Challenge # 01
Noelle Joanne Apelyido – Demitri's
Disown. Such a big word. Kung ano – anong pinagsasabi ni Mommy. I'm sure she doesn't mean that. Mahal ako ni Mommy kahit nonchalant siya at kahit na madalas dragon siya sa bahay, alam kong kahit kailan ay hindi magagawa ni Mommy ang itakwil ako bilang anak. Ako kaya ang panganay sa magkakapatid – yes, we're that many. I have three brothers and three sisters. We're a big family at para sa akin ay naging napakasaya ng childhood ko dahil marami akong kapatid, marami akong pwedeng i-bully.
As I said, ako ang panganay, then there's Jellybean – well all of our relatives call her that, but her real name is Joelle Nicollet, then came our brother Gray but his name is really Augustin Ernest, my sister Dark but her name is really Amelia Breacon, another sister is called Caramel, but her real name is Alexis Aubrielle, tapos dumating iyong dalawang bunso na eleven months lang ang pagitan and they were fondly called Badong and Batotoy but their real names are, Austin Axel and Austin Xavier. I know, ang layo ng nicknames namin sa real names namin pero cute iyon fact na tinatawag kami ni Mommy sa mga pangalan ng pagkaing pinaglihian niya noong buntis siya sa aming magkakapatid – hindi ko lang sure kung anong pagkain iyong Badong at Batotoy – I guess inside jokes iyon ni Mommy at Dad.
Look, I know I'm not perfect – I rolled my eyes while thinking of this – but, but my parents still love me even though I am not perfect. Dad always provides. Kahit kailan ay hindi niya kami pinabayaan. If Mommy says no, Dad will say yes. It's the case – well for me. Medyo mahigpit si Dad lalo na pagdating sa mga kapatid kong lalaki but to me, he always, always gives me what I wish for and for that, I am Daddy's girl.
"Ate..." Naramdaman kong may tumusok sa pisngi ko kaya napilitan akong magmulat ng mga mata. Kunot ang noong tiningnan ko si Jellybean. Nakatayo siya sa gilid ng kama ko habang nakatitig sa akin. Isa ang napansin ko sa kanya, bihis na bihis siya. Well, hindi kasing ganda at kasing fashionable ng mga sinusuot kong damit. She was only wearing a pair of flare pants, plain blue tee tapos iyong dating white niyang sneakers na kulay gray na ngayon dahil sa dumi. I almost rolled my eyes pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko namang mag – aaway lang kaming dalawa.
"What?" Tumagilid pa ako para kuhanin ang phone ko sa may bedside table. "What?" Muling wika ko nang hindi siya magsalita.
"Magbihis ka. Aalis tayo. Sabi ni Mommy bilisan mo raw."
"Saan naman tayo pupunta? It's Saturday morning. I refuse to see this time of day except na lang kapag may hangover ako." Sabi ko pa habang nakangisi sa kapatid ko. She rolled her eyes at me kaya binato ko siya ng unan.
"Aray!"
"Hoy, Jellybean ha! Ate mo ako h'wag na h'wag mo akong iikutan ng mata."
"Kahit naman ate kita kung mali ang ginagawa mo, mali ka pa rin." Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Wow! H'wag mong sabihing hindi mo maalala? Mayor, ikaw ba iyan?" Muli na naman niya akong inikutan ng mga mata. Sasabunutan ko na talaga siya pero lumayo siya sa akin at saka binato sa akin ang unan na ibinato ko sa kanya kanina.
"Fine! I get it, self – defense iyong nangyari sa bar but the fact na naroon ka noong gabing iyon, lasing na lasing to the point na nawalan ka ng panty? How do you expect our parents to react?"
"Duh?! Hindi pa tapos ito? Nag-usap na kami ni Mommy! We're okay! Hindi na muna ako maglalabas para matahimik kayong lahat!"
"And you think that it will fix everything? Naisip mo ba na ang lahat ng gulong dinadala mo sa pamilyang ito ay hindi lang ikaw ang apektado? You were always doing something to embarrass the family, Baby Ruth. Napaka-dense mo naman kung hindi mo iyon alam. A year ago, you were caught by the police kasi naroon ka sa club kung saan may drug den, nabalita ka sa news and your face were all over the country! Mabuti na lang at Chief of Police si Ninong Adi kaya hindi ka nakulong!"
"Negative ang drug test at follicle tests sa akin kaya hindi ako nakulong! I drink a lot; I am a party girl pero never akong nag-drugs!"
