong maglangoy – langoy muna.
The water is refreshing. It cooled down my anger. Kahit paano ay nawala sa isip kong yamot na yamot ako kaninang umaga. Pati nga iyong hindi ko pa pagkain ay nakalimutan ko na. I feel like I am one with the water and it somehow keeps my mind at peace. Napapikit pa nga ako. I wished that everything will be back to normal when I opened my eyes. Pangako talaga, magpapakabait na ako kapag sinundo na ako ni Mommy rito o kaya man ni Dad o kung sinuman sa kanila. Pero mas okay talaga kung si Mommy ang susundo sa akin para alam ko na okay na talaga kami. I just want her approval again. Promise talaga, magpapakabait na ako. Hindi na ako magpa-party tapos isusulat ko na ang thesis ko. Hindi na ako uulit. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya pero hindi masaya rito.
Hindi ko matanggap na nandito ako!
Bigla akong nagmulat ng mg mata nang maramdaman kong parang dumami ang tubig sa lawa. Napalingon ako at doon ko nakita na lumalim ng tubig, hindi lang iyon, napalayo na rin ako sa may puno ng Narra! Hindi lang iyon! Bumibilis ang ragasa ng tubig!
"FUCK!" I hissed. Marunong akong lumangoy at sinubukan kong kalmahin ang sarili ko para makalangoy ako nang maayos kaya lang naunahan na ako ng takot dahil habang tumatagal ay pabilis nang pabilis ang pagragasa ng tubig at palalim ito nang palalim. Lumulubog ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! All I could think about is the fact that my mother abandoned me here! Kung nasa Metro ako ay hindi naman ako malulunod rito at hindi ako mamatay! Mamamatay na ako! Mamamatay akong hindi man lang nakakausap ang pamilya ko! Magkagalit pa kami ni Jellybean!
Lord! AYOKO PANG MAMATAY! Marami pa akong pangarap sa buhay! Alak na alak pa ako, Lord! I want to get laid before I die! Gusto ko pa ng hard sex! Lord! H'wag mo muna akong kunin!
Pero lumubog ako. Sinubukan kong iangat ang ulo ko para humigop ng hangin pero muli na naman akong napalubog. Hindi ko na yata kaya. Sumusuko na ang tuhod ko. Anong gagawin ko?!
"Mommy!" I cried. "Help! Mommy!" Muli na naman akong napalubog. Hindi ko na talaga kaya! Nanghihina na ako! "Mommy!" Lumubog na naman ako. This time, I have a feeling that I won't be able to come back up because I just feel weak. I feel so helpless. Marunong akong mag-Taekwondo – I even competed back in high school, nakarating pa ako sa nationals pero sag anito lang pala ako mamamatay!
I was feeling so weak that my eyes were closing on their own. Hindi ko na kaya. Saan kaya ako matatagpuan ng pamilya ko?
But then, I was suddenly pulled up. Nanghihina pa rin ako pero ramdam kong may humatak sa akin pataas. Tuluyang pumikit ang mga mata ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari but before I lost consciousness, I felt a warm pair of strong arms wrapped around my shivering body, but I couldn't see their face. But whatever, the most important thing is that I am not in the water anymore... I just wished that I will be safe...
"Mommy..." I even mumbled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top