Chapter 21
It's been a week since that encounter, and it has been a week since I last saw him. Hindi na nag pakita si Tyson sa akin. Maybe he was just really drunk that night. Kaya nasabi at nagawa niya ang mga bagay na iyon. Aalis rin naman ako diba? I shouldn't be too attached just like before.
Masaya na ako kung magkakaayos kami at maging magkaibigan na lamang. Iyon lang ang gusto ko.
Muli ay naalala ko ang mga katagang binitawan niya nang gabing iyon. Mga katagang pilit kong iwinawaglit sa aking isipan nitong nagdaang mga araw.
'He's just drunk that night, Irish.'
I muttered to myself, shaking my head out of frustration.
"Hey gorgeous."
Saad ng isang pamilyar na boses. I just smiled at him when I saw kuya Lucas. Umahon na ako sa pool at sinuot muli ang aking bath robe saka niyakap sya.
"Kuya Lucas! Bakit buong linggo kang hindi nagpakita ha?!"
'Parang siya. . . '
Nailing na lang ako sa naiisip. Tinawanan lang ako nito sa reklamo ko.
"Well uhh. . . I've been finding a way to adopt Emori Luan. But how can I do that if I'm still a bachelor?"
Reklamo nitong napa kamot ulo pa. Natawa na lang ako sa kamiserablehan niya.
He really wants to adopt that kid huh?
"Mag asawa ka na kasi! You're already 31."
Saad ko saka umupo muna sa pool side at prenteng uminom ng juice.
"I already told the orphanage na may fiance na ako kahit wala pa. Pero ang sabi nila ay magpakasal muna daw kami. Hindi ko nga kailangan ng asawa! Gwapo naman ako ah? At sobrang yaman. Siguradong mapapabuti si Luan sa akin."
Nakasimangot na reklamo nuya. Mukhang mapopospone ang balak nitong maging single for life haha!
"You have lots of connections, Kuya Lucas."
I rolled my eyes on him.
"Pwede mo namang makuha si Luan ng hindi ka nag aasawa kung gugustuhin mo. O pwede kang mag hire ng kung sino para magpanggap bilang asawa mo."
Kibit balikat na sabi ko. Kuya Lucas just sighed.
"No Leigh. Kung maaari sana ay gusto kong ampunin si Luan sa legal na paraan."
Saad niya na nagpatango lamang sa akin.
"Edi mag asawa ka. Madali na lang sayong umuto ng kung sinong babae dyan."
Hirit ko na nagpanguso sa kanya.
"Hays nakakainis!"
Biglang sulpot ng kung sino na ikinatigil namin pareho. It's Ate Jonarlene, na mukhang hindi maipinta ang mukha ngayon.
"Problem?"
Malalim ang gitla ng noong tanong namin ni Kuya Lucas sa kanya. Inis itong tumabi sa akin saka gigil na kumuha ng pagkain ko at puno ng frustrasyong isinubo iyon ng buo. Napangiwi ako doon.
Nilunok niya muna ang kinakain saka nilagok ang juice at marahas na napa buga ng hangin.
"Some kind of duke of jerks named Nickolas Frescobaldi happened!"
Iritang giit nito na nagpatigil sa amin. I have no idea, they knew each other?
"Uhmm. . . Why?"
Sabay pa naming sabi.
"Siya! Siya ang dahilan kung bakit ako nababanas ngayon! Halos dalawang linggo na niya akong pinipirwisyo! I'm trying to focus on paintings for my next exibit pero ayun siya at ayaw akong patahimikin ng walang hiyang hayuf! Ako pa hiningan ng tulong para daw magkabalikan sila Reyanne beybeeh! Ano siya sinuswerte?!"
Patuloy na pagtatalak nito. Who's Reyanne?
"U—uhm si attorney?B—bakit ano bang meron? Not that I'm interested to know or something,"
Medyo nautal pang tanong ni Kuya Lucas sabay tawa na nagpakunot ng noo ko.