"And I should be thankful because?" Tinaasan ako ni Jellybean ng kilay. "You not doing drugs doesn't change the fact that you are tainting the family name. Ano sa tingin mo ang hinaharap ni Dad tuwing may scandal ka? Naisip mo ba kahit kailan kung anong sinasabi niya sa mga investors o board of directors tuwing nakikita nila nagwawala ka sa mga club? You're supposed to be the one to take over him kasi ikaw ang panganay tapos anong ginagawa mo?"
"Tumahimik ka ha!" Dinuro ko siya. "Wala kang karapatang pagsabihan ako. Mas matanda ako sa'yo!"
"By age, yes, pero sa maturity? Baka mas matanda pang mag-isip sa'yo si Batotoy." Tiningnan ako ni Jellybean mula ulo hanggang paa. "You know what, Noelle Joanne, minsan subukan mo ring isipin ang mga taong maapektuhan sa paligid mo, baka sakaling tumino iyang utak mo." Tinalikuran ako ni Jellybean matapos iyon. Gigil na gigil ako sa kanya. Dapat talaga sinabunutan ko na lang siya. Naiwan ako sa loob ng silid kong gigil na gigil. Ang kapal ng mukha niyang pagsabihan ako. Kung si Mommy nga walang nagawa at tinanggap ang sorry ko – or nag-sorry ba talaga ako? Whatever. The fact remains na wala siyang karapatan kasi wala naman siya sa narrative na ito. Ang kapal talaga. Por que nag-graduate ng with Latin Honors pagsasabihan na ako nang ganoon.
Whatever!
Pagalit akong naligo at nag – ayos nang mga oras na iyon. Ayokong umalis. I just want to lay down my bed all day, but I need to be in Mommy's good side again kaya lahat ng gusto niyang gawin ay sasama ako. Hindi naman nagtagal ay bumaba na ako sa living area kung saan ko natagpuan si Dad. Nakangiti kaagad siya sa akin. I kissed his cheek.
"Saan tayo pupunta, Dad?" I asked him in my most malambing na boses.
"Ahhh, hindi ako kasama anak. Kayo lang ni Mommy."
"Ako at si Mommy?"
"Si Jellybean din."
"Oh." Napasimangot ako Anyway, hindi ko na lang papansinin si Jellybean sa sasakyan. Bahala siyang mapanis ang laway dahil hindi ko siya kakausapin.
Nagulat ako nang yakapin ako ni Dad.
"Anak, I love you. Whatever happens please remember that ha? Mahal na mahal kita at ang gusto ko lang ay mapabuti ang bawat isa sa inyo." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin pero hindi naman bago kay Dad na maglambing ng ganoon kaya ngumiti na lang ako sa kanya at hinagkan siyang muli sa pisngi.
"Where is she?" Narinig ko ang boses ni Mommy and I raised my hand. I need to appear like an innocent schoolgirl in front of her because I want her to like me again. It is only then that I can do whatever I want again.
"I'm ready, Mommy. Saan ba tayo pupunta?" Napansin kong tiningnan ako ni Mommy mula ulo hanggang paa. I think she likes what I am wearing kasi ngumisi pa siya sa akin. Nag-pose pa tuloy ako para sa kanya. "Do you like it, Mommy?" I even flexed my new Maison Margiela boots.
"Ayokong ma-traffic." Tumalikod na si Mommy.
"Reese..." Narinig kong tinawag siya ni Dad pero hindi siya lumingon. "Reese..."
"Bye, Dad." I even waved at him. Sumunod ako kay Mommy sa labas ng bahay and there, I saw the van already waiting for me. Napansin kong nasa loob na rin si Jellybean, I even made a face before going inside. Inirapan ko siya at saka humalukipkip. Whatever. Hindi ko talaga siya kakausapin.
"Are you ready for our trip?" Tanong pa ni Mommy sa amin bago umandar ang sasakyan palabas ng gate.
"Yes, Ma! Saan po ba tayo pupunta?"
"Oh, you will like it there, Baby Ruth."
"Talaga?! Are we going shopping?" Hindi matiis na tanong ko. She just grinned at me. Mukhang shopping nga ang pupuntahan namin. Another bonding day with Mom and Jellybean – kahit na nayayamot ako sa kanya.
I even looked at her, tapos ay nagsalita ako.
