Chapter 19
"Anyways bakit ka nga pala nandito?"
Pag lihis ko sa usapan. Napa taas ang isang kilay niya roon ngunit kalaunan ay nailing na lamang.
"Your Brother and Kristine will have their second anniverssary next week. Hindi ka pupunta? Matagal na rin ah?"
Kuya Lucas asked. I nodded my head on him.
"Yeah I will. Tinatapos ko lang ang mga maiiwang trabaho ko."
I stretched my arms as I faced him. Muli ay nagtaas ito ng isang kilay na tumingin sa akin.
"Buti naisipan mong umuwi. It's been 3 years already."
Saad nya saka ipinatong ang paa sa center table na ikina ngiwi ko.
"Yeah, and I badly need a vacation. Nakakastress n kasi."
Humihikab na saad ko.
"Tungkol naman doon sa mga taong humahabol sa iyo. Balita ko ay sa Russia sila naghahanap ngayon. Mabuti na lang at nailigaw namin sila. About your family, hindi naman sila magagalaw ng mga iyon, so no need to worry."
Paliwanag niya. Napangiti ako doong tumango.
"Glad to hear that. Thank you Kuya Lucas. Ang dami mo ng naitulong sa akin. Kayo nila Ate Red."
I genuinely thanked him. Inilingan lamang ako nito.
"Nah, okay na sa aking sabihan mo akong gwapo ako, bilang pasasalamat."
Sabi niya na nagpahalakhak lang sa akin.
"Pero paano ba yan, kapag umuwi ka ay may tsansang magkita kayo ni Tyson? Kaya mo na ba?"
Sabi pa niya. Humugot ako ng malalim na hiningang hinarap siya.
"Bakit naman hindi? Ano naman ngayon kung magkita kami? It's not like we're some kind of exes."
Patay malisyang sabi ko. Kuya Lucas stared at me with amusement filling his eyes.
"Why do you sound so bitter?"
Natatawang sabi niya. I just rolled my eyes on him.
"I'm not. Saka iiwas na lang siguro ako baka kasi galit sya sa akin. Ayokong maalala pa niya ang masakit na karanasan kapag nakita pa niya ako."
Kibit balikat na sabi ko.
"Talagang galit sya sayo. Iniwan mo kaya siya."
Halakhak nito. Lumalim ang gitla ng noo kong ibinaling ang tingin sa kanya.
"If I know natutuwa pa siya. Narinig mo rin yung sinabi niya diba? Whoever that person who killed his father is connected to me. At ayoko ng malaman kung sino pa iyon."
Matigas kong turan na nagpaseryoso sa mukha ni Kuya.
"How did you know that he is happy? Na galit pa rin siya? Ikaw ba si Tyson para malaman iyon?"
Tanong nito. Napabuga na lamang ako ng marahas na hangin.
"I just know."
I sighed. Feeling a familiar pain in my heart.
~*~
"So hanggang kailan ka magtatagal doon?"
Tanong ni Ate Celestine habang katabi ko sa private plane na sasakyan namin. Sumabay lamang ako sa kanya pauwi gamit ang kanyang private plane.
"Maybe a month or two I guess? Gusto ko lang magpahinga habang hindi pa nakakatunog ang mga taong iyon na nasa pilipinas na ako."
Saad ko pa. Napatango ito sa tinuran ko.
"Yeah, no need to worry about that, since may tracking device naman diyan sa sing sing mo at madedetect ng agency agad kung nangyayaring masama sayo kung sakali. Kaya wag na wag mong tatanggalin iyan."
Paalala niya pa sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot. It looks like an enggagement ring. Desisyon din ni daddy at Kuya. Baka daw kasi may pumorma sa akin dito. Napailing na lamang ako nang maalala iyon.
"I thought, sa isang linggo ka pa uuwi Ate?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah. Pero may flight lang din ako pabalik ng France sa bukas dahil may kailangan pa akong tapusin. Dadaan lang ako ng pilipinas sandali pero babalik din ako agad."