"Nakakainis yang best friend mo ha! Paki sabihan ngang lumayo sa best friend ko! Nakakaloka! Mabubugbog ko siya at wala akong pakialam kung royalty siya o ano! Kakalbuhin ko talaga!"
Inis na muling saad nito. Kuya Lucas cleared his throat.
"Yes, I will."
Seryosong sabi nito. Naningkit ang mata kong napatitig kay Kuya Lucas. I don't know, I'm not used to seeing this side of him. He seems affected whoever that Reyanne is?
Hmm. . . That's odd.
"Anyways highways! Tara date tayo—Uhm I mean tayong tatlo ni Leigh hehe. . . "
Ate jonarlene blurted out. Sus kunwari pa! Napailing na lang akong ngumiti.
"Nah. . . Kayo na lang. Saka bibisitahin ko sila Kuya sa bahay nila. Miss ko na rin si Ervin."
Saad ko. Napangiti naman ng malapad si Ate Jonarlene saka kinindatan ako na ikinangiti ko lamang.
"Edi tara lucas! Tayo nalang magdate—Friendly date I mean!"
Natatawa at kabadong saad niya. Natawa na lamang ako sa mga ito. Si Ate Jonarlene talaga ayaw na lang umamin ehh.
"Sure."
Ngiting sagot ni Kuya Lucas na nagpangisi lang kay Ate Jonarlene. Naikwento sa akin ni Ate Jonarlene na crush na crush daw niya si Kuya Lucas since high school days pa.
Kaya gumawa ito ng paraan para mapansin siya. And then they became friends noong nagtapos siya ng college dahil doon lang daw siya napansin.
"Anyways sige maiwan ko na kayo. Maghahanda pa kasi ako."
I bid my farewell. Since I really miss my niece, I'll visit them as well.
Tinanguan lang ako ng mga ito. Ako naman ay tumayo na at dumiretso sa kwarto para magbihis.
After a quick shower, I carefully picked out my outfit. I decided to wear Kuya Lucas' brown varsity jacket—na ninakaw ko sa kanya.
It had his surname and the number 69 on it. Ewan ko kung bakit iyon ang numero niya samantalang hanggang 31 lang ang numero sa kalendaryo.
Nailing na lang ako doon.
I paired the jacket with a pair of blue high-waisted jeans and a white tube top. To complete the look, I chose my white and brown high-cut sneakers since it had the same color combination as the jacket.
After that I tied my hair in a messy bun, put on some hoop earrings and added some light makeup and I'm all done.
Dinampot ko na din ang itim na hand bag at saka agad akong nagpunta sa kinaroroonan ng mga magulang ko para magpaalam.
"Mommy, Daddy!"
Masiglang bati ko saka malambing na hinalikan ang mga ito sa kanilang mga pisngi.
"Mauuna na po ako kila Kuya ha?"
Paalam ko. Ngumiti ang mga itong tumango.
"Sure princess. Just take your body guards with you."
Paalala ni Mommy. Tumango akong niyakap ang mga ito. I bid my goodbyes to them and then left.
"Hi Ate Kris!"
Masayang bati ko at niyakap ito ng mahigpit.
"Aga mo ah?"
Natatawang sabi niya na nagpatawa rin saakin.
"Wala na po kasi akong magawa sa bahay, saka may friendly date daw si Ate jonarlene at Kuya Lucas."
Pagkukwento ko na nagpatango sa kanya.
"Friendly ba talaga? Baka mabalitaan na lang natin biglang pinikot na pala ni Lene si Lucas."
Natatawang sabi niya na nagpahalakhak rin sa akin.
"Anyways! Si Kuya po?"
Tanong ko. Ngumiti ito sa akin bago sumagot.
"Andun inutusan kong kunin yung cake. Dito ka na rin mananghalian. Wag ka muna umuwi at hintayin mo na lang din mag umpisa yung simpleng celebration."
Saad nito na sunod sunod na nagpatango sa akin.
"Si Ervin po pala asaan?"
Muli ko pang tanong.
"Nasa playroom naglalaro ng stuff toys, iniwan ko lang saglit at may nandoon naman ang nanny niya noong dumating ka."