"You can always say sorry. Maghihintay ako." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Maghintay ka lang saw ala." Tila nangigigil din siya. Bahala talaga siya sa buhay niya.
xxxx
Hindi ko napansing nakatulog na ako. Nagtataka lang kasi ako kung bakit ang tagal ng byahe namin. I was only playing with my phone but when my eyes got tired, I closed my eyes and fell asleep. Ngayong nagising ako, lalo akong nakaramdam ng pagtataka dahil wala akong mall na nakikita. Ang tanging nasa paligid ko ay mga damo – nasa highway kami – sa NLEX to be specific. Napakunot ang noo ko. Nasaan kami?
"Mommy, saan tayo pupunta? Akala ko mag-shopping lang tayo." Sabi ko pa habang naghihikab. Hindi sumagot si Mommy. Nilingon niya lang ako. Hindi naman nagtagal ay nasagot ang tanong ko nang makita ko ang pamilyar na bahay kon tinatahak namin.
Pupunta kami kina Tita Aelise. Oh! Baka dadalaw kami. Madalas naman random ang pagdalaw ni Mommy sa mga titan amin. Paborito ko talaga kapag dinadalaw niya si Tita Avery kasi binibigyan ako lagi ni Tita ng mga branded items. I looove her.
"We're here." Sabi ni Mommy. Bumukas ang pinto ng van at inalalayan si Mommy ng bodyguard na kasama namin. Sumunod akong bumaba. Kasabay noon ay ang paglabas ni Tita Aelise. Sinalubong niya kami nang may malawak na ngiti.
"Kumusta ang byahe ninyo?" Humalik ako agad sa kanya at nagmano. Si Mommy naman ay niyakap niya. Napansin kong titig na titig silang dalawa sa isa't isa and somehow, it made me cringe. May something sa tinginan ng magkapatid na para bang kinakabahan ako.
"Hi, Ninang." Jellybean made her presence known. I rolled my eyes.
"Inaanak! How's your Phd? How's your paper? Matatapos na ba?"
"Ninang, unang taon ko pa lang po sa Phd. Ikaw talaga. I miss you po."
"Sipsip." Bigla akong umubo kunwari. Napatingin sa akin si Jellybean, nginisihan ko lang siya.
"Okay, enough with the chitchats." Wika ni Mommy. Napatingin ako sa kanya. Tinapik niya ang balikat ni Tita Aelise. "Ikaw nang bahala." Sabi niya pa kay Tita.
"Oo naman, Reese. kon a talagang bahala." Napansin kong titig na titig si Tita Aelise sa akin habang ngiting – ngiti. Kinakabahan ako. Isa rin sa napansin ko ay ang pagpasok muli ni Jellybean sa van. Napaawang ang labi ko nang pati si Mommy ay sumakay. I saw Jellybean grinning at me and then she waved goodbye.
"What the hell is happening? Mommy! Mommy!" Tinatawag ko siya pero hindi niya ako nililingon. Isinara ni Jellybean ang pinto ng van at saka umalis na sila. Akmang tatakbo ako nang biglang hatakin ni Tita Aelise ang braso ko pabalik sa kinatatayuan ko.
"Oh no! Not so fast, Baby Ruth."
"Tita, anong nangyayari?"
"I have a feeling that you already know what's happening. Ayaw mo lang tanggapin."
"Wala akong naiintindihan." Sabi ko pa habang nakatitig sa tiyahin ko,
"Oh, Baby Ruth. Your mom got tired of you and all your shits, so she sent you here."
"Here? For a vacation? Pero wala akong gamit."
"May gamit ka. And now, my dear niece, hindi iyan para sa bakasyon."
"Huh? Tita, just get to the point."
"Nandito ka kasi magtatrabaho ka. You will be working here in our farm."
"Tita!"
"Don't tita me. Lucky!" Sumigaw si Tita Aelise at hindi nagtagal ay may isang lalaking dumating. He was wearing a white shirt under a flannel shirt, ripped jeans and water boots. He smells like a horse. Napangiwi ako.
"Anong atin, amo?" Tanong pa niya kay Tita.
"Siya si Noelle. Bagong empleyado. Samahan mo siya sa quarters. Sabihin mo sa kanya kung anong mga gawain sa farm para naman bukas kapag nagsimula na siya ay may ideya na siya sa gagawin."
"Tita!" Naiiyak na ako. Anong nangyayari? I already apologized to mom! Bakit nila ako ginaganito?
"Go on!" Sabi pa ni Tita Aelise. "Goodluck ha!" Tinalikuran na ako ni Tita, ni hindi niya ako nilingon. Natagpuan ko ang sarili kong nakatingin sa lalaking amoy kabayo habang naluluha.
Hala... anong gagawin ko? Hindi pwede ito...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top