Sagot niyang nagpa kamot ulo sa akin. Hindi pa ba ako nasanay? Kung makapag world tour itong si Ate Celestine ay akala mo ay Jeep lang ang pagitan ng bawat bansa.
Nag announce na ang captain ng private plane, kung kaya'y agad naming ikinabit ang aming mga seatbelts.
Kasabay noon ay ang pag start ng engine at ang unti unti pag angat ng eroplano. Napatanaw ako sa labas ng bintana.
I feel nervous. The thought of meeting him kept crossing my mind. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Move on Leigh Irish,simpleng crush lang iyon.
"I heard nauna na si Lucas doon?"
Tanong ni Ate Celestine. Napatango nalamang ako.
"Uhm yes. Susunduin na lang daw tayo dahil may inaasikaso raw siya ehh. . . "
Sagot ko. Nagsalubong ang kilay nito.
"That orphanage again?"
She asked. Tumango ako sa kanya.
"Yeah, I heard balak niyang ampunin yung isa sa mga batang napalapit sa kanya doon. Mukhang desidido na siyang maging single forever ehh. . . Kaso ayun nga lang ay wala siyang asawa kaya di pa niya pwedeng ampunin."
Kibit balikat na sabi ko napangisi roon si Celestine.
"Knowing Lucas Ranaldi? He will plan another stunt just to get what he wants."
Ate Celestine rolled her eyes. That made me chuckle. She's right, I can picture that crazy guy doing that.
"Alukin na lang kaya niya si Jonarlene? BFF naman sila ehh. Saka para naman matupad na yung pangarap ng ambisyosang palakang yun na crush na crush si gagong Lucas."
Saad pa niya. Ngumiti na lang akong humalukipkip sa tabi at nanahimik na lamang.
Buong byahe ay nakatulala lamang ako. Nag lalakbay ang isipan at kinakabahan.
I puffed a harsh breath as I look outside the window. Tanging mga ulap lamang ang makikita.
As much as I wanted to appreciate the view; hindi ko magawa dahil kinakabahan ako. Well of course paano kung malaman ng mga taong iyon na uuwi ako diba? Yeah that's just it. . .
Again I sighed as I closed my eyes and decided to sleep. Medyo natagalan rin bago ako nakatulog pero kalunan ay unti unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.
Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
Nang magising ako ay nasa ere pa rin kami. Napahaba ata ang tulog ko dahil madilim na ang langit.
Napahikab akong umayos na ng upo. Kumain muna kami ni Ate Celestine saka naghintay pa ng isang oras hanggang sa marinig na namin ang announcement.
Ikinabit na namin ang aming mga seatbelts habang dahan dahang lumapag ang private plane na sinasakyan namin sa hideout at nang pwede ng lumabas ay agad na kaming tumayo.
Nagsuot muna ng karaniwang maskara si Ate Celestine saka kami tuluyang lumabas.
"Good Evening Lady Violet."
Bati sa kanya ng mga nadadaanan naming mga taong pawang nakamaskara rin. Ang alam ko kasi ay silang tatlo nina Ate Ruby, Ate Rhia at ang mga asawa nila ang superiors na namumuno rito.
Isa itong non government justice organization na puno ng secret agents.
Dala dala namin ang mga maleta naming naglakad hanggang sa may tumigil na magarang kulay lilang kotse sa aming harapan.
Pagka sakay na pagkasakay namin roon ay agad itong humarurot paalis. at tulad sa unang daan ko rito tatlong taon na ang nakararaan ay dumaan kaming muli sa underground tunnel.
Iba't ibang magkakaibang kulay ng sasakyan ang mga nakakasalubong namin. Bumubusina ang mga ito sa tuwing makakasalubong ang sasakyan namin.
"Malapit na tayo. Kay Lucas ka na sumabay at may dadaanan pa ako."
Kibit balikat nito. Ngumiti na lamang akong tumango bilang sagot. At nang makarating kami sa parking lot ng isang Club na pag mamay ari daw ni Ate Red ay agad kaming lumabas.
Gaya ng inaasahan ay nandoon na si Kuya Lucas at naghihintay. Nakasandal lamang ito sa kanyang kotse.
