CHAPTER 2
"Good morning Everyone," pagbati ng prof namin ng maka pasok ito. First day of School ngayon, Grade 12 na ako Gas ang Strand ko. Dahil katulad ng iba na kumuha ng GAS isa ako sa mga SHS Student na Undecided For the cource that we will take in College.
Napabuntong hininga na lang ako dahil unang araw pa lang ay mukhang may balak na itong mag turo hindi ko rin alam kung paano ko na survive ang 1st Sem and 2nd Sem ko nung Grade 11.
"Ang Lalim nun ahh," Gulat akong napatingin sa kanan ko ng may mag salita. Nanlaki pa ang mata ko dahil wala namang naka upo doon kanina, ganoon ba kaukopado ang utak ko para hindi sya mapansin.
"Ano ka ba, bakit ka nang gugulat?" inis kung sumbat dito.
"Bkit parang kasalanan ko pa na nagulat ka" ani nito na parang bang nasaktan ko sya, Dahil sa inis ay inirapan ko na lang ito at hindi na muling pinansin. Mas lalo pa akong na bwisit ng Marinig ko ang tawa nito.
"Ano ba?" Mahina ngunit puno ng inis na tanong ko dito. Dahil Tila kasi nang iinis ang dating ng tawa nya sa Tenga ko
" Hehehe, ang pangit kasing manlaki ng mata mo kanina hehe" tawang tawang sabi nito. Sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayan napatayo na pala ako at hinampas ang desk ng upuan ko.
"Hey!! you miss" galit na sigaw ni maam sakin habang tinuturo ako. Napayuko na lang ako ng ma realize ko kung anong ginawa ko at dahil na rin siguro sa hiya dahil lahat ng kaklase ko ay naka tingin na sa akin.
"Alam mo bang nag tururo ako dito tapos manggugulo ka"
"Im sorry maam"
" I dont need your sorry! You ruined my discussion, 1 hour on detention room now" nag titimping sabi nito, bago ako lumabas ay sininghalan ko pa ang bwisit na lalaking hind ko Kilala na naging dahilan kung bakit ako mapupunta sa detention room.
First time kung makakapunta doon, buong buhay ko ay inalagaan ko ang pangalan ko iniwasan kung mapa punta sa guidance ay detention room bukod pa doon ay nasa dean lister ako tapos ngayon mapapapunta ako sa detention room ng dahil lang sa lalaki yun. At sa first da of classes pa talaga.
****
Nasa dalawang minuto palang yata ako dito sa detention room ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang buwisit na lalaking naging dahilan kung bakit ako nandito. Muli ko itong inirapan at hindi na muling pinansin kahit pa kanina pa nito sinusundot sundot ang pisngi ko.
" Uyy" sabi nito at sinundot muli ang pisngi ko.
"Uyy Galit ka"
"Sorry na, wag ka nang magalit uwuu" kahit inis ako ay hindi ko pa rin mapigilang ngumiti dahil sa mga pinaggagawa nya, Binalingan ko pa ito ng tingin at nakita ko pang mag ka dikit ang dalawang hintuturo nya.
"Uyy!! Uyy!! Ngumiti sya bati na tayo ahh," hyper na sabi nito, sininghalan ko lang ulit sya at hindi na pinansin, anong akala nya? hindi ako marupok uyy, Lambingin nya muna ako. Ayy putek ano ba iniisip ko, Jusko po ano kami mag jowa.
"Ano ba yan hirap naman nito, hindi nga ako nag jo-jowa kasi hindi ako marunong manuyo," mahinang bulong nito napa ngiwi na lang ako ng dahil sa narinig. Teka sino nga ba ang lalaking ito? transfer siguro ngayon ko lang kasi sya nakita?
"Uyy, libre na lang kita ng ice cream,"
"Ano ako bata, uyy hindi ako uto uto ano,"
" Ehh anong gusto mo? Ahh alam ko na Milktea na lang babe" Uyy milktea yun ahh, agad ko naman itong tinignan ng masama ng ma digest ng utak ko yung sinabi nya.
