Chapter 23
"I love you. I love you so much, it is driving me insane every passing second without you, Leigh Irish Alvarez."
Paulit ulit na umuukilkil ang mga salitang iyon sa aking isipan,nakatulala lamang ako sa kanya nang marinig iyon.
"W—What?"
I blurted out. Parang gusto kong batukan ang sarili, baka sakaling magising ako bigla.
"I said I fucking love you! I'm fucking crazy for you!"
Mariing sambit niyang ikinamulagat ng aking mga mata habang tila ba lalabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito.
His words had hit me like a tidal wave, overpowering the music and noise of the crowd. It felt as if my heartbeat had become the loudest sound in the room.
"Stop playing with me Tyson! Hindi na ako tulad ng dati na mauuto mo! Stop your lies! Lasing ka lang!"
Giit ko pa. Hindi makapaniwala sa mga katagang lumalabas sa bibig niya.
"Which part do you not understand?! How do I prove it to you?"
He said out of frustration. I shook my head while stealing a glance at him.
"I just want to rebuild our friendship. But you're making this hard for me! Ang hirap maniwala dahil sinabi mo na rin iyan noon pero sa bibig mo din nanggaling na kasinungalingan lang ang lahat! Ang gulo gulo mo! One second, you love me and then the next second you act like you hate me! You kept giving me mixed signals that I don't know what to believe anymore!"
"Hindi mo ako masisisi gayong ang labo labo mo! Ikaw yung mas matanda pero mas mahirap kang intindihin kaysa sa bata. At least toddlers cry and say when they are in pain, when they are happy or afraid. But you don't! Instead of saying exactly what you feel, you disconnect from people thinking they will always be there! But we get tired too, Tyson."
"The world won't adjust for you. I decided to leave because I was hurt and I thought it was the best for everyone that time. You can't expect me to stay when you were openly hating me, waiting for you to act like you care again and then you will disconnect again! Stop making me feel like I am the worst for leaving that time. I simply felt like you hated me so I did what I thought you wanted! I left!"
"What do you expect me to do? That I will run back into your arms just because you said you love me? Wake up! That's not how things work. I don't have time for this. I have feelings too, hindi ako manghuhula at lalong hindi ko obligasyong intindihin ka. At kung pinaglalaruan mo lang ako; stop it, Just stop! Spare me from your antics, your lies! Kontento na ako sa set up natin. I would appreciate it if we could just be simple friends. Please stop making things complicated for me to comprehend!"
I snapped at him, my words were sharp, stating the truth right at his face, hoping to snap him back to his senses.
I saw how pain flashed through his eyes because of my words. I was taken aback for a moment, wanting to regret everything that I said, but I bravely stood my ground, trying my hardest to be unfazed by his great effect on me.
I cannot let him play with me further.
Hindi siya nakasagot doon at tila ba hinahanap ang mga tamang salitang sasabihin.
"I'm sorry. . ."
He sighed harshly. Puno ng frustrasyong napa hilamos na lamang ito sa sariling mukha. Malungkot ang mukhang tinanguan ko lamang siya saka tumalikod na.
"I admit that I am a huge fool, driven by my rage, causing me to make the biggest mistake. Huli na nang matauhan ako. When you left, I was back into the dark Irish, you are my light, my solace and my heart kept screaming your name, seeking your warmth. I really regret everything. Wala kang kasalanan. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi ko dapat ginawa iyon. . . "
Puno ng pagsusumamong saad niya kasabay ng pagkabasag ng kanyang boses. I felt a pang of pain in my heart, but I stopped myself from facing him.
"I can't change the past, call me selfish and inconsiderate but I will do anything to have you back. Now that you're finally here—I'm sorry, I just cannot be content, I can't let you go again. I don't know how I will ever convince you, but I will prove myself worthy of you Irish. . . Please don't take that chance away from me. . . "
~*~
Mariin na lamang akong napa pikit nang maalala ang naging usapan namin kagabi, naka pangalumbaba pa akong marahas na napabuga ng hangin.
Humaba ang nguso ko doon habang abalang kumakain ng cookies sa living room.
"Yo! Yo! Yo! Pipol op da pilipeyyyns!"