"Thank you sa pag hatid."
Sabi ko dun sa driver kanina. Tumango lang itong muling dumaan sa secret passage at umalis.
"Hi Kuya Lucas!"
Bati ko saka niyakap ito.
"Welcome back Leigh! Nako, tiyak nabmatutuwa si gagong T—"
Natigilan ito saka tumikhim at ngumiti.
"Matutuwa ang pamilya mong umuwi ka. Alam ba nila?"
Tanong niya. Ngumiti akong umiling.
"Actually no, gusto ko silang surpresahin sa pagdating ko."
Ngisi ko. Napatango ito roon. Doon ko lang napansin na kasama din pala niya ang asawa ni Ate Ruby.
"Hello po! How is Ate Ruby?"
Masayang bati kong ikinangiti nito.
"She's doing great. I'm actually on my way to fetch her and our sons,."
He chuckled.
"Glad to know that."
Sambit ko.
"Anyways, the Phantom org did a great job protecting you. You even had a chance to explore things freely. Nang hindi ka nakikita ng mga taong iyon. We are still trying to track them down for years, pero mukhang konektado sila sa organization na kalaban namin years ago. But we are doing all we can para naman hindi ka na tago nang tago."
Dagdag nito
"And thanks a lot for that."
Ngiting sabi ko. I'm really thankful that I met all these amazing people.
"Oyy tara na!"
Hirit ni Kuya Lucas. Naiiling na tumango ako doon saka sumakay na sa sasakyan.
"Lezgooooo!"
Malapad ang ngiting saad niya saka ipinaharurot na ang kotse. Napailing na lamang akong tumingin sa labas ng bintana.
Tumagal ng kalahating oras ang byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon at pansin kong mula rito ay maingay ang garden.
May party ata?
"Baka nandyan yung mga baliw. Tinawagan ako kanina ni Zayne chikadoro at guluhin daw namin Kuya Vin mo."
Natatawang sabi nito.
"Ma'am Leigh! Hala ka! Umuwi pala kayo!"
Gulat na saad ni manong Jack Cole. Na mukhang nakatokang magbantay, kasama nito ay marami pang mga guards na mukhang bago lang dahil hindi ko sila namumukhaan.
"Ah eh opo. Susurpresahin ko po sana sina Kuya."
Ngiti ko.
"Oh sya sige't pumasok na kayo, nasa garden sila kasama ng mga kaibigan ng kuya mo nagbabarbeque partey."
Saad niya saka binuksan na ang gate namin. Nginitian namin syang tumango.
"Ah sige salamat po!"
Sagot ko. Si kuya Lucas naman ay ipinasok na ang sasakyan sa loob saka ipinarada ang kotse sa parking lot sa tabi ng ilan pang magagarang kotseng nakaparada.
Malapad itong napangiting hinawakan ang kamay ko pagkalabas namin ng kotse.
"Why are you smiling like that?"
Kunot noong tanong ko.
"Wala lang."
Ngising sabi niya saka nagkibit balikat. Naningkit ang mata ko dahil doon. Yung ngiti niya kasi ay yung ngiti niya kapag may gagawin siyang kalokohan. Ngumiti lang ito muli ng kahina hinala saka iginiya na ako papunta ng garden.
"Hello Everyone! Million fans arawnd de world!"
Masayang bati niya dahilan para magsilingunan sa amin ang mga kaibigan nila Kuya.
Bahagya pa silang natigilan nang makita ako.
But only one man caught my attention.
Kumalabog ang puso ko at bahagya pang nanghina nang magtagpo ang aming mga mata. Nahigit ko ang hiningang tila ba tumigil ang oras habang nakatitig lamang sa pares ng mga matang iyon na patuloy na gumugulo sa aking sistema.
I don't understand. . . My heart still beats the same after all these years.
Lalaunan ay bumaba ang tingin nito sa magkahawak na kamay namin ni Kuya Lucas.
Hinigpitan ni Kuya Lucas ang pagkakahawak roon saka kinindatan ako. Napagat na lamang ako sa aking pang ibabang labi at napalunok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top