" Anong babe ka dyan? Babe mo mukha mo ul*l " sigaw ko rito, okay lang Lia milktea lang yun hindi ka marupok dba? Kaya mo namang bumili nun. Huhu pero kasi milktea yun ehh libre pa, Mas masarap ang milktea kapag libre.
" Sige na nga, basta milktea ahh yung malaki, Yung Red Velvet Gusto ko" sabi ko habang naka turo sa kanya yung hintuturo ko. Hindi naman masama maging marupok dba? Milktea kasi yun ehh.
" Ayun! Hehe ililibre kita tapos hindi pa pala tayo mag kakilala," sabi nito habang naka yuko at nasa batok ang kamay. luhh, May hiya pala sya?
"Ayy oo nga pala! Ashalia Heyari, "pag papakilala ko dito sabay lahad ng kamay.
" Cl- Clevion Martinez " nauutal na pag papakilala nito bago tanggapin ang kamay ko. Huh anong nangyari sa kanya? parang kanina ang tino nya pang mag salita ahh?
****
"Ohh ito na yung sayo" sabi nito. At pa darag pa nitong inabot.
"Sabi ko sa Large Cup ahh" inis nasabi ko rito. Pano ba kasi Medium Cup ba naman ng bilin.
"Luhh! Ang choosy nito, ikaw na nga lang ang ini libre ehh, "Inirapan ko na lang ito bago ma lakad palayo.
"Bahala ka sa buhay mo," sigaw ko sa kanya habang papalayo.
"Nakaka bwisit talaga yung lalaki na yun, sa dami ng section na meron ang GAS bakit doon pa sya na punta, Kainis feeling ko tuloy hindi matahimik ang buong school year ko," muli na naman akong napa buntong hininga, Bkit ganon tuwing napapabuntong hininga ako ay parang pasan ko ang buong mundo? hehe share ko lang s inyo, bored ako ngayon. bakit ba?
"Tignan mo itong babaita na to"
"Parang kang kabute! Kung saan ka na lang sumusulpot. Kung may sakit lang ako sa puso baka naka patay ka na." Iritang sabi ko dito, muntik ko pa itong masuntok dahil sa palihim nitong ginagaya ang mga sinasabi ko.
"Ang brutal mo naman! Hindi ko naman kasalan na magugulatin ka and beside hindi po ako kabute kung saan-saan lang talaga talaga lumilipad ang utak mo, kaya hind mo namamalayang katabi mo na pala ako!!" Malakas na sabi nito dahilan para pag tinginan kami ng mga tao dito sa park.
" So, anong pino point out mo?Nawalang ibang ginawa ang utak ko kung hindi ang mag pa lutang lutang lang!" Sigaw ko rin dito.
"Luhh!! Wala akong sinabing Ganyan ahh,"
"Wag ka ngang sumigaw hindi ako bingi!"
"Bakit? Ikaw din naman sumisigaw ahh!! "
Napatigil naman kami sa pag sigaw ng marinig namin ang bulungan mula sa mga taong naka paligid sa amin. Namumula naman kaming nag iwas ng tingin sa isat isa.
'Hon tignan mo yun ohh diba ganon tayo dati'
'Oo nga ehh, akalain mo yun tayong dalawa din pala ang mag kakatuluyan'
'Babe ang cute nila ohh'
'oo nga hihihi'
'May LQ yata yung mag jowa'
'pero infairnes bagay sila ah'
Luhh kami bagay? Tao kami uyy, At hinding hindi ako papatol sa unggoy na yan. Over my body dead, Luhh tama ba? Ay Mali Lutang ka talaga Lia mukhang tama si Unggoy pa lutang lutang talaga ang utak ko ngayon.
Okay okay take 2, Hinding hindi ako mag kakagusto sa unggoy na yun. Over my dead but Sexy body. Huh pero teka lang? Parang may nabago yata ako sa Script ko
Hmm bahala na nga, Okay na yan
***
Share ko lang, I wrote this story while watching a League on our barangay. Kahit maingay naka pag sulat ako. Haha
check 7:54 pm October 8 2022
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top