Masiglang na bungad ni Yaya. Napailing lang ako saka ngiting ibinaling ang tingin sa kanya.
"Hello Ya, saan po ang lakad niyo?"
Tanong ko sa kanya. Pormang porma kasi ito ngayon. Bahagya siyang napangiti at humagikhik.
"Sa date namin ni Mario baby ko hihihi. . . "
Excited na sabi niya, natawa na lamang ako.
"Kayo pa rin po pala?"
Tanong ko. Namula pa itong humagikhik at tumango.
"Syempre naman! Aba, kung hindi mo naitatanong ay sa tuwing nakikita niya raw kasi ako ay nahahalina siyang tunay sa kagandahang taglay ko. Oh diba ang haba talaga hairlalu ko! From head to toe, mula sa taas pati sa baba!"
Napa kamot ulo lamang ako doon at nailing. Si Yaya talaga, kung ano anong sinasabi.
"Um... Yaya? May naging balita ba kayo kay Tyson nitong nakaraang tatlong taon na wala ako? What has he been up to? How is he doing?"
Napakagat labing tanong ko. Napatingala itong humawak sa kanyang baba na para bang nag iisip.
"Ang dami kasing nangyari Ma'am Irish ehh. . . Pero nakow! kKwawa iyang si Sir Tyson kasi mukhang miss na miss ka ng sobra. Kasi syempre madalas akong idenedate ni Mario babes. So ayun, ang chika sa akin ay kung hindi magpapakalunod sa trabaho, ang balita ko ay halos mabaliw daw kakahanap sa iyo. Madalas ding nagkukulong lang sa opisina niya at maglalasing. Kinukulit nga ako mibsan ehh pero sabi ko ay hindi ko alam dahil mahigpit na bilin sa akin nila Ser ay wala akong pagsasabihan, kung hindi ay puputulan ako ng dila! Paano na lang ako makikipag laplapan kay Mario babes diba? Paano ko siya isusub—"
"A—ano pa pong balita bukod doon?"
Pagputol ko sa kung ano pang ikukwento niya. Nahigit ko ang paghingang nagpatuloy sa pakikibig sa mga ikinukwento niya.
"Ay sige. Ito pa ang tsismis! Ilang beses din daw siyang nasusugod sa ospital dahil kulang daw kasi sa tulog at halos hindi nagkakakain noong mga unang buwan na umalis ka. Tapos alam mo ba? Eto ang pinaka malufet! Dalawang taon rin ang nakararaan nun, pumunta siya sa bahay ng mga mag—"
Natigilan ito sa pagkukwento at nanlaki ang mga matang napatakip ng bibig. Nagsalubong ang kilay ko doon.
"Ah, eh, ih, oh, uh, hehe. . . May date pa nga pala kami ni Mario ko! Babye!"
Tumayo ito ng tuwid saka tinalikuran na ako. Akmang pipigilan ko ito pero kumaripas na ito ng takbo na bahagyang ikinakunot ng noo ko.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip dahil sa mga ikinwento ang iyon sa akin.
I heaved a deep heavy sigh then bit my lower lips. Naospital siya?
Why does he have to search for me when I am the one who left. When he clearly made me feel like he wants me out of his life.
I did promise him I would never leave him. But the situation forced me to. I broke my promise to him. And I have to break my promise again. Kailangan kong bumalik sa Italy next week, bukod sa aking kaligtasan ay may mga naiwang trabaho ako doon. Doon na ang buhay ko ngayon.
Well I wouldn't mind him visiting if he really intends to.
I groaned. Malinaw pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari kagabi. I should be on a vacation to release some stress pero mukhang nadagdagan pa ata ang stress ko rito. Salamat kay Tyson.
"Stop biting your lips, Irish, or I'll be the one biting them for you."
A baritone voice came from behind, startling me. Napasinghap akong napatayo ng tuwid dahil sa gulat. I glared at him but the man just gave me a playful grin.
"Wag ka ngang nanggugulat!"
Inis na sambit ko. It's Tyson Martin again people! Speaking of the devil who is tirelessly running on my head non stop. Napasimangot akong nag iwas ng tingin.
"What are you doing here anyway? Wala ka bang trabaho?"