Sagot ni Ate. Napahagikhik akong tumango.
"Ako po muna magbabantay sa kanya kung pwede? Miss na miss ko na yung pamangkin ko ehh!"
Paalam ko. Ate Kris nodded her head on me; permitting me to look after Ervin. Tuwang tuwang nagpunta naman agad ako sa playroom para makipaglaro sa cute na cute na pamangkin ko.
"Ako na po muna kay Ervin," sabi ko sa nanny niya na agad nitong sinunod.
Hours passed, and I kept playing with Ervin. Sinamahan ko rin itong manuod ng Inspector gadget hanggang sa mapagod kaming dalawa.
Ni hindi ko namalayang nakatulog na pala kami pareho.
Naalimpungatan na lamang ako nang makaramdam na para bang may humahaplos sa aking mukha at pinanonood ako.
Ipinagwalang bahala ko iyon at tuluyan na lamang nagising ilang minuto pa ang lumipas. I rubbed my eyes and looked around to see if tgere is anyone beside us, but I didn't see a single soul.
Nailing na lamang ako. Hindi ko namalayang gabi na pala.
Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas. Ibinilin ko muna si Ervin sa nanny niya.
Narinig ko rin ang maingay na tugtugin at mukhang may nagvivideoke na sa hinuha ko ay boses ni Kuya Vin. Napuno rin ng sigawan ang kasiyahan. Mukhang nag umpisa na sila sa celebration ng 2nd wedding anniversary nina Kuya Vin at ate Kristine.
Lumabas ako patungong garden,Isang simpleng handaan lang iyon at tanging malalapit na mga kaibigan at kamag anak lamang ang invited.
Sayang lang at di nakadalo si Ate Celestine. Kadarating lang kasi nito mula sa France pero hindi nakayanan ng schedule niya dahil abala ito sa paghahanda para sa Annual Anniversary ng Gautier Empire.
Agad akong lumapit sa kanila at binati ang mga kakilala kong mga bisita.
"Let's go na kasi! It's so boring in here naman eh!"
Dinig ko ang isang matinis at di pamilyar na boses.
"Tyson please?"
Wala sana akong balak lumingon pero nang marinig ko ang pangalang iyon ay bahagya akong natigilan. Unti unti ay napalingon ako sa kanila.
Nakita kong may babaeng kinulang sa tela ang damit ang nakakandong ngayon kay Tyson. Habang si Tyson naman ay matiim na nakatitig lamang sa akin. I saw how his expression darkened as he looked at me.
Napalunok akong bumaling na lamang sa ibang direksyon.
For an unknown reason. I felt something heavy on my chest seeing that scene. Parang may kung anong tumurok sa puso kong pilit ko na lamang na ipinagsawalang bahala.
"Is that Tyson's date?"
Tanong ni Ate Jonarlene nang makalapit sa akin. I cleared my throat before answering.
"Uhmm. . . I guess?"
Hindi siguradong saad ko. Tinaasan lamang ako nito ng isang kilay at akmang magsasalita pa nang bigla namang sumulpot si Ate Kris at hinila siya kung saan. Napa buntong hininga na lamang akong nagtungo sa malaking mesa. Mas mabuti pang kumain na lang ako. Siguro ay gutom lang ito.
Nakasimangot akong kumuha ng pagkain. Pinuno ko ang plato ko at gigil na pinagbuntungan iyon ng lahat ng stress ko sa mundo.
Pakialam ko naman? Pilit na pangungumbinsi ko sa aking sarili. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nakasimangot pa rin. Pilit ko na lamang iwinaksi ang buong atensyon ko sa aking pagkain. Ngunit hanggang sa matapos ako ng tuluyan ay nandodoon pa rin ang inis ko.
Then, the music changed to a slow rhythm, and Kuya and Ate Kris were in the middle, along with other couples, dancing. I wanted to be happy, but I couldn't seem to. Sa inis ko ay kumuha ako ng isang basong Tequila mula sa mahabang table saka minsanang tinungga iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top