Kunot noong tanong ko. Umiling lang itong feel at home na ngumisi at pabagsak na umupo sa couch.
"Edi kung wala, wala ba kayong date nung babae mo kagabi?"
Irap ko. Para bang nakaramdam ako ng pait doon, dahilan para mapabusangot ako. Pumangalumbaba itong sinalubong ang mga mata ko habang hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang labi na lalong nagpainis lang sa akin.
Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ako sanay.
"Why do you sound jealous? Am I making progress?"
He asked, and I gave him a sharp glare.
"Why would I be jealous?"
I denied, making his grin widen. Ugh, here we go again.
"You were so honest back then. What happened to you, Irish?"
Tyson said in a playful tone, making me scowl at him. Kalaunan ay biglang sumeryoso ang muka nitong muling nagsalita. Bipolar ba to?
"No need to be jealous, Irish. My heart is already yours."
Mariin na lamang akong napapikit nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tinalikuran ko na lang siya at akmang aalis na sana pero hinawakan nito ang aking pulsuhan at masuyong hinila ako paupo sa hita niya, na ikinasinghap ko.
Sa mga sandaling iyon ay bigla na lang akong may naramdamang pagbukol ng kung anong matigas na bagay sa pang upo ko na ikinailang ko. Nag init ang pisngi ko doon. Ano ba ang bagay na iyon?
Tatayo na sana ako dahil sa pagkahiya pero yumakap ito sa akin mula sa likod at ipinatong na lamang ang baba sa may balikat ko.
"T—Tyson baka may makakita sa atin. . ."
Pagsaway ko,ramdam na ramdam ko ang paghinga nito sa leeg ko na nagpanuyo sa lalamunan ko kasabay ng paninindig ng aking mga balahibo sa sa intensidad ng epektong hatid niya sa kabuuan ko.
"Hmm?"
I puffed a harsh breath.
"Tyson naman eh, please?"
I protested. Pero mas ibinaon lang nito ang mukha sa leeg ko.
"I'm tired, Irish, let me recharge."
Bulong niya. Ilang sandali rin kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya ako hinayaang umalis sa kandungan niya. Pulang pula ang mukha kong umupo sa katapat na couch. Mabuti na lamang at walang nakakita sa amin.
Ngunit naputol na lamang ang sandaling iyon nang bigla kaming makarinig ng mga komosyon kasabay ng narinig kong pagsigaw ni Mommy.
"Oh gosh! Oh my gosh! Irish! Irish! Our Princess!"
Biglang sulpot ng humahangos na si Mommy na bahagyang ikinatigil ko at nag-aalalang dinaluhan ito. Maluha luha itong tumakbo sa direksyon ko at mahigpit akong niyakap.
"Thank goodness!"
Umiiyak nitong saad habang hinahaplos ang buhok ko.
"Why? What happened?"
Nag aalalang tanonh ko. Kasunod nito ay ang pagdating ni Daddy. He seems very happy as he looks at me with tears in his eyes.
"A—Ano pong nangyayari? Please tell me."
Saad kong naguguluhan pa rin. Confusion was all over my face as I took a glance at both of them.
"You're free Irish! You're finally free!"
Masayang masayang sabi ni Mommy saka muli akong niyakap.
"You won't have to run and hide anymore! You can finally live normally! Oh gosh I'm so happy!"
She sobbed, and this time, I couldn't hold back my tears. My father looked at me, his smile warm and comforting.
"We've won, Irish. The Phantom Organization has captured the illegal organization that was after you. They've been defeated, and there's plenty of evidence against them. You're finally free, princess. You don't have to hide anymore."
My dad said, and my eyes widened as tears streamed down my face.
"T-Totoo?"
Paninigurado ko. Baka kasi mali lang pala ang dinig ko. Ngumiti ang mga ito sa akin saka tumango.They smiled at me, and I hugged them, sobbing with overwhelming joy.
"Thank God!"
My mother exclaimed, and at that moment, I felt an inexplicable happiness. Napatingin ako sa gawi ni Tyson saka nginitian ito.
"So you don't have to leave then?"
He remarked. There's this playful grin on his lips and I have this weird feeling about it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top